• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 14th, 2022

PREPARE FOR TAKEOFF WITH “TOP GUN: MAVERICK” CHARACTER POSTERS

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MEET the best of the best. Get to know the Top Gun: Maverick crew with the reveal of their individual character posters.  

 

 

See them on the biggest screen possible on Wednesday, May 25 in theaters and IMAX across the Philippines.

 

[Watch the film’s new spot at https://youtu.be/N8stAcufxy8]

 

About Top Gun: Maverick

 

After more than thirty years of service as one of the Navy’s top aviators, Pete “Maverick” Mitchell (Tom Cruise) is where he belongs, pushing the envelope as a courageous test pilot and dodging the advancement in rank that would ground him. When he finds himself training a detachment of Top Gun graduates for a specialized mission the likes of which no living pilot has ever seen, Maverick encounters Lt. Bradley Bradshaw (Miles Teller), call sign: “Rooster,” the son of Maverick’s late friend and Radar Intercept Officer Lt. Nick Bradshaw, aka “Goose”.

 

 

Facing an uncertain future and confronting the ghosts of his past, Maverick is drawn into a confrontation with his own deepest fears, culminating in a mission that demands the ultimate sacrifice from those who will be chosen to fly it.

 

 

Directed by Joseph Kosinski, Top Gun: Maverick stars Tom Cruise, Miles Teller, Jennifer Connelly, Jon Hamm, Glen Powell, Lewis Pullman, Charles Parnell, Bashir Salahuddin, Monica Barbaro, Jay Ellis, Danny Ramirez, Greg Tarzan Davis with Ed Harris.

 

 

The film is written by Ehren Kruger and Eric Warren Singer and Christopher McQuarrie, based the characters created by Jim Cash & Jack Epps, Jr.  Produced by Jerry Bruckheimer, Tom Cruise, Christopher McQuarrie and David Ellison.

 

 

Top Gun: Maverick is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.  Follow us on Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/  and YouTube at  https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw.

Connect with #TopGun and tag paramountpicsph

 

 

(ROHN ROMULO)

Proklamasyon ng nanalong senador, partylists posible sa susunod na linggo

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maiproklama na sa susunod na linggo ang mga nagwaging kandidato sa pagka-senador at mga party-list groups.

 

 

“Ang optimistic projection namin ay is in a week’s time. Tignan niyo ‘yung bar natin, it’s 82 out of 173, we will canvass the ­remaining COCs. Meron lang po tayong onti na hihintayin,” ayon kay acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco.

 

 

Sinabi niya na hindi lahat ng COCs (certificate of canvass) mula sa ‘overseas absentee voting’ ay ipadadala ng “electronically” dahil sa ang ilan ay ide-deliber ng pisikal sa National Board of Canvassers (NBOC).

 

 

Kailangan ding bilangin ang COCs mula sa ‘local absentee voting’ at ang mga galing sa 63 barangay sa North Cotabato na nagsagawa ng ‘manual voting’.

 

 

Para naman sa party-list groups, ipinaliwanag ni Laudiangco na sa formula sa ilalim ng RA 7941 o ang Party-List Act, kailangan na makakuha ng 2% -pataas ng kabuuang boto para sa party-list election para magkaroon ng isa hanggang tatlong puwesto sa Kongreso.

 

 

Pero maaari pang makakuha ng puwesto ang mga party-list na hindi makakaabot sa ‘threshold’ na ito. Ayon kasi sa batas, kailangan na bubuuin ang Kongreso ng 20% mula sa Party-list representatives kaya ibibigay ang puwesto sa mga may pinakamataas na bahagdan ng boto kahit hindi umabot sa 2%.

 

 

Lilimitahan naman ng Comelec ang mga kasama ng mga mananalong senador at party-list representatives sa kanilang proklamasyon base sa ipinatutupad na ‘minimum health protocols’. (Daris Jose)

J.P. Morgan pinabulaanan ang maling ulat ukol sa pagbagsak ng Pinas sa listahan ng ASEAN investment

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng American financial services giant J.P. Morgan na mali ang iniulat ng ilang media ukol sa pagbagsak ng Pilipinas sa investment list ng Southeast Asian matapos ang landslide victory ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa katatapos na eleksyon nitong Mayo 9.

 

 

Sa isang pahayag, nilinaw ni Patricia Anne Javier-Gutierrez, Executive Director, Philippines Heads of Communications, J.P. Morgan, na mali ang ulat ng ilang media na ang pagbagsak ay dulot umano ng resulta ng eleksyon.

 

 

“Our views on the Philippines are driven by long term global and local macroeconomic fundamentals, and not by election results or outcomes in general,” ani Gutierrez sa pahayag.

 

 

Nagbigay ng paglilinaw ang J.P. Morgan matapos kumalat ang ulat sa mga kaalyadong media ng kampo ni Leni Robredo, na ang pagbagsak umano ng Pilipinas ay bunsod ng pagkapanalo ni Marcos.

 

 

“As stated in our May 8 Philippine Strategy report, we think the Philippines faces a challenging macroeconomic outlook post 2022 regardless of the outcome of the May 2022 presidential elections,” ayon sa pahayag.

 

 

Iginiit pa ng J.P. Morgan na ang kanilang pahayag ay isinagawa bago pa lumabas ang resulta ng halalan kaya agad silang nagpadala nang paglilinaw sa media.

 

 

“We further say in our report that re- opening benefits are expected to underpin strong 2022 GDP and earnings growth but this benefit will likely wane in 2023, underscoring the macro challenges faced in the future,” dagdag pa ng pahayag. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Robredo, nagdaos ng thanksgiving para sa mga supporters, volunteers

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGDAOS araw ng Biyernes, Mayo 13 ng thanksgiving event si Vice President Leni Robredo kasama ang buong Angat Buhay team sa Ateneo de Manila University (AdMU) campus.

 

 

Tinawag na “Tayo ang Liwanag”, sinabi ni Robredo na layon nito na ipaabot ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga supporters at volunteers na sumama sa kanyang journey sa panahon ng campaign period.

 

 

Sa pamamagitan ng VP Leni Robredo Facebook page, inanunsyo kahapon, araw ng Huwebes, Mayo 12 ang pagpapalit ng venue mula Liwasang Aurora sa Quezon City sa AdMU.

 

 

“Magbabago ang venue ng ating Thanksgiving Gathering, bukas Biyernes, ika-13 ng Mayo 2022, alas-5 ng hapon. Alinsunod ito sa desisyon ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon na hindi magbigay ng permit para sa orihinal na venue in Quezon Memorial Circle,” ang nakasaad sa post.

 

 

“Bagama’t ikinalulungkot namin ito, iginagalang namin ang pasya ng lokal na pamahalaan. Nananabik kaming makasama ang mga kaibigan, kapwa-volunteer, supporter, at kapwa Pilipino sa Ateneo grounds bukas,” dagdag nito.

 

 

Nag-live naman si Robredo via Facebook upang ipahayag ang kanyang pasasalamat sa lahat na sumuporta at nagboluntaryo sa panahon ng kampanya at mga inimbitahan na dumalo sa event.

 

 

Nagpasalamat din siya sa mga nagbigay sa kanya ng regalo noong campaign period.

 

 

“Gusto ko to ipakita kasi hindi ako nakapagpasalamat enough sa mga nagbibigay pero pinag-iisipan naming baka pwedeng yung iba ilagay natin sa museum, tapos yung iba ay, wala pa ano pa to up in the air, auction lalo na yung mga art work kasi pwede pangsimula natin for our Angat Buhay programs ,” ang pahayag ni Robredo.

 

 

Pinag-iisipan din ni Robredo na ibigay ang ilan sa mga regalo sa kanyang mga volunteers upang mapakinabangan ito ng ibang tao.

 

 

Samantala, sinabi pa ni Robredo na nanggaling siya sa kanyang hometown sa Bicol at ang kanyang mga supporters sa Naga ay nag-iisip na magtayo ng “pink museum” upang itago doon ang mga pinakamahahalagang memorabilia. (Daris Jose)

Tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon ang bawat kuwento: CHARO, inamin na new challenge sa kanya ang bagong programa na tungkol sa OFW

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY bagong programa si Ms. Charo Santos-Concio.

 

 

Ito ay ang ‘Shine On Overseas Pinoy’ kung saan ang mga Overseas Pinoy ay magbabahagi ng kanilang kwento kung paano nila nilabanan ang lungkot na mawalay sa pamilya.

 

 

Ibabahagi rin nila ang kanilang karanasan tungkol sa kahalagahan ng pagiging financially stable, pananatiling malusog, pagpapaaral ng mga anak at paghahanda sa retirement.

 

 

Tiyak na maraming kwento ang mga kapatid nating OFWs na kapupulutan natin ng aral at inspirasyon.

 

 

Ang 13-episode show ay magsisimula ngayong Sunday, May 14, at mapapanood sa TFC Cable and Satellite, IPTV and iWantTFC.

 

 

The series will be available in the Asia Pacific and Europe, Middle East, and Africa regions. Presented by Sun Life.

 

 

“This is a new challenge for me,” sabi ni Mam Charo sa zoomcon yesterday.

 

 

Mam Charo said she had fun talking to the OFWs with whom she shared the importance of being financially stable.

 

 

“It is important that we learn how to manage our finances. Dapat marunong tayong humawak ng perang kinikita natin, lalo na sa ating mga OFWs who work hard for earn their keep.”

 

 

Ayon kay Mam Charo, may Sun Life financial adviser na makakasama ang isang OFW on the show at ito ang magpapaliwanag sa kanya ang kahalagahan na maayos an gating financial status.

 

 

“We should be disciplined in handling our earnings. We should know how to budget our money, take care of our expenses and how can we save a certain amount for our future.”

 

 

Mam Charo enjoyed talking to the dIfferent OFWS that will be featured in the show’s season.

 

 

“I am very excited to do this show and share with everyone the inspiring stories we have on the show.”

 

 

***

 

 

MAY slight na tampo ang entertainment columnist at YouTube vlogger na si Aster Amoyo kay outgoing Manila Mayor Isko Moreno.

 

 

Kapapanalo pa lang daw ni Isko na Mayor ng Maynila ay nagpasabi na si Tita Aster na nais niyang ma-interview ang dating artista-turned-politician.

 

 

Pero sa tinagal-tagal niyang nagre-request ay hindi man lang siya napagbigyan. Nang mag-announce si Isko ng candidacy for president ay nag-try muli Tita Aster na sumubok kung pwede ba niyang ma-interview si Isko for her YouTube channel. Pero hindi pa rin siya napagbigyan.

 

 

Akala pa naman daw niya dahil kapwa sila taga-showbiz ay mas madadali siyang magkakaroon ng chance na ma-interview si Isko. Pero kahit na nag-try magpasabi muli ay hindi pa rin siya napagbigyan.

 

 

Now that Isko is stepping down on June 30 as Manila Mayor, magkaroon na kaya siya ng oras to sit down with Tita Aster for the much-delayed interview?

 

 

Congratulations nga pala kay Tita Aster dahil binigyan siya ng YouTube ng Silver Button Award for reaching 100,000 subscribers. Ang goal niya ngayon ay makaabot ng one million subscribers.

 

 

Her “TicTALK with Aster Amoyo’ sa YouTube channel is turning two on July 17, 2022.

 

 

Sana naman ay matuloy na ang inaasam na interview ni Tita Aster kay Mayor Isko para mawala na ang kanyang tampo.

(RICKY CALDERON)

Ginamit na campaign materials, maayos na itapon – DENR

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim O. Sampulna ang mga kandidato ng  2022 national at local elections na linisin at itapon ng maayos ang kanilang campaign materials alinsunod na rin sa nakasaad sa Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

 

 

“Win or lose, these candidates must consider the long-term consequences of their campaign materials in the environment. Therefore, they must encourage their supporters and volunteers to take down these materials, especially those made of plastic, and dispose these properly,” sabi ni Sampulna.

 

 

Aniya ang DENR sa pakikipagtulungan na rin ng local government units (LGUs) ay handang tumulong sa Commission on Election (Comelec) upang matiyak na magkakaroon ng resolusyon na mag-aatas sa mga kandidato na tanggalin ang kanilang election materials matapos ang bawat campaign period.

 

 

“We will make sure that the existing environmental laws, such as RA 9003, will strengthen the resolution,” dagdag  ni Sampulna.

 

 

Sinabi rin ni Sampulna  sa mga kandidato na buuin ang kanilang grupo upang maglinis ng boluntaryo sa halip na maharap sa posibleng paglabag pagkatapos ng election season.

 

 

Inirekomenda rin ni Sampulna ang pagsunod sa recycling at upcycling ng campaign materials upang mabawasan ang mga by-products na dadalhin sa mga dumpsites.

 

 

Naglabas na rin ng advisory ang Department of the Interior and Local Government na miyembro ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) sa lahat ng LGUs upang paalalahanan sa mahigpit na pagpapatupad ng mga probisyon sa RA 9003.

BBM binati na nina Biden, Xi

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAUSAP at binati na si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos at US President Joe Biden.

 

 

Kinumpirma ng White House na binati si Marcos ni Biden matapos ang tagumpay sa nakaraang halalan.

 

 

Nakasaad din sa statement na binanggit ni Biden ang kahalagahan nang pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at Amerika habang nagtutulungan sa mara­ming isyu katulad nang paglaban sa COVID-19, problema sa klima, pagpapalakas ng ekonomiya at pagrespeto sa karapatang pantao.

 

 

“President Joseph R. Biden, Jr. spoke today with President-elect Ferdinand Marcos Jr. of the Philippines to congratulate him on his election. President Biden underscored that he looks forward to working with the President-elect to continue strengthening the U.S.-Philippine Alliance, while expan­ding bilateral cooperation on a wide range of issues, including the fight against COVID-19, addressing the climate crisis, promoting broad-based economic growth, and respect for human right,” anang White House.

 

 

Ikinagalak naman ni Marcos ang pagkilala ng US sa kanyang tagumpay.

 

 

Nauna rito, kinumpirma ni Atty. Vic ­Rodriguez ang pagtawag ni Biden kay Marcos.

 

 

Sinabi rin ni Rodriguez na magiging bukas para sa lahat ang ­foreign policy ng susunod na administrasyon.

 

 

“We will not be exclusive to anyone. The interest of the Filipino people and the national interest comes first and it will never be compromised especially our territorial integrity,” ani Rodriguez.

 

 

Samantala , binati na rin ni Chinese Pres. Xi Jinping si Marcos .

 

 

Ayon sa Embahada ng Chinese sa Manila, kinilala ni Xi ang pagiging mag-partner ng Pinas at China.

 

 

“I am honored to forward the congratulatory message from H.E. President Xi Jinping of the People’s Republic of China on your elections as president of the Republic of the ­Philippines,” ayon sa ambassador.

 

 

“Again, on behalf of the Chinese Embassy in the Philippines and in my own name, I would like to convey my heartfelt congratulations on Your Excellency’s election as the 17th President of the Philippines,” saad ng ­liham.

 

 

Ayon pa sa opisyal ng China, patuloy ang kanilang maayos na pakikipag-ugnayan sa Pilipinas para sa mas maayos na relasyon. (Daris Jose)

Pilipinas target na maidepensa ng titulo sa SEA Games

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Olympic pole-vaulter EJ Obiena na nagsilbing flag-bearer sa pormal na pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Kasama nito na pumarada si Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino at 30 miyembro ng Philippine contingent.

 

 

Mayroong kabuuang 495 na atleta ng bansa ang sasabak sa 39 sports event.

 

 

Tiwala si Tolentino na kayang idepensa ng Pilipinas ang kanilang titulo noong naging host ang bansa ng 2019 SEA Games.

 

 

Nakakuha kasi noon ang bansa ng 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals.

 

 

Noong 2005 din ay naging overall champion ang Pilipinas sa SEA Games.

 

 

Sa isinagawang opening ceremony ay naging makulay kung saan sinalubong ng fireworks ang mga manlalaro sa My Dinh National Stadium.

 

 

Magugunitang ipinagpaliban ang nasabing torneo noong nakaraang taon dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19.

Japan ikinabahala ang missile test ng North Korea ilang araw bago ang pagdalaw ni Biden

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IKINABAHALA ng Japan ang muling pagpapalipad ng North Korea ng kanilang ballistic missiles.

 

 

Sa pinakahuling insidente ay nagpakawala ang North Korea ng tatlong ballistic missile patungo sa karagatang sakop ng Japan.

 

 

Isinagawa aniya ang nasabing missile test ilang araw bago ang pagbisita ni US President Joe Biden sa South Korea at Japan.

 

 

Sinabi ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na kaniyang inatasan ang mga militar na pag-aralan ang ginagwang missile test ng North Korea para matiyak ang kaligtasan ng mga eroplanong pandigma at barkong pandigma nila.

 

 

Ito na ang pang-16 na beses na nagsagawa ang North Korea ng missilte test ngayong taon.

Sa Spain na sila nag-celebrate sa pagkapanalo bilang Senador: MARIEL, sobrang happy na pwede ulit mag-pink na fave nila ni ROBIN

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA Barcelona, Spain na si Mariel Padilla, kasama ang dalawang anak nila ng newly-elected and number one Senator na si Robin Padilla, at ang parents niya.  

 

 

     Ayon kay Mariel, sa Instagram post niya, right after daw niyang nakaboto last May 9, diretso na sila sa NAIA para magbiyahe to Barcelona; “we survived a 20hr trip with 2 senior citizens and 2 kids.”

 

 

     Hindi naman binanggit ni Mariel bakit sila pumunta ng Barcelona.

 

 

Kaya doon na nagpasalamat na si Mariel sa lahat ng sumuporta at bumoto kay Robin.  Sa Barcelona na raw sila magsi-celebrate ng panalo ni Robin.  Doon na rin nagkuwento si Mariel kung paano sila nagtulong ni Robin sa pagkandidato nito bilang isa sa Senador ng BBM-SARA Uniteam.

 

 

     Inamin ni Robin na wala silang pondo para gastusin sa election,  “I won’t spend money on the campaign because I saved for my children,  That’s why Mariel is doing Live Selling. So cute.”

 

 

    Nagpasalamat naman si Mariel sa lahat ng mga kapartido ni Robin na tumulong sa asawa during their campaign.

 

 

   “Hanggang sa land trip lamang pwedeng sumunod si Robin.  Kaya isinasabay lamang siya ng mga kasama niyang may chopper, like si Jinggoy, lagi siyang isinasabay nito, noong bandang huli may nag-provide na sa kanya ng sariling chopper na sasakyan niya.  Salamat po sa mga nagtiwala at bumoto kay Robin.  Itutuloy po niya ang mga ipinangako niya noong campaign period, isa rito ang ‘Build, Build, Build Project’ ni President Rodrigo Duterte.

 

 

    Sunod na Instagram post ni Mariel: ‘yehey, pwede na ulit mag-Pink! #PinkloverOG, na sinagot ni Robin ng, ‘yes babe favorite natin na color.’ Dagdag pa ni Mariel, ‘@robinhoodpadilla yes babe hehehe ilabas ko na lahat.”

 

 

This time kasi, wala na raw color na dapat sundin.

 

 

       ***

 

 

      HANGGANG ngayon ay pinag-iisipan pa rin ng mga netizens kung paano magsisilang ang isang lalaking nabuntis.

 

 

      Ito ang nakaka-intriga sa False-Positive starring Glaiza de Castro at Xian Lim bilang mag-asawang nakatuwaan ng mga engkantadong sina Malakas at Maganda (Buboy Villar at Herlene ‘Hipon Girl’ Budol).

 

 

    Sa sama ng loob ng buntis na si Glaiza, kay Xian, hiniling niya kina Malakas at Maganda na sana ay malipat na ang pagbubuntis niya sa asawa para maranasan nito ang hirap ng pinagdaraanan niya.  Sinunod naman ng mga engkantado ang hiling ni Glaiza at nalipat nga ang pagbubuntis niya kay Xian.

 

 

    Inaabangan ito gabi-gabi, after ng First Lady sa GMA-7, kaya nagpasalamat si Xian: “Thank you all for watching False Positive.  Masakit talaga ang pinagdadaanan ko sa seryeng ito dahil saan lalabas ang batang nasa tiyan ko kundi sa  ______.  Weeknights on GMA Telebabad!

 

 

   Ilan nga sa comments: @victoriachale It’s a hoot & a hit! Congrats to you and the whole team!” @thewhattodonowmum Omg what a riot…good vibes only!” @zyklerge_k35 xian, ikaw na talaga ang bagong fav ko na comedy king.” @beneluzdumlao “nakaka-lessen ng stress everytime I watch False Positive!! I just could imagine and hear Kimmy’s laughter when she watches this on tv,  You’re so versatile Xian… kitang-kita ang diff. face projection mo in every scene!! Congrats!!!

 

 

       ***

 

 

     UMALIS si Multimedia Star Alden Richards last Thursday evening, May 12, kasama si Mama Tenten, papuntang USA.

 

 

     Taping break ni Alden ng GMA teleserye na Start-Up at ilang araw din siyang mawawala.  Walang makapagsabi kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Alden sa US.  Pero babalik din siya sa May 18, para mag-prepare na for the lock-in taping nila nina Bea Alonzo, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, at Ms. Gina Alajar, somewhere in Pampanga.

(NORA V. CALDERON)