• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 27th, 2022

MAG LIVE-IN PARTNER SINAKSAK NG KAPITBAHAY SA MALABON

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALUBHANG nasugatan ang 54-anyos na vendor habang nagtamo naman ng maliit na sugat ang kanyang ka-live-in matapos pasukin at saksakin ng kapitbahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa likod ang biktimang si Nelson Rama ng No. 56 East Riverside, Brgy. Potrero.

 

 

Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kinilalang si Ronaldo Reyes, 34 ng No. 65 East Riverside ng nasabing barangay.

 

 

Sa report nina PSSg Jeric Tindugan at PCpl Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief Col. Albert Barot, habang naglalaba ng kanilang damit ang biktima at kanyang live in partner na si Vivian Collantes, 52, sa loob ng kanilang bahay nang bigla na lamang pumasok ang suspek na armado ng patalim at inundayan ng saksak sa likod si Rama.

 

 

Tinangkang umawat ni Collantes subalit, sinaksak din siya ng suspek na nagawa namang masangga ng ginang kung kaya’t nagtamo lang ito ng minor injury sa kanyang dibdib.

 

 

Matapos nito, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ni Collantes sa naturang pagamutan si Rama.

 

 

Sa isinagawang follow up operation ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 sa pangunguna ni PLt. Joseph Almayda ay naaresto ang suspek habang narekober sa crime scene ang ginamit na armas. (Richard Mesa)

Pag-apruba na maamyendahan ang Oil Deregulation Law, malabo sa ilalim ng termino ni PDu30

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALABONG maaprubahan ang panukalang amiyendahan ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Ang katwiran ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza, Jr. magiging abala na kasi ang mga mambabatas sa mga election-related activities kahit pa matapos na ang halalan sa May 9 at wala ng magiging panahon para aprubahan ang pag-amyenda.

 

 

Nauna rito, tinawagan ng pansin ng Malakanyang ang Kongreso na suriing mabuti ang ilang probisyon ng Oil Deregulation Law habang ang bansa ay patuloy na niyayakap ang epekto ng Ukraine-Russia conflict sa presyo ng langis.

 

 

Hiniling ng Malakanyang sa Kongreso na rebisahin ang oil deregulation law sa gitna ng lingguhang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at kaguluhan sa Ukraine na pinangangambahang may economic impact sa Pilipinas.

 

 

Ang pagrebisa sa oil deregulation law ay kasama sa medium-term measures na napagkasunduan sa top-level special meeting na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sa kabilang dako, inaprubahan na ng  House Energy Committee  noong nakaraang Marso ang nasabing batas na naglalayong amiyendahan ang Oil Deregulation Law.

 

 

“The changes proposed under the bill include requiring oil firms to unbundle the cost of petroleum and setting the minimum inventory requirements for fuel products,” ayon sa ulat.

 

 

“We call on Congress to review the oil deregulation law, particularly provisions on unbundling the price…as well as giving the government intervention powers or authority to intervene when there is a spike and/or prolonged increase in prices of oil products,” ayon sa Malakanyang.

 

 

Sa batas na naaprubahan noon pang 1998, inalis ang kapangyarihan ng gobyerno na kontrolin ang mga kumpanya ng langis para mas lumago ang kanilang supply at magkaroon sila ng kalayaan sa pagpi-presyo ng kanilang produkto.

 

 

Nakatakda namang magpatuloy ang sesyon ng Kongreso sa Mayo 23 hanggang Hunyo 3 bago magsimula ang 19th Congress.

 

 

Samantala, inanunsyo ng mga kompanya ng langis na itataas nila ang per-liter rates ng gasolina ng ₱3, diesel ng ₱4.10, at kerosene ng ₱3.50 epektibo alas-6 ng umaga ng Abril 26. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

‘Censorship ito’: Facebook sinuspinde raw tagapagsalita ni Bongbong Marcos

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUSPENDIDO raw mula sa Facebook ang account ng tagapagsalita ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Vic Rodriguez, ayon sa kanya.

 

 

Ang sinasabing pagka-suspinde ay nangyayari ngayong fina-flag ang maraming accounts sa paglabag ng community standards ng social media platform bago halalan.

 

 

Ito ang ibinalita ni Rodriguez, Martes, na siya ring chief of staff ni Bongbong. Sinabi niya ito kahit Enero 2022 nang banggitin niya sa Rappler na “wala siyang kahit anong social media account.”

 

 

“FB/Meta suspended my account because I am for Bongbong Marcos. This action is censorship of the highest degree on a sovereign act, digital terrorism no less,” wika niya sa isang pahayag na inilabas ng Partido Federal ng Pilipinas.

 

 

“I will not appeal for I have not violated anything. My duty is to the Filipino people and not to FB/Meta.”

 

 

Ang Facebook ay pribadong kumpanya at si Rodriguez naman ay pribadong indibidwal

 

 

Inirereklamo ni Rodriguez ang diumano’y censorship sa kanya sa social media. Matatandaan na talamak noong Martial Law ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos na ama ni Bongbong ang censorship sa mga pahayagan.

 

 

Iginigiit ni Rodriguez na hindi rin daw siya nagpapaskil ng kahit na ano tungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict — na kilalang madalas magpakalat ng disinformation online.

 

 

Una nang sinabi ng ruling party na PDP-Laban, na nag-endorso kay Bongbong, na sunud-sunod na nafa-flag o “takedown” mula sa Facebook ang mga posts ng kanilang mga kandidato dahil sa paglabag sa community standards.

 

 

Ngayong Abril lang nang ianunsyo ng Meta, parent company ng FB, na tinake-down nito ang daan-daang accounts at pages sa Pilipinas na nagsasagawa ng “malicious activities” sa social media bago ang May elections.

 

 

“I will continue communicating with the many other forms of media available that are free from any filter, censorship or manipulation from foreign platform providers,” dagdag pa niya.

 

 

Hindi dapat visible sa ibang tao sa Facebook ang account ng mga suspendido sa platform, pero searchable ang isang Vic Rodriguez na nagpapakilalang tagapagsalita at chief of staff ni Bongbong .

 

 

“Up and running” naman ang opisyal na FB page niya na “Atty. Vic Rodriguez” at hindi naman nawawala sa Facebook.

 

 

Taong 2019 lang nang sabihin ng Facebook na lalabanan nila ang pagkalat ng fake news kasabay ng mid-term elections noon. Kaugnay noon, natanggal  ang pagkarami-raming pages at accounts na nagpapakalat ng misleading at hindi accurate na impormasyon.

PBA legends ‘manok’ si Robredo bilang pangulo

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINILI ng apat na da­ting Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo.

 

 

Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela at Johnny Abarrientos.

 

 

Una nang nagdeklara ng suporta kay Robredo sina Guiao at dating national team head coach Chot Reyes.

 

 

Sa video, sinabi ng mga dating PBA superstar na si Robredo ang nararapat maging susunod na lider ng bansa, batay sa kanyang katangian at track record bilang lingkod-bayan.

 

 

“Sa basketball, hindi pwedeng pa-absent-absent kapag may training or laban. Dapat laging present. You show up in the most difficult times,” ani Racela, na ngayo’y head coach ng FEU at assistant coach ng Barangay Ginebra.

 

 

“Sa basketball, hindi ka pwedeng sumuko. Laban lang ng laban, kahit na pinipilit kang i-foul out ng kalaban,” ani Abarrientos, na assistant coach ng Tamaraws at Magnolia.

 

 

“Kaya ako, bilib na bilib sa lider na taglay ang katangiang ito,” ani Lastimosa, na isa sa mga assistant coach ni Guiao sa NLEX.

 

 

Sa pangunguna ni Robredo, naniniwala sila na gaganda ang buhay ng mga Pilipino.

Meet ’The Bad Guys’ in the New Heist Caper Comedy from DreamWorks Animation

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ARE you excited to see this animated comedy flick?

 

 

Meet The Bad Guys in the new heist caper comedy from DreamWorks Animation and Universal Pictures International that will open in Philippine cinemas this April 27.

 

 

Packed with high-octane energy and sharp cultural references, the film represents a bold, stylish, new artistic direction for DreamWorks Animation.

 

 

“The Bad Guys successfully tweaks the heist genre for families and commits to it with energy and cool embedded in everything,” DreamWorks Animation’s Margie Cohn says.

 

 

“The nonstop energetic pace; innovative, gorgeous production design; cartoony elements in pristine CG animation; lighting; score; our perfect cast—it adds up to an immersive experience with a tone unlike any other animated movie.” 

 

 

The Bad Guys brings together actors whose distinct voices brought to life the latest animated endearing crackerjack crew of animal outlaws about to attempt their most challenging con yet—becoming model citizens.

 

 

Leading The Bad Guys pack is Sam Rockwell as Mr. Wolf along with Marc Maron as Mr. Snake, Craig Robinson as Mr. Shark, Anthony Ramos as Mr. Piranha and Awkwafina as Ms. Tarantula.  Initially, The Bad Guys set out to fool the world that they’ve been transformed. Along the way, though, Mr. Wolf begins to suspect that doing good for real may give him what he’s always secretly longed for: acceptance.

 

 

So, when a new villain threatens the city, can Mr. Wolf persuade the rest of the gang to become…The Good Guys?

 

 

Mr. Wolf: Charismatic, impulsive leader of the gang and gentleman thief, Mr. Wolf oozes coolness and charm. But deep, deep down he holds out hope that the world will one day accept him and The Bad Guys.  ‘He’s a con man, but cool and charming, with a crew. They do some bad stuff, but he’s soulful; he loves his crew, and ultimately, they all have a revelation about being good,’” Rockwell says.

 

 

Mr. Snake: Expert safe cracker, and Mr. Wolf’s cynical best friend, Mr. Snake always has his guard up. When you’re born a snake, friends don’t exactly grow on trees, so Mr. Snake is prepared to do whatever possible to preserve and protect his “Bad Guy family.” Marc Maron agreed to tackle the role of Mr. Snake, he tapped into the worldview of someone who has been misunderstood since the day that he hatched. Maron says, “He’s a guy that’s got all the answers and gets things done. He doesn’t take crap from anyone.”

 

 

Mr. Piranha: Frenzied fish, and the “muscle” of the gang, Mr. Piranha is loyal, passionate, quick-tempered and wildly naive.  Ramos developed a deep affection for his hot-headed character. “It’s hilarious to play a character who is so short-tempered but so in touch with his emotions that he’ll start crying if he feels like something is wrong,” Ramos says.

 

 

Mr. Shark: Gentle giant and master of disguise. Mr. Shark is an apex predator of a thousand faces.  The film, Robinson says, has something for everyone: “Action, heists, giant meteorites that look like butts, car chases, disguises, laughter, therapy…and push pops.”

 

 

Ms. Tarantula: As the gang’s only female member, she doesn’t cut the “Guys” any slack. When she encounters an un-hackable code, she goes into “beast mode”—employing her eight legs to achieve super-cyber decrypting speeds.  Awkwafina says. “It is symbolic of how we, as humans, see ourselves, how society does and how we embody that—until we realize that we don’t have to be defined by certain things. I like the way that The Bad Guys plays with aspects of good and bad. Those are two terms that we see misconstrued all the time. We see people that look bad but aren’t, as well as people who look good but aren’t.”

 

 

(ROHN ROMULO)

Bukod sa inaabangang pagsasamaa sa sitcom: DINGDONG at MARIAN, nag-collaborate sa isang documentary tungkol sa motherhood

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NATUPAD na rin ang matagal nang request ng fans ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mapanood na muling magkasama ang kanilang mga idolo sa isang programa.  

 

 

Matagal nang working together ang mag-asawa dahil idinidirek ni Dingdong ang mga spiels ng Tadhana, ang OFW documentary hosted by Marian every Saturday, pero gusto nila ay isang teleserye na magkasama sila.

 

 

Ngayon, after a long time, balik-tambalan na ang DongYan, sa isang pinakabagong sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa.  Bukod sa sila ang mga bida sa sitcom, very hands on din ang mag-asawa sa production ng kanilang show, dahil co-production venture ito ng GMA Network with Agosto Dos Productions ni Dingdong at ng APT Productions ni Mr. Tony Tuviera, at director nila ng sitcom si Mike Tuviera. 

 

 

Ayon kina Dingdong at Marian, excited na rin silang patawanin at pakiligin ang kanilang mga fans na matagal nang naghihintay sa kanila.  At mapanood na sila every Saturday, simula sa May 14, 7:15PM, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

***

BUKOD sa sitcom nina Dingdong at Marian,, nag-collaborate din ang mag-asawa sa isang documentary tungkol sa motherhood, na ipalalabas sa GMA-7 para sa Mother’s Day.

 

 

Ipakikita rito ni Marian, ang hindi niya malilimutang journey as a Miss Universe 2021 judge that will also tackles motherhood in a documentary.

 

 

    “Handog po namin sa Mother’s Day ang isang documentary na ginawa namin tungkol sa journey niya sa Miss Universe at sa journey niya bilang ina at bilang isang ina na nasa ibang bansa,” sabi ni Dingdong.

 

 

“The documentary is titled Miss U: The Journey To The Promise Land.  Ginawa namin ang Isreal trip at ang experience ni Marian as Miss Universe judge into a documentary.  

 

 

Bihira kasing pagkakataon iyong maging isang judge, iyong makapunta kami sa Jerusalem sa Holy Land, plus iyon ang first time naming umalis after a while, na nahirapan talaga siya na iwanan nang ganoon katagal ang mga anak naming sina Zia at Sixto. 

 

 

   “Marian will be talking about motherhood, her relationship with her own mother and she will also be sharing a story of an OFW in Israel who is also a mother.  

 

 

Ayon din kay Marian, first time ito ng mommy niya na pumayag ma-interview for the documentary.  Ipapakita rin nina Dingdong at Marian ang mga lugar na pinuntahan nila sa Jerusalem. (Hindi ko imi-miss panoorin ang documentary nila bilang pagbabalik-tanaw na rin nang pumunta ako ng Holy Land, 28 years ago, on April 11, 1994, an answered prayer from God.)

 

 

Mapapanood ang Miss U: The Journey To The Promise Land sa May 7, 2:30PM after ng Eat Bulaga!

 

 

***

 

 

NGAYONG Friday, Apriil 29 after ng First Lady, na ang finale episode ng first GMA Network’s suspenserye na Widows’ Web, pero hindi pa rin matukoy ng netizens kung sino ang talagang pumatay kay AS3 played by Ryan Eigenmann.

 

 

Sa pagkamatay niya, ang na-accuse ay si Frank (EA Guzman) at nakulong.  May mga nagsabi kung sino sa palagay nila ang killer, pero mali pa rin.  Bawa’t isa kasing character ay paghihinalaang siya ang killer, ang sister ba niyang si Carmina Villarroel, ang wife niyang si Ashley Ortega, ang nakarelasyon niyang si Vaness del Moral, ang stepbrother niyang si Adrian Alandy, ang best friend niyang si Bernard Palanca?

 

 

Nawala na ang duda kay Bernard, husband ni Vaness na malaki an galit kay AS3, dahil nagkaroon ng relasyon dito and asawa, pero nagbaril ito sa sarili, hindi raw siya ang killer.

 

 

Kaya puring-puri ng netizens ang story at buong cast ng Widows’ Web. Sabi nila: “Ang intense ng mga eksena,” “ilang gabi na lang pero paganda pa nang paganda ang mga eksena,” “kudos to #widowswebfamily.” 

(NORA V. CALDERON) 

Bagong Omicron subvariant ng COVID-19 posibleng magdulot ng bagong surge – OCTA

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang OCTA Research Group hinggil sa tatlong bagong subvariants ng Omicron na maaaring magresulta ng panibagong surge sa mga kaso ng COVID-19 sakaling madetect sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay biologist Fr. Nicanor Austriaco, mas nakakahawa ang BA.4, BA.5 at BA.2.12.1 kumpara sa BA.2 subvariant na kasalukuyang dominant ngayon sa ating bansa at sa buong mundo.

 

 

Aniya anuman sa mga variant na ito ay maaaring magresulta ng panibagong surge sa bansa na posibleng very mild at posibleng nakamamatay para sa mga walang immunity o humin na ang immunity. Kung kayat binigyang diin ni Fr. Austriaco ang kahalagahan ng pagkakaroon ng booster shot.

 

 

Paliwanag naman ng Department of health na ang BA.4 at BA.5 ay hindi pa cause of concern sa ngayon at hindi pa nadetect sa bansa ang bagong mga subvariants.

 

 

Base sa datos mula sa OCTA. kasalukuyang nasa very low ang covid19 risk levl sa bansa na mayroong 1.4% positivity rate, 23 percent healthcare utilization rate, at 0.67 virus reproduction rate. (Daris Jose)

‘Di big deal kay SHARON, nag-post pa sa IG niya: MARICEL, dapat irespeto sa ‘di pag-endorso kay Sen. KIKO bilang VP

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-UUSAPAN pa rin hindi pag-endorso ng Diamond Star na si Maricel Soriano kay Senator Kiko Pangilinan na ka-tandem ni VP Leni Robredo

 

 

Isa nga si Maricel sa big stars na dumalo si sa NCR grand rally nina VP Leni at Senator Kiko na ginanap sa Diokno Boulevard, Pasay City, noong Sabado, April 23, 2022, at lantarang na nga niyang inendorso ang kandidatura nito.

 

 

Si Megastar Sharon Cuneta pa ang nagpakilala kay Maricel at mahigpit ang yakap ng dalawa nang magkita at mag-beso-beso pa.

 

 

Pahayag ni Sharon, “Iilan lamang po ang tunay na reyna sa pelikula. Eto na po ang ating kaibigan. Kung ang tawag po sa akin ay Mega, eto naman ang aking at ating Diamond Star, Ms. Maricel Soriano!!”

 

 

Dumagundong naman ang palakpakan sa paakyat ni Maricel sa stage at naging bahagi ng pahayag niya ang ilang sa iconic lines mula sa pelikula, “Bilang babae at magulang, konti lang po ang pangarap ko para sa aking mga anak na alam kong pangarap niyo din.

 

 

“Yung makapagtapos ng pag-aaral, mabuting trabaho, pagkain araw-araw… may huhugutin tuwing ora de peligro.

 

 

“In short, yung umangat naman ang buhay dahil ayoko nang tinatapakan ako! Ayoko nang masikip! Ayoko nang mabaho! Ayaw natin ng walang pagkain! Ayaw natin ng putik!

 

 

“Ang gusto ko, liwanag sa dilim! Yun ang gusto ko kaya huwag niyo akong ma-Terry Terry dahil ang gusto ko, Leni! Leni! Leni! Laban! Laban! Laban! Leni! Leni! Leni!”

 

 

Natapos ang pag-I-endorso ni Marya, pero hindi nito binanggit ang pangalan ni Sen. Kiko, kaya ganun na lang pagtataka ng followers ni Sharon, na ‘yun iba ay sumama talaga ang loob sa ginawa ng aktres.

 

 

Nakiusap naman ang supporters ni Maricel sa mga tagasuporta ni Sharon at Kiko na wag nang palakihin ang isyu, at irespeto na lang ang naging desisyon ng Diamond Star.

 

 

Kaya naman naiintindihan ng netizens ang saloobin ni Maricel, lalo pa nga’t malapit din siya sa mga Sotto at Gamboa, kaya hinala ng iba, na posible nga na si Sen. Tito Sotto ang iboboto niyang Vice President.

 

 

Ilang sa naging komento ng netizens sa isyu na karamihan ay nagtatanggol kay Marya:

 

 

“Why so demanding? I’m supporting Leni as well, pero itong ugali ng ibang mga kakampink na masyadong pushy, entitled, at demanding ang lalong makakababa sa votes. Yung kay Vice Ganda rin so awkward na pinipilit nila na isama si Kiko. Parang mas napapahiya si Kiko sa mga pinag gagagawa nila.”

 

 

“Si LENI kasi ang Bida kasi Birthday nya. Ano baaa!!”

 

 

“Let her say what she wants to say. Nakalimutan or non endosement, at least she was there and that is a big enough thing in itself.”

 

 

“Lumabas nga siya as Kakampink at alam niyang maba-bash siya yet Marya did it kasi naniniwala siya kay VP Leni at team nito.”

 

 

“Because Maria will vote for Tito.”

 

 

“I am for Leni but I don’t support Kiko as VP. Wag i push kung ayaw kay Kiko as VP.”

 

 

“No! Dapat si Kiko. 6 years of gulo pag hindi kasama ni Leni ang VP nya.”

 

 

“Kailan pa naging mandatory iboto ang presidential and vpresidential from the same party! I also want Leni to win,but not really Kiko. Ano yan buy 1 take 1! Tinatanggalan nyo ng rights ang mga tao sa kung sino gusto nila iboto… such mentality is one of the reasons kaya maraming nakaupong bugok sa politics.”

 

 

“Bukod sa mas nakakalamang sa education at experience si kiko, voting for him will prevent a lot of challenges for leni. hindi sa namimilit pero investment kasi para kay vp leni kung si kiko makakasama nya. sabi nga ni heneral luna, hindi sapat un mas type natin ang iboboto. objective tayo dapat. ang boto ay hindi para sa ating sarili kundi para sa bayan.”

 

 

“Hayaan nyo na si Maria kinabahan siguro n hindi na nga sya nakalapit kay VP. Nakakanerbyos din kasi sa dami ng tao.”

 

 

“Leni lang walang kiko dahil Tito Sotto ang VP ng iba sa showbiz.”

 

 

“Ok Lang naman yan. Basta sa eleksiyon Leni-Kiko pa rin kami!”

 

 

“Naiintindihan ko si Inang Marya because she’s close wd two families: Tito Sotto and Kiko. Para fair nalang siguro. Respeto nya nalang.”

 

 

“The Leni-Kiko team needs to remain FOCUS and UNITED! So PETTY!! The opponent will use this to their advantage! DIVIDE and CONQUER!!!!”

 

 

“May endorsement o wala na galing kina Angel, Maricel at Vice, eh Si Kiko pa rin ang VP namin! No biggie!”

 

 

“Tama! Leni-Kiko is the way!”

 

 

“Bakit pahihirapan pa ninyo si Leni? Piliin din ninyo ang VP na pinili niya!”

 

 

“Marya in fact hugged Kiko in one video. Tama ka kapatid, ayaw din ni Maricel sumama loob nina Sen. Tito at misis niyang si Helen Gamboa kasi mas unang naging close si Marya sa kanila.”

 

 

“Di nga ito big deal kay Sharon eh, sa inyo pa! Sharon even posted their photos on IG! Walang issue dito. Focus tayo sa election. Magbahay bahay tayo. Leni-Kiko all the way!”

 

 

“Maricel is close to both the families of Tito Sotto and Helen Gamboa and she’s friends with Sharon. Teenager pa lang si Maricel nakatrabaho na niya si Tito in many movies (first in Age Doesn’t Matter in 1981) at si Tito ang isa sa sumulat sa single niya na “Ngayon at Habang Panahon.” Maricel is almost always present sa birthdays nina Tito and Helen, and during Ciara’s wedding.

 

 

“So probably, Maricel preferred to keep her choice of VP silent but openly endorsed VP Leni. If Maricel endorses publicly Kiko, she might offend Tito and Helen and their family. If she also campaigns publicly for Tito, then Sharon might feel offended since they’re friends. I think may pasabi na rin si Maricel kay Sharon about her decision to be silent on her VP choice.

 

 

“One thing is sure though, Maricel is loyal and consistent in endorsing VP Leni since 2016. Wala pa sina Vice, Angel, Kim sa team nina VP Leni, nandun na si Maricel with Kathniel.”

(ROHN ROMULO)

Pagbangon ng ekonomiya prayoridad ni Leni – Trillanes

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAGPAPANUMBALIK ng sigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa pamilyang Filipino, sa maliliit na negosyo, at sa mga nawalan ng trabaho ang priority ni VP Leni Robredo.

 

 

Ito ang binigyang diin ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes sa plano ni Robredo na “post-COVID recovery” na tutulong sa pagba­ngon ng mga maliliit na negosyo, o MSMEs, at papalakasin ang “purchasing power” ng mamamayan.

 

 

Ani Trillanes, na tumatakbo uli ng pagka-senador sa ilalim ng team ni Robredo, ang legislative priority ng bagong administrasyon ay isang mahabang listahan ng mga polisiyang pang-ekonomiya na magbibigay ng ayuda sa mga apektado ng pandemya.

 

 

“Kung tayo ay pala­ring maging senador muli, at kung maging presidente si VP Leni, ang unang ipapasa ko ay ‘yung kanyang post-COVID economic recovery program,” ani Trillanes.

 

 

Ang ilan sa mga panukalang ito ay ang unemployment insurance, ayuda sa mga MSMEs, at ayuda sa mahihirap na pamilya.

 

 

“Meron pong unemployment benefits tulad ng ayuda para sa nawalan ng trabaho, para may pantustos sila sa gastusin araw-araw habang nagha­hanap ng trabaho,” ani Trillanes.

 

 

“Isa rin dito ‘yung government employment program. Ito ‘yung mag-generate ng trabaho,” sabi pa niya. “Magkakaroon tayo ng subsidy o financial assistance sa mga maliliit na negosyo para private sector naman ang gagawa ng trabaho.”

 

 

Sa ilalim din ng “Ha­napbuhay Para sa Lahat,” bibigyan ng mas malaking ayuda ang mga MSMEs habang sila ay isasama sa government procurement program. (Daris Jose)

Ads April 27, 2022

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments