• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 27th, 2022

Biglaan lang ang nangyari nang sila’y magkabalikan: KRISTOFFER, inamin na wala pa sa isipan na pakasalan ang longtime gf na si AC

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Kristoffer Martin na wala pa sa isipan niya ang magpakasal sa kanyang longtime girlfriend na si AC Banzon.

 

 

Pero dahil sa naging balikan nila, ayaw na raw niyang maghiwalay sila kaya naganap ang isang civil wedding noong nakaraang February 3.

 

 

“Kami ni AC, we’ve been together for eight years na… Si Pré, five years old, so five years kami nagli-live in. Hindi talaga pumapasok sa utak ko ‘yung kasal. Sabi ko, ‘Ayoko ikasal, hindi ko gusto ‘yung thought ng kasal.’ Tapos nito lang, ‘yung issue namin, ‘di ba naghiwalay nga kami kasi may nangyari, naligaw ako ng landas, e. Alam n’yo ‘yan.

 

 

“Parang doon ko na-realize na si Lord, never iniwan ‘yung side mo. Sabi ko, na-gets ko lahat ng nangyari na ito ‘yung gusto kong gawin, e. Pinangunahan ko na naman si Lord sa mga bagay na gusto kong gawin.

 

 

Parang sinasabi niya, ‘Hindi ‘yan ‘yung plano ko sa’yo, anak. O, sige, ibibigay ko sa’yo ‘yung gusto mo, a, papakita ko sa’yo. Papakita ko sa’yo na hindi ‘yan ‘yung kailangan mo.'”

 

 

Bumalik daw si AC sa panahon na kailangan na siya ni Kristoffer.

 

 

“Sabi ko nga, ‘Kung hindi mo makita si Lord, gagamit si Lord ng ibang tao sa’yo, e.’ Kumbaga, nakita ko si AC na ginamit ni Lord as instrument. Kasi nandoon na ako sa point na hindi na ako maghahanap ng iba, e, na galing kumilos na ni Lord na hindi na ako naghanap ng iba, ng comfort sa iba. Inayos na lang niya kami ni AC.”

 

 

Noong magkabalikan sina Kristofer at AC ay agad silang nagpakasal kahit na hindi pa sila handa noon.

 

 

“As you get to know the Lord more, si God, si Jesus, makikita mo na, ‘Oo nga, parang mali ito na nagsasama tayo na wala ‘yung blessing ng marriage.’ Nag-ask kami sa mga pastors namin na, ‘Okay lang po ba kahit ganito ‘yung setup?’ Sabi nila no kasi against ‘yan sa law ni Lord.

 

 

“Ang sabi ko nga, akala namin ang kailangan namin magandang kasal, hindi pala. ‘Yung bond, ‘yung marriage mismo, ‘yun ang kailangan namin.”

 

 

***

 

 

NASA bansa na ulit pagkaraan ng dalawang taon ang former Japanese adult film actress na si Maria Ozawa. 

 

 

Nandito si Ozawa para sa soft launch ng Maria’s Room na isang online gaming portal. Naganap ang ang launch sa The Cove beach club sa Okada Manila.

 

 

Na-miss daw ni Ozawa ang magagandang beaches ng Pilipinas. Bumalik ng Japan si Ozawa noong magkaroon ng pandemic.

 

 

“I love the beaches. It’s so hard to just pick any place because I’ve been to several beaches here in the Philippines and the beaches are so beautiful. It’s so hard to just pick one, but I think I love Boracay,” sey pa niya.

 

 

Sa pagbalik ni Ozawa sa Japan ay nakipaghiwalay ito sa kanyang boyfriend na si Chef Jose Sarasola. Hindi raw kasi magwu-work ang long distance relationship sa kanilang dalawa.

 

 

Pero nasabi ni Chef Jose na naghiwalay sila ni Ozawa as friends at paminsan-minsan daw ay nagkukumustahan sila.

 

 

Ngayon at nakabalik na ng Pilipinas si Ozawa, magkaroon kaya ng balikan sa kanila ni Chef Jose?

 

 

Mukha namang super in-love si Chef Jose noong sila pa ni Ozawa dahil pinagtatanggol niya ito sa mga basher sa social media.

 

 

Puwede pa rin naman silang magbalikan, yun ay kung wala pa silang nahahanap na bagong karelasyon.

 

 

***

 

 

DIVORCE sa ikatlong pagkakataon ang aktor na si Sean Penn sa third wife niyang si Leila George.

 

 

Kinasal ang 61 year-old two-time Oscar best actor kay Leila noong kasagsagan ng pandemic noong 2020. Na-finalize na ang divorce papers nila after six months after nilang maghiwalay.

 

 

Marami sa mga kaibigan nila ang inakalang magkakabalikan sila dahil nakita silang pinapasyal ang kanilang mga pet dogs sa Los Angeles kamakailan. 31 years ang age gap ni Penn kay Leila.

 

 

Inamin ni Penn na siya ang naging dahilan kung bakit muling nag-fail ang marriage niya. Malaking dahilan daw ay ang kanyang dependence on alcohol at ang presciptive drug na Ambien.

 

 

“There’s a woman who I’m so in love with, Leila George, who I only see on a day-to-day basis now, because I f**ked up the marriage. We were married technically for one year, but for five years, I was a very neglectful guy.

 

 

I allowed myself to think that my place in so many other things was so important, and that included my place in being totally depressed and driven to alcohol and Ambien at 11 o’clock in the morning, by watching the news, by watching the Trump era, by watching it and just despairing.”

 

 

Unang kinasal si Penn sa singer na si Madonna noong 1985 at naghiwalay sila noong 1989. Second marriage niya ay sa aktres na si Robin Wright in 1996 at nag-divorce sila in 2010.

(RUEL MENDOZA)

DA, tiniyak ang mas maraming tulong matapos na sumirit sa P3-bilyon ang pinsala sa agrikultura

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MINAMADALI na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda matapos na umabot sa P3 bilyon ang pinsala na dulot ng Tropical Storm Agaton.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, tinukoy ni Agriculture Undersecretary Fermin Adriano na ang DA ay nakapag-secure na ng five assistance deliveries sa mga “much-affected sector.”

 

 

Kabilang na rito ang P500 milyong halaga ng quick response fund; P100 milyong piso para sa credit program; P88 milyong halaga ng free seedlings para sa bigas at iba’t ibang pananim at P13 milyong halaga ng tulong para sa poultry losses; at maging sa delivery ng agricultural insurance benefits.

 

 

“Pinakikilos na rin namin ‘yung Philippine Crop Insurance Corporation na bayaran ‘yung mga magsasaka na naka-insured sa kanila ng mga damages dahil dito sa typhoon Agaton,” ayon kay Adriano.

 

 

Sa pinakahuling bulletin ng DA, 67,586 magsasaka at mangingisda ang napaulat na apektado partikular na sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga.

 

 

Ang highest value ay naitala sa rice production, umabot ito sa “P1.3 billion in losses” para sa mahigit na 29,000 ektarya ng lupain. (Daris Jose)

‘Maling entry, karaniwang sanhi ng ‘di mahanap na voter’s data’

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ng inisyal na pagtaya ang Comelec sa posibleng dahilan ng deactivated status ng ilang botante, kahit nakaboto sila sa nakaraang halalan.

 

 

Ayon kay Comelec Comm. George Garcia, maaaring resulta lamang ito ng maling record entry.

 

 

Kung minsan aniya ay mayroong naisasamang “Jr” sa record, ngunit hindi naman pala ito bahagi ng tunay na pangalang nakatala.

 

 

May dating mahistrado pa nga aniya na hindi makita ang record, bagay na kasama sa kanilang mga sinisiyasat.

 

 

Dagdag pa ni Garcia, may ilang botante na hindi nakapirma sa voter’s log matapos na bumoto noong mga nakaraang eleksyon, kaya nailagay sila sa talaan ng mga hindi aktibo.

 

 

Payo nito, dumulog na lang mula sa local Comelec office ang mga nakakita ng error sa kanilang precinct finder upang mabatid ang detalye kung bakit naging deactivated ang kanilang voter status. (Daris Jose)

Inflation rate ng PH, maaaring pumalo sa 4.3%

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING  pumalo sa 4.3% ang inflation rate sa Pilipinas ngayong taon.

 

 

Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, mas mataas ito sa target na dalawa hanggang apat na porsyento lamang.

 

 

Pero sa darating na 2023, inaasahang bababa na ang inflation rate sa 3.6%.

 

 

Ang paiba-ibang datos ay dulot umano ng pagsisikap ng bansa na makaahon sa epekto ng COVID-19 pandemic.

 

 

Naniniwala ang economic managers na ang pagbabakuna pa rin at pagsunod sa minimum health protocol ang pangunahing depensa ng bansa laban sa panibagong pananamlay ng ating ekonomiya.

Artist Ginny Guanco in Festive Exhibit Showcasing the Filipino Fighting Spirit

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FEMALE figure impressionist Miss Virginia “Ginny” Guanco will headline a long- awaited second solo exhibit entitled “Festival” to be held on May 19, 2022 at the Gateway Gallery, Araneta City, Quezon City.

 

 

It will showcase 25 original paintings done in different mediums which aims to depict the festive spirit and joyous disposition of the Filipino, amidst the most trying situations. She aims to relay this positive message through her beautifully and carefully rendered assorted colors and intricately-painted detailed ethnic designs.

 

 

Ginny wanted to convey the message that the Filipino is by nature, a happy festive human being. That in spite of hardship and many problems in life, Filipinos are able to smile and see the bright side of things. “I express these Filipino qualities in the beautiful faces of my paintings. I add ethnic designs, tribal costumes and painted faces to prove my point”. She added that Filipino resilience is very empowering, whether one is male or female.

 

 

This exhibit is 5 years in the making due to the challenges of the pandemic and a fitting follow up to her first solo exhibit back in 2016 with the theme “Boho Chic” as her tribute to bohemian fashion.

 

 

Ginny earned a Bachelor Degree in Fine Arts from University of Sto. Tomas and took further studies in drawing, painting and watercolor at the Corcoran School of Art in Washington, D.C. in the 70s where she won first prize for a nude watercolor painting during a Spring Competition and another first prize in Drawing.

 

 

Her professional background is also related to art. She taught basic subjects like Freehand Drawing, Color Theory and Art Appreciation at Karilagan Finishing School. She also taught Fashion Illustration and Fine Arts in Slim’s Fashion and Arts School. She also became an Editor of City Life magazine in Rex Publications, Inc. and became a Public Relations practitioner for the rest of her career prior to retirement. (By: Cathy Padol)

Defending champion Bucks isang panalo na lang para umusad sa 2nd round

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG panalo na lamang ang kailangan ng defending champion na Milwauke Bucks para umusad sa second round ng NBA playoffs matapos na ilampaso ang Chicago Bulls sa score na 119-95.

 

 

Dinomina ng dating MVP na si Giannis Antetokounmpo ang laro nang kumamada ng 32 points, 17 rebounds at seven assists upang iposte ang 3-1 lead laban sa Bulls sa nagpapatuloy na first round series sa Eastern Conference.

 

 

Malaking tulong din ang ginawa sa Bucks ni Grayson Allen na nagbuhos ng 27 points, kasama na ang anim na three pointers.

 

 

Maging si Jrue Holiday ay nagpakitang gilas sa kanyang 26 puntos.

 

 

Sa panig ng Bulls nanguna sa bigong kampanya si Zach LaVine na may 24 points at 13 assists at si DeMar DeRozan ay nagdagdag ng 23.

 

 

Posibleng tapusin na ng Milwaukee ang serye sa Game 5 sa darating na Huwebes.

SC, tuluyan nang ibinasura ang Anti-Terror Act of 2020

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN  nang ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na humihiling na ibasura ang Anti Terrorism Act of 2020.

 

 

Sa En Banc deliberation dito sa Baguio City ng mga mahistrado ng SupremeCourt (SC), binasura ang mga inihaing motions for reconsideration ng mga petitioner.

 

 

Ibinase ng SC En Banc ang desisyon sa anila’y kakulangan ng substantial issues at argumento na inilahad ng petitioners.

 

 

Kung maalala, noong December 7, 2021 nang unang magpalabas ng desisyon ang kataas-taasang hukuman na nagbabasura sa mga petisyon ng ilang mga mambabatas, militanteng grupo at ilang non-government organizations. (Daris Jose)

Warehouse ng toothpaste, sabon sa Malabon nasunog

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG humigi’t-kumulang P2 milyon halaga ang naging pinsala sa ari-arian matapos sumiklab ang sunog sa isang warehouse ng toothpaste at sabon sa Malabon City, Martes ng madaling araw.

 

 

Ayon sa Malabon Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-12:56 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa warehouse ng Prime One Packing Design Corporation na matatagpuan sa No. 11 Mango Road, Brgy. Potero.

 

 

Mabilis namang rumesponde sa naturang lugar ang mga fire trucks at iba’t ibang fire volunteers para maagapan na hindi kumalat ang apoy sa mga katabing kabahayan.

 

 

Rumesponde rin sa lugar ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 para tumulong sa pagpapanatili ng peace and order at makontrol ang pagdami ng mga tao.

 

 

Umabot sa unang alarma ang sunog na idineklarang fire-out dakong 1:51 ng madaling araw kung saan wala namang napaulat na nasawi o nasaktan sa insidente.

 

 

Wala rin nadamay na mga kabahayan sa sunog kung saan inaalam pa ng BFP ang naging sanhi ng insidente.

 

 

Ito na umano ang ikalawang pagkakataon na nasunog ang warehouse matapos itong madamay sa nasunog na katabing establishment noong 2020. (Richard Mesa)

Facebook, patuloy na nagpa-flag, delete, ‘spam’ ng mga PNA posts

Posted on: April 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA KABILA ng kawalan ng paghingi ng paumanhin dahil “nagkamali”, patuloy naman ang ginagawa ng social media giant Facebook (Meta) na pagbawalan ang mga netizens na mag-post at mag-share ng mga piling stories o istorya mula sa Philippine News Agency (PNA) website para sa di umano’y paglabag laban sa “community standards”.

 

 

Sabado ng hatinggabi nang magsimula ang Facebook na mag-flagged ng multiple posts at alisin ang mga dati nang shared contents ng state-run PNA at Radyo Pilipinas.

 

 

Linggo naman ng hapon, ang individual account-sharers ng PNA articles, kabilang na ang PNA reporters at editors, ay sinabihan na ang kanilang flagged posts ay naka-restored habang ang links mula sa website ay pinayagan para sa sharing.

 

 

Gayunman, lumutang naman ang kahalintulad na isyu araw ng Lunes at ang posting time ay hindi naresolba.

 

 

Sinabihan ng Facebook ang PNA na ito’y “technical issue.”

 

 

Ang isang partikular na post na na- flagged ng Facebook ay ang reaksyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa isyu.

 

 

Nauna rito, binalaan Facebook si National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon, Jr. dahil sa kanyang post kung saan nanawagan siya sa mga Pilipino na magkaisa laban sa mga miyembro ng communist rebels “who have infiltrated the Congress,” ayon sa tagapagsalita ng anti-insurgency task force nitong Miyerkules.

 

 

Sinabi ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Jonathan Malaya na nakababahala ang babala ng Facebook kay Esperon.

 

 

“The imprudence of FB to warn Secretary Esperon on a national security issue is unthinkable and downright offensive as the social media platform has taken on the role of Big Brother with the power to censure the social media posts of the NSA himself on matters of national security,” aniya.

 

 

“This move of FB is alarming, if not dangerous, as it has appointed itself as an omnipotent force that can censure at their discretion — based on standards that they themselves created — the legitimate posts of highly respected officials of the country,” dagdag ni Malaya.

 

 

Base pa kay Malaya, kinuwestiyon ng NTF-ELCAC ang Facebook at ang umano’y may kinikilingan nitong fact-checkers sa pagtuon sa ilang government officials subalit hinahayaan lamang ang iba.

 

 

Dahil dito, inihirit umano ng NTF-ELCAC sa Facebook na rebyuhin at rebisahin nito ang “one-sided” na mga pamantayan na diumano’y pumapanig lamang sa mga makapangyarihan.

 

 

“The DILG denounces Facebook and its biased fact-checkers for their imprudence and audacity to issue a warning to no less than the country’s NSA Hermogenes Esperon, Jr. for his FB post on April 14, 2022 urging all Filipinos to unite to end the Communist insurgency,” giit ni Malaya.

 

 

Samantala, sa isang Facebook post, kinuwestiyon ni Esperon ang aksyon ng social media giant, at sinabing mas marami siyang alam kumpara rito ukol sa mga usaping seguridad ng bansa.

 

 

“I should know better than you do on matters of national security,” saad sa post niya nitong Lunes.

 

 

“How come I was restricted by Facebook when I shared a status about ending the insurgency in the country? As the NSA, I sure know what I’m talking about and have basis for it. How did I violate the community standards when I only shared the truth,” aniya pa.

 

 

Batay sa screenshot, narito ang post ni Esperon na tinutukoy ng Facebook:

 

 

“In ending insurgency, the Filipinos must unite against armed struggle and against all organizations, aboveground and underground, that support the New People’s Army, including Communist Party (CPP) members who have infiltrated the Congress through the partylist system…” saad sa post. (Daris Jose)