• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 18th, 2022

10,000 slots para sa educational subsidy program, bubuksan ng GSIS

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA 10,000 slots ang bubuksan ng state-run Government Service Insurance System (GSIS) para sa Educational Subsidy Program para sa academic year 2022-2023.

 

 

Sa ilalim ng programang ito, nasa 10,000 college students ang magagarantiyahan ng P10,000 mula sa GSIS kada taon hanggang sa matapos ang kanilang napiling kurso.

 

 

Bahagi ng corporate social responsibility ng naturang government run social insurance institution ang naturang inisyatibo.

 

 

Para maging kwalipikado sa naturang programa, dapat na ang isang applicant ay aktibong miyembro na may permanent status, may salary grade na katumbas ng 24 o pababa, updated ang premium payments, walang underpaid o hindi nababayarang loan amortization ng hindi hihigit sa tatlong buwan.

 

 

Samantala, ayon sa GSIS kailangang mag-enrol sa 4-year o 5-year course ang mga student dependents sa anumang state o private university sa bansa basta’t ito ay kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED).

 

 

Ang programang ito ay magtatagal hanggang sa katapusan ng Agosto ngayong taon.

Fernando, Castro, sinelyuhan ang pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibo sa Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 SP

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Parehong nangako sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro na susuportahan ang programa ng isa’t isa bilang pinuno ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan sa ginanap na Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 Sangguniang Panlalawigan sa Bulwagang Senador Benigno Aquino Sr. Session Hall sa lungsod na ito kahapon.

 

 

Nanawagan ang gobernador sa kanyang mga kapwa lingkod bayan na isantabi ang pulitika at sariling interes, at yakapin ang kanilang sinumpaang tungkulin na pagsilbihan ang kanilang mga kababayan.

 

 

“We can work independently in nature and in function yet together in principles and vision. Isa lamang ang ating layunin, ang makita na ang Bulacan ay isang maunlad, matiwasay, at masayang lalawigan kung saan may katarungan para sa lahat,” ani Fernando.

 

 

Gayundin, nangako si Castro na susuportahan ang mga programa ni Fernando at hinikayat ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na ganoon din ang kaparehong gawin.

 

 

“Ang aking hamon para sa ating lahat, lalong higit sa ating mga kasamang Kasangguni, itaguyod po natin ang mga programa ng ating Punong Lalawigan. Ibigay po natin ang isang daang porsiyentong suporta sa kanya at sa kanyang pamumuno. Bigyan po natin siya ng hindi nahahating pakikiisa sa kanyang mga layunin. Kaya naman po ang atin ring pasasalamat kay Governor Daniel sa pagpapahayag ng suporta sa ating mga mithiin,” anang bise gobernador at pinunong tagapangulo ng SP.

 

 

Binuksan ni Castro ang Ika-11 SP sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Panloob na Alituntunin ng Pamamaraan; paghirang kina Majority Floor Leader Erlene Luz V. Dela Cruz, Assistant Majority Floor Leader Cezar L. Mendoza, at Minority Floor Leader Allan P. Andan; at pagtatalaga sa Chairmanship ng Standing Committees.

 

 

Ang Ika-11 Sangguniang Panlalawigan ay binubuo nina Bise Gob. Castro; mga Bokal Allan P. Andan at Romina D. Fermin mula sa Unang Distrito, Lee Edward V. Nicolas at Erlene Luz V. Dela Cruz mula sa Ikalawang Distrito, Raul A. Mariano at Romeo V. Castro, Jr. mula sa Ikatlong Distrito, Allen Dale DC. Baluyut at Enrique A. Delos Santos, Jr. mula sa Ikaapat na Distrito, Richard A. Roque at Cezar L. Mendoza mula sa Ikalimang Distrito, at Arthur A. Legaspi at Renato DL. De Guzman, Jr. mula sa Ikaanim na Distrito; at mga ex-officio members na sina Indigenous People’s Mandatory Representative Liberato P. Sembrano, Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Bulacan Ramilito B. Capistrano, Pangulo ng Philippine Councilor’s League Bulacan Chapter William R. Villarica, at Provincial Federation President ng Sangguniang Kabataan Robert John Myron A. Nicolas.

 

 

Samantala, ipinahayag rin ni Fernando ang kanyang Ulat sa Lalawigan at mga napagtagumpayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa kanyang unang termino sa harap ng Sangguniang Panlalawigan, mga pinuno ng mga tanggapan, at iba pang panauhin. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Pinas, target ng China na tulungan na mapahusay ang internet speed

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UPANG mas mapalakas pa ang “connectivity” sa mga Filipino, target ng China na tulungan ang Pilipinas na mapahusay ang internet speed nito.

 

 

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, pinag-usapan ng Pilipinas at China ang apat na mahahalagang aspeto ng kooperasyon gaya ng agrikultura, imprastraktura, enerhiya at people to people ties.

 

 

“We should work even more in new infrastructure area, like in telecommunication, AI (artificial intelligence) and all these kind of information technology,” ayon kay Huang.

 

 

Sa kabilang dako, nakipagkita rin si Huang kay Information and Communications Technology (ICT) Secretary Ivan Uy para pag-usapan naman ang pagtutulungan o kooperasyon sa  ICT.

 

 

Nauna nang sinabi ni Uy na ipaprayoridad niya ang  internet connectivity, lalo na sa komunidad na nakatira sa malalayong lugar.

 

 

Sinabi pa ni Huang na ang maritime dispute sa pagitan ng Pilipinas at China ay dapat na talakayin sa pamamagitan ng maayos at mapayapang dayalogo.

 

 

“We have different positions.. so the best way is diplomatic dialogue and communication. And we believe, we are both neighbors we can do that. Second is we place our differences in a proper place in the overall bilateral relations,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Kahit na nag-e-enjoy sa shoot ng ‘Running Man PH’: GLAIZA, miss na miss na si DAVID na nangakong bibisita sa South Korea

Posted on: July 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT na nag-e-enjoy si Glaiza de Castro sa pag-shoot ng Running Man Philippines sa South Korea, miss na miss naman niya ang kanyang mister na si David Rainey.

 

 

Sa isang sweet post via Instagram Story, ni-repost ni Glaiza ang photo niya with David at nilagyan niya ng caption na, “miss you.”

 

 

Nag-reply naman si David sa caption na, “Miss na kita rin.”

 

 

Simula raw nang ikasal sina ni David, nagsunud-sunod naman daw ang trabaho ni Glaiza. Pero naiintindihan naman daw ni David ang kanyang trabaho bilang artista. In fact, proud nga raw si David na sikat na celebrity sa Pilipinas ang kanyang misis.

 

 

Kapag wala naman daw trabaho si Glaiza, sinisigurado niya na parati siyang nasa tabi ni David para makabawi sa mga panahon na nalayo siya rito.

 

 

Ngayon nga’t nasa South Korea si Glaiza, nakakatulong daw na kasama niya sina Mikael Daez, Ruru Madrid, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Angel Guardian, and Lexi Gonzales para hindi siya masyadong ma-homesick.

 

 

 

May promise naman daw si David na bibisitahin siya sa set ng Running Man PH very soon.

 

 

 

***

 

 

 

PARA sa SPARKADA artist na si Larkin Castor, si Alden Richards ang kanyang hinahangaan na aktor ngayon dahil sa pagiging natural nito sa lahat ng bagay.

 

 

 

Isa si Larkin sa humanga sa disiplina ni Alden sa kanyang career at personal na buhay.

 

 

 

“Yung dating po niya parang kaya niya pong dalhin ‘yung sarili niya. Kapag tuwing meron siyang trabaho, binibigay niya lang, parang natural lang sa kanya ‘yung ginagawa niya, parang gustong gusto niya.

 

 

 

“Gusto ko rin po ma-reach ‘yung gano’ng point sa career ko na nandoon na ako, ginagawa ko lang kung saan ako masaya.”

 

 

 

Born Larkin Patrick Castor Bayarang, 20-years-old and currently majoring in Computer Science and Network Information sa De La Salle University-Manila.

 

 

 

Kaya naman daw pagsabayin ni Larkin ang showbiz at pag-aaral niya.

 

 

 

“It’s very challenging na pagsabayin ang showbiz and academics, but so far, kinakaya ko naman. I really want to have a college degree.”

 

 

 

Bukod sa sports na basketball at golf, hilig din ni Larkin ang music. Makikita sa social media accounts niya ang pagkanta, pagtugtog ng gitara at ang mga musical influences niya.

 

 

 

“Sa singing, I enjoy doing the songs of old musicians, like blues singer BB King. When I auditioned for Sparkle, kumanta po ako and that led me to have the chance to perform sa All-Star Sundays. But I also want to try acting and explore it.”

 

 

 

Sina Heart Evangelista at Bea Alonzo ang dream leading ladies ni Larkin.

 

 

 

***

 

 

 

SINILANG na ng Game of Thrones star na si Sophie Turner and second baby nila ni Joe Jonas.

 

 

 

In-announce ng rep ng mag-asawa via People magazine ang statement na ito: “Joe and Sophie are happy to announce the arrival of their baby girl.”

 

 

 

Noong nakaraang May ay kinumpirma ni Sophie na pregnant siya with baby number 2. Sa 2022 Met Gala nakita ng marami ang growing baby bump niya.

 

 

 

Nagdesisyon sila ni Jonas na i-reveal ang kanilang second baby kapag halfway na ito sa pagbubuntis.

 

 

 

“It’s what life is about for me — raising the next generation. The greatest thing in life is seeing my daughter go from strength to strength. We’re so excited to be expanding the family. It’s the best blessing ever,” sey pa ni Sophie sa isang interview.

 

 

 

Ang unang baby nila Joe at Sophie ay si Willa na pinanganak noong July 2020.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)