• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 26th, 2022

Estudyante, 4 pa isinelda sa P448K shabu Malabon, Navotas

Posted on: April 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.4 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa limang bagong indentified drug personalities, kabilang ang 18-anyos na estudyante matapos malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon na nagbebenta umano ng ilegal n droga sina John Marcos Valentin alyas “Labo”, 18, Student, Allen Santos, 34, at Rodolfo Delabajan Jr alays JR, 18, pawang residente ng Navotas City.

 

 

Dahil dito, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU, kasama ang Sub-Station 2 ang buy bust operation dakong alas-9:50 ng gabi sa Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog na nagresulta sa pagkakaresto sa mga suspek.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang umaabot sa 60 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P408,000 at P1,000 marked money.

 

 

Sa Navotas, nadakma naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging sa buy bust operation sa Badeo 5, Brgy. San Roque alas-12:30 ng madaling araw si Julius Dela Cruz alyas”Jay”, 45 at Rosauro Llanes alyas “Rotrot”, 47, matapos bintahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na umakto bilang poseur-buyer.

 

 

Nasamsam sa kanila ang nasa 5.9 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P40,120 at buy bust money.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Inilabas lang ang galit at baka ‘di na kayanin: KEN, first time mag-rant dahil sa ka-close na sinisiraan siya

Posted on: April 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAREHONG passionate ang pagsuporta at pangangampanya ng mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta.

 

 

Si Jolina ay ilang campaign rally na rin ng tandem nina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan ang pinuntahan niya at madalas, kasama nilang mag-asawa ang dalawang anak na sina Pele at Vika.

 

 

Si Mark naman, as in lahat yata ng campaign rally nina VP Leni at Sen. Kiko ay present ito. Mapa-Metro Manila o sa malalayong lugar outside Manila.  Kasama ni Mark ang banda niya na Rivermaya.

 

 

At sa Facebook post ni Mark, tahasan niyang itinanggi na silang mga celebrities o performers sa campaign rally ay hindi naman talaga volunteers kung hindi, mga bayad.

 

 

Sabi ni Mark, “Meron pa rin daw ayaw maniwala na hindi kami binabayaran para sa suporta namin sa People’s Campaign.

 

 

      “Ang lungkot naman ng mundo mo kung iniisip mo na pera ang nagpapatakbo ng lahat.  Aanhin natin ang pera kung wala naman ang tunay na PAG-ASA dahil sa BULOK na sistema?

 

 

“Excited na nga kaming magcontribute sa sweldo ni President Leni at Vice President Kiko. Tuloy lang ang laban para sa maayos na kinabukasan!”

 

 

***

 

 

MINSANG nga lang mag-post sa kanyang social media ang Kapuso leading man na si Ken Chan ng rants kaya naman napansin agad ito ng kanyang mga followers.

 

 

Ang unang Twitter post ni Ken tungkol daw sa taong namba-backstab sa kanya o sinisiraan siya sa talikuran, “Don’t worry about what people say behind your back, they are the people who are finding faults in your life instead of fixing the faults in their own life.”

 

 

      Sinundan niya nang, “Reminder: huwag na huwag kang maninira ng ibang tao masama yun, lalo na wala namang atraso sayo yung taong sinisiraan mo.

 

 

      “Nakatingin sayo si Lord.”

 

 

      “Nagtaka ka pa kung bakit ganito mga posts ko ah. Tanungin mo kaya sarili mo kung bakit.

 

 

      “Realization: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sayo ay kaya kang siraan. Buti na lang talaga…”

 

 

At saka nila nilinaw na hindi raw niya kamag-anak ang tinutukoy niya sa mga post niya. Aniya, “Hindi ko po kamaganak yung pinatatamaan ko sa mga posts ko.”

 

 

      At humingi rin ito ng paumanhin sa kanyang mga followers sa sunod-sunod na posting niya ng pagra-rant.

 

 

Aniya, “Ngayon lang ako nagpost ng mga ganito. I’m sorry guys kailangan ko lang ilabas ang galit na nararamdaman ko. Pasensya na naapektuhan kayo. Hindi ko lang din kasi kinaya…

 

 

      “Kapag nagrant ako at nilabas ko ang saloobin ko baka hindi niyo kayanin kaya ok na ito. Salamat sa inyong lahat!”

 

 

      Pero mukhang dahil sa biglang pagiging open niya ng saloobin sa socmed, nag-tweet ito na balak na raw ituloy ang YouTube niya at mga pa-Facebook Live niya dahil na-miss daw niya ang mga fans.

(ROSE GARCIA)

Peace covenant sa halalan, nilagdaan ng mga kandidato sa Basilan, Sulu at Tawi-tawi

Posted on: April 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUMAGDA sa isang peace covenant ang mga kandidato sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, na isinagawa sa Basilan State College, Isabela City, Basilan nitong Sabado.

 

 

Ayon kay Atty. Ray Sumalipao, Regional Election Director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang peace covenant ay para sa sure, accurate, and free and fair elections (S.A.F.E) sa Mayo 9.

 

 

Ang aktibidad ay pinangunahan mismo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Saidamen Pagarungan at Comelec Commissioner Erwin George Garcia.

 

 

Kasama ring lumagda ang mga opisyal ng AFP sa pangunguna ni Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., na kumatawan kay AFP Chief of Staff General Andres Centino.

 

 

Lumagda rin ang mga opisyal ng PNP sa rehiyon sa pangunguna ni Area Police Command – Western Mindanao Commander Police Lt. Gen. Jose Chiquito Malayo, na kumatawan kay PNP Chief General Dionardo Carlos.

 

 

Sa kanyang mensahe, nagbigay-pugay si Wesmincom Commander Lt. Gen. Rosario sa mga kandidato sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi sa kanilang buong suporta sa makatotohanan, maayos, at mapayapang halalan.

 

 

“I salute all our political candidates from Basilan, Sulu, and Tawi-Tawi for your gesture of support for our quest for an honest, orderly, and peaceful election. Rest assured that your armed forces will go the extra mile to ensure that everyone is always safe and secured especially during the election period,” pahayag ni Lt.Gen. Rosario.

 

 

Kasabay nito, tiniyak ng Heneral na gagawin ng militar at pulisya ang lahat para masiguro ang seguridad ng lahat sa darating na halalan.

 

 

Una ng sinabi ni Comelec Chairman Pagarungan na nasa 12 lugar sa Maguindanao at Lanao del Sur kabilang ang probinsiya ng Basilan ang posibleng isailalim sa Comelec Control. (Daris Jose)

Kaya sinabihan na hilaw ang pagiging Kakampinks… VICE GANDA, kapansin-pansin ang ‘di pag-i-endorse kay Sen. KIKO

Posted on: April 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISA si Vice Ganda na surprise guest sa NCR grand rally ni Vice President Leni Robredo na ginawa sa Pasay City noong Sabado.

 

 

Birthday ni VP Leni that day kaya mas special ang pagtitipon ng mga Kakampinks para sa presidential aspirant.

 

 

Pero ang napansin ng ibang dumalo sa rally ay ‘yung hindi raw pag-endorse ni Vice Ganda sa kandidatura ni Senator Kiko Pangilinan.

 

 

Kahit na raw isinisigaw ng mga tao na i-endorse ni Vice si Kiko ay hindi naman daw ito ginawa ng sikat na personalidad.

 

 

Kaya marami ang nagtaka why Vice Ganda did not endorse Kiko’s candidacy. Si Leni lang daw ang iniendorso ng It’s Showtime TV host.

 

 

Pero nung group photo naman ay tinawag ni Vice si Kiko at nagyakapan pa sila.

 

 

Sabi naman ng isang defender ni Vice, huwag daw natin pilitin si Vice na sabihin kung sino ang gusto niyang ibotong VP dahil personal choice naman daw iyon.

 

 

Pero imposible naman daw na hindi iboboto ni Vice si Kiko eh friends naman sila ni Sharon Cuneta.

 

 

Baka raw nalimutan lang ni Vice to endorse Kiko dahil focused ito kay VP Leni who is celebrating her birthday.

 

 

So dahil friends sila ni Sharon so pwedeng isipin na sure na sure na si Kiko ang iboboto ni Vice.

 

 

Dating supporter ni Pres. Duterte si Vice kaya maraming kakampinks ang natutuwa na supporter na ito ni VP Leni ngayon.

 

 

Pero ayon naman sa ilan tao, hindi kumpleto ang pagtalikod ni Vice Ganda kay Digong dahil hindi nito kinondena ang mga maling ginawa ng Pangulo while in office.

 

 

Kaya para sa iba, hilaw ang pagiging miyembro ng Kakampinks ni Vice Ganda.

 

 

***

 

 

NI-REVEAL na ni Jake Cuenca na break na nga sila ni Kylie Versoza via a photo na umiiyak siya.

 

 

Pero hindi pinalampas ng bashers ang post ng binata.

 

 

Ayon sa kanila: “Napakawalang sincerity naman yang ipopost mo pang umiiyak ka. Mas lalong plastic ang datingan. Besides ano nga ulit work mo? Ah artista. Sige na nga nasaktan ka din. So di ka na nega. Charot!”

 

 

“Yuck this is just so low! Cheap to the max! Super drama.”

 

 

“Turn off.”

 

 

Wala pang sagot si Jake sa comment ng basher.

 

 

***

 

 

OBVIOUS na wala sa kanyang sarili o parang lutang ang isip ni Kylie Versoza nang dumalo siya sa face to face presscon ng Viva for the movie Ikaw Lang ang Mahal noong Friday sa La Reve Restaurant.

 

 

Halatang Kylie is trying to put up a brand front. She is definitely hurting.

 

 

Masakit nga naman na mawalan ng minamahahal. Pero hanga rin kami sa tapang ni Kylie na pagharap sa press kahit na may chance na tanungin siya about the issue.

 

 

Pero careful si Kylie sa pagsagot ng mga tanong. Kung pwede umiwas o kaya ay maigsing sagot lang, ‘yun lang ang pinapaunlak ni Kylie.

 

 

Nirespeto naman ng press ang choice ni Kylie. Hindi naman siya masyadong inurirat. Pero may nag-try pa rin na makakuha ng sagot kay Kylie tungkol sa breakup by crafting leading questions na hindi pinatulan ni Kylie.

 

 

Actually, pwede ngang hindi dumalo si Kylie sa presscon kung gusto niya. Pwede niyang idahilan na she is hurting inside because of the breakup kaya ayaw muna niyang humarap sa press.

 

 

Pero in fairness kay Kylie, hindi siya nag-break down kahit pa medyo naapektuhan siya sa ibang mga tanong.

 

 

Kasama ni Kylie sa movie na dinirek ni Richard Somes sina Zanjoe Marudo at Cara Gonzales.

 

 

Pinuri naman ni Direk Richard ang performance ng kanyang mga artista. Mahuhusay daw lahat ang mga ito.

(RICKY CALDERON)

PAGSISIYASAT SA DI PAGBABAYAD NG VENUE SA DEBATE, TINATAPOS NA

Posted on: April 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na matatapos ngayong linggo ang pagsisiyasat nito sa kabiguan ng kasosyo nito na magbayad sa hotel na ginamit bilang venue para sa presidential at vice presidential debate nito, sinabi ng isang poll official noong Linggo.

 

 

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na pinangunahan ni  Commissioner Rey Bulay ang imbestigasyon sa kontrobersya na nagpilit sa poll body na ipagpaliban ang huling dalawang debate sa halalan, na nakatakdang maganap ngayong weekend.

 

 

Ang pinal na  Comelec-organized vice presidential at presidential debates ay ipinagpaliban sa April 30 at May 1, mula sa dating April 23 at 24.

 

 

Ipinagpaliban ang debate matapos a matuklasang ang event organizer  Impact Hub Manila ay bigong mabayaran ang obligasyon nito sa  Sofitel Philippine Plaza, na halagang  P14 milyon.

 

 

Ayon sa Sofitel paulit-ulit silang inisyuhan ng  Impact Hub ng talbog na tseke

 

 

Bulay is asking for a week to complete the probe, said Garcia. “Hopefully, bago matapos ang Friday na ito ay atin pong malalaman na kung anong result ng investigation.”ani Garcia.

 

 

Tiniyak ng komisyoner na ang poll body ay magiging “very transparent” sa mga resulta ng imbestigasyon.

 

 

“We will be very, very transparent dahil walang katumbas ‘yong transparency doon sa kahihiyan na inabot, halimbawa, initially ng Commission on Elections,” pahayag ni Garcia .

 

 

Umapela rin ito sa publiko na huwag munang magbigay ng hatol sa sinuman habang hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon.

 

 

Inulit ni Garcia na ang Comelec ay hindi nag-isyu ng pondo para sa debate at ipinaliwanag na ang Impact Hub Manila ay pinayagang makalikom.ng pera sa pamamagitan ng advertisements  na siyang gagamitin na pambayad sa hotel.

 

 

Ikinalungkot ni Garcia na ang naturang miscommunication ay nakaapekto sa Comelec at sa integridad nito.

 

 

“Yung miscommunication ay miscommunication nila. But hindi dapat madamay ang end-user. Kung kahit na kayo’y naglalabanan, ano man ang pinanggagalingan ng inyong misinformation, miscommunication, whatsoever, ang importante hindi nadadamay yung mismong end-user,” sabi ni Garcia.

 

 

“Kasi tatandaan natin na ‘yang end-user ay isang Constitutional body na responsable sa mga mamamayan. Sa bandang huli, ang mga mamamayan ang kausap nila dito, hindi naman ang Commission on Elections lang. Pinagkatiwalaan sila ng Comelec at mga mamamayan ma-deliver ‘yan,” aniya pa. (GENE ADSUARA)

Huling Comelec presidential, VP debates hindi na itutuloy

Posted on: April 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI NA matutuloy ang huling PiliPinas Forum 2022 na inihanda ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa maraming conflicts sa schedule ng mga presidential at vice presidential candidates dulot ng unang postponement ng mga debate na nakatakda sana noong weekend.

 

 

Biyernes lang nang sabihin nina presidential at VP candidate Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na baka hindi sila makapunta sa debates na inilipat sa ika-30 ng Abril at ika-1 ng Mayo dahil may mga ini-schedule na sila sa mga petsang ito bago ang eleksyon.

 

 

“The Commission on Elections, in partnership with the Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP), has announced that the concluding event of the Pilipinas Forum 2022 Series will no longer be Vice-Presidential and Presidential Twon Hall Debates,” wika ng poll body, Lunes.

 

 

“In consideration of the inevitable scheduling conflicts as the candidates approach the homestretch of the campaign period, and as advised by the KBP, the COMELEC will now be adopting a Single Candidate/Team-Panel interview format.”

 

 

Matatandaang hindi natuloy ang mga debate na nakatakda sana nitong nakaraang ika-23 at ika-24 ng Abril kasunod ng ilang isyu sa pagbabayad diumano sa Sofitel Hotel.

 

 

Una nang iniulat na hindi pa nababayaran ng Vote Pilipinas — na organizing partner ng Comelec — ang utang na nagkakahalaga ng P14 milyon.

 

 

Bukod pa rito, binanggit ni Sotto na nawawalan sila ng motibasyon pumunta sa rescheduled debates lalo na’t hindi naman daw dumadalo ang ilang kandidato, bagay na tila patama kina presidential at VP candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

 

 

Una nang sinabi ng kandidatong si Sen. Manny Pacquiao na dadalo lang siya sa Comelec debate kung sisiputin na ito ni Bongbong.

 

 

Dati nang hinamon ni Pacquiao si Bongbong ng “one-on-one” na debate dahil sa kanyang pag-“no show” sa mga nakaraang harapan ng mga kandidato. (Gene Adsuara)

EXHIBITION FIGHT NINA HATTON AT BARRERA TULOY NA SA HUNYO

Posted on: April 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni retired boxing champion Ricky Hatton na ito ay magkakaroon ng exhibition match kay Marco Antonio Barrera.

 

 

Gaganapin aniya ang laban ng dalawa sa Hunyo 2 sa AO Arena sa Manchester, England.

 

 

Ang laban ay nakatakda sanang ganapin noong Pebrero subalit ito ay hindi natuloy.

 

 

Sa kanyang social media sinabi ni Hatton na wala ng makakapigil pa.

 

 

Ang 43 anyos na si Hatton ay nagwagi ng dalawang division na itinuturing bilang darling of British boxing world habang ang 48-anyos na si Barrera ay mayroong titulo sa tatlong division.

 

 

Ito rin ang unang beses na paglaban ni Hatton ng magretiro noong 2012 noong patumbahin siya ni Ukrainian boxer Vyacheslav Senchenko.

 

 

Habang si Barrera ay nakaharap sina Daniel Ponce de Leon at Jesus Soto Karass noong nakaraang taon.

 

 

Nakilala din siya sa mga showdown niya kay Erik Morales, Pacquiao, Juan Manuel Marquez at Naseem Hamed.

 

 

Mayroong 45 panalo, tatlong talo at 32 knockouts si Hatton sa kaniyang career habang si Barrera ay mayroong 67 panalo, pitong talo at 44 knockouts.