• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 28th, 2022

11 Gilas members para sa FIBA Asia Qualifiers ipinakilala na

Posted on: June 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang 11-player roster na sasabak sa ikatlong window ng FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers.

 

 

Itinalagang team captain ng national basketball team si Gilas Pilipinas veteran Keifer Ravena.

 

 

Si Ravena kasi ang itinuturing na mas maraming karanasan na naglaro noong 2019 World Cup.

 

 

Karamihan sa mga napili ay mga naglaro na noong FIBA Asia Cup 2022 Qualifiers gaya nina Dwight Ramos, William Navarro, RJ Abarrientos, Dave Ildefonso, Carl Tamayo, Francis Lopez, SJ Belanguel, Geo Chiu, Rhenz Abando at Kevin Quiambao.

 

 

Unang makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa June 30 na gaganapin sa Auckland habang makakalaban ang India sa July 3 na gaganapin naman sa Manila.

Robredo, ‘No regrets’ sa kabila ng OVP challenges sa ilalim ng administrasyong Duterte

Posted on: June 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“NO REGRETS”  si Outgoing Vice President Leni Robredo sa kabila ng mga hinarap na hamon ng kanyang tanggapan sa ilalim ng administrasyong Duterte.

 

 

Sa  last episode ng kanyang  lingguhang radio program, sinabi ni Robredo na ang kakulangan ng suporta  mula sa ibang tanggapan ng pamahalaan ang dahilan para itulak ng kanyang tanggapan na humanap ng ibang paraan para magsilbi sa bayan.

 

 

“Looking back, ‘yung lahat ng mga kahirapan na binigay sa amin, actually, ayun ‘yung nagpahusay sa amin,” anito.

 

 

“Siyempre mas gugustuhin namin na kapag kailangan ng tulong ng opisina namin ay tutulungan kami. Pero dahil hindi kami tinuring na kakampi, hindi kami tinuring na bahagi ng pamahalaan, natuto kami na maghanap ng paraan. To my mind, ayun ‘yung nagpahusay sa amin,” dagdag na pahayag  nito.

 

 

Para kay Robredo, ang  lahat ng paghihirap na kanilang hinarap at naranasan sa nakalipas na anim na taon ay  “blessing in disguise.”

 

 

“Pero sa amin wala naman akong regrets. Gaya ng sinabi ko, lahat kami nag-agree sa Office of the Vice President, grabe ‘yung dinaanan namin. Ayaw na namin ikwento pa ‘yung dinaanan namin…‘Yung kahirapan talaga, ‘yun ‘yung blessing sa amin,”  aniya pa rin.

 

 

Ang  Office of the Vice President sa ilalim ni Robredo ay nakatanggap ng  pinakamataas na audit rating mula sa  Commission on Audit  para sa tatlong sunod na taon.

 

 

Sa kabila ng kakulangan sa pondo, nagbigay ang  OVP  ng online medical consultations, libreng COVID-19 swab tests, dormitories para sa healthcare workers, at iba pa.

 

 

Ang OVP ay kilala para sa  flagship nito sa anti-poverty initiative Angat Buhay,  kung saan isa na itong  non-government organization kasunod ng kanyang pagkabigo sa presidential bid.

 

 

“Kaya malakas ‘yung loob namin na gawin ‘yung Angat Buhay dahil nahasa na kami sa trabaho na halos walang tulong from the government pero maraming nagagawa,” ayon kay Robredo.

 

 

Ang  Angat Buhay organization ay nakatakdang ilunsad sa Hulyo 1, isang araw matapos ng pagtatapos ng kanyang termino. (Daris Jose)

Nuclear power , maaaring bumaba ang electricity cost; ERC, pinayuhan ang susunod na administrasyon

Posted on: June 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng  Energy Regulatory Commission (ERC) sa  incoming Marcos administration na maaaring makapagpababa sa halaga ng kuryente sa Pilipinas ang idagdag o isama ang  nuclear energy sa  power mix ng bansa.

 

 

Tinanong kasi si  ERC chairperson Agnes Devanadera kung ano ang kanyang mairerekomenda sa susunod na administrasyon  upang matugunan  ang kasalukuyang problema sa power supply sa bansa.

 

 

“Kailangan ma-determine ng pamahalaan ano talaga ang energy mix. Anong percent ang renewable energy, anong percent ang coal, anong percent ang biomass? Isama na ang nuclear kasi ang hinahanap natin ay reliable and reasonably priced source of energy,” ani Devanadera.

 

 

“Ang nuclear, isa yan sa posibleng makapagpababa ng ating cost ng kuryente at ‘yan naman, iba ang technology sa nuclear. Hindi naman kailangan katulad ng Bataan Nuclear Power Plant na pagkalaki-laki. Meron na tayong modular na mas madaling itayo,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang pahayag na ito ni Devanadera ay matapos na ilagay  ng  National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang  Luzon Grid sa ilalim ng yellow alert status noong nakaraang linggo.

 

 

Ang yellow alert status ay palatandaan na ang grid  ay mayroong manipis na reserves base sa pagkakaiba sa pagitan ng “supply and demand,” na mayroong 11,959 megawatts na  available capacity kumpara sa 11,350 megawatts peak demand.

 

 

Gayunman, pinaalalahanan ni Devanadera ang administrasyong Marcos na ang paglalagay ng bagong  sources ng energy gaya ng nuclear power  ay maaaring matagalan habang ang demand-side management ay kailangan. (Daris Jose)

Netizens, super-react sa poster ng GL series nila: LOVI at JANINE, first time magsasama at kaabang-abang ang tagisan sa pag-arte

Posted on: June 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA IG post ni Lovi Poe last June 25, ibinahagi rin niya ang official poster ng ‘Sleep With Me’, at may caption na, “Are you ready to sleep with Luna and Harry?”

 

 

Ito ang first lesbian series ni Lovi na kung saan makakatambal niya si Janine Gutierrez.

 

 

Post naman ng aktres sa kanyang IG account, “Gumawa tayo ng mundo na parang sating dalawa lang.”

 

 

Mula ito sa panulat at direksyon ni Samantha Lee, na matatandaan sa LGBTQ films na “Bakas Bukas” (2016) at “Billie and Emma” (2016).

 

 

Hatid ito ng ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainment at Project 8 Projects (nina Dan Villegas at Antoinette Jadaone) na streaming na this August sa iWantTFC.

 

 

Bukod sa IG accounts ng dalawang premyadong aktres, makikita rin sa social media pages ng iWantTFC, Dreamscape, at Project 8 Projects ang official poster na isinabay sa selebrasyon ng Pride month.

 

 

Sa caption ng @project8projects, “Feeling emotionally damaged, restless and romantically deprived?

 

 

“Calling every sadghorl, sadboi, and accla! Sleep With Me is coming out this August, so don’t forget to be yourself with DJ Harry and Luna. Happy Pride!”

 

 

Pinusuan nga ito ng netizens, pero may ilan ding nagni-nega agad sa series na na pagbibidahan nina Lovi at Janine:

 

 

“Ang ganda ng side profile ni Janine 😍”

 

 

“Pero not so much sa front, she’s pretty naman pero maasim yon mukha pag sa actingan na.”

 

 

“Kaya nga sana si Lovi nalang yung binaliktad sa pic.”

 

 

“Hindi nagco-compliment looks nila para sakin, walang chemistry.”

 

 

“Nagawa na yan nila Andrea at Kylie , yung BetCin.”

 

 

“At naunang gawin nila Rhian at Glaiza sa The Richman’s Daughter. First GL na primetime series ng GMA.

 

 

“Parang parehas sila girly girly, sana kahit isa totomboy-tomboy parang rhian-glaiza datingan.”

 

 

“They’re not the first and will not be the last to do this kind of movie kaloka ka.”

 

 

“So dapat isang GL lang for the entire existence ng mga tao? ha ha. iba-iba ang story line, at gagawa pa ng madami in the future.

 

 

“At nagawa na rin yan nong 1930s na pinakaunang lesbian film from Germany.”

 

 

Kahit na ano pang sabihin at pagkontra, for sure exciting pa rin itong panoorin at kaabang-abang unang pagsasama nina Lovi at Janine sa isang GL series, na sa true lang magtatagisan din sa husay nila sa pag-arte.

 

 

(ROHN ROMULO)

Diaz, iba pang weightlifters may tsansa sa Paris at L.A. Olympics—Puentevella

Posted on: June 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  lamang sa 2024 Olympics Games puwedeng manalo ulit ng medalya ang Pilipinas kundi pati sa 2028 edition.

 

 

Ito, ayon kay Samahang Weightlifting sa Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella, ay kung magkakaroon ng sapat na international training at exposure ang mga national weightlifters.

 

 

Iniluklok kamakalawa si Puentevella sa International Weightlifting Federation Hall of Fame sa Tirana, Albania.

 

 

Binuhat ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa nang magreyna sa women’s 55-kilogram division noong nakaraang taon sa Tokyo, Japan.

 

 

Target ni Diaz ang kanyang ikalawang Olympic gold sa 2024 Olympics sa Paris, France at posible sa 2028 edition sa Los Angeles, USA.

 

 

Bukod kay Diaz, malaki rin ang tsansang bumuhat ng Olympic medals sina Asian champion at Southeast Asian Games gold medalist Vanessa Sarno, Elreen Ando at Kristel Macrohon sa Paris Games.

 

 

Si world junior champion Rose Jean Ramos at kapatid nitong si Rosegie ang maaaring mag-qualify para sa 2028 Los Angeles Olympics.

Ken, naka-support lang sa friend at dating ka-loveteam: RITA, umamin at ‘di itinago dahil proud sa magiging baby

Posted on: June 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL wala naman kasing nababalitang non-showbiz boyfriend si Rita Daniela at sila ng ka-loveteam na si Ken Chan ang madaling isipin na tila may “something” in real-life, talagang hindi lang siya ang nakatanggap ng mga pagbati ng ‘congratulations,’ maging ang Kapuso actor.

 

 

Umamin na nga kasi si Rita na siya ay buntis at kahit na napangunahan ito ng mga blind-items, sinabi ni Rita na wala naman daw siyang planong itago ang kondisyon at proud daw siya sa kanyang magiging baby.

 

 

So, to set the record straight, yes, hindi po si Ken ang ama ng ipinagbubuntis ni Rita, huh!

 

 

At kahit na broken hearted daw ang heart ng mga RitKen, na-emo (emotional) naman daw sila sa ipinost ni Ken na message of support nito sa ka-loveteam.

 

 

 

Sabi ni Ken na proud daw kay Rita, “To you and your baby,

 

 

 

“Miracles are worth their weight in gold, if not many times more. I’m here if you need anything at all, as a friend, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support and love to surround you and your baby.

 

 

“As a friend, as someone who cares, I’ll always be here for you no matter what.

 

 

“You’ve always been incredible and strong and certainly, You.

 

 

“You’ve got this, and without a doubt, you will only continue on to be that much more incredible, always.

 

 

“I am so proud of you @missritadaniela.”

 

 

***

 

 

BONGGA ang actor na si JC Santos na nag-settle na sa kanyang hometown sa Pampanga since the state of pandemic noong taong 2022.

 

 

Pero kahit na sa probinsiya na nakatira, na-tap pa rin siyang ambassador ng BeautéHaus, along with his wife, Shyleena Herrera.

 

 

Formal silang winelcome at pumirma rin ng kontrata with Ms. Rhea Tan, Beautéderm Group of Companies CEO and President bilang mga ambassadors ng BeautéHaus na itinuturing na major beauté hub sa Angeles City, Pampanga.

 

 

Along with JC and Shyleena, formal din na nai-welcome at pinapirma ng kontrata ang mga local ambassadors ng Beautéderm. Mga Kapampangan na successful in their own fields tulad ng mga fashion designers na sina Marlon Tuazon, Frederick Policarpio, at Michelle Viray; ang top OB-GYNE ng Central Luzon na si Dr. Rowena Mangubat; ang creative director na si Lance Tan; ang businesswoman na si Isabel Lim; ang marketing executive at lifestyle journalist na si Joanna Ning Cordero; ang Clark International Airport Corporation Vice President for Operations na si IC Calaguas; ang Executive Assistant IV to the Office of the Mayor of Angeles City na si Reina Manuel; at ang event planner na si Voltaire Zalamea – na lahat ay ambassadors ng Beautéderm Group of Companies kung saan bahagi ang clinic at ang Beautéderm at kasama din ang celebrity make-up artist na si Mariah Santos at ang internationally acclaimed fashion designer na si Mak Tumang.

 

 

Inamin naman ni JC na mula nang maging tatay siya, gusto naman daw niyang maibalik ang dati niyang pangangatawan at mag-goodbye na siya sa kanyang ‘Dad bod.” Kaya talagang malaki ang naitulong sa kanya ng Beautéhaus.

 

 

Ayon kay JC, “Gusto kong ibalik ang pangangatawan ko na slim ulit. ‘Yung pasok ulit sa camera, magandang tingnan sa mga shadows at saka, marami pang roles na pwedeng gawin kapag nando’n ka sa stage na ‘yon.”

 

 

At natatawang sabi pa niya, “Maybe at the end of this month, makikita ko na ulit ang mga abs ko at pwede na ulit akong mag-topless.

 

 

“Naging dad bod po kasi.”

 

 

Bongga si JC bilang official celebrity ambassador ng Beautéhaus dahil itinatag ito ni Ms.Rhea noong 2016 at ngayon, ipinagmamalaki na isa meron itong pinakamahuhusay na medical teams sa Northern Luzon na dalubhasa sa larangan ng dermatology at kumpleto din ito sa mga latest top-of-the-line, cutting-edge machines at equipment sa larangan ng aesthetic medicine.

 

 

***

 

 

IBANG level ang ginawa ng female lead ng upcoming Kapuso primetime series na “Start Up” na si Bea Alonzo na lie detector test sa kanyang Youtube account.

 

 

Hindi yung mga parang toy machine lang na lie detector test ang ginamit niya. Instead, nag-imbita siyang talaga ng legit, ang Truth Verifier Systems, Inc.

 

 

Gagawin na raw itong series ni Bea na ang mga kaibigan niyang artista naman ang isasalang niya. Pero bago yun, si Bea muna.

 

 

In fairness, ilan lang sa mga tanong ang lie ang naging resulta ng sagot niya. Isa na rito ang tanong kung tingin niya raw, may good taste siya sa pagpili ng lalaki.

 

Natatawa muna ito at nag-explain na, “Right now, yes.”

 

 

Pero lie ang lumabas na result kaya mega-explain ito na, “Right now, oo! Pero dati kasi—- Ha ha ha!”

 

 

Siyempre, alam naman ng lahat na happy and in-love si Bea sa boyfriend na si Dominic Roque.

 

 

At kaya nga raw niyang walang social media sa loob ng isang Linggo, as long as ang kasama niya ay si Dominic.

 

 

Truth naman ang result ng lie detector test sa sagot niya na ang taong 2019 ang pinaka-difficult time ng buhay niya. At ipinaliwanag pa na, “Sa love department, yes… I guess it’s the most difficult time.”

 

Madali nang mahaluan na ito ang controversial ghosting issue nila ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

 

 

Sa isang banda, sinagot at nagpakatotoo rin si Bea na kung ikakasal siya, okay siya na magkaroon sila ng prenup engagement.

 

(ROSE GARCIA)

Jeremy Lin may payo kay Kai

Posted on: June 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY PAYO si dating NBA player Jeremy Lin kay Kai Sotto matapos hindi mapili sa katatapos na NBA Rookie Draft na ginanap sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

 

 

Nais ni Lin na ipagpatuloy lamang ni Sotto ang kanyang mga ginagawa upang mas lalo pa itong mag-improve sa kanyang paglalaro.

 

 

Nasilayan na ni Lin kung paano maglaro ang Pinoy cager.

 

 

Nagkita na ito sa Amerika sa NBA G League Ignite squad.

 

 

Kaya naman bilang kapwa Asya, suportado ni Lin si Sotto sa NBA Draft.

 

 

“I’ve met Kai. I’ve played against Kai, I’ve played with Kai. Like, you know, during the G League Ignite team, I had spent a couple of days with them, so I’m rooting for them too,” ani Lin sa panayam ng ESPN Asia.

 

 

Sinabi ni Lin na huwag itong mawawalan ng pag-asa dahil darating ang panahon na makakakuha ito ng bagong tahanan sa NBA.

 

 

“I would also say, ‘Hey it’s okay because you know who you are as a player and maybe if you just continue to show them over time, you will find a home and that’s the biggest thing’,” ani Lin.

 

 

Alam ni Lin ang nararamdaman sa ganung sitwasyon.

 

 

Noong 2010, hindi rin pinalad si Lin na makuha sa draft.

 

 

Subalit nakapaglaro ito ng siyam na taon sa NBA kabilang na ang paglalaro nito sa New York Knicks.

 

 

Naging bahagi pa ito ng champion team na Toronto Raptors noong 2019.

 

 

“Draft night is just one snapshot in a very long film. I just hope that he continues to believe in himself, stay confident, keep working hard, and just trust that as long I stay consistent, I will find a home,” ani Lin.

Biggest movie to date na ipalalabas sa mga sinehan: Sen. IMEE, pagbabasehan ng kuwento ng last 72 hours nila sa Malacanang

Posted on: June 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FAMILY dramedy movie ang ‘Maid In Malacanang’, ang pinakabagong offering mula sa Viva Films to be directed by the controversial Darryl Yap.

 

Bida sa movie sina Cesar Montano as the late president Ferdinand Marcos, si Ruffa Gutierrez as former First Lady Imelda Marcos, Cristine Reyes as Sen. Imee Marcos, Diego Loyzaga as now President Bongbong Marcos and Ella Cruz as Irene Marcos.

 

Sabi ni Boss Vic del Rosario, ito raw ang biggest movie to date ng Viva na ipalalabas sa mga sinehan. Hindi pa man sinisimulan ang shoot ay may playdate na ito agad which is on July 20.

 

Buong Pilipinas daw ang release ng movie pati na rin sa iba’t-ibang platforms.

 

“We hope that is going to be the first box-office film after the pandemic,” sabi pa ni Boss Vic.

 

Ayon naman kay Direk Darryl, ang pinagbasehan ng kwento ay nagmula kay Sen. Imee Marcos who said ito ang version nila of truth sa last 72 hours nila sa Malacanang.

 

Sinabi pa ni Direk Darryl, wala daw pwedeng mag-refute ng kwento dahil wala naman daw ibang kasamang tao ang mga Marcoses sa Malacanang sa kanilang last three days.

 

Thru the movie ay makikita raw natin na ang Marcoses ay tulad ng pangkaraniwang Pinoy family na may pinagdadaan na katatawanan at kalungkutan sa buhay.

 

***

 

MUKHANG nagiging favorite actor ng The Idea First Company si Christian Bables.

 

Bida si Christian sa bagong movie ng The First Company titled Mahal Kita, Beksman kung saan tampok din sina Keempee de Leon at Katya Santos.

 

Suwerte si Christian sa mga movies niya sa The Idea First Company. Hindi lang critically-acclaimed ang mga ito kundi win din siya ng acting awards.

 

Last year ay nanalo siyang Best Actor sa Metro Manila Film Festival for Big Night.

 

To be fair kay Christian, bawat movie na ginagawa niya ay may improvement ang kanyang acting. He is always better sa next movie na ginawa niya.

 

He makes good use of his God-given talent in a good way.

 

Ang Mahal Kita, Beksman ay sinulat ni Fatrick Tabada. Siya rin ang writer ng Patay na Si Jesus at Born Beautiful.

 

***

 

 

HITIK sa sex and violence ang Virgin Forest, ang latest movie ni Direk Brillante Mendoza na nagkaroon ng special preview sa Gateway Cinema 7 last week.

 

 

Pero kahit na may sex and violence, relevant ang Virgin Forest dahil tinatalakay nito ang issue ng corruption, prostitution at greed bilang backdrop ng kwento.

 

 

Direk Brillante took it upon himself to tackle various issues sa movie when it was greenlighted by Viva for production.

 

 

“We all know that the audience of Vivamax looks for sex so there is the theme of prostitution. I just don’t want to use prostitution to show nudity, love scenes and all. They are all intentional, not just to shock the viewers but also for us to have critical thinking,” paliwanag niya.

 

 

Matagal nang problema ang illegal logging sa ating mga kagubatan pero ngayon lang ito tinatalakay sa pelikula ni Direk Dante.

 

 

Bagamat nakagugulat ang eksena ng mga babaeng nakahubad, integral naman ang nudity sa kwento. Hindi naman basta inilagay lang ang mga sexy scenes.

 

 

Maganda ang pelikula at kapuri-puri ang acting ng main cast led by Sid Lucero, Angeli Khang at Vince Rillo.

 

 

Kahit na may eksenang “sumilip” ang private part ni Sid ay hindi naman ito big deal sa actor. Aksidente naman ito at hindi naiwasan. Cool lang si Sid sa nangyari.

 

 

(RICKY CALDERON)

PDU30, bababa sa pwesto na pinaka-popular na pangulo – Publicus Asia Survey

Posted on: June 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

75% NA approval rating ang nakuha ni Pang. Rodrigo Duterte batay sa pinakahuling survey ng Publicus Asia.

 

 

Sa isinagawang survey ng Publicus Asia sa 1,500 respondents mula June 16-22 taong kasalukuyan, lumalabas na 75% sa kanila ay ‘approve’ o ‘strongly approve’ sa performance ni Pang. Duterte sa nakalipas na halos 6 na taong termino nito.

 

 

Ayon kay Aureli Sinsuat, ang executive director ng Publicus Asia, dahil sa resulta ng naturang survey ay si Pang. Duterte ay naging pinakapopular na outgoing president mula post-EDSA 1 era.

 

 

“Our numbers indicate that President Rodrigo Duterte will leave office as the most popular president of the post-EDSA I era. No other president who served under the 1987 Constitution has ended his or her term with majority approval and trust ratings, much less a supermajority of public support,” ayon pa ni Atty. Sinsuat.

 

 

75% rin sa survey ang nagsasabi na may malaking impact sa bansa ang Duterte Administration kumpara sa nakalipas na mga administration pagkatapos ng EDSA I.

 

 

Sa 2nd quarter survey ng Publicus, pumapangalawa sa pinakamataas na impact rating si Pang. Noynoy Aquino na may 27%, pangatlo si Pres. Fidel V. Ramos na may 24%, Pres. Gloria Macapagal Arroyo na may 22%, 20% naman si Pres. Cory Aquino habang 14% naman ang nakuha ni Pres. Erap Estrada.

 

 

“The data suggest that public sentiment on the policy achievements of the Duterte administration is exceptionally positive, especially in comparison to previous administrations,” sabi pa ni atty. Sinsuat. (Daris Jose)

INAGURASYON NI PBBM, KASADO NA

Posted on: June 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASADO na ang paghahanda ng Manila Police District (MPD) katuwang ng ilang ahensya ng gobyerno para sa inagurasyon ni  President Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Ayon kay MPD Director Brig. Gen.Leo Francisco, nasa final phase na at okay na lahat ng paghahanda para sa ipapatupad na seguridad sa inagurasyon.

 

 

“Final phase na at all sysytems Go na”, tugon ni Francisco sa viber message.

 

 

Katuwang ng kapulisan ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na una ng inayos ang mga kalsada sa paligid ng National Museum gayundin ang pagsasa-ayos ng kapaligiran katuwang ang MMDA.

 

 

Maging ang mga tauhan ng Meralco ay nagsagawa na rin ng reconductoring upang masiguro na walang magiging problema ang suplay ng kuryente sa araw ng inagurasyon sa June 30.

 

 

Kaisa rin sa naghahanda ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Philippine Army, PNP, Philippine Air Force at Philippine Marines para sa gagawing rehearsal simula ngayong araw.

 

 

Mahigpit naman ang pagbabantay ng mga tauhan ng PNP sa paligid ng National Museum kasabay na rin ng ilang mga kalsada na isinara sa motorista para sa inagurasyon ni Marcos Jr.

 

 

Dahil sa mga isinarang kalsada partikular sa may bahagi ng Lagusnilad patungong Taft avenue at Roxas Blvd. patungong Finance Road ay unti-unti na ring nakakaranas ng pagsisikap ng daloy ng trapiko. (GENE ADSUARA)