• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 25th, 2022

Kahit bad trip, ‘di malilimutan ang muling pagbisita: MICHAEL V, idinaan na lang sa biro ang pagkakaroon uli ng Covid-19

Posted on: July 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIRO pa si Michael V. sa Instagram post niya na “ROUND 2… FIGHT!”

 

 

“Nakatanggap ako ng notification from my old friend, Covid. Matagal na kaming hindi nagkikita. Actually sinabihan ko na s’ya na ‘wag nang bumalik pero eto na naman s’ya… magha-“HI” lang daw at magpapa-alaala na nandito lang s’ya sa tabi-tabi. Hindi naman daw talaga s’ya umalis, palipat-lipat lang s’ya ng bahay.

 

 

“Kesyo nagbago na raw s’ya; hindi na raw s’ya kasing-lala nu’ng dati… pero hindi pa rin ako naniniwala’ “once a killer…” well… Syempre, inabala n’ya na naman ‘yung pamilya ko, ‘yung community namin, ‘yung trabaho ko… pati asawa ko dinamay pa!

 

 

“Pero hindi ko naman s’ya masisi! Kasi hindi rin naman s’ya nagkulang ng paalaala. Talagang matigas lang ang ulo ng mga tao minsan.

 

 

“Kaya Covid, eto ang message ko sa ‘yo: Hindi ka pa rin welcome sa bahay. Pero salamat na rin sa dalaw. Hayaan mo… kahit bad trip ako sa ‘yo, hinding-hindi kita makakalimutan.

 

 

“Stay safe everyone!”

 

 

***

 

 

TODAY, July 25, magsisimula nang mag-host si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ng “TiktoClock,” ang pinakabagong countdown variety show ng GMA, na co-host niya sina Pokwang at Kuya Kim Atienza.

 

 

Pero bago iyon, nagkaroon muna ng showbiz podcast si Rabiya with Nelson Canlas of GMA News & Public Affairs, at doon marami siyang inamin tungkol sa sarili, at sa kanyang single-mom at younger brother.

 

 

Lumaki raw siyang para silang mga “NPA,” or ‘no permanent address,’ nagri-rent daw lamang kasi sila noon ng bahay at napapalayas kapag hindi makabayad. Pero sa kabila ng kahirapang pinagdaanan, naging laging positive si Rabiya sa pananaw niya sa buhay.

 

 

“Hindi naman siya naging traumatic sa akin, pero naaawa ako sa mama ko,” sabi ni Rabiya. “Pero iyon ang nag-motivate sa akin to work hard to help my family. Nag-aral ako at naging full-scholar sa college, isinabay ko rin ang pagtatrabaho ko. Nang mag-graduate akong cum laude, pumunta na ako ng Manila, iniwan ko sina mama sa Iloilo, I need to work para mapag-aral ko ang brother ko, kasi promise ko iyon sa kanya.”

 

 

After niyang mag-compete sa 2020 Miss Universe, pagbalik niya sa bansa, nag-decide na siyang pasukin ang showbiz at last year, naging Sparkle GMA Artist na siya. Nagsimula na siyang umarte at nagawa niya ang fantasy-drama na “Agimat ng Agila” with Senator Bong Revilla.

 

 

And now, regular host na nga siya ng “TiktoClock,” Monday to Friday, 11:15 am, before “Eat Bulaga”.

 

 

***

 

 

TODAY sana mapapanood na ng netizens na sumusubaybay sa GMA Afternoon Prime drama series na “Apoy sa Langit” ang maiinit na eksenang matagal na nilang inaabangan, pero preempted ang serye ng SONA ni President Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

Kaya bukas na, July 26, mapapanood nang live sa Kapuso Stream sa Facebook at YouTube ang episode na magtatampok kina Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos at Lianne Valentin, sa maiinit na mga eksena na kanilang inaabangan.

 

 

Nagsimula ito nang matunton na ni Ning (Mikee) ang bahay ng tiyahin ni Stella (Lianne). Pero naunahan siya ni Zoren without knowing nito na nakuha naman ni Ning ang papers ni Stella na magpapakilala kung sino siya talaga at kung ano ang tunay na relasyon nila ni Cesar.

 

 

Si Gemma (Maricel) naman ay bumabalik na ang katinuan, lingid sa kaalaman nina Cesar at Stella, kaya siya pa ang unang makakakita ng mga ginagawa nila.

 

 

Paano kaya ito tatanggapin ni Gemma at dito na ba lalabas ang galit ni Ning, sa matagal nang panloloko nina Cesar at Stella sa kanilang mag-ina?

 

 

Sa live stream at 2:00 pm, pwedeng maki-react at makipagkuwentuhan ang netizens sa cast ng “Apoy Sa Langit.”

 

 

(NORA V. CALDERON)

19th Congress pormal na magbubukas ngayong Hulyo 25

Posted on: July 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL na magbubukas ang 19th Congress sa Lunes, Hulyo 25, 2022 kung saan ang Senado ay pinangungunahan ni acting Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri.

 

 

Alas-10 ng umaga inaasahang magsisimula ang First Regular Session at magkakaroon ng halalan ng mga opisyal sa Senate Plenary Hall.

 

 

Kabilang sa mga ihahalal ang Senate President, Senate President Pro-Tempore, Majority Leader, Secretary at Sergeant-at-Arms.

 

 

Ang natalong kandidato para sa Senate President ay tradisyonal na inihalal bilang Minority Leader.

 

 

Malamang din na si Zubiri ang mamumuno sa Upper Chamber bilang ika-24 na Senate President nito.

 

 

Sasalubungin din ng Senado ang 12 sa mga bagong halal na senador nito – tatlong unang beses na senador, apat na muling halal na mambabatas at limang dating mambabatas.

 

 

Ang mga bagong senador ay sina Sens. Robin Padilla, Raffy Tulfo, at Mark Villar. Kabilang sa limang nagbabalik na Senador sina Alan Peter Cayetano, Chiz Escudero, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, at Loren Legarda.

 

 

Magpapatuloy naman sa kanilang ikalawang sunod na termino ang apat na senador na nanalo sa kanilang reelection bids na sina Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, Joel Villanueva, at Zubiri.

 

 

Pagkatapos ng morning session, magtutungo ang mga Senador sa House of Representatives para sa joint session ng Kongreso at para saksihan ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (Daris Jose)

Walang galit kahit iniwan silang mag-ina: RABIYA, umaasa pa rin na makikita at makakausap ang biological father

Posted on: July 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA pa rin daw si Miss Universe Phiippines 2020 Rabiya Mateo na makikita at makakausap ang biological father niya.

 

 

 

Isang Indian national ang ama ni Rabiya na ang pangalan ay Syed Mohammed Abdullah Moqueet Irfan Hashmi at doktor ito sa Chicago, Illinois, USA.

 

 

 

Sey ni Rabiya na wala raw siyang galit dito kahit na iniwan silang mag-ina noong bata pa siya sa Iloilo. Pero nais daw niyang mahanap ito para makilala. Ayaw daw niyang magsisi na hindi niya ginawang hanapin ito.

 

 

 

“My dad is always a part of me kahit hindi ako lumaki na kasama siya. He’s always been a source of inspiration, na gagalingan ko, na pagbubutihan ko para ‘pag nakita niya ako, sasabihin niya na, ‘Yang anak ko kahit pinabayaan ko ‘yan, she turned out to do well sa buhay. Mahal ko talaga ‘yung daddy ko, I really love him. Probably it’s also the daddy issues ‘no, that’s why. Pero overall, wala akong bitterness sa heart ko towards him.

 

 

 

“Kasi I know kahit masakit na iniwan niya kami, may rason siya at actually, hindi ko na nga kailangang marinig ang rason na ‘yun. ‘Yung gusto ko lang malaman na okay siya, safe siya at kung kailangan niya ako bilang anak, I’m gonna be there to serve him.”

 

 

 

Hindi raw ever na sinara ni Rabiya ang kanyang puso sa kanyang ama at lagi niyang dala-dala ang litrato niya kasama ang ama noong sanggol pa siya. Kaya malaya raw ang kanyang ama na padalhan siya ng mensahe kung gusto nito.

 

 

 

“In my heart, alam ko na magkikita kami ng dad ko someday, somehow. I know, I know in my heart. And ‘pag nangyari ‘yon, wala talagang bitterness in my heart. Like yayakapin ko lang talaga siya and mamahalin ko ang tatay ko nang buong buo.

 

 

 

“If somebody knows Syed Mohammed Abdullah Moqueet Hashmi from Chicago, you have a daughter here in the Philippines, my name is Rabiya, you named me. I hope that you are okay, I hope that you are doing very well. If you need somebody, daddy, if you need me, I’m just here. I’m waiting for you,” mensahe pa ni Rabiya na isa sa host ng bagong morning game show ng GMA na Tiktoclock.

 

 

***

 

 

 

MAG-TURN 24 years old na si Barbie Forteza sa July 31 at panay ang tanong ng netizens kung kelan sila ma-engage ni Jak Roberto?

 

 

 

Ayon sa Kapuso Drama Princess, may kondisyon daw siya bago sila ma-engage ni Jak.

 

 

 

“I think, dapat may ipon. Yun lang. Bukod dun, wala na, perfect na lahat. Approved na. Yun na lang, ipon na lang,” sabay tawa ni Barbie.

 

 

 

Wala naman daw problema iyon kay Jak dahil maingat ito sa mga kinikita niya sa showbiz at sa kanyang pagiging vlogger. Marami na rin daw itong investments at magpapatayo na ito ng magiging bahay nila.

 

 

 

Kung may isang ugali raw si Barbie na ikinakatuwa ni Jak, ito ay yung kinakagat daw siya kapag nagugutom na ito.

 

 

 

Pagbuking ni Jak: “Alam n’yo, si Barbie, madali lang naman pasayahin ‘yan, eh, as in. Alam n’yo kung paano? Kailangan makarating lang kaagad sa kanya yung delivery ng pagkain. Kasi kung hindi, ako na ang kakagatin niyan!”

 

 

 

Sagot naman ni Barbie: “Di naman ako na-offend. Na-excite ako sa kagat part!”

 

 

 

***

 

 

 

NAGSALITA na ang Latino pop singer na si Ricky Martin tungkol sa binintang sa kanya ng kanyang pamangkin na nagkaroon sila ng sexual relationship.

 

 

 

Na-dismiss na kasi ng korte ang sinampang mga kaso sa singer sa Puerto Rico.

 

 

 

Inamin ng 50-year-old singer na nasaktan siya sa kasinungalingan na ginawa ng kanyang pamangkin na si Dennis Yadiel Sanchez. Bukod daw sa pagkakaroon nila ng sexual relationship, hinarass at ini-stalk pa raw niya ito.

 

 

 

Pahayag ni Ricky: “For two weeks I was not allowed to defend myself because I was following the procedure where the law… obligated me not to talk until I was in front of a judge. Thank God these claims were proven to be false, but I am going to tell you the truth, it has been so painful. It has been devastating for me, for my family, for my friends.

 

 

 

“I don’t wish this upon anybody. To the person who was claiming this nonsense. I wish him the best and I wish that he finds the help so he can start a new life filled with love and truth and joy and he doesn’t hurt anybody else.”

 

 

 

Parte raw ng healing process ni Ricky ay ang bumalik siya sa pag-perform: “I cannot wait to be back onstage. I cannot wait to be back in front of the cameras and entertain which is what I do best. Thank you to all of my friends. Thank you to all of my fans who always believed in me. You have no idea how much strength that you gave me with every comment you wrote on social media. I wish you love and light.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Magsasaka, magsasagawa ng sariling State of the Peasant Address (SOPA)

Posted on: July 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATAPATAN ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at iba pang grupo mula sa agriculture at fisheries sector at food security advocates ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos ng sarili nilang State of the Peasant Address o SOPA.

 

 

Ang SOPA ay taunang forum na ginagawa para ihayag ang sitwasyon, isyu at kahilingan ng mga magsasaka, mangisngisda, agricultural workers at peasant women.

 

 

Nakatakdang ihayag ng mga ito kung bakit nananatiling paatras umano ang domestic economy, agricultural, at service-oriented.

 

 

“The government must be decisive enough to resort to radical and bold economic reforms to uplift agriculture and foster the creation of jobs for Filipinos,” ani KMP leader at dating agrarian reform secretary Rafael Mariano.

 

 

Kabilang dadala ang mga magsasaka mula sa Central Luzon, agrarian reform beneficiaries mula sa Hacienda Tinang, fisherfolks at iba pang sector. (Ara Romero)

5 CHINESE NATIONALS, INARESTO SA KIDNAP FOR RANSOM

Posted on: July 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO ng Manila Police District (MPD)-Station 5 ang limang indibidwal kabilang ang tatlong Chinese national dahil sa pagdukot sa tatlo nilang  kababayan.

 

 

Kasong  Kidnap for Ransom (Art 267, RPC) at Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act (RA 10591) ang kinakaharap ng  mga naaresto na sina Wang Joe, 28; Ouyang Fuqing, 32; Chai Xin Yuan, kapwa Chinese national at pansamantalang nanunuluyan sa Bayport West, panulukan ng  Mabini St., at P. Gil St., Malate, Maynila.

 

 

Arestado rin ang kanilang kasabwat na sina Kenneth Querubin, 39, residente sa 1018-C Concepcion Aguila, Maynila at si Noel  Fame Dioneda ng 346 Paoay Road, Marian Park St., Martin De Forest, Parañaque City.

 

 

Ayon sa MPD-Station 5, bandang alas-10:00  Huwebes ng gabi  nang maaresto ang mga suspek makaraang makatanggap ng reklamo mula sa isa ring  Chinese national na si Jeff Wang na kasamahan ng mga biktima na sina Yang Han,  Xu Wen Yang at  Cui Shao Kun, kapwa nanunuluyan sa Malate,Maynila.

 

 

Sa reklamo ni Wang ,kapwa sila nasa Remedios Street, Malate, Maynila ng mga biktima nang dukutin ng mga suspek ang kanyang mga kaibigan at isinakay sa isang van .

 

 

Humirit ng ransom ang mga suspek na halagang P3 milyon kapalit ng pagpapalaya sa mga biktima.

 

 

Matapos matanggap ang reklamo, agad na nagpadala ng tauhan si PLt/Col John Guiagui ng tauhan para sa entrapment operation kasama ang mga operatiba ng Tactical Motorcycle Rider Unit .

 

 

Sa panulukan ng  Mabini St., at P. Gil St., Malate naispatan ni Wang at mga operatiba ang mga suspek kaya agad silang pumosisyon at inaresto ang mga  ito.

 

 

Nasagip naman ang mga biktima sa loob ng Toyota Hi Ace Commuter Deluxe na may plakang  NDM 8999.

 

 

Samantala, ibinunyag din ng mga biktima na sila ay ikinulong sa  Bayport, Parañaque ng ilang araw kung saan sila sinasaktan at hindi pinapakain.

 

 

Sa nasabing operasyon,nakuha sa mga suspek ang isang baril at mga bala. (Gene Adsuara)

20% discount sa mga gov’t certificates at clearances para sa job applicants, isinulong sa Senado

Posted on: July 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN ng panukalang batas si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. na naglalayong bigyan ng 20 porsiyentong diskuwento ang bawat mahirap na Pilipino para sa kaukulang dokumento na kakailanganin sa kanilang pag-a-apply ng trabaho.

 

 

 

Ito ang Republic Act No. 11261 o ang ‘First Time Jobseekers Assistance Act’ na na makakatulong sa bawat mahihirap na kababayan para mapagaan ang kanilang mga gastusin sa pag-aaply ng trabaho na isa sa dahilan kaya tumataas ang bilang ng walang trabaho.

 

 

 

Ayon kay Revilla, lahat ng kompanya maging pribado man o pampubliko ay nangangailangan ng legal na dokumento na kailangang isumite ng mga aplikante mula sa mga ahensiya ng pamahalaan at lahat ito ay may kaukulang bayad.

 

 

 

Kung magiging isang ganap na batas ay mababawasan ng 20% diskuwento ang lahat ng babayaran ng isang mahirap na aplikante sa Barangay Clearance,NBI Clearance, PNP Clearance, Medical certificate para sa local employment mula sa kahit anong government hospital na nasa pamamahala ng Department of Health (DOH).

 

 

 

Kabilang din ang PSA Marriage Certificate, PSA Certificate of Live Birth, Transcript of Records, Diploma, Certificate of Good Moral Character mula sa eskuwela, CSC Certificate ng Civil Service Eligibility, National Certificate at Certificate of Competency na iniisyu ng TESDA at iba pang dokumento na iniisyu ng pamahalaan na kailangan sa paghahanap ng trabaho.

 

 

 

Kailangan lamang umano na magdala ng patotoo mula sa social welfare ng lokal na pamahalaan o opisyal ng barangay ang isang aplikante na isa itong mahirap at ang mga kaanib ng ‘Pantawid Pamilyang Pilipino Program’ ay awtomatikong kuwalipikado na sa panukalang ito.

Ads July 25, 2022

Posted on: July 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Mga ama, dapat na magbigay ng child support alinsunod sa batas-DSWD

Posted on: July 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin T. Tulfo ang lahat ng field offices ng departmento na maging handa na tulungan ang mga ina na naghahanap ng  child support mula sa ama ng kanilang anak o mga anak.

 

 

Sinabi ni Tulfo, alinsunod sa  Article 195 ng  Family Code, binigyang diin nito na ang mga magulang ay “legally required” na suportahan ang kanilang mga anak.

 

 

Nakasaad din  sa Article 194 ng Family Code na “support comprises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family.”

 

 

“Linawin ko lang po na hindi ko naman sinabi na kakasuhan namin agad ang hindi nagbibigay ng child support. Nasa batas po kasi natin, matik sa batas na kailangang suportahan ang bata. Maaring pinansiyal, o pag-aralin mo. Ang sinasabi ko, kung may trabaho at usually malalaman natin yan sa misis kung may trabaho,” ayon kay Tulfo.

 

 

Ayon naman sa Article 201 ng Family Code, “The amount of support…shall be in proportion to the resources or means of the giver and to the necessities of the recipient.”

 

 

Sa kabilang dako, hinikayat ni Tulfo ang mga ina na dalhin ang kanilang mga concerns sa DSWD, maaari aniyang humingi ng tulong o magpasaklolo ang mga ina sa  DSWD para makakuha ng suporta mula sa ama ng kanilang anak o mga anak.

 

 

Gaya ng nakasaad sa  Article 203 ng Family Code, “The obligation to give support shall be demandable from the time the person who has a right to receive the same needs if not for maintenance, but it shall not be paid except from the date of judicial or extra-judicial demand.”

 

 

Idagdag pa ng kaparehong probisyon na, “payment shall be made within the first five days of each corresponding month or when the recipient dies, his heirs shall not be obliged to return what he has received in advance.”

 

 

“Pwede po kayong lumapit sa amin sa DSWD, kung may mga tatay na ayaw magsustento sa mga anak nila, provided na yung tatay ay may trabaho o may kinikita. Susulatan po namin, magdedemand kami na sustentuhan niya yung anak niya. Otherwise, ipapasa po namin ito sa korte, bahala na po ang Public Attorney’s Office (PAO). Tutulungan din po natin na ilapit sa IBP para magsampa ng kaso,” ayon kay Tulfo. (Daris Jose)

Centaurus Omicron subvariant, nakapasok na sa Pinas

Posted on: July 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang mga eksperto na maaring nakapasok na sa bansa ang bagong BA.2.75 o Centaurus Omicron subvariant.

 

 

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, ang inaasahan nilang posibleng peak o pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay hindi pa nangyayari at patuloy pa sa pagtaas ang mga kaso.

 

 

“Hindi naman typical pattern iyan eh. Usually, ‘pag pababa na siya, tuluy-tuloy na pababa eh. So, bakit siya tumaas ulit? May possibility na baka may ibang subvariant na umiikot,” ani David.

 

 

Simula noong Pebrero 12, nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang bansa ng 3,389 kung saan 1,169 ang mula sa Metro Manila.

 

 

Nakikita rin ng ABS-CBN Data Analytics Team ang pagtaas ng mga kaso mula sa Calabarzon at Central Luzon.  (Daris  Jose)

Sa first Tiktok Series sa Pilipinas na ’52 Weeks’: Tiktok Superstar na si QUEENAY, bidang-bida na at makatatambal si JIN

Posted on: July 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BIDANG-BIDA ang isa Tiktok Superstar na si Queenay Mercado, na una naming napanood sa ‘Sing Galing’, na kung saan makatatambal niya ang ‘It’s Showtime’ Ultimate BidaMan winner na si Jin Macapagal, sa kauna-unahang Pinoy Tiktok series na “52 Weeks.”

 

Matapos nga ang matagumpay na launching ng digital series na “GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes” at “Ang Babae sa Likod ng Face Mask,” na tinangkilik ng netizens, muling maglalabas ang Puregold ng isa na namang serye na siguradong magpapakilig sa mga manonood.

 

Ang nasabing 36-episode digital series na kinunan sa mala-paraisong isla ng Cagbalete sa Mauban, Quezon, ay mula direksyon ni Lemuel Lorca at mula sa produksyon ng award-winning filmmaker na si Chris Cahilig. Makakasama rin nila sina Derick Lauchengco na itinanghal na Misters of Filipinas Second Prince at ang kilalang Influencer na si Herbie Cruz.

 

Say ni Queenay, “Super happy po ako na naging part ako ng series na ‘to.

 

“Knowing na ito po ang kauna-unahang Filipino Tiktok series, I feel honored po talaga to be cast as leading lady!”
May mahigit 12.3 million followers si Queenay sa Tiktok. Inimbitahan niya na rin ang mga ito na panoorin ang bagong serye. “Para sa inyo po ang nakakakilig na series na ito! Sana po manood kayong lahat at patuloy na sumuporta sa akin.”

 

Gagampanan ni Queenay ang karakter ni Mina, isang 25-year-old hopeless romantic na certified NBSB (No Boyfriend Since Birth). Nais ng mga kaibigan ni Mina na sina Eya at Chem na maranasan ng dalaga ang magka-lovelife kaya determinado ang dalawa na mahanapan siya ng potential boyfriend sa loob ng 364 na araw o 52 weeks.

 

Ipinaliwanag ng Puregold President Vincent Co kung ano ang kanilang inspirasyon sa pagbuo ng Puregold Channel. “As online content continues to flourish, we want to further drive Puregold retailtainment and connect with customers, old and new.”

 

Dagdag pa ni Co, nais nilang makapaghatid ng aliw sa mga Pilipino sa loob at labas ng Puregold stores sa pamamagitan ng makabagong paraan sa industriya ng media, “Puregold Channel is our platform for showcasing fresh and relevant stories. And launching this first-ever TikTok series in the country is another groundbreaking move that we’re proud of.”

 

Matatagpuan nga kaya ni Mina ang pag-ibig sa loob lamang ng 52 weeks?! Abangan ang unang episiode ng “52 Weeks” sa darating Miyerkules, July 27 sa opisyal na Tiktok channel ng @puregoldph.

 

Para sa updates, i-follow na rin ang @puregold.shopping sa Facebook, @puregold_ph sa Instagram at Twitter. Siguraduhin ding naka-subscribe ka sa YouTube Channel ng Puregold!

 

 

(ROHN ROMULO)