• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 17th, 2022

Kahit malapit nang ma-divorce sa estranged husband: MICHELLE, ramdam ang lungkot dahil ‘di na buo ang pinangarap na pamilya

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TYPE i-revive ni Saviour Ramos ang Sexballs Dancers na ang mga original members ay sina Michael V., Antonio Aquitania, Ogie Alcasid at ang ama niyang si Wendell Ramos.

 

 

Unang lumabas ang Sexballs Dancers sa isang segment ng Bubble Gang hanggang sa naging most-requested performance na ito ng naturang gag show.

 

 

Noong pinapanood kay Saviour ang pagsayaw ng Sexballs sa song na “Donya” sa Kapuso Web Specials, natuwa ito at gusto niyang buhayin ang Sexballs Dancers kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

 

 

Sey pa ng Sparkle Hunk: “If ako ‘yung papapiliin kung sino ‘yung kasama ko, siyempre hindi na ako lalayo. Si Kokoy de Santos, sobrang solid kong friend ‘yan and may bonding na kami, I swear. Ang sarap kasama niyan, nakakatawa. Second, si Buboy Villar, sobrang isa pang nakakatawa kapag magkakasama kami sa dressing room, nonstop talaga si Buboy. And ‘yung third, si Kuya Sef Cadayona So, lahat nasa ‘Bubble Gang’ na, ‘di ba, gusto n’yo yon?”

 

 

Okey lang daw kay Saviour na pati ang costume na suot ng Sexballs Dancers na maikling black shorts lang tapos topless. Pagpapatawa naman daw ang gagawin nila kaya walang mag-iisip ng anumang malisya.

 

 

Ngayon pa lang ay hinihintay na ng mga beki netizen ang pag-revive ng Sexballs Dancers dahil parang mga sariwang karne sa kanila sina Saviour, Kokoy, Buboy at Sef na puwedeng pisilin at lapirut-lapirutin!

 

 

***

 

 

INAMIN ni Michelle Madrigal na kahit malapit na siyang ma-divorce sa kanyang estranged husband na si Troy Woolfolk, hindi pa rin daw siya totally happy dahil malungkot daw ang maging single mother.

 

 

Sa vlog ni Michelle, ibinahagi niya na nakakaramdam siya lungkot dahil hindi buo ang pinangarap niyang pamilya. Lumalabas daw na parang third wheel siya sa mga mothers na may masaya at kumpletong pamilya.

 

 

“Singlehood, single motherhood, it can get pretty lonely. Kasi sometimes, if you want to hang out, ikaw lang ‘yung odd doon. Ikaw ‘yung odd number; Lahat may family. ‘Pag in-invite ka minsan, ‘Oh, I’ve already made plans with the girls, with all the other moms or whatever.’ They are all just talking about their kids, their husband. And you were like, ‘Okay.’ I don’t want to be that girl na kapag inimbita na, ‘Oh, she’ll come alone.’ Ano ako, parang lagi lang akong third wheel, ganoon? Or fourth wheel or fifth wheel? Parang nakakahiya ‘di ba?”

 

 

Ngayon ay nasa company si Michelle ng mga tulad niyang single mother. Mas nakaka-relate daw siya sa mga ito dahil pareho ang kanilang nararamdaman at pinagdaanan.

 

 

Pinaalam din ni Michelle na nakalipat na siya sa bagong bahay kasama ang anak niyang si Anika.

 

 

“Hey, guys! I’ve moved out of our house and sharing with you guys my new place! Here’s to a fresh start,” masayang balita ni Michelle.

 

 

***

 

 

KASAMA sa Marvel film na Guardians of the Galaxy Vol. 3 ang Filipino-American actor na si Nico Santos.

 

 

Nakilala si Nico sa hit comedy series na Superstore as the undocumented Filipino employee Mateo Aquino Liwanag at sa pelikulang Crazy Rich Asians.

 

 

Ito ang first Marvel film ni Nico kaya sobra itong na-excite nang isama siya sa cast at natapos na ang shooting nila.

 

 

Post niya sa Instagram: “PUNCH ME! I mean pinch me! We wrapped a month ago but I’ve thought about my time on set every day since. THANK YOU @jamesgunn for your genius, kindness and for fostering and creating such an incredibly FUN world to work and play in. I believe it was early nineties r&b songstress Gabrielle who said Dreams can come true… Now if you’ll excuse me, I have to go frolic in a meadow to celebrate all the joy I’m feeling…”

 

 

Ginawang sikreto muna ang pagkakasali ni Nico, pati na ang ibang new cast membes na sina Oscar nominee Maria Bakalova at Suicide Squad star Daniel Melchor hanggang hindi pa tapos ang pag-shoot ng movie.

 

 

Kasama pa rin sa third sequel ng Guardians of the Galaxy na magwo-world premiere sa May 5, 2023, sina Chris Pratt, Zoe Saldana, Vin Diesel, Dave Bautista, Bradley Cooper, Sylvester Stallone, Karen Gillan, Elizabeth Debicki, Will Poulter and Chuk Iwuji.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

PANALANGIN PARA KAY SANTO PAPA

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI  ng panalangin si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa mga mananampalataya para sa kalusugan ng Santo Papa.

 

 

Sinabi ng lider ng Simbahan na ang problema sa ‘tuhod’ ng Papa ay nagresulta sa kanselasyon ng kamakailan niyang pakikipag-ugnayan.

 

 

“Let us pray for Pope Francis, especially during this time. Because of his knee that has been causing a lot of pain and difficulty, he postponed some of his activities,” sabi ni Archbishop Brown sa Radio Veritas.

 

 

Nauna nang ipinagpaliban ng Vatican ang Apostolic trip ni Pope Francis sa South Sudan at Congo noong Hulyo 2 hanggang 7 kasunod ng payo ng kanyang mga doktor.

 

 

Sinabi rin ng Holy See Press Office na kailangang laktawan ni Pope Francis ang Corpus Christi Mass at Procession dahil sa kanyang kondisyon. Nakatakdang ipagdiwang ng Simbahang Romano Katoliko ang Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo (Corpus Christi) sa Linggo, Hunyo 19.

 

 

Ang Kanyang Kabanalan ay dating namumuno sa Corpus Christi Mass at Procession sa Basilica of Saint John Lateran na sinundan ng prusisyon patungo sa Basilica of St. Mary Major. (GENE ADSUARA)

MARCOS, DUTERTE GIVE WARM GREETINGS TO ROMUALDEZ ON DAY OF OATH-TAKING

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TACLOBAN CITY – THE top two incoming leaders of the country, President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and incoming Vice President Sara Duterte, gave warm congratulatory remarks to House Majority Leader and Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez Wednesday morning during the occasion of the latter’s oath-taking as the reelected Leyte 1st District congressman.

 

 

The oath-taking ceremony took place at the Remedios T. Romualdez Medical Foundation Gymnasium in Calanipawan Road here and was personally attended by Duterte, who is Romualdez’s party-mate at the Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

 

 

Romualdez sits as party president while Dutere is the chairperson.

 

 

Marcos, on the other hand, greeted Romualdez and other Leyte poll winners via video message.

 

 

“I would just like to add my congratulations to the officers and officials taking their oath today, namely of course the honorable Ferdinand Martin Gomez Romualdez who is taking his oath as congressman, the first district, and is the incoming Speaker of the House of Representatives,” Marcos said.

 

 

The incoming chief executive likewise greeted Tacloban Mayor Alfred Romualdez and Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez and Jude Acidre, who also took their oath during the same event.

 

 

“I look forward to working with you all very, very closely. As I say to all our number, is that the problems we are facing now and post-pandemic are going to be serious challenges and that is why I ask all of you for your help in making the country better and making the lives of our people better,” Marcos said.

 

 

“But today, let us celebrate the oath-taking of our officials, and congratulations from me. Looking forward to working with you in the next six years. Congratulations sa inyong lahat,” said Marcos, who was all smiles in his video.

 

 

For her part, Duterte, in her speech thanked Romualdez for taking her in Lakas-CMD, which is among the oldest and most respected political parties in the country.

 

 

The presidential daughter also had words of appreciation for Romualdez in connection with his role as one of her two campaign managers during this year’s election.

 

 

“I’d like to personally thank publicly thank Cong. Martin Romualdez for taking me in, in Lakas-CMD and accepting the challenge to be my campaign manager, one of my two, campaign managers during the last election. It was not without…and challenges but you did very well.. 32.2 miillion votes,” Duterte said.

 

 

Duterte said Romualdez “did it all” for her, covering for even her meals during the grueling campaign season.

 

 

“You did it all and alam niyo, pagod, puyat, luha, lahat ‘yon ni Cong. Martin Romualdez and as a candidate I’m truly appreciative of how he took care of me, actually silang dalawa, dalawang campaign managers ko, I was always with food, I was always full and lagi silang nagpapalitan na nagpapadal ng pagkain sa akin, so one campaign manager will send today, the next day, the other campaign manager will send food,” Duterte narrated.

 

 

“In fact, noong kinwento ko ‘yun kay Pres. Marcos, sabi ko sir, napakaswerte ko talaga dahil busog ako lagi dahil lagi akong pinapadalhan. Sabi niya, ‘Nasaan na ba mga campaign managers ko, bakit hindi ganito ang nangyayari sa akin?'” Duterte said.

 

 

“So I truly thankful for all that happened because, a learning experience from me, and I am appreciative of all that you have taught me, kayong lahat, mga kababayan ko, and I commit to be beside you in the service of our country,” Duterte added.

 

 

Her other campaign manager is Davao Occidental Gov. Claude Bautista.

Presyo ng mga prime commodities at basic goods, pasok pa rin sa SRP – DTI

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Department of Trade and Industry (DTI) na pasok pa rin sa May 11 suggested retail price (SRP) ang presyo ng prime commodities at basic goods na ibinibenta sa mga supermarkets at grocery stores.

 

 

Kung kaya’t hinihikayat ng DTI ang mga consumers na bumili sa mga supermarkets kung saan regulated ng ahensiya ang presyo ng mga bilihin.

 

 

Batay sa monitoring ng DTI, majority sa mga basic necessities at prime commodities sa kanilang listahan ay pareho sa mga presyo na nasa SRP subalit mayroong ilan na ang presyo ay mas mababa sa SRP.

 

 

Para masuri ang mga presyo ng bilihin, maaaring maidownload ng mga consumers ang e-Presyo application form mula sa dti.gov.ph para makita ang mga stores na nagbebenta ng mga produkto na may mababang presyo.

DOH, nakapagtala ng 16 pang kaso ng highly transmissible Omicron subvariants

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA  ang Pilipinas ng 16 pang kaso ng highly transmissible omicron subvariants na BA.5 at BA.2.12.1.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bilang ng mga bagong impeksyon ay nagpataas sa kabuuang kaso ng BA.5 at BA.2.12.1 sa buong bansa sa 11 at 39.

 

 

Anim pang kaso ng BA.5 ang natagpuan, kung saan dalawa ay mula sa Metro Manila, at tig-isa mula sa Cagayan Valley, Western Visayas, at Northern Mindanao, habang inaalam pa ang lokasyon ng natitirang pasyente.

 

 

Apat na pasyente naman ang ganap na nabakunahan habang tinitingnan pa ng DOH ang status ng iba.

 

 

Limang indibidwal ang na-tag bilang naka-recover habang ang isa ay nananatili sa home isolation.

 

 

Samantala, 10 pang kaso ng BA.2.12.1, isang sublineage ng nangingibabaw na variant ng Omicron BA.2, ang natukoy.

 

 

Apat na pasyente ay mula sa Metro Manila, dalawa mula sa Calabarzon, tig-isa mula sa Cagayan Valley, Bicol region, at Western Visayas, at isa ay isang returning overseas Filipino.

 

 

Tatlong indibidwal ang ganap na nabakunahan at ang inoculation status ng mga natitirang pasyente ay biniberipika pa.

 

 

Dalawa naman ang may banayad na sintomas, tatlo ay asymptomatic, at ang mga sintomas ng limang pasyente ay patuloy na tinitingnan, ayon pa kay Vergeire.

 

 

Walong pasyente ang naka-recover, isang kaso ang nananatiling aktibo, habang ang isa  ay patuloy na biniberipika, aniya.

 

 

Ang pagkakalantad at kasaysayan ng paglalakbay ng lahat ng mga pasyente ay sinusuri pa rin. (Daris Jose)