• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 23rd, 2022

Mga dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test

Posted on: July 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MGA dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test ng mula Sabado (Hulyo 23) ng ala-1:30 ng hapon

 

 

 

Ito ang nakapaloob sa ipinalabas na health and safety protocols ni House of Representatives Secretary-General Mark Llandro Mendoza bilang guidance sa mga dadalo sa pagbubukas ng First Regular Session ng 19th Congress at unang State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes (Hulyo 25, 2022).

 

 

Nakasaad sa naturang memorandum na may petsang Hulyo 20, 2022 na ang bawat indibidwal na papasok sa North Wing Lobby, South Wing Lobby at Plenary Hall para sa SONA ay kailangang magprisinta ng kanilang negative RT-PCR result na kinuha sa alinmang Department of Health-accredited laboratory  mula ala-1:30 ng hapon ng Sabado, Hulyo 23, 2022.

 

 

Samantala, ang mga mambabatas, Secretariat officials at staff, maging mga regular service providers na magbabalik trabaho at papasok sa plenary hall sa araw ng sona ay maaaring kumuha ng kanilang RT-PCR test sa kamara ngayong Sabado, mula alas-1:30 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi o Linggo (Hulyo) 24, 2022, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

 

 

Maaaring kunin ng mga mambabatas at secretariat officials ang kanilang RT-PCR test sa South Wing Annex habang ang secretariat staff at service providers ay sa RVM Building.

 

 

Lilimitahan din ang pagpasok ng personnel ng iba’t ibang congressional offices hanggang dalawang personalidad lamang na ang pangalan ay kailangang isumite sa Legislative Security Bureau (LSB).

 

 

Mananatili naman sa skeletal force ang tanggapan ng Secretariat na kasali sa ginagawang preparasyon ng SONA. (Ara Romero)

Kung si RAYVER ay lantaran na sa kanyang nararamdaman: JULIE ANNE, nag-post ng sweet birthday message pero nahihiya pang mag-‘I love you!’

Posted on: July 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST si Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose ng super sweet na birthday message para sa rumored boyfriend na si Rayver Cruz na nag-celebrate ng 33rd birthday noong July 20.

 

 

Sa kanyang  Instagram post makikita ang polaroid photo nila ni Rayver at pati na ang bonding moments nila together.

 

 

Sa panimula ni Julie, “Today is your day and I could not be more proud and happy about all the good things that are coming to you and what you have accomplished.

 

 

“May you continue to inspire with all your passion and kindness because you make so many people happy and even a better version of themselves, even me.”

 

 

Sa pagpapatuloy nang nakakikilig na post ni Julie, ipinahayag niya na,

 

 

“When you feel like doubting yourself, you can believe in me as someone who believes in you and know that I am always here for you.

 

 

“As the sun sets and today passes, always remember that you are amazing! You, in your own essence, are the best. I am more than grateful and blessed to witness this each day.

 

“You know the rest. Happiest birthday, Ray.”

 

 

Kinakiligan din ang reply ng Bolera actor na, “Thank youuuu sa lahat lahat my everyday inspiration  mahal kita Jules ”

 

 

Comment naman ni Kakai Bautista, “APAKATAMIZZZZZZZZZ BRAH!!! @rayvercruz HABERDEYYYY ayieeeeeee”

 

 

Say naman ni Barbie Forteza, “Yun o! Happy birthday, @rayvercruz  Let’s go! ” at di naman pagpahuli si Jak Roberto at nag-comment ng, “Tamis naman nyan!  Happy birthday brother @rayvercruz”

 

 

“Ayan tayo e inlababo! Happy birthday @rayvercruz ,” comment ni Rufa Mae Quinto.

 

 

Greetings naman ni Gary Valenciano, “Happy happy happy bday Rayver!!! You are a gem of a human being son. God bless you more!!! ”

 

 

‘Di rin nakalimot bumati ang magpipinsan na Donna Cruz, Sunshine Cruz at Geneva Cruz.  Kaya ganun na lang pasasalamat ni Rayver sa lahat na nag-greet sa kanyang kaarawan.

 

 

Pero napansin namin na ang dami pa ring bashers at haters ni Julie Anne na paulit-ulit na nagko-comment ng panglalait at kabastusan sa mga bumati kay Rayver.

 

 

Comment naman ng mga netizens:

 

 

“I don’t think Rayver is for her. And my instinct is always right.”

 

 

“Who is for her then? Sa lahat ng mga naging karelasyon niya, si Ray ang whole package. Your instinct is always right ?  hahaha”

 

 

“Di pa nya tinodo eh “you know the rest” pa na nalalaman haha! Parang naiilang pa sya mag i love u hahaha.”

 

 

“Matino namang lalaki si Rayver. Di naman nya yan liligawan si Julie kung di nya type ”

 

 

“Jackpot na sya kay rayver ang bait nyan at family oriented.”

 

 

“I can feel the vibes. They look good together. They seem to share the same interests. They look genuinely happy together.”

 

 

“I think end game na sila. So happy for them.”

 

 

“Wait and see baks but let’s wish them well. Lahat naman deserving of happiness.”

 

 

“Bagay sila, same energy and vibes sila.”

 

 

“Sila na ba? Bagay sila in fairness.”

 

 

“They look happy at very supportive yung family ng both sides.”

 

 

“Bakit karamihan saten ayaw maging maligaya para sa iba. Nagbibigay pa ng deadline. Hay!”

 

 

“True! ayaw maging masaya para sa iba. sad life.”

 

 

(ROHN ROMULO)

Operators ng libreng sakay sa EDSA nanghihingi ng dagdag singil sa gobyerno

Posted on: July 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGHIHINGI ng dagdag singil sa gobyerno ang mga operator ng bus sa EDSA carousel na nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board kahapon.

 

 

 

Sinabi ni LTFRB chief Cheloy Garafil, dalawang consortia na tumatakbo sa EDSA runway ang umaalma para sa dagdag bayad ng kanilang libreng sakay sa gitna ng pagtaas ng presyo ng diesel.

 

 

 

“They are requesting for a rate adjustment. Gusto nila itaas nang kaunti para makapag-adjust sila sa gastos sa pagde-deploy ng mga buses,” sinabi ni Garafil sa isang interview sa ONE News.

 

 

Nabanggit din ng mga bus operators na ES Transport at Mega Manila na P80 na kada litro ang diesel.

 

 

Ayon kay Garafil, iminungkahi ng mga bus operators na itaas ang bayad sa kanila base sa layo ng pasada ng bawat bus.

 

 

Kamakailan lang, iginiit ng LTFRB na nagbayad na ang gobyerno ng P659 million sa mga bus operators para sa 10 linggo na libreng sakay sa EDSA.

 

 

Gumagastos ang gobyerno ng P74 million hanggang P79 million kada linggo para sa libreng sakay sa EDSA. (Daris Jose)

Ads July 23, 2022

Posted on: July 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Operators ng EDSA Carousel humingi ng fare hike

Posted on: July 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operators ng EDSA Carousel upang humingi ng fare hike dahil na rin sa tumataas na presyo ng krudo at gasolina.

 

 

 

Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil na humingi ang ES Transport at Mega Manila ng fare increase kung saan ang dalawang consortia ay nagbibigay ng libreng sakay sa publiko.

 

 

 

“They are requesting for a rate adjustment. They want to have at least a higher fare so that they can compensate for the expenses they incurred in deploying buses. They want an increase in fare rates computed based on the number of kilometers traveled,” wika ni Garafil.

 

 

 

Ayon sa ES Transport at Mega Manila consortia sila ay nakararanas na ng pagkalugi sa kanilang operasyon dahil nga sa tumataas na presyo ng krudo at iba pang produktong petrolyo.

 

 

 

Samantala, sinabi ng LTFRB na nakabayad na sila ng P659 million sa mga operators ng EDSA Carousel para sa kanilang 10 linggo ng kanilang operasyon. Gumagastos ang pamahalaan ng P74 million hanggang P79 million kada linggo para sa bayad ng libreng sakay. Nang nakaraan dalawang linggo, ang LTFRB ay nakabayad na ng P310 million. Subalit may hindi pa rin nababayaran ang LTFRB na isang buwan sa mga operators. Nangako naman si Garafil na kanilang babayaran ang kanilang arrears hanggang katapusan ng buwan.

 

 

 

Umaasa naman ang LTFRB na dahil sa mga naibayad ng ahensiya, ang mga operators ay magdadagdag na 440 bus units para gamitin sa rush hours.

 

 

 

“The payment is behind by a month. It’s not so high compared to the previous months. We are confident and relying on the word of the consortia that they will maximize deployment of 440 vehicles especially during rush hours,” saad ni Garafil.

 

 

 

Dahil sa pagkakaantala ng bayad, ang dalawang bus consortia ay hindi nakakapagpasada ng lahat ng mga buses dahil hindi naman nila nababayaran ang mga drivers at operators.

 

 

 

Dagdag pa rin ni Garafil na mayron silang pondo para sa programa ng libreng sakay hanggang Dec. 6 subalit humahanap pa sila ng karagdagan pondo para maipagpatuloy ang programa hanggang katapusan ng taon na siyang pinagutos ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

 

 

 

Nangako naman ang LTFRB na kanilang gagawan ng paraan upang mapadali ang kanilang pagbabayad sa EDSA Carousel consortium.

 

 

 

Dumadaing naman ang mga drivers at conductors ng EDSA Carousel dahil ayon sa kanila ay umaabot na sa milyon ang kanilang unpaid salaries. Ayon sa union leader ng ES Transport umaabot sa P20 million ang hind pa nababayaran sa kanila. LASACMAR

Listahan ng mga bagong benepisaryo at natanggal mula sa 4Ps, inaasahang mailalabas sa Setyembre o Oktubre – DSWD

Posted on: July 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG ilalabas ang listahan ng mga bagong benepisaryo at natanggal mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Setyembre o Oktubre ngayong taon.

 

 

 

Paliwanag ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na ang mga natanggal mula sa listahan ng 4Ps ay ang mga pamilya na wala ng anak na edad 18 pababa o nag-aaral, ang mga kumikita ng P12,000 pataas kada buwan, ang mga nakaabot na ng 7-year duration ng programa, ang mga non-compliant o lumabag sa mga kondisyon sa ilalim ng 4Ps at ang mga inurong ang kanilang membership.

 

 

 

Sa kasalukuyan, nasa proseso na ang DSWD ng pag-validate sa listahan ng 1.3 million benepisaryo na ngayon ay itinuturing na non-poor at hindi na kwalipikadong makatanggap ng naturang cash aid mula sa gobyerno.

 

 

 

Ang bakanteng slots naman para sa conditional cash transfer program ay ibibigay sa bagong mga benepisaryo o aplikante na nasa waiting list.

 

 

 

Una nang inihayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na aabot sa 2 million benepisaryo ang matatanggal mula sa listahan ng 4Ps.

 

 

 

Kasalukuyang binubusisi naman ng ahensiya ang status ng nasa 600,000 pang recipients matapos na makumpirma na nasa 1.3 million households na ang ikinokonsiderang hindi na mahirap at hindi na kwalipikado sa naturang cash aid. (Daris Jose)

Iba-iba ang naging reaksiyon ng netizens: PAUL, official nang inamin sa YouTube vlog na sila na ni MIKEE

Posted on: July 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBA-IBA ang naging reaksiyon ng netizens sa ini-upload na YouTube vlog ni Paul Salas.

 

 

 

Ito yung pagbabakasyon nila ng kapwa Kapuso star na si Mikee Quintos.

 

 

 

Merong mga nagulat at hindi inakala na ang dalawa pala ang magkarelasyon ngayon. Meron naman na nagbibilin kay Paul na alagaan daw si Mikee at ang relasyon nila.

 

 

Pero ang karamihan, talagang kinikilig daw sa dalawa. May mga nagsasabing bagay sila at mula umpisa hanggang dulo raw ng vlog ay naka-smile rin sila habang pinapanood.

 

 

 

So yun na nga, official na ngang inamin nina Paul at Mikee na sila na. May pa-suspense pa si Paul sa title ng vlog nito na tipong nag-propose na kay Mikee. Kaya akala ng iba, inalok na nito ng kasal ang girlfriend.

 

 

 

Kaya pala nagbakasyon sa Boracay ang dalawa dahil anniversary nila. Anniversary kasi ang ginamit na term ni Paul so pwedeng i-assume na isang taon na sila or baka nagkamali lang, pero monthsary lang pala ang sine-celebrate nila.

 

 

 

Mukhang romantic talaga si Paul na sabi nga namin, napansin na namin sa kanya kahit sa past relationship niya. May effort talaga itong magpa-surprise kay Mikee.

 

 

 

Nag-paraw sailing din sila at mukhang feel na feel ito ni Mikee dahil sey niya, “Isa lang ang masasabi ko sa mga pupunta ng Boracay na couple, mag-paraw sailing kayo. Ang saya, pwedeng mag-cuddle-cuddle over the water.”

 

 

 

First time raw ni Mikee na mag-paraw sailing at nang tanungin ito ni Paul kung ano ang masasabi niya, buong ningning na sagot niya, “Masaya basta ikaw ang kasama ko.”

 

 

 

***

 

 

 

MAY pa-jowa reveal na si Yassi Pressman sa recent Instagram post niya.

 

 

 

Although sa mga close friends niya at ibang mga fan, matagal na rin alam o napapansin na ang bago niyang boyfriend ay si Jon Semira.

 

 

 

Naaalala pa namin noong inamin ni Yassi na may special someone siya during the press launch ng game show niya na “Rolling In It Philippines” sa TV5, pero ‘di pa niya inamin kung sino.

 

 

 

And true enough sa sinabi rin niya na Europe tour niya, ni-reveal na nga niya kung sino ang boyfriend.

 

 

 

Tinapat ni Yassi sa birthday ni Jon ang kanyang jowa reveal. Sey niya, “HBD. So happy with where life has brought us, so lucky to have you calm my anxieties, hold my hand, push me to become better & empower me.

 

 

 

“I promise to keep giving u surprise cheek kisses at random times of the day even when I’m kulit.”.

 

 

 

***

 

 

 

LOCK-IN taping na nga ng bagong teleserye ng GMA-7, ang “Unica Hija” kunsaan, pinagbibidahan at unang tambalan nina Kate Valdez at Kelvin Miranda.

 

 

 

Sa Instagram Stories ni Kate ay nag-post siya ng short video habang nagbibiyahe siya and wrote, “day 1 lock in for Unica Hija.”

 

 

Sa isang panayam ay ipinahayag ng aktres na itinuturing niyang big break ang pagpili sa kanya ng Kapuso Network para gumanap sa title role sa afternoon series.

 

 

 

“Nakakanerbyos po pero mas nangingibabaw ‘yung saya ko dahil pinagkatiwalaan po ako ng ng mother network ko, ng GMA, para sa project na ito.

 

 

 

“And I’m very excited to work with sa mga makakasama ko po dito sa series na ito dahil most of them ‘di ko pa po sila nakakatrabaho kaya sobrang excited ako at napakaganda ng story at bagong-bagong at I’m sure sobrang maraming magkakagusto sa series na ‘to,” sey pa niya.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

DSWD, nagbabala sa publiko sa mga impostor na empleyado ng DSWD para mag-solicit ng pera

Posted on: July 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA  ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga impostor o nagpapanggap na kawani ng kagawaran para makalikom ng pera kapalit umano ang financial assistance mula sa kanilang programa.

 

 

 

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang mga mapapatunayang sangkot sa naturang krimen ay kakasuhan ng usurpation of authority, falsification ng public documents at large-scale estafa.

 

 

 

Ito ay matapos na isang lalaki na alias Jay Lagrimas ang inaresto noong Martes dahil sa pagpapakilala umano nito na staff ng DSWD- NCR at pinagsasabi sa mga tao na sila ay mapapabilang sa lsitahan o recepient ng DSWD assistance kapalit ng pagbabayad ng registration fee.

 

 

 

Paliwanag ng DSWD official na ipinagbabawal sa kanilang empleyado na magbahay-bahay para direktang makipag-usap sa mga tao para sa transparency reasons.

 

 

 

Itinuturing aniya ng ahensiya ang naturang scheme na pagpapanggap bilang kanilang empleyado para mangikil ng pera na gawain ng mga kriminal na grupo.

Na-excite ang mga Kababol sa team up nila… PAOLO at MICHAEL V, nagsanib-pwersa sa isang segment ng ‘Bubble Gang’

Posted on: July 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY makakasama ang “Patibong” host na si Kuya Glen (Paolo Contis) sa paghuli sa mga salot ng lipunan sa award-winning gag show na “Bubble Gang”.

 

 

Isang teaser photo ang nilabas sa official social media pages ng “Bubble Gang” kung saan muling gaganap ang multi-awarded Kapuso personality na si Michael V bilang si Bonggang Bonggang Bongbong.

 

 

Kahit papunta pa lang tayo sa exciting team up ng dalawa, marami sa mga Kababol ang excited na makita sila maghatid ng good vibes. Narito ang ilan sa comments nila:

 

 

Sabi ni Michael Galdones: Yes, the legendary segment has finally returned.

 

 

Sabi naman ni Buruguduystun Stugudunstuy: Di ko pa napapanood natatawa na ako.

 

 

Jefferson Layno Dante Amparo: e sumbong kang bonggangbongbong

 

 

Bloom Domino: BIG collaboration between Patibong and Bonggang Bong Bong

 

 

Tiyak na magiging maganda ang pagtanggap ng mga “Bubble Gang” fans sa pagsasanib pwersa nina Michael V at Paolo.

 

 

***

ISANG bagong streaming app na may kasamang 24-hour helpline ng inilunsad sa isang malaking media event sa Club Filipino sa San Juan City noong Huwebes, July 21.

 

 

Gustong maging kakaiba ng Juanetworx sa pagsasanib ng entertainment at public service sa isang package. Ito na ang bagong dagdag sa dumarating streaming platform sa bansa.

 

 

Sa pamumuno ng film producer at app head na si Edith Fider, sinabi niya na ang Juanetworx ang unang entertainment at emergency app para sa mga Pilipino, lalo na ang mga OFWs.

 

 

Isang click at sa loob lang ng isang minute, may expert na mag-guide sa iyo kung paano gamitin ang app sa panahon ng emergency.

 

 

Ayon kay Ms. Fider, dedicated nila kay Fr. Fernando Suarez ang pagkakabuo nila ng Juanetworx. Pangarap kasi ng yumaong alagad ng Diyos na mag-put ng app na pwedeng makatulong sa mga OFWs.

 

 

Sa tulong daw ng mga tamang partners, mga experts, at naniniwala sa kanilang mission, nailunsad nila ang Juanetworx.

 

 

Pwede ninyong abangan sa app na ito ang mga program tulad ng Ang Katiwala, Dyesibilbil, Doc Willie Ong, The Sari-Sari Show, Ed Caluag, The Soulful Kitchen Diva, Ang Huling Burlesk Queen, at Pung! May Erotixa na bida dina Christian Bables at Ali Forbes.

 

 

For P100, pwede ka na maging member ng Juanetworx. Sundin lamang ang instructions sa juanetwork.com

 

 

***

PROVEN naman na box-office director si Roman Perez, Jr.

 

 

Pero patok din siya sa kanyang mga fans as bilang isang cult director.

 

 

Tinatanggap niya ang tawag bilang cult director niya pero gusto niyang dalhin ang kanyang following sa Cinemalaya next month.

 

 

Bukod sa male fans, may mga fans din siya na mga babae. Pero ang followers ni Direk Roman ay nasa grassroots – tambay, pedicab driver, mangingisda at magsasaka.

 

 

Very thankful din si Direk Roman na after years of trying ay nakapasok na rin siya sa Cinemalaya via his entry titled “Kaluskos”.

 

 

Psychological drama Kaluskos na bida si Coleen Garcia. Nahirapan siya tapusin ang movie during the pandemic pero excited siya na maipapanood sa Cinemalaya audience ang pelikula.

 

 

Ang kaibahan ng “Kaluskos: sa movies niya sa Vivamax ay sinubukan niyang di maglagay ng sexy scenes o erotica.

 

 

Naniniwala siya na basta maganda ang kwento, panonoorin pa rin ito ng mga tao kahit na walang sexy scenes or erotica.

(RICKY CALDERON)

Libu-libong LLN at Mother Leader, tumanggap ng subsidiya mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

Posted on: July 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Upang higit na mapahusay ang mga serbisyo at mapataas ang kanilang moral, 4,166 na Mother Leaders (ML) at 636 na Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) ang nabigyan ng tig P3,200 at P4,000 na tulong salapi sa isinagawang dalawang araw na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na tinawag na ‘Distribution of Allowance to Mother Leaders and Lingkod Lingap sa Nayon’.

 

 

 

Sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office, may kabuuang 1,275 MLs at 169 LLNs mula sa Unang Distrito at 1,061 MLs at 170 LLNs mula sa Ikatlong Distrito ang tumanggap ng kanilang cash incentives noong Lunes, Hulyo 11 sa Bulacan Sports Complex, Brgy. Sta. Isabel dito habang 868 MLs at 152 LLNs mula sa Ikalawang Distrito at 962 MLs at 145 LLNs mula sa Ikaapat na Distrito naman ang tumanggap noong Biyernes sa Bulacan Capitol Gymnasium.

 

 

 

Samantala, sinabi naman ni Gob. Daniel R. Fernando na nakasandal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga ML at LLN sa pagtitiyak na matatanggap ng mga ordinaryong tao ang tulong ng pamahalaan at pati na rin ang pagbibigay kaalaman tungkol sa mahahalagang anunsyo.

 

 

 

“Mahalaga ang gampanin ng ating mga Mother Leaders at Lingkod Lingap sa Nayon; sila ang kumakatawang ina sa ating mga komunidad na kumakalinga at nangangalaga sa ating mga kalalawigan, lalo na iyong mga nangangailangan. Sila ang katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at umaasa kami sa inyong mabuting serbisyo upang lalong mapabuti ang ating lalawigan. Asahan ninyo na patuloy rin ang suporta sa inyo ng pamahalaan kapalit ng inyong walang katumbas na pagmamahal sa ating kapwa,” anang gobernador.

 

 

 

Regular na ibinibigay ang tulong pinansiyal para sa mga ML at LLN kada quarter.

 

 

 

Isinagawa ang quarterly meeting kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon kung saan tinalakay din ng PSWDO ang mga direktiba ng gobernador hinggil sa pag-iwas at pagkontrol sa dengue at ang mga tulong na maibibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga ML at LLN.