• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 10th, 2022

VP Leni Robredo, nanawagan sa mga supporters na igalang ang resulta ng halalan

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HABANG patuloy na umaalagwa ang kalamangan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nagpapatuloy na bilangan sa katatapos lamang na halalan, nanawagan naman si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga supporters na igalang ang kalalabasan o resulta ng halalan.

 

 

“Alam kong mahal natin ang bansa pero hindi pwedeng maging ugat pa ng pagkakawatak-watak ang pagmamahal na ito. Palinaw na ng palinaw ang tinig ng bayan…kailangan natin pakinggan ang tinig na ito dahil sa huli, iisa lang ang bayan na pinagsasaluhan natin,”ayon kay Robredo na mayroong mahigit na 14 milyong boto sa ngayon.

 

 

Sinabi rin ni Robredo sa kanyang mga supporters na huwag nang magdamdam kung ang boto na kanyang nakuha ay malayo sa bilang na na kanilang inaasahan.

 

 

“Hindi kayang sukatin ng numero ang lalim ng pagmamahal ninyo. Maraming maraming salamat sa inyo,” ayon kay Robredo.

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Robredo ang daan-daang volunteers na naguna sa malawakang people’s campaign, na nakiisa sa campaign rallies at unprecedented house-to-house drive.

 

 

“Sinasabi ko sa inyo ngayon, walang nasayang. hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga, hindi pa tayo tapos. Nagsisimula pa lang tayo,” aniya pa rin.

 

 

“May nasimulan tayo hindi pa kailanman nasaksakihan sa buong kasaysayan ng bansa,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tiniyak ni Robredo na magpapatuloy ang kanyang campaign battlecry “Angat Buhay Lahat”.

 

 

“Tuloy ang trabaho para i-angat ang buhay ng nasa laylayan. Tinatawag ko kayong samahan niyo ako dito at sa iba pang laban,” ayon kay Robredo.

 

 

Ang bise presidente, inakusahan ng pandaraya noong 2016 polls, ay nagpahayag na hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na may iregularidad sa “recently-concluded elections.”

 

 

“Kaisa ninyo ako sa paniniwala na kailangan isalamin ng halalan ang buo at wasto…gagawin natin ang lahat para maabot ang layunin na ito,” ani Robredo. (Daris Jose)

Pinost din ang isang short video ni Baby Aura… ALICE, ‘di nagpahuli sa mga celebrities na nagpo-pose ng kanilang summer-ready beach bodies

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nagpahuli si Alice Dixson sa mga celebrities na nagpo-pose ng kanilang summer-ready beach bodies.

 

 

Sa kanyang Instagram, pinost ng former Bb. Pilipinas-International 1986 na suot niya bikini bottom at loose shirt kunsaan kita pa rin ang well-toned body niya sa edad na 52.

 

 

Caption pa niya: “50 shades of tan. Nasa shade 25 na ako hihi.”

 

 

Dahil tapos na ang taping ng First Lady, nagbakasyon si Alice sa beach kasama ang kanyang baby girl na si Aura. Pinost niya ang isang short video ni Baby Aura habang nakatayo ito sa tubig habang may baby shark na lumalangoy.

 

 

Caption pa niya: “babies mouths are too small to bite…”

 

 

Laging nagpapasalamat si Alice sa pagdating ni Baby Aura sa buhay niya. Sampung taon daw niyang pinagdasal na magkaroon ng baby at noong 2021 ay sinilang si Baby Aura sa pamamagitan ng surrogacy.

 

 

“For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles,” sey pa ni Alice.

 

 

***

 

 

TINULUY–TULOY na ng former Pinoy Big Brother hosuemate na si Josef Elizade ang pagkakaroon ng sexy image.

 

 

Inamin ng aktor na hindi raw madaling tanggapin agad ang magkaroon siya ng sexy image. Pero dahil gusto na raw niyang magkaroon ng pagbabago sa kanyang acting career kaya hinamon niya ang sarili niya na gawin ang mga maiinit na eksena sa mga sexy-dramas na Ex-Deal 2 at Doblado ng Vivamax.

 

 

“I had some hesitations accepting the project dahil nga ayokong mabigo. No’ng in-offer nila sa’kin to do sexy, I was hesitant at first. Kasi nga siyempre, kinakabahan ako. Parang ready na ba ako? Puro pa-cute lang ako dati, patawa.

 

 

“So it’s a new environment for me and it’s a different style of acting also. So s’yempre I had to think about it muna, kung magagawa ko ba, kung kaya ko ba,” sey ni Josef.

 

 

Hindi nga basta-bastang sexy scenes ang ginawa ni Josef sa dalawang pelikula. may mga butt exposure siya at very graphic ang sex scenes niyang kasama ang mga sexy stars ng Vivamax na sina Denise Esteban, Angela Moreno at Rob Quinto.

 

 

“It’s something that I’m really open and I’m willing to try. Kasi nga, wala eh, parang gusto kong ma-experience lahat ng pagiging artista. So for me, to do that, kailangan kong ma-experience ito. Nage-enjoy naman ako and masaya naman siya. It’s challenging and fun at the same time.”

 

 

Produkto si Josef ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Ka-batch niya sina Beauty Gonzalez, Robi Domingo, Valerie Weigmann at ang winner na si Ejay Falcon. Lumabas siya sa mga Kapamilya teleserye na My Girl, Tayong Dalawa, Magkaribal, Kristine, Angelito: Batang Ama at FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

***

 

 

MULING nagbalik sa pag-awit ng original song ang Kapuso singer at Bubble Gang mainstay na si Denise Barbacena.

 

 

        Lumabas na ang latest single niya na “The Last Thing I’d Do” sa ilalim ng GMA Playlist at may kasama pa itong music video kasama ang Sparkle talent na si Anjay Anson.

 

 

Huling nag-recording si Denise ay noong 2017 pa para sa original soundtrack ng GMA primetime series na Destined To Be Yours. Ito ay ang “To Be Yours, I’m Destined,” and “Aking Tadhana”.

 

 

“When the song was first pitched to me, it was in the middle of pandemic where everyone was so uncertain about what’s going to happen. It feels like hopelessness na lang and sobrang negative. There’s so much negativity on the internet, in the outside world because we were locked-in.

 

 

“Noong na-pitch sa akin na-move ako, na-touch ako, na for a long while I haven’t felt like that. I haven’t felt ‘yung warmth, I haven’t felt warm inside from a song. Noong narinig ko siya sabi ko ‘Okay, this is it. This is what I wanna share out there. Ang goal to offer something na people can still feel love and hope. This song, hopefully the audience, the people who will get to watch the video or listen to the song will somehow feel like that.”

 

 

Gusto na rin ni Denise na mag-focus sa kanyang music na una niyang gustong gawin bukod sa pag-arte. Produkto siya ng GMA reality-based singing talent search na Protege: The Battle For The Big Break noong 2011. Kasalukuyang napapanood si Denise sa Bubble Gang at sa teleserye na Artikulo 247.

(RUEL J. MENDOZA)

Wish ng marami na ‘di matulad sa mga sa ibang beauty queens: Pinost na open letter ni MATTHEW para kay Miss U PH CELESTE, maraming kinilig

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT na hindi pa rin nagkakasama ulit ang magsyotang EA Guzman at Shaira Diaz, hindi naman nakalimutan ni EA na batiin si Shaira noong 27th birthday nito noong nakaraang May 3.

 

 

Tapos na si EA sa kanyang taping, pero si Shaira ay nasa lock-in taping pa ng Lolong. Kaya ang ginawa ni EA ay nag-post ng photo nila ni Shaira sa Instagram ay nilagyan niya ng caption na: “Happy Birthday sa Miss Universe ng buhay ko @shairadiaz_… Miss kita araw-araw, mahal kita habangbuhay!”

 

 

Kilig na reply naman ni Shaira: “Aaaawww!!! Love you, baba!!! Thank you for everything!”

 

 

Maraming okasyon na raw na hindi nagkakasama sina EA at Shaira dahil pareho silang naging abala sa kanilang tapings. Mas lalo raw nila nami-miss ang dalawa kapag nagkakahiwalay sila. 

 

 

Ilang araw na lang kasi ay matatapos na si Shaira sa taping ng Lolong at puwede na silang mag-post celebrate ni Ea ng kanyang birthday. 

 

 

Natuwa naman si Shaira nang bigyan siya at si Arra San Agustin ng surprise birthday party sa set ng teleserye na inasikaso mismo ng leading man nilang si Ruru Madrid.

 

 

***

 

 

NAG-POST ng isang open letter sa Instagram ang boyfriend ng bagong koronang Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na si Matthew Custodio.

 

 

Player ng Philippine Azkals si Matthew at sobrang proud siya sa na-achieve ng kanyang girlfriend. 

 

 

Maraming netizen ang kinilig sa open letter ni Matthew para kay Celeste. Wish ng marami na sana’y magtagal at hindi magkaroon ng sad ending ang relasyon nila tulad sa mga nangyari sa ibang beauty queens na nakipaghiwalay sa kanilang boyfriends. 

 

 

Ginawa pa nilang example ang ang nangyari sa lovelife nina MUP wnners na sina Rabiya Mateo at Beatrice Gomez. Wala raw sanang maging sumpa ang korona ng MUP sa lovelife nina Celeste at Matthew.

 

 

Anyway, ito ang open letter ni Matthew:

 

 

“My Queen. An evening we will cherish forever!! To see you with the Crown on that stage gave us all extreme chills.. you were stunning! On behalf of everyone else that had known her before she began the official journey for the Miss Universe; we’ve always known she was bound for the Crown. we’ve seen her GROW, we’ve seen her inspire the people she meets not just by words & actions.. BUT by simply carrying her values, her upbringing., she keeps her feet on the ground., she stands consistently true on honesty , loyalty & perseverance. As crazy as this may sound, we’ve witnessed the Universe align towards you. You are a magical human being and you were raised to do GOOD things. You didn’t have to be a panelist nor a front row judge to see that she possesses the attributes of a true, regal Queen. On a personal level, I feel very blessed to be loved by you. Like a mother’s love, your love is a constant reminder that there is a greater meaning & purpose in our lives. I cannot wait for our country & the whole world to feel the love you are about to share. It needs it.”

 

 

Nag-reply naman si Celeste ng: Awww I cried ahahah! Thank you boo, thank you for your support and patience. This is just the beginning.”

 

 

***

 

 

NATUPAD ang collaboration ng Hollywood actor na si Tom Cruise sa singer na si Lady Gaga dahil ito ang aawit ng theme song ng  Top Gun: Maverick.

 

 

“Hold My Hand” ang title ng theme song nang kauna-unahang pelikula ni Tom pagkaraan ng dalawang taon gawa ng pandemic. Ito ang sequel ng 1986 film ni Tom na Top Gun.

 

 

Kinuwento ng aktor kung paano niya nakumbinse si Gaga para awitin ang theme song: “I called her… We shot most of the film and we had Lorne Balfe to produce the score, we had Hans Zimmer… There was a door that we were trying to open musically… We were searching for a long period of time… She composed the score… She sent the song over… The moment we heard it was just, here’s this artist, we are in England, and she is all the way over in America. It was almost as if she was talking to us… It was perfect.

 

 

“I went to Vegas to thank her… and then I was going to come back and see her jazz show, then the pandemic hit… The next live show I was able to see was her jazz show, two years… It was a moment of celebration for us… Our film together… The story of how her score is laid in, to just build in that moment — I feel grateful.”

 

 

Sa May 27 na ang showing ng Top Gun: Maverick.

(RUEL J. MENDOZA)

Mga botante, hinikayat na na i-report ang mga kaso ng electoral fraud

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga botante na ireport sa tamang awtoridad ang anumang vote buying o vote selling activities sa kanilang komunidad.

 

 

“Kung may nakita tayo na kakaiba, ireport kaagad natin. Wag kayong mangimi sa pagrereport ng election irregularity at para maaksyunan natin ora mismo ,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sinabi ni Año na simula kahapon, Mayo 8 hanggang sa aktuwal na halalan ngayong araw, Mayo 9, tungkulin ng dineploy na police officers na ipatupad ang liquor ban at tiyakin na walang kahit na anumang election campaign activity, gaya ng distribusyon ng political materials, ang magagawa.

 

 

“Hindi mangingiling mag-aresto ang ating mga pulis kapagka may mga violators kaya winawarningan na natin ano, tapos na yung pangangampanya starting today (May 8) and at the same time din ano, yung mga mamimili ng boto talagang deretso o huhulihin talaga yan,” ayon kay Año.

 

 

Inatasan ni Año ang Philippine National Police (PNP) na lumikha ng Anti-Vote Buying Teams sa bawat lalawigan at lungsod para tumanggap ng reklamo at imbestigahan ang alegasyon ng vote-buying and vote-selling bilang pagsunod sa election laws, “rules and regulations.”

 

 

“This is a concrete effort of the DILG and PNP to support the Commission on Elections (Comelec) and the interagency Task Force Kontra Bigay in ensuring a fraud-free election,” aniya pa rin.

 

 

Gampanin din ng Anti-Vote Buying Teams ang mangalap at ipreserba ang mga ebidensiya, kumukha ng mga salaysay ng mga testigo at proteksyunan ang mga testigo at reklamo at makipag-ugnayan sa tamang ahensiya ng pamahalaan.

 

 

“Evidence-based complaints ay aaksyunan at ive-verify ng  PNP Anti-Vote Buying Teams at idadaan sa parehong proseso ng pagkalap ng ebidensya. These will be forwarded to the Comelec which has a motu proprio power, or on its own accord, file cases of violation of election laws,” ani Año.

 

 

“Complaints that are sufficient in form and substance and supported by evidence can be filed by the concerned group before the proper prosecutor’s office,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Mangangalap naman ang Police Regional Offices (PROs) at imo-monitor ang kalagayan at progreso ng mga reklamo na inihain sa kanila at sa lahat ng dedicated Anti-Vote Buying Teams sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon kabilang na ang report ukol sa vote-buying or selling, at update sa “regular basis” sa National Task Force Kontra Bigay.

 

 

Isasama rin ng PNP Regional Offices ang pangangalap ng data ng report hinggil sa “methods at schemes” ng vote-buying at vote-selling.

 

 

Sa Memorandum Circular 2022-0400, inatasan ni Año ang PNP regional at provincial offices at city at municipal stations na bumuo ng “dedicated” na PNP Anti-Vote Buying Teams sa bawat congressional district, highly urbanized city (HUC), independent component city, at component city.

 

 

Dapat na magtalaga rin ang Regional at Provincial Police Offices ng karagdagang personnel sa municipal police stations na kulang sa personnel para sa kadahilanang ito.

 

 

Sinabi pa ni Año na kailangang ipabatid ng PNP Anti-Vote Buying Teams ang kanilang mandato sa at contact details sa tulong ng local Comelec election officers at DILG city o municipal local government operations officers. (Daris Jose)

Elizabeth Olsen, Praises America Chavez actor Xochitl Gomez

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IN an exclusive interview with Screen Rant, Elizabeth Olsen who plays Wanda Maximoff/Scarlet Witch commends America Chavez actor Xochitl Gomez for her preparedness and bravado during the production of Doctor Strange in the Multiverse of Madness

 

 

The MCU veteran compared Gomez to her younger self, stating that the 16-year-old actor was much more confident than she was when she first entered the franchise. Olsen then expresses her excitement for whatever the future holds for her.

 

 

[S]he has so much energy and so much undeterred, youthful positivity and confidence. When I was 16, I was jaded, and maybe I was also more of a fool or something, I don’t know what I was. But she, on her own, can do whatever she wants. She’s way more prepared than I was at 25 for the Marvel Universe. She’s just really a light and an energy that was amazing to be around just pure kindness and goodness. I’m excited for her. I’m excited to see what she gets to do with America.

 

 

Raimi has praised Gomez, as well as Marvel Studios’ embrace of diversity and inclusivity. In the original Marvel Comics lore, the character of America Chavez is a young Latina who comes from another world, in which she had two mothers. As this was translated exactly into the movie, Raimi happily professed that “this young Latina can now represent a heroic figure for many people out there that were underrepresented before.

 

 

Directed by Sam Raimi, this newest theatrical installment of the Marvel Cinematic Universe was released in cinemas this weekend to a generally positive reaction from critics and audiences.

 

 

Doctor Strange in the Multiverse of Madness reviews specifically praised it for its horror/gothic elements — a franchise first for the MCU.

 

 

Not much was revealed about the character of America Chavez prior to the movie’s release, but she proved to be the driving force of the story. Pursued by something – or someone – who wants to harness her mysterious powers, she seeks the help of Doctor Stephen Strange (Benedict Cumberbatch) and they embark on an adventure through the multiverse to find out why she is so coveted – only to discover that her pursuer is actually the Scarlet Witch herself. Rounding out the main cast are Rachel McAdams, returning as Christine Palmer, Chiwetel Ejiofor, who returns as Baron Karl Mordo, and Benedict Wong as the Sorcerer Supreme, Wong.

 

 

Despite being underrepresented in the marketing, Gomez’s America played a key role in the story of Doctor Strange 2, and learning to embrace her powers in the final act hints that Marvel has plans to use her character in the future. Though it’s unclear how much longer the franchise will want to play with the multiverse, the young superhero is shown learning sorcery at Kamar-Taj following the climactic battle, suggesting she will have powers that remain relevant even when that storytelling device is sidelined. And this praise from Olsen suggests Gomez will be ready off-screen for anything Feige & Co. have planned for America Chavez on-screen. (source screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

DepEd sinita ang corrupt allegation ni Pacquiao, sinabing ‘false accusation’

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAGALITAN ng Department of Education (DepEd) si presidential candidate at Senador Manny Pacquiao sa pag-akusa nito sa ahensiya bilang “the most corrupt in government.”

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na ang di umano’y “wrongdoing unsupported by specific facts” ay katumbas ng false accusation.

 

 

Sa isinagawang taped interview para kay KBP-Comelec Pilipinas Forum 2022 na in-ere noong Mayo 6, ginawang halimbawa ni Pacquiao na may isang DepEd official na di umano’y nagde-demand ng illicit payments, subalit tumanggi naman ito na pangalanan.

 

 

“As a public servant, the good senator has every right, legally and morally to assail and put to question whatever wrongdoing, any person or instrumentality of the government for that matter in his quest to eradicate graft and corruption in the bureaucracy,” ayon sa DepEd.

 

 

Ang departamento, sa kabilang banda, ay nagpahayag na hindi dapat kondenahin ni Pacquiao ang buong ahensiya.

 

 

“While there might still be bad eggs within the organization, the leadership of the Department has seen fit to charge these known implicated and remove those found guilty. It is not, therefore, the time to condemn the whole institution,” anito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Filipinas wagi kontra Cambodia 5-0

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING  maganda ang pagsisimula ng Philippine womens’ football team na Filipinas sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Ito ay matapos na tambakan nila ang Cambodia 5-0.

 

 

Unang nakapuntos ang Filipinas sa 27 minuto ng maipasok ni Isabella Flangan ang goal.

 

 

Ito ang unang official match ng Filipinas mula ng magwagi sila sa AFC Women’s Asian Cup 2022 kung saan nakapasok sila sa FIFA Women’s World Cup 2023.

 

 

Susunod na makakaharap ng Womens football team ng bansa sa Group A ang Vietnam sa Mayo 11.