• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 18th, 2022

City bus routes sa NCR, posibleng ibalik – DOTr

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) na muling maibalik ang mga ruta ng mga city buses sa Metro Manila, kasunod na rin ito ng muling pagbubukas ng mga paaralan sa Agosto.

 

 

Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil,  inirekomenda ng ahensiya ang pagbabalik ng pre-pandemic city bus routes, na karamihan ay pumupunta sa university belt at ibang eskwelahan sa National Capital Region (NCR).

 

 

Nabatid na ang city bus routes, partikular ang hindi bumabagtas sa EDSA, ay binubuo ng 30% ng total pre-pandemic routes.

 

 

Tiniyak naman ni Transportation Undersecretary for Road and Transport Infrastructure Mark Steven Pastor na ang available public transportation ay sapat basta’t ideploy ng mga operators ang 90% ng kanilang Public Utility Vehicles (PUVs).

 

 

Nabatid na na-convene na ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang iba’t ibang concerned government agencies upang maayos ang mga isyu at problema na kinakaharap ng transport sector.

 

 

Nag-alok din umano ng mga solusyon para ma­kapagbigay ng  accessible, affordable, kumportable, at ligtas na travel experience para sa mga estudyante bilang paghahanda sa transition sa face-to-face classes sa Agosto.

 

 

Ang School Year 2022-2023 ay nakatakdang magsimula sa Agosto 22 habang ang full implementation ng face-to-face classes ay sa Nobyembre 2. (Daris Jose)

PB Gilas babawi sa tall blacks

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Gilas Pilipinas na magarbong tapusin ang group stage sa FIBA Asia Cup na ginaganap sa Istora Gelora Bung Karno sa Jakarta, Indonesia.

 

 

Ngunit daraan sa ma­tinding pagsubok ang Pinoy squad dahil makakasagupa nito ang New Zealand sa alas-8 ng gabi (alas-9 ng gabi sa Maynila).

 

 

Mataas ang moral ng National matapos ilampaso ang India sa kanilang huling laro kung saan naitarak nito ang impresibong 101-59 demolis­yon.

 

 

Dahil sa panalo, uma­ngat ang Pilipinas sa No. 2 spot sa Group D tangan ang 1-1 marka kasalo ang New Zealand na may parehong 1-1 baraha.

 

 

Dahil dito, nakasisiguro na ng tiket sa playoffs ang Pinoy squad at Kiwis habang awtomatikong umabante sa quarterfinals ang Lebanon na may malinis na 2-0 rekord.

 

 

Laglag na ang India na may 0-2 kartada.

 

 

Kaya naman puwestuhan na lamang sa group stage ang magiging laban ng Gilas at New Zealand.

 

 

Gayunpaman, inaasa­hang magbubuhos ng lakas ang Gilas Pilipinas upang maging maganda ang entrada nito sa next round ng torneo.

 

 

Kung makukuha ng Gilas Pilipinas ang No. 2 seed sa group stage, makakaharap nito sa playoffs ang No. 3 seed sa Group C — ang Kazakhstan o Syria.

 

 

Sakaling malaglag sa No. 3 seed ang Pinoy squad, maaaring makaharap nito sa playoffs ang No. 2 seed sa Group C — ang Japan o ang Iran.

 

 

Sesentro muna ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa New Zealand kung saan nais ng Pinoy cagers na makaresbak sa Tall Blacks.

 

 

Matatandaang yumuko ang Gilas Pilipinas sa New Zealand noong Hunyo 30 sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Auckland.

 

 

Sasandalan ng Pinoy squad sina Will Navarro, Thirdy Ravena at Bobby Ray Parks na top scorers ng koponan sa kanilang huling laban kontra India.

 

 

Nagtala si Navarro ng 18 puntos mula sa matikas na 6-of-7 shooting sa 19 minutong paglalaro nito habang kumana naman si Thirdy ng 17 markers.

 

 

Nagdagdag pa si Parks ng 12 puntos habang may 10 markers si Rhenz Abando.

Ads July 18, 2022

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Olympian pole vaulter EJ Obiena nagulat matapos pigilan ng US immigration

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NABIGLA umano at hindi makapaniwala ang world pole vaulter na si EJ Obiena matapos pigilan ng mga ahente ng US Department of Homeland Security sa loob ng mahigit 12 oras dahil sa hinalang pagtakas sa mga kasong felony sa Pilipinas sa pagdating nito sa Los Angeles mula sa bansang Italy noong July 7, 2022.

 

 

Ang pagtungo ni Obiena sa Amerika ay para magtayo ng training camp sa Chula Vista bilang paghahanda para sa World Athletics Championships na gaganapin sa Eugene, Oregon.

 

 

Si Obiena ay sasabak sa qualification round sa July 22 at kung makapasok siya kasama siya sa final na nakatakda sa July 24.

 

 

Nagulat umano si Obiena nang i-flag siya ng mga awtoridad ng US Immigration.

 

 

Batay sa report, ang naging batayan para siya ay pigilan ay ang hinala ng pagiging takas.

 

 

Posibleng nabigyan ng impormasyon ang mga opisyal ng US mula sa isang hindi nakilalang source “na may layuning isabotahe” ang pagpasok ni Obiena US at guluhin ang kanyang pagsisikap na makakuha ng medalya.

 

 

Ang mga opisyal ng US ay may mga kopya ng mga kuwento ng pahayagan tungkol sa mga akusasyon ng PATAFA na nilustay umano ni Obiena ang mga pondo at pinalsipika ang mga pampublikong dokumento sa pag-liquidate ng mga advance mula sa PSC.

 

 

Ang mga nasabing akusasyon ay binawi kalaunan at si Obiena ay inalis sa maling gawain ng COA.

 

 

Nagpalit na ng pamunuan ang PATAFA at ang bagong presidente na si Terry Capistrano ay nasa Eugene, Oregon na at naghihintay sa pagdating ni Obiena para suportahan si Obiena at masungkit ang kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa World Championships.

 

 

Habang nakakulong, kinumbinsi ni Obiena ang mga awtoridad ng US na siya ay inosente.

 

 

Sa kalaunan ay pinalaya siya nang may paghingi ng tawad mula sa mga opisyal ng US Immigration.

 

 

Agad na dumiretso si Obiena sa Chula Vista, para magsanay.

 

 

“Ito ay isang kapus-palad na insidente na makulong nang hindi lubos na nauunawaan ang batayan. Talagang medyo naiinis ako. Ngunit ito ay nagtagumpay. Bumalik ako sa pagsasanay at nakatuon sa paggawa ng aking makakaya para sa aking bansa,” pahayag ni Obiena.

 

 

Sa ngayon hindi na pinapansin ni Obiena ang nangyari sa kaniya bagkus nakapokus na siya sa kaniyang pagsasanay.

Gobyerno dapat maghanap ng bagong ‘funders’ kasunod ng pag-atras ng China sa big-ticket railway project – Salceda

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI pang mga ospyon ang gobyerno para mapondohan ang big-ticket railway projects. Ito’y matapos umatras ang China na pondohan ang nasabing proyekto.

 

 

Ayon kay House Ways and Means Chair at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na hindi na kailangan pa na i- persuade ang China para tulungan tayo uli bagkus maghahanap na lamang ng ibang “funders” na popondo sa proyekto.

 

 

Sinabi ni Salceda ang bansang Japan ang nagbigay ng mga tren para sa bagong North-South Commuter Railway Project kaya naniniwala ito na ang Japan ang mag take over sa pagpopondo sa proyekto na inatrasan ng China.

 

 

Binigyang-diin ng mambabatas na ang pag-unlad ng ating bansa ay hindi dapat gamitin bilang diplomatic leverage sa mga inaakalang magkakaibigan.

 

 

Ayon kay Salceda, susubukan niya ang kaniyang makakaya kasama si Secretary Jaime Bautista at ang kaniyang network bilang dating tagapangulo ng Green Climate Fund at kasalukuyang adviser sa Incheon Metropolitan City sa Korea kung aling mga bansa ang willing na pumalit sa China.

 

 

Aniya, hindi lang China ang nagsusulong ng pagpopondo sa mga proyekto ng tren sa bansa gaya na lamang ng bansang Singapore na namumuhunan nang malaki sa pribadong sektor sa Pilipinas.

 

 

Inihayag ni Salceda na ang South Korea ay nagbigay din ng mas maraming tulong at foreign grants sa bansa. (Daris Jose)

Food imports, target na subsidiya para pagaanin ang inflation sa Pinas

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang food importation para dagdagan ang suplay at  targeted subsidies  sa mga  “most vulnerable sectors” ay makapagpapagaan sa mataas na  global inflation na lumigwak na sa Pilipinas.

 

 

“We have a comprehensive set of interventions to effectively balance the need to sustain growth momentum while containing inflationary pressures and their cascading effects on the economy,” ayon Kay Finance Secretary Benjamin Diokno sa idinaos na puling ng  G20 finance ministers at central bank governors.

 

 

Bagama’t hindi kasali ang Pilipinas sa G20 grouping ng world’s economic giants, inimbitahan naman si Diokno bilang bisita ng  Indonesia, host country ng  meeting ngayong taon.

 

 

“To  keep food prices accessible,  the government wanted to increase agricultural output while sustaining importation of certain commodities like corn, pork, and rice, at lower tariffs under ex-president Rodrigo Duterte’s Executive Order (EO) No. 171 effective until this year’s end,” ayon kay Diokno.

 

 

“Also, “targeted subsidies have been allocated to cushion the impact of rising fuel prices on the public transport sector,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Para sa taong kasalukuyan, ang nakalipas na administrasyon ay naglaan ng  P47.5 bilyong piso bilang financial aid sa mga labis na tinawagan ng sumirit na presyo ng langis, P41.4 bilyong piso sa unconditional cash transfers sa mga pinakamahihirap ng populasyon, P5 bilyong piso  fuel subsidies para sa mga drivers at operators ng public utility vehicles (PUVs) at P1.1 bilyong piso sa  fuel discounts sa mga magsasaka at mangingisda.

 

 

“To date, the Department of Budget and Management (DBM) has already released P16.7 billion of these subsidies, funded by windfall from the incremental import duties and taxes being collected from costly fuel. But with the economy expected to fully recover by the middle of this year, these subsidies would no longer be given next year,” ang pahayag ni Diokno. (Daris Jose)

‘Top Gun: Maverick’ Crosses the $1.2 billion Mark and Breaking a Paramount Record

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Top Gun: Maverick has entered the stratosphere, becoming the highest-grossing film ever to be released by Paramount.

 

 

The film, which came to theaters on May 27, is a many-years-later follow-up to the 1986 hit Top Gun. Tom Cruise reprises his role as the hotshot fighter pilot Maverick, this time assigned to teach a brand new group of pilots as they prepare for a special mission. This includes Rooster Bradshaw (Miles Teller), the son of Maverick’s friend Goose, whom Rooster blames for his Goose’s death.

 

 

Top Gun: Maverick immediately showed its box office potential when it raked in a massive $126 million during opening weekend. This was not only the best opening weekend in Cruise’s career, it was one of the few films to pass the $100 million opening mark since the beginning of the pandemic. Since then, it has continued to dominate the box office.

 

 

In the weeks since its release, it has never dipped below #3 at the weekend box office, even when competing with major releases like Minions: The Rise of Gru and Thor: Love and Thunder.

 

 

Per Deadline, the success story of Top Gun: Maverick just keeps soaring to greater heights. The film has now earned $602.5 million in international markets on top of its domestic gross of $606 million, bringing its cumulative total to a whopping $1.2 billion worldwide. This total has made it the highest-grossing Paramount film of all time, beating out their previous reigning champ, Transformers: Age of Extinction, which earned $1.1 billion.

 

 

One interesting thing to remember is that the box office for Maverick is still weighted in favor of domestic, with the U.S. box office accounting for more than 50% of the film’s global gross. This is not surprising, considering the fact that a film about the American military won’t sell in certain international markets despite the film’s efforts to keep the enemy soldiers from being labeled as being from any specific country.

 

 

The margin between domestic and international has been closing as the film opens in more and more markets, but it’s still entirely unusual for a film that is this successful to be driven largely by American audiences. To compare, Age of Extinction only earned $245 million domestic, with the rest of its enormous gross made up by its $858 million international gross.

 

 

On top of this Paramount record, Top Gun: Maverick is the highest-grossing film of the year so far, beating out Doctor Strange in the Multiverse of Madness. As it continues to rake in the cash, it is rising ever closer to joining the Top 10 domestic films of all time.

 

 

It is just $14 million away from that point, at which point it would surpass The Incredibles 2 and Star Wars Episode VIII: The Last Jedi to earn the #10 slot. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Netizens, nilait-lait ang logo ng newest free TV network: WILLIE, pumirma na ng kontrata kaya tuloy na ang pag-ere ng AMBS 2

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULOY na tuloy at wala nang urungan ang operasyon ng Advanced Media Broadcasting Systems o AMBS Channel 2 na pag-aari ng pamilya ni Manny Villar.

 

 

Ang AMBS 2 ang newest free TV network sa bansa na ang frequency ay dating pag-aari ng ABS-CBN.

 

 

At isa nga sa aaabangan ang pagbabalik ng well-loved game show and public service program ni Willie Revillame, ang “Wowowin”.

 

 

Sa pagpirma ni Kuya Wil ng kontrata sa AMBS 2 ay magiging miyembro rin siya ng executive committe na bubuo ng mga bagong programa na kung saan katuwang niya ang presidente ng TV network na si Beth Tolentino.

 

 

Ayon pa sa naging pahayag ni Willie, kung walang magiging aberya, baka sa darating na Oktubre na mapapanood ang mga programa para sa AMBS at manunguna ang “Wowowin: Tutok To Win” na siguradong marami na namang mahihirap ang matutulungan.

 

Halu-halo naman ang naging komento ng mga netizens:

“Ay grabe ang sipag sipag ni kuya wil, ok na rin yan madami naman natutulungan.”

 

“Ang pangit ng logo ng ambs. Ang yayaman nila hindi makakuha ng magaling na graphic artist.”

 

“Andami daming magagaling na art director sa mga ad agencies pa lang e. Haha sana pinirata na nila mapera naman sila.”

 

“Yan din problema sa pinas ang yaman naman ng producer pero kuntento sa ok nang design tignan niyo sa GMA and ABS.”

 

“Nasaan ang design? Wala akong makitang design.. Parang tinype lang sa microsoft word eh.”

 

“Oh wow! Willie is really something else. I admire him. Imagine he was a strikes oil before and now a succesful people. Is he considered an executive to that network? Cause thats major! He is very perspiring.”

 

“Weird that they really have to use ABSCBN’s colors though. The network has no patent to the colors but knowing the frequency was used by them, the new network could have used other colors to have their own identity. Also, it reads Ambstos (AMBS2).”

 

“They’re mocking abs in some ways.”

 

“Dinagdag lang yung “M” sa ABS… But I ain’t gonna support them dahil nasa kanila yung ABS frequency pero di ako susuporta sa land grabber.”

 

“Walang kataste taste tong mga Villar kahit ang yayaman. Logo pa lang ang chaka na 😂😂😂👀

 

“Yung TV5 dati matagal na sa TV. ABC 5 yan, since bata ako then around 2011 or 2012 nagrebrand to TV5. May programs rin yun bago nagrebrand. Explosive. It showed promise kasi ok ang pr team nila at marketing team. Nag-exodus lipatan pa nga dahil dun. Pinirate ang big stars ng networks. Pero waley. Itong AMBS may vibe na parang waley. Tapos si Willy pa ang isa sa boss. Naku too emotional na mamaktol at power tripper.”

 

“Oh well i am not supporting them. I have to wait at least 30 years before they can make name for themselves. Ilang years na ba ang tv5 pero still waley.”

 

“wag mo nman idiscredit ang tv5 dhil during their early days, talagang umingay ang tv5 due to panguguha ng talent controversy and few awesome shows like midnight dj. Un nga lng, ningas kugon nga lng sila which sayang.”

 

 

“Ano to? Ambastos network? Napaka eighties ng logo at chakaness just like the owners.”

 

 

“Hope the network can sustain programming,production,etc. & most of all strong sales and marketing team gives you the benefit of the doubt thank you.”

 

 

“Hindi sila nakaisip ng magandang pangalan? at magandang logo? Sounds like hindi pangmatagalan eh. ambs…baka maging amps yan short from amp*ta.”

 

 

“Ano ba ito. Parang 80s nung panahon ng IBC 13 ganyan mga logo.”

 

 

“Ipinilit lang tlaga ang network na to pra mpabagdak ang abs.. goodluck nlang!”

 

(ROHN ROMULO)

Hinihintay na ang pag-amin sa kanilang relasyon: JULIE ANNE, tanggap na tanggap din ng mga pinsan ni RAYVER

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na na-excite ang mga fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kahapon, July 17, sa pagsi-celebrate ng actor-singer-dancer ng kanyang 32nd birthday sa “All-Out Sundays.”

 

 

Last May 17, ay nag-celebrate naman ng kanyang 28th birthday si Julie sa show. Naging special ang celebration dahil dumating para bumati kay Rayver ang mga kapatid na sina Omar at Rodjun, kasama ang misis nitong si Diane Medina, at mga cousins na sina Sunshine Cruz at Geneva Cruz.

 

 

Iisa ang tanong kay Rayver, kailan nila makikilala ang magiging forever nito? Siyempre pa, pwede bang mawala para maki-celebrate ng birthday ni Rayver ang sinasabing siya nang magiging ‘forever’ nito, si Asia’s Limitless Star

 

 

Hindi man itanong, ay very obvious nang happy ang dalawa kapag magkasama, pagkatapos ng tatlong taon na nilang magka-co host sa GMA’s reality talent show na “The Clash.” Sila rin ang magkasama sa 3-part “Limitless” concert ni Julie, shoot around the Philippines, at coming very soon ang muli nilang pagho-host ng “The Clash 4.”

 

 

Si Sunshine, first time daw niyang na-meet nang personal si Julie at kita ang happiness niya para kay Rayver. Si Geneva naman ay tanggap na tanggap din niya si Julie na nakasama na niya sa mga shows sa GMA.

 

 

Kahit ang mga kasama nila sa AOS show ay kilig na kilig sa kanilang dalawa. So, wait na lamang tayo kung kailan na ba sila magsasalita na sila na ang isa’t isa nilang forever?

 

 

***

 

 

“WALANG pahinga” raw si Kapuso actress Sanya Lopez.

 

 

Paano, after ng very successful airing ng season two ng primetime series niyang “First Lady,” naging very visible na siya sa mga Kapuso shows, at sa “All-Out Sundays” ipinakilala na siyang new recording artist ng GMA Music, at last July 15, ni-release na ng record company ang first single niyang “Hot Maria Clara,” na tungkol sa modern Filipina empowerment.

 

 

Hindi naman bago kay Sanya ang pagkanta, dahil kung matatandaan, kasama sila ng kanyang Kuya Jak Roberto na mga talents ni Kuya Germs (German Moreno) sa programa nitong “Walang Tulugan.” Noon pa ay naririnig na ang magandang boses ni Sanya.

 

 

Kaya nag-debut agad ang single niya sa #1 Spot sa iTunes chart at sa Spotify’s Fresh Finds Philippine playlist. Napapanood na rin ito sa lahat ng digital streaming platforms worldwide at ang musical video nito sa YouTube channel ng GMA Music.

 

 

Ngayong okey na ang “Hot Maria Clara,” alin kaya ang mauunang gawing project ni Sanya sa GMA, ang bagong season ng “First Lady” o ang epic serye na “Sang’gre?”

 

 

Isa raw ito sa pinaghahandaan din ni Sparkle artist Bianca Umali na nagti-training na for her role sa serye. Balita kasing muling aapir ang original Sang’gre sa epic serye at may mga batang Sang’gre nang papasok.

 

 

***

 

 

LAGING inaabangan ng mga netizens ang GMA Afternoon Prime series na “Apoy sa Langit,” hindi lamang dahil sa magandang story nito, kundi sa husay ng acting ng bumubuo ng cast, sina Ms. Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos, at Lianne Valentin.

 

 

Kung noon, naging bukambibig ang name ni Lianne as Stella, patatalo ba naman sa husay sa pag-arte si Mikee as Ning, ang nag-iisang anak ni Maricel as Gemma sa story?

 

 

Kaabang-abang ang redeeming factor ni Ning ngayong lumakas na ang loob niya at dahan-dahan na niyang nabubuko ang mga plano at panloloko ni Cesar (Zoren) sa kanilang mag-ina.

 

 

Magiging palaban na si Ning kahit pa paminsan-minsan ay umaatake pa rin ang nerbyos niya tuwing bumabalik sa isip niya ang nangyari sa kanyang ama nang patayin ito ng mga nanloob sa bahay nila na walang iba kundi si Cesar ang gumawa.

 

 

Napapanood ang “Apoy sa Langit,” Mondays to Saturdays, 2:30 PM, after “Eat Bulaga” sa GMA-7.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Price ceilings sa school supplies ipatupad

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAKIKILOS  ng isang mambabatas ang Department of Trade and Industry (DTI) upang imonitor at pigilan ang inaasahang pagtaas ng school supplies kaugnay ng full face-to-face classes sa taong ito.

 

 

Ayon kay 2nd District Quezon City Rep. Ralph Tulfo, dapat magpatupad ng price ceilings ang DTI sa presyo ng mga school supplies  sa halip na Suggested Retail Price (SRP).

 

 

Inihayag ng solon , nababahala siya na dahilan sa mataas na presyo ng mga school supplies ay mapagkaitan ng edukasyon ang mga estud­yanteng mula sa mahihirap na pamilya.

 

 

Ito’y sa gitna na rin ng krisis sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic at maging sa serye ng pagtaas ng presyo ng ­langis at iba pang produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

 

 

Sinabi ni Tulfo na kung tataas ang presyo ng school supplies at maging ng tuition fees ay maraming mga estudyante ang hindi na makakabalik eskuwela.

 

 

Una nang inihayag ni Department of Education Secretary at Vice President Sara Duterte na magbabalik eskuwela na ang mga estudyante sa Agosto pero ang full face-to-face classes ay isasagawa na muli  sa darating na Nobyembre ng taong ito. (Ara Romero)