• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 27th, 2022

Mavs nakaiwas sa sweep ng Warriors

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPOSTE si Luka Doncic ng 30 points, 14 rebounds at 9 assists pa­ra igiya ang Mavericks sa 119-109 paggiba sa Gol­­den State Warriors at makaiwas mawalis sa Wes­­tern Conference finals.

 

 

Ito ang ika-10 double-double ni Doncic sa kan­yang 14 games sa post­sea­son para sa 1-3 agwat ng Dallas sa kanilang best-of-seven series ng Golden State.

 

 

“Just got to finish the game. A win is a win,” sabi ni Doncic na may masamang 10-of-26 fieldgoal shooting.

 

 

Nagdagdag si Dorian Finney-Smith ng 23 points at may 18 markers si Reggie Bullock na lahat ay ga­­ling sa three-point line.

 

 

May 15 points si Jalen Brunson, habang may 13 at 10 markers sina Maxi Kle­ber at Spencer Dinwiddie, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Nagsalpak ang Mave­ricks ng 20 triples para ta­pusin ang tatlong sunod na kabiguan sa Warriors sa serye.

 

 

Nakatakda ang Game Five sa San Francisco.

 

 

Umiskor si star guard Ste­phen Curry ng 20 points para sa Golden State na nakadikit sa 102-110 agwat matapos magtayo ang Dallas ng 29-point lead.

 

 

Ngunit hindi na muling nakalapit ang Warriors.

 

 

“Just made the decision to see if we could pull off a miracle, but it wasn’t meant to be,” sabi ni coach Steve Kerr sa kanyang tro­pa.

 

 

Ang dunk ni Doncic at ang ikaanim na tres ni Bullock ang muling naglayo sa Mavericks sa 115-102.

 

 

Wala pang NBA team na nakabangon mula sa 0-3 deficit at naipanalo ang serye.

 

 

Isang beses lang na­­wa­lis ang Dallas sa ka­nilang 34 best-of-seven se­­ries.

 

 

Ito ay nang dominahin ng Oklahoma City Thunder ang Mavericks sa first round ng 2012 playoffs.

Bilyong MRT7 project, inaasahang fully operational na sa 2023 – DOTr

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG  magiging fully operational na ang P68.2 billion Metro Rail Transit Line 7 (MRT7) project sa susunod na taon.

 

 

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy Batan, kasalukuyang 65% na ang natatapos sa naturang proyekto na magpapaiksi ng oras ng biyahe mula North Avenue, Quezon City patungong San Jose del Monte, Bulacan mula sa 2 oras ay magiging 30 minuto na lamang.

 

 

Inaasahang masimulan ang partial operation ng tren sa Disyembre ng kasalukuyang taon.

 

 

Ang MRT-7 ay mayroong anim na train sets na binubuo ng 18 train cars na idineliver sa bansa noong Disyembre 2021.

 

 

Ayon sa DOTr nasa 800,000 pasahero kada araw ang passenger capacity ng naturang tren at inaasahang sa unang taon nito ay aabot sa 300,000 pasahero ang maseserbisyuhan ng MRT7.

Tiangco brothers nagpasalamat kay Sen. Go sa binigay na tulong sa mga nasunugan sa Navotas

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng kanilang taos pusong pasasalamat si Navotas City Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco kay Senator Bong Go sa ibinigay niyang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog kamakailan sa naturang lungsod.

 

 

Personal na binisita ni Senator Go para kamustahin ang kalagayan ng nasa 106 mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa naganap na sunog sa Sitio Puting Bato, Brgy. NBBS Proper.

 

 

Namigay si Sen. Go ng food packs, vitamins, face masks, pagkain, at 1 Box na naglalaman ng kanyang mga damit. May mga nakatanggap ng mga bisikleta, tablets, sapatos, at mga bolang panlaro ang pinamigay.

 

 

Aniya, dama niya ang hirap ng masunugan ng bahay at mawalan ng mga gamit kaya hindi siya nag-aatubiling umaksyon agad upang maghatid ng tulong. Dalangin niya na makaahon kaagad at makabalik sa normal nilang pamumuhay ang mga naapektuhan ng sunog.

 

 

Ayon kay Mayor Tiangco, sa pakikipag-ugnay ng kanyang tanggapan sa DSWD, nabigyan ng tulong pinansyal ang mga nasunugan.

 

 

Katuwang din ang DOH, DTI at NHA, nakatanggap ang mga apektadong pamilya ng mga gamot at nabigyan ng kaalaman tungkol sa mga programang maaari nilang makuha mula sa nabanggit na mga ahensya. (Richard Mesa)

BARANGAY AT SK ELECTION NAGHAHANDA NA

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGSISIMULA na ng paghahanda ang Commission on Elections (Comelec) sa susunod na buwan para sa  December 2022 barangay at  Sangguniang Kabataan (SK) elections sa kabila ng panawagan na ipagpaliban ito,sinabi ni  Commissioner George Garcia ngayong Huwebes.

 

 

“Definitely this coming June, we will already start the ball rolling for the preparations for the barangay and SK elections. We cannot presume that Congress will not be proceeding with the elections. We still have to prepare. Napakahirap naman po kung bandang September, bigla na lang matutuloy pala tapos wala kaming paghahanda ”pahayag ni  Garcia sa panayam ng ANC .

 

 

Ginawa ni Garcia ang pahayag kasunod ng pahayag ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na mahigit sa P8 bilyon ang mase-save kung ang barangay elections ngayon taon ay maipagpaliban.

 

 

Mungkahi ng mambabatas,ang nasabing halaga sa halip ay maaring gamitin sa pagtugon  sa COVID-19  at economic stimulus at ayuda para sa mga naapektuhan ng pandemya.

 

 

Nauna na ring sinang-ayunan ni Garcia ang nasabing suhestyon pero aniya sila ay tatalima sa kung ano ang desisyon ng Kongreso sa usapin.

 

 

Aniya, ang P8.6 bilyong inilaan para sa  2022 barangay at SK elections ay nanatiling buo. .

 

 

“Until today, I can honestly tell you that intact po ang P8.6 billion. Wala pa po kaming releases from the DBM”, sabi ni Garcia

 

 

Binigyan diin din ni Garcia na ang voter registration ay nakatakda muling buksan sa July para sa nais magparehistro  o reactivate.

 

 

Sisimulan na rin ng Comelec ang pag-imprenta ng ilang dokumento sa halalan, pagkuha ng mga kagamitan sa halalan, at pagsasanay sa mga manggagawa sa botohan. (CARDS)

Diokno, Medalla, Pascual, Bonoan kinuha rin bilang bahagi ng BBM administration

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATLO  pang magiging miyembro ng gabinete ng incoming administration ang inanunsiyo ngayon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Kinumpirma ni Marcos na kanyang magiging Trade secretary si Alfredo Pascual isang international development banker, finance expert at dating naging presidente ng University of the Philippines System

 

 

Pinangalanan din ni Marcos ang kasalukuyang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor na si Benjamin Diokno na malilipat sa Department of Finance.

 

 

Ang termino sana ni Diokno ay sa July 2023 pa.

 

 

Ipapalit naman sa kanya upang punan ang termino sa BSP ay ang kilalang ekonomista at propesor na si Felipe Medalla.

 

 

Si Medalla ay dating Socio-Economic Planning secretary at director-general ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

 

 

Habang si Engr. Manuel Bonoan ang pinili naman ni Marcos bilang susunod na DPWH secretary.

 

 

Si Bonoan ay ang kasalukuyang presidente ng operations and management companies ng Skyway, NAIAX, SLEX at STAR.

 

 

Dati na ring naging undersecretary noon sa DPWH si Bonoan.

 

 

“I know the economic team si critical and that is what the people are looking too. I think we have found the best people who are able to look forward and to anticipate what the conditions will be for the Philippines and the coming years,” ani Marcos sa isang panayam.

 

 

Kinumpirma rin naman ni Marcos na inalok niya na maging bahagi rin ng gabinete si Rep. Rodante Marcoleta at UP Professor Clarita Carlos pero hindi pa rin daw nakakapagdesisyon ang mga ito. (Daris Jose)

P20M iginawad ng DOLE sa mga manggagawang impormal

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT  800 na mga public utility vehicle (PUV) driver, solo parent, ambulant vendor, marginalized fisherfolk, person with disabilities, at iba pang vulnerable na mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap ng P20 milyong tulong mula sa labor department.

 

 

Iginawad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang tulong ng DOLE sa mga marginalized na manggagawa na naapektuhan ng pandemya noong Araw ng Paggawa para sa mga Manggagawa sa Impormal na Sektor noong Lunes sa Arroceros, Maynila. Ang nabanggit na tulong ay bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaan na muling makabangon ang ekonomiya,

 

 

Tumanggap ang mga benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) ng bicycle units, electronic loading business, bigasan package, frozen goods, home care products, Nego-Kart (Negosyo sa Kariton), o bangka.

 

 

Samantala, ang mga mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ay sumailalim sa emergency employment sa loob ng 10 araw at nakatanggap ng P5,370 ang bawat isa, bilang kanilang suweldo.

 

 

Binigyang-halaga ni Bello ang malaking kontribusyon sa ekonomiya ng mga manggagawa sa impormal na sektor at muling binanggit ang layunin ng Kagawaran na palakasin ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng emergency employment o pagsusulong ng entrepreneurship at mga negosyo ng komunidad.

 

 

Binigyang-diin din niya ang mga social amelioration program ng administrasyong Duterte at ang kahalagahan ng whole-of-government approach upang tulungan ang marginalized sector na makabawi mula sa epekto ng pandemya.

 

 

Batay sa March 2022 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), 36.2 porsyento o 17.016 milyon ng kabuuang bilang ng mga may trabaho ang maaaring ituring na mga manggagawa sa impormal na sektor

 

 

Ayon sa PSA, ang impormal na sektor ay binubuo ng mga “yunit” ng nakikibahagi sa produksiyon ng mga kalakal at serbisyo na ang pangunahing layunin ay makalikha ng trabaho at kabuhayan. Ang mga yunit na ito ay karaniwang pinatatakbo ng mababang antas ng organisasyon, na may kaunti o walang dibisyon sa pagitan ng paggawa at kapital, bilang mga dahilan ng produksyon.

 

 

Ang paggunita sa Araw ng mga Manggagawa sa Impormal na Sektor na may temang “Manggagawa sa Impormal na Sektor, Matatag na Ugnayan Tungo sa Matatag na Pagbangon” ay pinangunahan ng Bureau of Workers with Special Concerns. (Richard Mesa)

Libreng sakay sa MRT 3 extended hanggang June 30

Posted on: May 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pinatagal pa ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ng hanggang June 30.

 

 

“The Libreng Sakay program would be extended anew until June 30 to help lessen the financial burden of commuters affected by rising prices of fuel and basic commodities,” wika ng DOTr.

 

 

Dapat sana ay sa April 30 na magtatapos ang programa sa Libreng Sakay subalit ito ay pinahaba pa hanggang May 30. Ayon sa DOTr, ang Libreng Sakay ay pinahaba pa upang itaon sa pagtatapos ng Duterte administration.

 

 

“Through the free rides, the rail line would be able to test its capacity to carry more than 350,000 passengers daily,” saad ni MRT 3 general manager at director Michael Capati.

 

 

Mayron ng 15,730,872 na pasahero ang sumakay sa MRT 3 ng libre na may average na 315,000 daily ridership ang naitala noong nakarang Martes. Wala naman naitalang breakdown ng nakaraang dalawang buwan.

 

 

Dahil sa programang Libreng Sakay ang estimated na revenue loss na naitala mula March 28 hanggang May 24 ay umaabot na sa P286 million. Habang ang one-month extension ay maaring magkaron ng forgone revenues na aabot ng P150 million hanggang P180 million.

 

 

“We will get that from our subsidy funding of P7.1 billion in the General Appropriations Act,” dagdag ni Capati.

 

 

Sinabi rin ng pamunuan ng MRT 3 na bahala na ang susunod na administration kung itutuloy pa nila ang nasabing programa.

 

 

Maala natin na nagkaron ng inagurasyon noong nakaraang Marso ang rehabilitated na MRT 3 matapos ang nakalipas na dalawang (2) taon kung kaya’t inaasahan na ang mga unloading na pangyayari sa MRT 3 ay hindi na magaganap na muli.

 

 

Kasama si President Duterte sa inagurasyon kung saan siya ang nagpahayag na magkakaron ng libreng sakay sa MRT 3.

 

 

“The train’s system would not have returned to its original high-grade design without the technical competences and professional aid of service providers from Sumitomo Corp., Mitsubishi Heavy Industries and Test Philippines Inc. I also lauded the DOTr under Secretary Tugade for its efforts to improve the MRT 3 services to the public. The MRT is proof that we are keeping our momentum in improving our national road system, which aims to deliver quality service to the Filipinos and respond to the emergency of a new normal,” wika ni Duterte.

 

 

Ayon kay Tugade makakatulong rin ang pagbibigay ng libreng sakay upang mabawasan ang financial burden ng mga mamamayan dahil na rin sa mataas na presyo ng krudo at gasoline sa gitna rin ng tumataas na inflation rate sa ating ekonomiya.

 

 

Ang rehabilitation ay binigyan ng pondo mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) na sinimulan noong 2019.

 

 

Sumailalim ang MRT 3 sa comprehensive upgrade kasama na dito ang restoration ng 72 light rail vehicles, replacement ng rail tracks at rehabilitation ng power supply, overhead catenary system, communications at signaling system, at ang rehabilitation din ng mga estasyon at pasilidad ng depot.

 

 

Tumaas na rin ang operating speed ng MRT3 mula sa dating 25 kph at ngayon ay 60 kilometers per hour na. Sa ngayon ay may 23 ng operational trains mula sa dating 13 trains.

 

 

Ang headway o waiting time sa pagitan ng mga trains ay nabawasan din mula 10 minutes na ngayon ay 3.5 minutes na lamang. Umikli na rin ang travel time mula sa estasyon ng North Avenue papuntang estasyon ng Taft kung saan ito ay 45 minutes na lamang kumpara sa dating 1 hour at 15 minutes.

 

 

Sa ngayon ay umaabot na sa 280,000 pasahero ang naitalang sumakay sa MRT 3 kumpara sa dating 260,000 na pasahero bago pa ang pandemya. May 600,000 kada araw naman ang target ng DOTr na sasakay ng MRT 3 sa darating na panahon. LASACMAR