• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 20th, 2022

New ‘Top Gun: Maverick’ Featurette Shows Cast’s Intense Pilot-Training

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE most intense film training ever… You won’t believe the training each actor had to go through!

 

 

Go behind the scenes now and see the action come to life in Paramount Pictures’ Top Gun: Maverick.

 

 

(https://www.youtube.com/watch?v=Kh7OZYI-tNQ)

 

 

Watch the film May 25 in theaters and IMAX across the Philippines.

 

 

About Top Gun: Maverick

 

 

After more than thirty years of service as one of the Navy’s top aviators, Pete “Maverick” Mitchell (Tom Cruise) is where he belongs, pushing the envelope as a courageous test pilot and dodging the advancement in rank that would ground him. When he finds himself training a detachment of Top Gun graduates for a specialized mission the likes of which no living pilot has ever seen, Maverick encounters Lt. Bradley Bradshaw (Miles Teller), call sign: “Rooster,” the son of Maverick’s late friend and Radar Intercept Officer Lt. Nick Bradshaw, aka “Goose”.

 

 

Facing an uncertain future and confronting the ghosts of his past, Maverick is drawn into a confrontation with his own deepest fears, culminating in a mission that demands the ultimate sacrifice from those who will be chosen to fly it.

 

 

Directed by Joseph Kosinski, Top Gun: Maverick stars Tom Cruise, Miles Teller, Jennifer Connelly, Jon Hamm, Glen Powell, Lewis Pullman, Charles Parnell, Bashir Salahuddin, Monica Barbaro, Jay Ellis, Danny Ramirez, Greg Tarzan Davis with Ed Harris.

 

 

The film is written by Ehren Kruger and Eric Warren Singer and Christopher McQuarrie, based on the characters created by Jim Cash & Jack Epps, Jr.  Produced by Jerry Bruckheimer, Tom Cruise, Christopher McQuarrie, and David Ellison.

 

 

Top Gun: Maverick is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.

 

 

Follow us on Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/  and YouTube at  https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw.

 

 

Connect with #TopGun and tag paramountpicsph

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads April 20, 2022

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Filing ng ITR, walang extension – BIR

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG ng extension sa pagpa-file ng taunang income tax returns ngayon taon, ayon sa  Bureau of Internal Re­venue  (BIR).

 

 

Ayon kay BIR De­puty Commissioner Atty. Marissa Cabreros, hanggang kahapon, April 18  ang deadline sa paghahain ng ITR.

 

 

“All info on filing have long been posted sa website and FB page ng BIR. FB account ng BIR has been uploading daily reminder. All Regional Offices and District Offices have also been campaigning for the filing deadline today,” paliwanag ni Cabreros.

 

 

Una nang naitakda ang deadline sa filing ng ITR noong April 15 pero nalipat ng April 18 dahil sa pagdiriwang ng Semana Santa. (Gene Adsuara)

Phl Consulate General sa New York umapela ng pag-unawa sa mga botante kasunod ng delay sa delivery ng mga balota

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA ng pag-unawa ang Philippine Consulate General sa New York sa mga Pilipinong botante doon kasunod delay sa shipment ng election paraphernalia mula sa Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Consul General Elmer Cato na asahan ng mga Pilipinong botante sa New York at mga katabing lugar na matatanggap nila ang kanilang election packets sa mga susunod na araw kasunod ng delivery ng ilang libong balota sa post office kamakailan.

 

 

Sisikapin din aniya nila sa Philippine Consulate General sa New York na makakuha ng mas marami pang balota para sa mga Pilipinong botante doon sa mga susunod na araw sa kabila ng delay sa arrival ng election materials.

 

 

Kahit pa aniya maging sila ay kulang na rin sa tulog at pagod na rin ay patuloy nilang gagampanan ang kanilang election duties, kaya umaasa sila na mapagbibigyan ang apela nilang pag-unawa sa kasalukuyang sitwasyon.

 

 

Magugunita na Abril 10 nang magsimula ang overseas absentee voting pero ang mga botante sa northeast ng America ay hindi nakaboto sa araw na iyon dahil na rin sa delay sa delivery ng election paraphernalia.

 

 

Abril 11 na nang matanggap ng Philippine Consulate sa New York ang mga vote counting machines at iba pang election paraphernalia na gagamitin sa 2022 elections.

Obiena flag-bearer sa Vietnam SEAG

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SI WORLD  No. 5 pole vaulter Ernest John Obiena ang tatayong flag-bearer ng Team Philippines sa opening ceremony ng 31st Southeast Asian Games sa MNy Dinh National Stadium sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Hindi pinayagan ng Vietnam ang pagkakaroon ng Pinas ng dalawang flag-bearers sa katauhan nina Obiena at Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

 

 

“There could only be one flag-bearer for each country. We nominated Hidilyn and EJ, but it was turned down,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino. “Like Hidilyn, EJ has all the qualifications to be our flag-bearer.”

 

 

Kapwa target nina Diaz at Obiena ang ikalawang sunod na gold medal sa women’s weightlifting at men’s pole vault events, ayon sa pagkakasunod, sa Vietnam SEA Games sa Mayo 12-23.

 

 

Noong 2019 Philippine SEAG ay lumundag si O­biena ng  5.45 meters para kunin ang gintong medalya.

 

 

Matapos ang dalawang taon ay nagposte ang Tok­yo Olympian ng bagong Asian men’s record na 5.93m na inilista niya sa Innsbruck, Austria.

 

 

Bukod kay Obiena, ang iba pang sasalang sa athletics event ay sina Kristina Knott (200m), Eric Cray (400m hurdles), Christine Hallasgo (marathon), Aries Toledo (decathlon), Clinton Bautista (110m hurdle), Williamn Morrison III (shot put), Melvin Calano (javelin), Natalie Uy (pole vault) at Sarah Dequinan (heptathlon).

Advance ang birthday celebration sa Thailand: XIAN, ipinagsigawan sa lahat kung gaano ka-in-love at kabaliw kay KIM

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAARAWAN ni Kim Chiu kahapon, April 19.

 

 

At nag-advance celebration na nga sila ng boyfriend na si Xiam Lim nang sa unang pagkakataon ngayong pandemic ay nakalabas sila ng bansa at nagbakasyon sa Thailand.

 

 

At panalo ang birthday message ni Xian sa kanyang Instagram account para kay Kim.  Talagang ipinagsigawan nito sa lahat kung gaano siya ka-in-love at kabaliw kay Kim.

 

 

Sabi ni Xian, “To my person that makes my heart beat faster and slower at the same time.  To my person that genuinely thinks of others before herself.

 

 

“To my person that loves unconditionally and is naturally born with a kind heart.  To my person, to my always, happiest birthday! “Millions of people love you. I love you and I’m crazy about you. Enjoy your day love. Breathe, slow down, cherish the moment.”

 

 

***

 

 

KAHIT kasal na, wala muna raw sa plano ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro na mag-baby na sila ng mister, ang Irish na si David Rainey.

 

 

Sey niya, “Ano pa, medyo matagal-tagal pa kasi nga, parang gusto ko munang i-enjoy ‘yung time namin together ni David. Gusto pa naming mag-travel and feeling ko nga, parang kailangan mentally, emotionally, physically and spiritually prepared ako.

 

 

“Kasi, may mga nagsasabi sa akin na ang pagbubuntis, para kang nagre-ready sa marathon. Like the other day, nasabi sa akin ng nanay ko na ‘yung kapatid ko, na-labor niya ng 2 days. Two days!  

 

 

Eh, kapag may period ako, parang hindi ko na alam ang gagawin sa buhay ko, mabuntis pa kaya?

 

 

      “So siguro, hindi pa ako nagmamadali na ma-positive.”

 

 

Pauunahin na muna raw niya ang bestfriend na si Angelica Panganiban na kasalukuyan ngang buntis. Katwiran ni Glaiza, para mas marami raw siyang makuhang “nanay tips.”

 

 

     “Ngayon pa lang, ang dami ko nang nakukuhang tips sa kanya. Ang sarap lang sa pakiramdam na ‘yung journey namin together bilang magkaibigan, nakarating na sa ganito. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na baby na ang pinag-uusapan namin.

 

 

“Masaya ako para sa kanya and of course, hiniling niya ‘to ng matagal na and excited kami para sa kanya.”

 

 

Napag-usapan ang pagbubuntis dahil sa tema ng bagong primetime series ni Glaiza sa GMA-7 kunsaan, makakatambal niya sa unang serye nito bilang Kapuso si Xian Lim, ang False Positive na dinirek ni Irene Villamor.

 

 

Romcom ang genre ng False Positive na may halong fantasy dahil nag-switch sila ni Xian at ang character ng aktor ang nag-positive at nabuntis.

 

 

Mapapanood na nga ito simula sa May 2 sa GMA Telebabad.

(ROSE GARCIA)

‘Bayaran niyo ang pinsala dahil sa climate change’

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINULIGSA ni Presidente Rodrigo Duterte ang mayayamang mga bansa na siyang dapat magbayad sa mga dinaranas ng developing nations tulad ng Pilipinas sa epekto ng climate change.

 

 

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang lingguhang Talk to the People at matapos ang pagbisita niya sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Agaton.

 

 

Ayon sa Pangulo, ang Pilipinas daw ang pinakadelikado sa epekto ng climate crisis dahil sa average na halos 20 mga bagyo ang dumadaan kada taon.

 

 

Sinisisi rin nito ang mga mayayamang mga bansa sa epekto ng climate change lalo na raw dahil ang mga ito ang malakas na gumamit ng carbon sa kanilang mga factories, mga bahay at sasakyan kumpara sa mga developing countries.

 

 

“Yung resulta ng pollution ng ibang countries, tayo ang sumasalo. Pagdating sa damage tayo rin ang pinakakawawa,” ani Pres. Duterte. “Sila yung may pinaka maraming factory and in some industrialized places halos every kanto may factory… unfortunately sila ‘yung biggest contributor ng carbon emissions dito sa mundong ito.” (Daris Jose)

Higit 1K bilanggo sa Manila City Jail may TB

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na mahigit 1,000 bilanggo sa Manila City Jail ang dinapuan ng pulmonary tuberculosis.

 

 

Tiniyak naman ni BJMP National Capital Region (NCR) spokesperson Midzfar Omar na ang mga naturang preso ay kasalukuyan nang naka-isolate at nilalapatan ng lunas.

 

 

Mayroon pa umanong nasa 200 pang bilanggo ang naghihintay ng resulta ng kanilang confirmatory tests.

 

 

Nabatid na mayroong 5,000 PDLs sa male dormitory ng MCJ.

 

 

Una nang iniulat ng BJMP-NCR na mahigit 100 PDLs ng Pasay City Jail ang naka-isolate dahil hinihinalang dinapuan ng pulmonary TB.

Kasama sa makikita sa bago niyang vlog… BEA, nakapagpatayo na ng Beati Farm Chapel at puwede nang mag-Holy Mass

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na mami-miss na naman ng kanyang mga fans ang mahusay na Kapuso actress na si Jo Berry dahil sa Friday, April 22, ay magtatapos na ang Little Princess.  

 

 

Kaya wish nga ng mga followers ng afternoon prime drama na masundan daw agad ito ng bagong serye, na magtatampok muli kay Jo.

 

 

Sa isang interview bago nagtapos ang taping ng serye, nabanggit pala ni Jo, na muntik na  siyang mag-apply muli bilang isang call center agent.

 

 

Hindi naman kasi problema iyon kay Jo dahil bago siya napasok mag-artista, sa first serye niyang Onanay, ay iyon ang work niya, kaya nang magkaroon ng pandemic, nagplano nga siyang balikan iyon.

 

 

   “Nang magka-pandemic po tayo, hindi ko na sure kung may babalikan pa akong career, dahil nahinto nga lahat ng mga tapings at live shows, dahil sa lockdown,” kuwento ni Jo.

 

 

“One year din iyon, kaya labis ang pasasalamat ko nang i-offer sa akin ang Little Princess.’

 

 

Maraming mahihirap na eksenang ginawa si Jo sa serte kaya naman bilib na bilib ang mga netizens sa kanya, na kahit saang time slot daw ilagay ay lagi itong nagri-rate.

 

 

Thankful din si Jo dahil after nila ng lock-in taping ng serye, patuloy din siyang binibigyan ng guest appearances sa iba pang shows ng GMA, kaya labis-labis ang pasasalamat niya.

 

 

Marami pang aasahan na magagandang eksena sa Little Princess hanggang sa finale episode nila sa Friday, after ng Prima Donnas.

 

 

***

 

 

BALIK-TAPING na ang Philippine adaptation ng GMA ng Korean drama series na Start-Up na pinagtatambal nina Alden Richards at Bea Alonzo, after nilang mag-submit muli sa swab-test last Monday, April 18.

 

 

Tuluy-tuloy na raw ang taping nila at magbi-break lamang sila sa election day sa May 9, para sa kanilang taping in Metro Manila.  Ang second leg ng taping ay out-of-town na sila.

 

 

Anyway, natuloy pala si Bea na mag-stay sa kanyang Beati Farms sa Iba, Zambales with her family during the Holy Week.

 

 

Kaya nakagawa siya ng bagong vlog tungkol sa ipinatayo nilang Beati Farm Chapel, sitted sa 40 sq.m. lot inside the farm.

 

 

Tapos na ang pagkagawa, sa pamamahala ni Mommy Mary Ann niya na siya ring nag-design ng chapel at tinulungan daw sila ng Catholic Trade Manila, dahil may mga rules palang dapat sundin sa pagtatayo ng isang chapel.

 

 

Ngayon daw ay pwede na silang mag-invite ng mga karatig farms nila para mag-celebrate sila roon ng Holy Mass every Sunday or kung may occasion na dapat i-celebrate.

 

 

Kasama rin sa bagong vlog ni Bea ang bagong tayo niyang gym at ang lumalaki niyang piggery sa farm, bukod pa sa mga fruit-bearing trees doon.

 

 

***

 

 

MAGDIDIREK na rin muli ang multi-awarded director at actor na si Carlos Siguion-Reyna, para sa GMA Network, ang Apoy Sa Langit, sa Afternoon Prime drama series, na sabi’y siyang magpapainit ng ating mga hapon.

 

 

Kaya excited na ang mga netizens kung ano ba ang Apoy Sa Langit, na magtatampok kina Zoren Legaspi at Maricel Laxa-Pangilinan.  

 

 

Makakasama nila sa cast sina Mikee Quintos at Lianne Valentin.  Muling aarte sina Ramon Christopher at Mariz Ricketts na matagal-tagal na ring nagpahinga sa pag-arte.  Ilan pa sa bubuo ng cast sina Dave Bornea, Coleen Paz, Patricia Ismael at Mio Maranan.

 

 

Masaya ang perpektong pamilya nina Cesar (Zoren), Gemma (Maricel) at Ning (Mikee), nang dumating sa buhay nila si Stella (Lianne) na magpapabago sa kanilang buhay.

 

 

Mapapanood ang Apoy sa Langit, simula sa May 2, kapalit ng Prima Donnas.

(NORA V. CALDERON)