• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 27th, 2022

DC Gives A Detailed Look at Aquaman & Black Manta’s New Costumes in ‘Aquaman 2’

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DC has given us a detailed look at the uniforms Arthur Curry (Jason Momoa) and Black Manta (Yahya Abdul) will be using on Aquaman and the Lost Kingdom.

 

 

Our own Steven Weintraub took some exclusive pictures at the Licensing Expo in Las Vegas, giving us the best look yet at the new costumes featured in the highly-anticipated sequel.

 

 

In the first Aquaman film, Arthur Curry got the golden and green uniform associated with the classic comic book version of the subaquatic hero. However, for the sequel, Arthur will be wearing a dark green uniform that looks closer to the character’s more recent comic book versions.

 

 

Besides that, the new Aquaman uniform mimics fish scales, with small circles being used to give texture to the costume. Finally, the uniform is complete with metallic gloves, boots, and shoulder armor, giving Arthur Curry some protection against his enemies.

 

 

As for Black Manta, the new uniform keeps the first film trend with a few adjustments. The villain still sports his classic fishbowl helmet. However, the helmet is all metallic this time around, without the black painting the villain used in Aquaman.

 

 

Black Manta’s uniform also looks like it is made of rubber, without the armor parts that the villain used in his previous appearance. Considering how Black Manta is expected to have an extended role in the sequel, it will be fun to see a version of the villain that pays homage to its comic counterpart’s original looks.

 

 

Aquaman and the Lost Kingdom will take the sea hero to the titular Lost Kingdom, a part of the Atlantean Empire lost to history after the Atlanteans fell into ruin and became an underwater people. Due to a cryptic set photo posted by Wan, we speculated the Lost Kingdom is the Black City of Necrus, the Atlantean kingdom that despises surface-dwellers. Since Patrick Wilson is coming back as Ocean Master for the sequel, the city of Necrus could give the fallen king the military power he wants to wipe out humanity, a mission he failed to complete during the first movie.

 

 

Directed by James Wan, Aquaman and the Lost Kingdom will also see the return of Amber Heard as Mera, Dolph Lundgren as King Nereus, and Temuera Morrison as Aquaman’s father, Tom Curry. Game of Thrones’ Pilou Asbæk also joins the cast at an undisclosed part. Wan directs from a script written by David Leslie Johnson-McGoldrick, but Momoa himself co-wrote the story treatment for the sequel.

 

 

Aquaman and the Lost Kingdom got pushed to March 17, 2023 playdate. (source: collider.com)

 

 

(ROHN ROMULO)

55 party-list groups naproklama na – Comelec

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NATULOY na ang proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa 55 mga nanalong mga party-list groups.

 

 

Naganap ang proklamasyon kahapon Huwebes  sa PICC Forum 2 Tent sa Pasay City.

 

 

Sa inilabas na complete list ng mga nanalong party-list groups ang lahat ng mga ito ay entitled ng isa o higit pa na upuan sa 19th Congress.

 

 

Ang topnotcher sa naturang listahan ay ang ACT-CIS.

 

 

Habang ang grupong Kabataan at Gabriela na nahaharap sa mga petisyon para sa kanselasyon ng rehistrasyon mula sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay ipoproklama rin.

 

 

Habang ang United Senior Citizens na pumuwesto sa 37th place noong nakaraang linggo sa canvassing report ay wala sa listahan.

 

 

Ang Senior Citizens PL ay nauna nang naghain ng disqualification case laban sa naturang grupo.

 

 

Narito ang mga nanalong party-list na ipoproklama na ng Comelec:

 

  • ACT-CIS
  • 1-Rider PL
  • Tingog
  • 4PS
  • Ako Bicol
  • Sagip
  • Ang Probinsyano
  • Uswag Ilonggo
  • Tutok to Win
  • CIBAC
  • Senior Citizens PL
  • Duterte Youth
  • Agimat
  • Kabataan
  • Angat
  • Marino
  • Ako Bisaya
  • Probinsyano Ako
  • LPGMA
  • API
  • Gabriela
  • CWS
  • Agri
  • P3PWD
  • Ako Ilocano Ako
  • Kusug Tausug
  • An Waray
  • Kalinga
  • Agap
  • Coop-NATCO
  • Malasakit@Bayanihan
  • BHW
  • GP Party
  • BH
  • ACT Teachers
  • TGP
  • Bicol Saro
  • Dumper PTDA
  • Pinuno
  • Abang Lingkod
  • PBA
  • OFW
  • Abono
  • Anakalusugan
  • Kabayan
  • Magsasaka
  • 1-PACMAN
  • APEC
  • Pusong Pinoy
  • TUCP
  • Patrol
  • Manila Teachers
  • Aambis-OWWA
  • Philreca
  • Alona

Nag-celebrate ng 10th anniversary sa Thailand… Say ni KATHRYN kay DANIEL, ‘true love exists… someone like you still do exist’

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-CELEBRATE ang reel and real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng kanilang 10th anniversary last May 25, at sa bansang Thailand sila magkasamang nagdiwang.

 

 

Last week pa pala nagpunta ng Bangkok si Kathryn kasama si Alora Sasam na isa sa BFF at sumunod na lang Daniel noong Lunes, May 23.

 

 

At mula nga sa Bangkok, lumipad naman ang Kapamilya couple papuntang Chiang Mai na kung saan isa sa pinuntahan nila ang elephant sanctuary na aliw na aliw si Kathryn na makipaglaro at mapag-picture sa mga elepante.

 

Nag-share nga ang aktres sa kanyang Instagram post ng photos nila ng aktor, kasama ang punum-puno ng pagmamahal na anniversary message para sa kanyang love na si Daniel.

 

 

Panimula niya, “Celebrated our special day in the most unforgettable way possible and enjoyed every minute of it.”

 

 

“You know how much this trip means to me and how much I looove elephants, so without a question, you agreed to do this again with me right away. All you said to me was “kahit san mo gusto love, susunod ako after ng trabaho ko.”
Pagpapasalamat pa ni Kath, “Thank you for making time for this trip, my love! Thank you for always making sure I feel loved and appreciated. 🖤 Looking back on our 10-year journey together, I find myself smiling with so much pride. Because we did it… We did it, love! True love exists. Someone like you still do exist.

 

“I love you so much. Happy 10th anniversary to my person!”

 

Pinusuan naman ito ng kanilang celebrity friends at umapaw din ang mga pagbati sa na tuwang-tuwa sa kanilang ika-10 anibersaryo bilang magkarelasyon.

 

Say naman ng netizens, kailan naman kaya sila magpaplanong magpakasal since isang dekada na pala silang magkasama.

 

Well, abang-abang na lang, pero sa ngayon hayaan na lang muna natin ang KathNiel na i-enjoy ang isa’t-isa bilang magkasintahan.

(ROHN ROMULO)

British tennis star Emma Raducanu bigo sa 2nd round ng French Open

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS na ang kampanya sa French Open si US Open Champion Emma Raducanu.

 

 

Ito ay matapos na talunin siya ni Aliaksandra Sasnovich ng Belarus 3-6, 6-1, 6-1 sa ikalawang round.

 

 

Ito ang unang beses na paglalaro ng British 12th seed at ang pangalawang pagkatalo niya kay 47th ranked na si Sasnovich sa Indian Wells noong 2021.

 

 

Sinabi ng 28-anyos na si Sasnovich na hindi niya akalain na mananalo pa siya sa mga susunod na set matapos ang pagkatalo sa unang set.

 

 

Susunod na makakaharap ni Sasnovich ang sinumang magwagi sa pagitan nina Angelique Kerber ng Germany at French wildcard Elsa Jacquemot.

Malakanyang, nagpaabot ng pagbati kina Bongbong Marcos Jr. at Sara Duterte

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng pagbati ang Malakanyang kina Ginoong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. at Binibining Inday Sara Duterte-Carpio sa electoral victory at proklamasyon ng mga ito bilang President-elect of the Philippines at Vice President-elect of the Philippines.

 

 

“Today’s proclamation ceremony by Congress marks another historic milestone in our political life as a nation underscoring that we are, indeed, a showcase and beacon of democracy in this part of the world,” ayon kay Acting Presidential spokesperson at PCOO Secretary Martin Andanar.

 

 

Habang ang dalawang lider ay nakatakdang simulan ang kani-kanilang mga responsibilidad at mga hamon sa kani-kanilang tanggapan, inulit ng Malakanyang ang panawagan nito sa sambayanang filipino na suportahan ang mga bagong halal na lider ng bansa.

 

 

Samantala, titiyakin naman ng Office of the President (OP) ang mapayapa at maayos na “transfer of powers” o paglilipat ng kapangyarihan sa President-elect sabay sabing “we extend all the necessary support and assistance to various transition activities. Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay ang mga Pilipino.” (Daris Jose)

Lawyer-vlogger Trixie Cruz-Angeles tinanggap na ang alok ni Marcos na maging press secretary

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPILI para susunod na pamunuan ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) si radio commentator, lawyer at pro-Duterte blogger na si Atty. Rose Beatrix Cruz-Angeles (Trixie Cruz-Angeles).

 

 

Ito ang kinumpirma ng kampo ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Ang pangunahing gawain ni Cruz-Angeles ay ang pangasiwaan ang mga operasyon ng PCOO na kinabibilangan ng pagsasagawa ng regular na press briefing sa mga media practitioners na nagko-cover sa mga aktibidad ng Malacanang.

 

 

Si Cruz-Angeles, na isang social media strategist sa PCOO mula Hulyo 2017 hanggang 2018 sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay tinanggap ang alok na maging press secretary.

 

 

Kung maalala, noong unang bahagi ng taong 2000s, nagtrabaho si Cruz-Angeles sa ilang mga ahensyang kasangkot sa heritage and cultural conservation.

 

 

Nagtrabaho rin siya bilang tagapagsalita ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at legal counsel para sa mga indibidwal na sangkot sa mga kontrobersyal na kaso.

 

 

Kabilang sa mga kliyenteng kanyang kinatawan ay ang itiniwalag na ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca II at dating pugante na naging Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

 

 

Noong 2016, sinuspinde ng Korte Suprema si Cruz-Angeles mula sa pagsasanay ng batas sa loob ng tatlong taon.

 

 

Sinabi ng mataas na hukuman, nilabag niya at ng kapwa abogadong si Wylie Paler ang mga sipi sa code of conduct ng abogado laban sa mga hindi tapat na gawain, pagpapabaya sa mga legal na bagay na ipinagkatiwala sa kanila, at pananagutan para sa pera ng kliyente.

 

 

Naging radio show host at prominenteng blogger din ito kung saan sinusuportahan niya ang administrasyon ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Bilang pagkilala na Living Legend-Outstanding Filipino: SUSAN, pinagkalooban ng Philippine Postal Corporation ng isang special portrait

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAGKALOOB ng Philippine Postal Corporation ang isang espesyal na portrait para sa yumaong Queen of Philippine Movies na si Susan Roces bilang pagkilala sa kanya na Living Legend-Outstanding Filipino.

 

 

 

Tinanggap ni Senator Grace Poe ang portrait ng kanyang ina mula sa mga opisyal ng PHLPost at nagpasalamat ito sa pagkilala sa kanyang ina na isa sa haligi ng Pelikulang Pilipino ng ilang dekada.

 

 

 

“Maraming salamat sa PHLPost sa pagkilala kay Susan Roces bilang isa sa mga Living Legend Outstanding Filipino. Tunay na ipinagmalaki at ikinagalak niyang matanggap ang parangal na ito,” sey ni Senadora Grace.

 

 

 

Pinost naman ng PHLPost sa kanilang Facebook page ang parangal nila para kay Roces: “The Post Office honored Susan Roces, the Queen of Philippine Movies, as an Outstanding Filipino last February. Her memory will live on, and people will remember her for giving joy and pride to the nation through film and television.”

 

 

 

Kabilang si Roces sa mga napili para sa mga bagong selyo ng outstanding Filipinos na nagsilbing inspirasyon sa kanilang mga larangan.

 

 

Kasama ni Roces sina Nora Aunor, Gloria Romero, Rosa Rosal, at Vilma Santos; ang mga scientist na sina Dr. Ernesto O. Domingo at Dr. Baldomero Olivera; at ang bowler na si Olivia “Bong” Coo at basketball player na si Ramon “El Presidente” Fernandez.

 

 

 

***

 

 

 

EXCITED na mapabilang si Jak Roberto sa pinakabagong sports drama ng GMA, ang Bolera.

 

 

 

Ayon kay Jak, ngayon lamang ulit siya mapapanood sa primetime after ng 2017 GMA series na Meant To Be.

 

 

 

“Noong unang sinabi sa akin na Bolera ‘yung magiging title, akala ko comedy tapos ang character name ko kasi Toypits. Sabi ko sa handler ko, ‘Comedy ba ‘to kuya?’ Tapos sabi niya, ‘Hindi heavy drama.’ Tungkol daw kasi sa billiards. Ngayon na lang ulit magkakaroon ng theme na tungkol sa sports ‘di ba, so exciting.

 

 

 

“Though parang madugo kunan niyan kasi game designing. Pero na-excite ako in a way na kasali ako roon and sa primetime siya ipapalabas. After Meant To Be ngayon na lang ulit ako magpa-primetime. Sobrang excited and happy kasi ako ‘yung isa sa mga cast.”

 

 

 

Sa Bolera, bibigyang buhay ni Jak ang kababata ni Joni na si Pepito “Toypits” Canlas, ang magsisilbing unang manager ni Joni sa pagpasok nito sa mundo ng billiards.

 

 

 

Makakasama ni Jak sa seryeng ito sina Kylie Padilla, Rayver Cruz, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, Al Tantay, at David Remo.

 

 

 

***

 

 

 

WALANG naging ingay ang American Idol sa taong ito, pero may hinirang na silang winner at ito ay ang 20 year-old construction worker from Kentucky na si Noah Thompson.

 

 

 

Naging paboritong contestant si Noah sa auditions pa lang para sa season 20 ng AI. Kaya hindi raw nakakapagtaka na siyang ang makauwi ng title na American Idol at matalo niya sa real-time votes ang mahigpit niyang mga kalaban na sina HunterGirl at Leah Marlene. Nakakuha ng higit sa 16 million votes si Noah.

 

 

 

Ayon pa kay Noah: “As a kid, all I thought about was just playing music, being famous. But where I’m from, you don’t really get much opportunities. My family, they believe in me. The guys I work with believe in me. But I’ve just never believed in myself … I would have never signed myself up for nothing like this. I’ve never had that confidence. It’s pretty cool to know that somebody believes in you more than you believe in yourself.”

 

 

 

Bilang winner, inawit ni Noah ang kanyang single na ‘One Day Tonight’.

 

 

 

Sey ng AI judge na si Katy Perry: “You just swooped in and grabbed every heart in America by singing that song. Do not stop dreaming. There is a plan for you and your life.”

 

 

 

Comment naman ng isang pang AI judge na si Lionel Ritchie: “You have what is now your stage persona. That is called an artist. You have now graduated to that wonderful stage of your life.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Wish niya dati na gumawa ng wholesome movie ang ‘Vivamax’: BARON, napasabak na rin sa grabeng sexy scenes sa ‘Pusoy’

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WE remember na sinabi ni Baron Geisler during the presscon of the summer campaign ng Vivamax na sana raw ay gumawa naman ng wholesome movie ang sikat na streaming platform.

 

Tingin kasi ni Baron eh parang soft porn movies ang ginagawa ng Vivamax na pang-come on sa kanilang subscribers.

 

 

Pero napasabak na rin sa sexy scenes (and there were a lot of them) si Baron sa Pusoy, ang bagong Vivamax movie directed by Phil Giordano and produced by Brillante Mendoza.

 

 

Grabe ang sexy scenes ni Baron together with Janelle Tee and Angeli Khang. May eksena pang red brief lang ang kanyang suot ni Baron.

 

 

Mas maraming flash exposure si Baron compared kay Vince Rillon.

 

 

Kwento ni Baron, hindi raw siya tumanggi nang alukin siya ng project ni Brillante Mendoza (ito ngang Pusoy), only to find out later na marami pala siyag kinky sex scenes witn Jenelle and Angeli.

 

 

“Mas mahirap gawin ang love scenes kaysa sa mga eksenang maaksiyon, yung may barilan,” sabi ng actor.

 

 

Pero wala naman daw siyang regrets na pumayag siyang gawin ang Pusoy dahil sa magandang kwento nito.

 

 

***

 

 

KINUMPIRMA ng sikat na volleyball player na si Alyssa Valdez ang breakup nila ng basketball player na si Kiefer Ravena.

 

 

Sa isang statement na inilabas niya thru her agency, ito ang pahayag ng pamosong volleyball player at alumna ng current Pinoy Big Brother:

 

 

“A lot of speculation has been made. We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party. Let us avoid making up stories & spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private.

 

 

“Thank you to all the fans who have loved and supported Alyssa through the years. We know you will continue to be there for her. This will be the only time we will address this matter. We will not be entertaining any interviews or questions. Thank you for your understanding.”

 

 

Anim na taon tumagal ang relasyon nina Alyssa at Kiefer.

 

 

So far ay tahimik din mula sa kampo ni Kiefer. Pero may mga nag-aabang kung maglalabas din ba ng statement ang Pinoy cager.

 

 

(RICKY CALDERON)

Record high na pondo sa 2023 ni presumptive Pres. Marcos, papalo sa P5.268-T – DBM

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAPALO raw sa P5.268 trillion ang full-year budget ng papasok na administrasyon si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2023.

 

 

Inanunsiyo ni Department of Budget and Management (DBM) officer-in-charge Tina Rose Marie Canda ang panukalang national budget sa isang virtual press briefing.

 

 

Kasunod na rin ito ng 181st meeting ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) na kinabibilangan ng mga economic managers ng bansa.

 

 

Ang panukalang budget ay katumbas ng 22.1 percent na gross domestic product ng bansa ayon kay Canda.

 

 

Ang budget ceiling na aprubado ng economic managers ay mas mataas kumpara sa P5.242-trillion na inaprubahan ng mga economic team noong December 2021.

 

 

Ang DBCC ay kinabibilangan ng mga kalihim ng Socioeconomic Planning, Finance (DOF), Budget and Management (DBM) maging ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

 

 

Ayon kay Canda, ang economic team, ang desisyon ng mga economic managers na magkaroon gP5.268-trillion cap para sa 2023 national budget ay dahil na rin sa mas mataas na projected revenue collections sa susunod na taon.

 

 

Samantala, base na rin sa pagtaya ng mga economic managers ang disbursements sa susunod na taon ay posibleng papalo sa P5.086 trillion o katumbas ng 21.3 percent ng GDP.

 

 

Nanatili naman ang target ng DBCC na fiscal deficit sa 6.1 percent ng ekonomiya sa 2023.

 

 

Noong Lunes, sinabi ni Marcos na tinitignan ang national budget para s 2023 na puwedeng kuhanan ng pondo para sa economic stimulus measure dahil pa rin sa nararanasang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. (Daris Jose)

Ads May 27, 2022

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments