• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 3rd, 2022

Lovely, ‘di na napigilang i-share ang naranasan: MARIAN, mas lalong hinangaan ng netizens dahil sa kabutihan ng puso

Posted on: May 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa IG post ng Kapuso actress-comedienne na si Lovely Abella tungkol sa naranasan din niyang kabutihan ng puso ni Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay mas lalong dumami ang humanga sa asawa ni Dingdong Dantes.

 

 

Ibinahagi nga ni Lovely ang photos kasama si Marian at Dingdong na kuha sa taping ng Jose and Maria’s Bonggang Villa na mapapanood na sa GMA-7 simula sa May 14.

 

 

Panimula ni Lovely, “Kakatapos lang ng guesting ko sa bagong sitcom ni ate yan at kuya dong ang JOSE and MARIA’S BONGGANG VILLA kaya gusto ko lang ishare sa inyo ang KWENTONG TOTOO! na ayaw ipasabi ni ate yan 5 years ago.

 

 

“’Di ko makakalimutan ang napakagandang puso ng taong to, hindi kami kumakain ng sabay, di kami nagkakausap ng matagal pero noong panahon na nag 50/50 ang mamang ko, siya ang kauna unahang nagbigay ng tulong sakin. Pinaabot niya ang cheque at sabi sana gumaling ang Mama. Unexpected na galing sa knya ang napakalaking halaga na yun.”

 

 

Dagdag hanash pa niya, “Hindi lang ako humanga sa kung gaano siya kaganda, kundi sa kagandahan din ng kalooban niya hindi dahil nagbigay tulong siya sakin kundi tinatanaw ko na utang na loob ang tulong na yun, Lagi ko sinasabi pag ako yumaman di ko kakalimutan ang mga taong tumulong sakin financially at emotionally.

 

 

“Di man materyal ang naisokli ko ate @marianrivera pero lagi kang kasama sa dasal ko at ang buong pamilya mo at isa na rito ang bagong show mo. Muli salamat ng marami, Mahal kita ate. #hanashnilovely.”

 

 

Kaya naman super react ann netizens na nakabasa ng IG post ni Lovely at ilang sa naging comment nila:

 

 

@marianrivera a beautiful heart d lng sa labas pti sa loob super love ko po kyo ni sir @dongdantes.”

 

 

“Napa iyak aku while I was reading.. Thank you Marian for being our inspiration.. Love you and God bless you po.”

 

 

@lovelyabella_ kaya apaw po ang blessing nya, kasi napaka buti ng kalooban, salamat sa prayer mo.”

 

 

“Beautiful with golden heart.”

 

 

“Kaya full of blessings c Marian kc mabuti cyang tao.”

 

 

“Ang sarap basahin ng caption, na sa kabila ng paninira ng iilan kay Marian may mga taong mas nakakakilala sa kanya ng lubos. Thank you Ms. Lovely for sharing. Mas lalo po namin sya hinangaan. More blessings din po sayo.”

 

 

“Salamat sa kwento ng kabutihan ni Marian Rivera Dantes. Ms.Lovely Abella. Isa kang mabuting kaibigan at katrabaho.

 

“Aww! Nakakaiyak naman.  Iba pala pag galawan Marian kaya mas lalo ka namin hinahangan Queen. @marianrivera napakabuti mong tao. Salamat po sa kwento miss @lovelyabella_

 

“Parang si boobay at mga iba pang mga artista na natulungan din niya ♥ SUPERhero talaga siya.”

 

 

“Kasi nga si darna din si @marianrivera …may magandang mukha at magandang puso.”

 

 

“Wow darna din talaga gaya ni idol @therealangellocsin @marianrivera beautiful inside and out!!! God Bless you !!”

(ROHN ROMULO)

Payo na maging patas, mapagpasalamat at tumulong… POKWANG, palaban na ina at lahat sasanggain para sa mga anak

Posted on: May 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL siya ay isang homemaker and loving mother kaya naman si Marietta Subong a.k.a. Pokwang ang napili ng owners ng Klio home products para maging endorser.

 

 

Naganap ang contract signing at launching ni Pokie sa Max’s Restaurant Scout Tuazon branch last week.

 

 

In a separate interview, tinanong naming si Ms. Pokie about her life being a mother.

 

 

Ano ang pinakamasarap or best part of being a mother?

 

 

“Masarap maging nanay lalo na kung natupad mga dasal mo para sa mga anak mo at nakikita mong lumalaki silang mabuting tao,” sagot ng brand new endorser ng Klio.

 

 

Ano naman po ang mahirap o challenging experience ng pagiging isang ina?

 

 

“’Yung wala kang choice kundi magpakalayo para mag hanap buhay para mabigyan sila ng magandang bukas. OFW ako dati kaya alam ko ang pain na dinaranas ng isang ina na malayo sa kanyang anak.”

How would you describe yourself as a mother?

“Isa akong palaban at lahat sasanggain para sa anak ko at bibigyan ko sila ng magandang edukasyon sa abot ng aking makakaya.”

 

 

Anong importanteng life lesson ang naibahagi ng mother ninyo na tumatak at nagagamit ninyo sa pagpapalaki ng inyong anak?

 

 

“Maging patas sa buhay at maging mapagpasalamat sa maliit man or malaking biyaya, tumulong sa kapwa.”

 

 

Bata pa raw siya ay toka na siya sa pagluluto kasi ayaw niyang maglaba sa ilog kaya hanggang paglaki ay dala niya ang hilig niya sa cooking. Yes, masarap siyang magluto.

 

 

Ang mga paborito niyang lutuin ay callos, laing, kare kare at mga seafoods. Lahat yan best seller, pati ang kanyang roasted chicken na laging sold out.

 

 

***

 

 

MATAPOS ang dalawang taon, balik na muli ang pagtatanghal ng concerts sa The Theatre at Solaire.

 

 

At ang Concert King na si Martin Nievera ang Buena Mano sa pagbubukas na live concert performance sa The Theatre at Solaire via “Martin Nievera Live Again!” sa one night-concert na magaganap sa June 25.

 

 

Ang concert ay fundraising event para sa Rotary Club of Makati West’s Gift of Life Project. Bahagi ng proceeds ng concert ticket sales ay ilalaan para sa heart operation ng mga batang nangangailangan nito.

 

 

Catch Martin Nievera back on stage for a night filled with exciting and heart-warming music for a special cause.

 

 

Bilang bahagi ng patuloy ng safety measures ng Solaire, kailangan magsuot ng double mask at ipakita ang vaccination card sa concert venue upon entry.

 

 

Buy your tickets to “Martin Nievera Live Again!” by calling Ticketworld at 8891-9999 or via www.ticketworld.com.ph.

 

 

***

 

 

NOONG Sunday night, May 1, ang launching ng trailer bagong BL (Boy Love) series na Papa, What Is Love na bida si Rex Lantano, kasama sina Arnold Reyes at Anthony Flores.

 

 

Mukhang nalilinya si Rex sa mga BL movies. Right after maipalabas ang Love at the End of the World na daring ang role niya dahil sa matitinding love scenes with the same sex, nasundan agad ito ng Papa, What Is Love.

 

 

Pero rom-com daw itong bago niyang BL series. Pinaghalong Gameboys at Daddy Love.

 

 

“First time kong gumawa ng rom-com na BL kaya ibang challenge naman ito for me,” wika ng indie actor.

 

 

Wala naman kaso kay Rex kung BL movies ang offer sa kanya.  Ang importante raw markado ang role at maganda ang kwento.

 

 

Siyempre hindi naman siya basta tatanggap ng BL film kung walang go-signal ang kanyang manager.

 

 

Pero naghihintay pa rin si Rex na isang matinding role na mag-iiwan ng tatak sa mga manonood.

 

 

Matindi na ang mga eksenang ginawa ni Rex sa Love at the End of the World at hindi raw niya alam kung kaya niya itong tapatan o kaya ay higitan.

 

 

Pero pwede naman daw pag-usapan kung may sexy scene na kailangan gawin. Ang importante lang ay ‘yung may tiwala siya sa director that the scene will be done in good taste.

(RICKY CALDERON)

Kodigo pinapayagan ng Comelec sa pagboto

Posted on: May 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAYAGAN  at hinihi­kayat pa ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na magdala ng kanilang mga kodigo ng mga ibobotong kandidato sa mga ‘voting precincts’ sa araw ng halalan sa Mayo 9. Sinabi ni Elaiza David, Director III ng Election and Barangay Affairs Department ng Comelec, na importante na dokumento ang pagdadala ng botante ng kodigo.

 

 

Ito ay para hindi magkamali sa pag-shade ng ibobotong kandidato at para na rin hindi magtagal ang botante sa pag-iisip kung sino ang iboboto.

 

 

Bagama’t hindi rekisito ang ID sa pagboto, maganda ring may dala nito ang botante para kung sakaling magkaroon ng problema sa pagkakakilanlan ng botante ay mabilis itong mareresolba.

 

 

“It’s not really a requirement pero maganda pong may dalang ID just in case na medyo magkakaroon ng problema ma-challenge sa identity,” paliwanag ni David.

 

 

Ito ay makaraang aminin rin niya na may mga problema minsan sa pag-a-upload ng pangalan ng botante sa precinct finder. Kung hindi makikita ang kanyang pangalan, inabisuhan ang mga botante na magtungo sa election officer para sila matulungan.

Kinunan habang nagso-shooting sa Coron, Palawan… ANDREA, pasabog ang kaseksihan sa suot na one piece swimsuit

Posted on: May 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ABA, pasabog ang sexy pictures na ipinost ni Andrea Torres sa kanyang Instagram account.     

 

 

Napaka-sexy naman talaga ni Andrea sa kanyang one piece swimsuit pero halos kitang-kita naman ang kanyang flawless skin, pati ang kanyang buttocks or backside. At habang may hawak itong buco.

 

 

Obviously, sa shooting ng pelikula niyang Pasional sa Coron, Palawan kuha ang picture ni Andrea na may hawak-hawak na buko habang nasa tabi ng isang coconut tree.

 

 

Puro tuloy, “Ang ganda mo!”

 

 

“Grabe naman!”

 

 

“Ang sexy mo!”

 

 

At mga fire emojis ang comment sa Instagram photos na ito ni Andrea ha.

 

 

***

 

 

GANAP na ina na ang beauty queen/Kapuso actress na si Winwyn Marquez.

 

 

      Walang ibang detalyeng inilagay si Winwyn sa kanyang Instagram post kunsaan, pinost niya ang picture ng bagong silang niyang baby girl.

 

 

Ipinakilala lang ni Winwyn ang kanyang baby girl na pinangalanan niyang Luna Teresita Rayn.  Obviously, ang second name ng kanyang baby ay galing sa same real name niya na Teresita Ssen. Hindi rin nilagay ni Winwyn ang surname ng baby niya.

 

 

At until now nga, wala pa rin naman kasing pa-face reveal si Winwyn sa ama ng anak.

 

 

Side profile ng kanyang baby ang picture na ipinost niya at sa kitang-kita na prominent na matangos na ang ilong ni baby.

 

 

Sa bagong nanay ngayong Mother’s Day, congratulations!

 

 

***

 

 

KAHIT na kasalukuyan pa rin na nagdadalamhati dahil sa pagpanaw ng panganay na kapatid nina Rica at Paula Peralejo na nasa U.S., isa pa rin si Rica sa pumupunta sa mga campaign rally ng pinaniniwalaan niyang dapat na next President ng bansa, si VP Leni Robredo.

 

 

Kilala namin ang magkakapatid na Peralejo kaya alam namin kung gaano ang lungkot ng bawat isa sa kanila sa pagpanaw na ito ni Ate Jo (Peralejo-Madirelejos), pero ayon kay Rica, alam daw kasi niya na kung may gusto man ang ate niya na gawin niya ngayon, ito ay mag-attend siya ng rally at tumindig.

 

 

Aniya, “Nag-iisip ako. Kasi hindi ko talaga alam if kaya ko na lumabas. Yung magpeperform sa labas simula mawala ate ko.  Pero pumayag ako nung maisip ko, if may gusto si ate na gawin ko, rally yun. Yung tumindig yun.

 

 

     “Ang sabi ko din, makikita ko si Nikki (Valdes) at Jolina (Magdangal). Mayakap ko lang sila baka sumaya naman ako.”

 

 

Pero hindi raw inaakala ni Rica na si Senator Kiko Pangilinan na siyang sinusuportahan naman niya sa pagka-Vice President ay maaalala pa siya at magko-condolence sa kanya sabay yakap.

 

 

Sabi ni Rica, “Kuya, napakarami mong iniisip, ginagawa, pero talagang di mo ito nakalimutan.  Tama nga ang kapatid ko na ang emphaty nya ay sobrang taas.

 

 

Kaya itataas ko rin talaga naman yung kamay niya, kasi yung empathy na yan ay di lamang sakin kung hindi sa lahat ng sineserbisyuhan nya sa bayan.”

 

 

Muntik na raw siyang mag-breakdown nang mag-condolence ito sa kanya at yakapin siya sa gitna ng pagiging sobrang abala nito ngayon.

(ROSE GARCIA)

Women’s football team ng bansa tinambakan muli ang Tonga 5-0

Posted on: May 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING tinalo ng Philippine women’s football team ang Tonga 5-0 sa ginanap na international friendly nitong Sabado, Abril 30 sa Valentine Sports Park sa Sydney, Australia.

 

 

Ang nasabing laro ay bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Namuno sa laro sina Anicka Castaneda, Eva Madarang at Carleigh Frilles.

 

 

Magugunitang noong nakaraang linggo ay tinambakan na ng Pilipinas ang Tonga 16-0.

 

 

Bukod sa SEA Games ay pinaghahandaan rin ng koponan ang unang beses na pagsabak nila sa FIFA Women’s World Cup 2023.

Mayo 3 deklaradong holiday dahil sa pagtatapos Eid’l Fitr

Posted on: May 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IDINEKLARA ng Malacañang bilang national holiday ang Mayo 3, 2022 bilang obserbasyon ng pagtatapos ng Eid’l Fitr.

 

 

Kinumpirma ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos na magkaroon ng bahagyang kalituhan.

 

 

Unang inanunsiyo kasi ng Grand Mufti of the Bangsamoro Darul Ifta na magsisimula sa Mayo 2 ang Eid’l Fitr.

 

 

Naidedeklara kasi ito ng mga Muslim leaders sa pamamagitan ng tradisyunal na moon-sighting ceremony sa ika-29 araw ng Ramadan.

 

 

Ang pagkita ng bagong buwan ay siyang nangangahulugan na ang susunod na araw ay siyang Eid.

 

 

Kapag walang nakitang buwan ay kailangan pang mag-fasting ng isang araw ang mga Muslims para makumpleto ang 30 araw.  (Daris Jose)

Miyembro ng “Legaspi Drug Criminal Group”, tiklo sa baril at shabu Navotas

Posted on: May 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang miyembro ng “Legaspi Drug Criminal Group” matapos makuhan ng baril at shabu sa isinagawang operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Alfredo Borlongan alyas “Hill”, 32 ng S. Roldan St., Brgy. Tangos South.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba Navotas Police Intelligence Section hinggil sa miyembro umano ng Legaspi Drug Group na naispatan sa kahabaan ng S. Roldan Street.

 

 

Kaagad nagsagawa ng operation at monitoring ang mga pulis sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo hanggang sa maispatan nila ang suspek na naglalakad sa naturang lugar habang may hawak na baril na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-4:25 ng madaling araw.

 

 

Narekober sa suspek ang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala at isang transparent plastic sachet na naglalaman ng 2.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P17, 000.00.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz ang Navotas Police sa ilalim ng pamumuno ni Col. Ollaging dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa naturang miyembro ng criminal drug group.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act Of 2002 at RA 10591 in relation to Omnibus Election Code. (Richard Mesa)

Higit 47-K PDLs nationwide na boboto sa May 9 polls, sasailalim sa antigen test – BJMP

Posted on: May 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa mahigit 47,785 persons deprived of liberty (PDLs) sa buong bansa ang nakatakdang bumoto sa May 9,2022 national and local elections.

 

 

Nilinaw naman ni BJMP spokesperson Jail Superintendent Xavier Solda, na ang mga PDL ay maaari lamang bumoto sa pagka-pangulo, vice president, senators, at party-list, gaya sa absentee voting.

 

 

Paliwanag pa ni Solda, kapag ang bilang ng PDLs na nasa 50 pababa sa isang facility, sila ay ililipat sa polling centers kung saan sila bumoboto.

 

 

Pero kung nasa mahigit 51 ang boboto, maaari itong gawin sa BJMP facility bilang special police center at mismong mga tauhan ng Commission on Elections ang siyang personal na mangangasiwa.

 

 

Dagdag pa ni Solda, may special lane sa mga polling center ang mga bobotong PDLs at nakipag-ugnayan na rin sila sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na naka-deploy sa grounds.

 

 

Nabatid na ang pagboto ng PDLs ay mayroong court order na nagsasabing pinapayagan sila na lumabas para bumoto.

 

 

Nais ng pamunuan ng BJMP na mapagtibay ang karapatan ng mga PDL na bumoto.

 

 

Samantala, bago pa sila payagang lumabas ng kulungan para bumoto ay isasailalim muna sila sa antigen test.

Ads May 3, 2022

Posted on: May 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Chel Diokno binansagang ‘pambansang chicken’ ang kandidatong ayaw sumipot sa debate

Posted on: May 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINAWAG  ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na “pambansang chicken” ang isang kandidato na ayaw sumipot sa mga debate.

 

 

Hindi man nagbanggit ng pangalan, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lang ang tanging kandidato sa pagkapangulo ang hindi humaharap sa debate.

 

 

Tumanggi rin si Marcos sa imbitasyon na one-on-one debate ni Vice President at kapwa presidential aspirant na si Leni Robredo.

 

 

“Sabi nila ‘pambansang chicken’ daw ‘yung ayaw sumipot sa debate. Pero buti pa ang chicken, sinusuri, kinikilatis, tinitimbang bago piliin at bilhin,” ani Diokno sa isang post sa Twitter.

 

 

Iginiit pa ni Diokno na ang debate ay magandang paraan upang sukatin at timbangin ang mga kandidato kung karapat-dapat ba silang makakuha ng boto ng taumbayan.

 

 

“Nagdaraos tayo ng mga debate para matimbang ang mga kandidato at makita kung karapat-dapat ba sila sa boto natin. Sana kung gaano tayo ka-pihikan sa manok na binibili sa palengke, ganon din sa manok natin sa eleksyon,” ani Diokno.

 

 

Sa isang hiwalay na social media post, sinabi ni Diokno na kung sa debate ay takot na ang isang kandidato sa pagkapangulo, paano pa kung naharap na siya sa mabibigat na problema ng bansa.