• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 1st, 2022

2-M na poor families, naghihintay na mailista sa 4Ps

Posted on: August 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na nasa 2 milyong pamilyang Pilipino ang nailagay sa waiting list para sa cash assistance program ng gobyerno o 4Ps.

 

 

Ipinaliwanag ni Tulfo sa ilang grupo ng mga “galit” na benepisyaryo na nakatakdang tanggalin sa programa na marami pa ring mahihirap na pamilya ang nasa waiting list.

 

 

Sinabi ni Tulfo na sa 4.4 milyong pamilya, 1.3 milyong benepisyaryo ang aalisin sa 4Ps dahil hindi na sila kwalipikado o umabot na sa maximum na 7 taong pananatili sa ilalim ng programa.

 

 

Ngunit sinabi niya na ang mga pamilyang ito ay hindi agad masisipa sa programa, ngunit bibigyan sila ng abiso ilang linggo bago ma-delist.

 

 

Dagdag pa ni Tulfo na sa 600 pamilya na na-interview, ang ilan sa kanila ay nagsasara kapag bumisita ang mga opisyal ng DSWD sa kanilang mga bahay o nagpalit na ng tirahan.

DOH: 95% ng monkeypox cases sa mundo dahil sa ‘sexual contact,’ pero hindi STD

Posted on: August 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG 95% sa kaso ng monkeypox viral disease sa buong mundo ang naipasa sa habang nagsasagawa ng sekswal na mga gawain, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.

 

 

Pero nilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi sexually transmitted disease o STD ang naturang virus.

 

 

“Hindi [s]iya classified as a sexually transmitted disease. Although ngayong nag-evolve na itong monkeypox virus, maaari na itong makuha sa sexual contact,” pagbibigay-diin niya sa isang panayam sa radyo.

 

 

“Actually, 95% of cases right now globally are through sexual contact nakuha,” pagpapatuloy niya.

 

 

Biyernes nang kumpirmahin ni DOH deputy spokesperson Beverly Ho na natukoy na sa Pilipinas ang unang kaso ng monkeypox sa isang 31-anyos na Pinoy na nanggaling sa ibang bansa.

 

 

Sambit ni Vergeire, may mga nasawi na dahil sa monkeypox at maaaring mas vulnerable rito ang mga immunocompromised, mga buntis at mga senior citizen.

 

 

“[K]apag ‘yung tinamaan ay immunocompromised individuals, mababa ‘yung kanilang panlaban sa sakit. Katulad ng mga buntis, maaari ring maging vulnerable sila, katulad ng mga kabataan, and of course, ‘yung mga nakakatanda na marami nang comorbidities,” sambit niya.

 

 

Una nang sinabi ng World Health Organization na maaaring kumalat ang monkeypox sa pamamagitan ng skin-to-skin contact tulad ng pakikipagtalik, pakikipaghalikan at paghawak sa indibiwal na may sintomas ng naturang sakit.

 

 

Samantala, sinabi ni infectious disease at vaccine expert na si Dr. Rontgene Solante na mas mapanganib pa rin ang COVID-19 kumpara sa monkeypox dahil gumagaling aniya sa loob ng  21 hanggang 28 days ang mga tinatamaan ng viral infection na madalas makuha sa skin-to-skin contact.

 

 

“Malayo talaga in terms of mortality. Mas delikado ang COVID-19 compared to monkeypox. [I]n general, this is a less severe type of infection compared to COVID-19,” sambit niya sa isang panayam .

 

 

Ang Pinoy na tinamaan ng monkeypox ay sinasabing nagpositibo sa nasabing sakit noong ika-28 ng Hulyo.  (Ara Romero)

Sylvia, nagpasalamat at nangakong mamahalin na parang anak: ARJO at MAINE, nambulabog sa pasabog na engagement sa memorable na ‘July 28’

Posted on: August 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAMBULABOG sina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza noong July 28, ang date na napaka-memorable sa kanilang dalawa.

 

“Wait, whaaaat??? Were engaged?!”, bulalas ni Maine sa kanyang IG post, kasama ang series of sweet photos nila ni Arjo, na kung saan pinagsisigawan ng kanyang daliri ang bonggang ‘engagement ring’ na binigay ng kanyang soon-to-be husband.

 

Post naman ni Arjo, “My turn, I will marry you cutie. ❤️ 07.28.22”

 

Mahalaga nga ang July 28 kina Arjo at Maine, sa tweet ni Maine, kasama ang IG post na ito ni Arjo, nilagyan niya ito ng caption na:

“july 28, 2013: “arjo cutie”
“july 28, 2018: first meeting
“july 28, 2022:
“i love you, @arjoatayde”
Na sinagot naman ng aktor ng, “I love you more ❤️”
Kaya naman nag-umapaw ang pagbati ng mga netizens at celebrity friends niya, na tuwang-tuwa talaga sa bagong kaganapan sa #ArMaine, na hanggang sa ngayo’y may tumututol pa rin.
“Heartfelt gratitude and appreciation to everyone 🫶🏻 Exciting times ahead!!!” comment naman ni Maine sa mga nag-congratulate sa kanila ni Arjo.”

 

Last Saturday naman sa 43rd anniversary ng “Eat Bulaga” na tinawag na ‘Dabarkads I Love You Day’, binati rin si Maine sa pangunguna ni Bossing Vic Sotto at sey nga nito, “Usapang love. Ang ‘Daddy’s Gurl’ ko magle-level up na. Engaged na, Congratulations!’

 

Maging si Ms. Coney Reyes na nagbalik sa EB ay tuwang-tuwa dahil kilala raw niya si Arjo at alam din niyang magaling na aktor, kahit noong nagsisimula pa lang.

 

Ilang araw na ma-engage si Maine sa kanyang higit tatlong taon na boyfriend, inabangan naman ng mga netizens ang magiging post ng mommy ni Arjo na si Sylvia Sanchez.

 

Isa ngang nakaka-touch na message ang pinost ni Sylvia sa kanyang IG account, kasama ang photos nila ni Maine, na hinahawakan sa pisngi, hinahalikan sa noo at mahigpit na niyayakap.

 

“He asked Her and She said, YES!!!,” caption niya.

 

“Finally!! Welcome to the family, Maine ❤️ Thank you for loving my son.
Love you Nak 😘😘😘”

 

Dagdag ng premyadong aktres, “I promise that I will take care and love you as my own Daughter❤️ @arjoatayde @mainedcm #Armaine ❤️

 

Happy morning💃🕺💃”

 

Reply naman ni Maine, “Thank you so much po, tita. You have been so kind, understanding, and supportive from the beginning and for that I am thankful.

 

“Kay Tito Art, saks lang. Char lang po, love you boooth!”

 

Matatandaan na noong 2019 inamin ni Maine na nagdi-date sila ni Arjo and last December 2021 ay nag-celebrate sila ng kanilang third anniversary.

 

Nitong May lanh, ikinasal ang sister ni Maine at isa siya sa naging bridesmaids, at naging escort niya si Arjo. Samantala, ikinasal din last year ang brother niya at ngayong engaged na sila ni Arjo, siya naman ang susunod na ikakasal.

 

 

Kaya abangan na lang ang magiging announcement ng couple, kung sa 2023 na ba ito o sa susunod pang mga taon.

Congratulations, Maine and Arjo!

(ROHN ROMULO)

Kinumpara ang kaakit-akit na ganda sa alak: DERRICK, ‘di nakapagtatakang mahumaling sa morena beauty ni ELLE

Posted on: August 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nakapagtatakang mahumaling si Derrick Monasterio sa morena beauty ni Elle Villanueva habang ginagawa nila ang mga maiinit na eksena sa teleserye na ‘Return To Paradise.’

 

Kinumpara ng Kapuso hunk ang kaakit-akit na ganda ni Elle sa alak: “Si Elle para siyang wine. ‘Yung habang tumatagal lalong gumaganda. Ganoon siya eh, ang dami kong nakikitang bagong sides niya, bagong magandang angle niya.”

 

Gaganap sina Derrick at Elle bilang sina Red Ramos at Eden Santa Maria, na magiging stranded sa isla matapos ang plane crash at magkakagusto sila sa isa’t isa, pero magiging magulo ang lahat dahil sa hindi magandang nakaraan ng kani-kanilang pamilya.

 

Kahit nga tag-ulan na, sizzling hot ang mga eksena nila Derrick at Elle. Naging malaking tulong ang magandang location nila na isang island resort sa Quezon.

 

Sey pa ni Derrick: “Feeling ko ‘yung daringness dito makukuha sa kung paano naglalaro ‘yung dalawang characters, kung paano ‘yung mga tinginan nila, kung paano ‘yung touch, kung paano ‘yung chemistry.”

 

Sey naman ni Elle: “It’s not gonna be about just two people falling in love, but it’s about the love of your mother, your own family. It’s really hard to choose between your family and your loved one.”

 

***

 

HINDI naman magpapahuli sa pagpapakita ng abs ang boys ng ‘Running Man Philippines’ na sina Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Buboy Villar at Mikael Daez.

 

May kanya-kanya paandar ang apat na Kapuso hunks sa pag-alaga ng kanilang mga katawan para sa maraming challenges ng sinu-shoot nilang show sa South Korea. Kailangan maging physically fit sila parati kaya kapag parati silang nasa gym or tumatakbo sa labas.

 

At siyempre, hindi mawawala ang pagsayaw nila sa Tiktok. Gumagawa ng sexy dance video to the tune of “Thick Fine Woman” sina Ruru, Kokoy at Buboy habang nagwu-workout sa gym.

 

Nagtalo pa ang netizens kung sino sa tatlo ang may pinaka-hot na katawan at pinakamagandang abs. At may nagre-request pa na may solo sexy dance sana ang tatlo para makita kung sino ang pinaka-hot sa kanila.

 

***

 

PINANGAKO ni Liezel Lopez na mai-in love lang daw siya ngayon sa kanyang career para lagi siyang masaya at hindi maging bitter sa buhay.

 

Kahit wala raw siyang lovelife sa ngayon, happy siya sa mga trabahong dumarating sa kanya.

 

Sa bago niyang teleserye na ‘Return To Paraside’, siya ang hahadlang sa magandang relasyon nila Red at Eden na ginagampanan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

 

Dahil kontrabida siya ulit, binigyan naman daw niya ng ibang atake ang pagiging maldita niya sa naturang teleserye.
“Yung last teleserye ko kasi na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’, simula pa lang alam mo na kontrabida ako kasi lagi akong mataray at nanggigigil ako sa galit. Dito sa ‘Return To Paradise’, medyo subtle lang ang pagtataray ko kay Eden.

 

“May goal kasi ako na mapasakin ulit si Red. Basta lahat gagawin ko, maangkin ko lang ulit ang lalakeng dati kong minahal kahit na makasakit ako ng damdamin ng ibang tao,” sey ni Liezel.

 

Hindi rin nagpakabog si Liezel sa pagpapa-sexy sa teleserye. May sarili ring mga eksena si Liezel na nag-uumapaw ang kanyang alindog sa mga suot nitong bikini. May mga eksena rin siya kunsaan nayayakap niya ang mainit at maskuladong katawan ni Derrick.

 

Kelan lang ay pinost niya sa kanyang Instagram ang bagong sexy photoshoot niya na suot ay flesh-colored bikini at kita ang seksing katawan ng aktres.

 

Sa nga sexy na emote ni Liezel, parang nangungusap ang kanyang mga mata at tila may sinasabihin ito ng “Ito ang sinasyang mo!”

 

Kasama rin si Liezel sa cast ng ‘Voltes V: Legacy’ bilang ang Bozanian na si Sandra. Sa 2023 pa ito ipapalabas.

(RUEL J. MENDOZA)

NCR, mananatili sa Alert Level 1; maraming lugar ang de-escalated

Posted on: August 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING mga lugar simula ngayon, Agosto 1 ang  de-escalated sa Alert Level 1 habang ang  National Capital Region ay mananatili sa katulad na klasipikasyon.

 

 

Sinabi ng Department of Health (DOH),  ang  alert level status ay magiging epektibo mula Agosto  1 hanggang  15.

 

 

Ang mga karagdagang lugar na pinagaan at inilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ay:

 

– Barbaza, Antique

– Bato, Leyte

– Tabontabon, Leyte

– Payao, Zamboanga Sibugay

– Braulio E. Dujali, Davao Del Norte

– Maitum, Sarangani

– Pilar, Surigao Del Norte

– Calanogas, Lanao del Sur

– Marogong, Lanao del Sur

– Tagoloan II, Lanao del Sur

 

Sinabi ng DOH, mananatili ang  case classification at total bed utilization rates sa “low risk” ang mga nasabing lugar at naabot  ang vaccination thresholds para sa target population at target A2 (senior citizens) priority group.

 

 

Maliban sa Kalakhang Maynila, ang mga sumusunod ay nasa ilalim ng Alert Level 1: Abra, Apayao, Baguio City Kalinga, Mountain Province, Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Cagayan, Santiago City, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Angeles City, Aurora, Bataan Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Lucena City, Rizal, Marinduque, Puerto Princesa City, Romblon, Oriental Mindoro, Naga City, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo Province, Iloilo City, Cebu City, Siquijor, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Biliran, Eastern Samar, Ormoc City, Southern Leyte, Tacloban City, Zamboanga City, Cagayan de Oro City, Bukidnon, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Iligan City, Camiguin, Davao City, Davao Oriental, South Cotabato, General Santos City, Surigao del Sur, Butuan City, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, at  Cotabato City.

 

 

Ang mga natitirang bahagi ng Pilipinas ay nasa ilalim naman ng Alert Level 2.

 

 

“Our continued compliance with the minimum public health standards keeps us safe — wearing the best-fitting mask, isolating when sick, doubling up protection through vaccines and boosters, and ensuring good airflow,” ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire, DOH Officer-in-Charge.

 

 

Join our new campaign to help us open up better and stronger, “PinasLakas”, to make it easier for everyone to get a booster,” dagdag na pahayag ni Vergeire. (Daris Jose)

Mga ospital sa QC na pag-aari ng gobyerno, inihahanda na ang kanilang mga isolation rooms

Posted on: August 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGTALAGA na raw ang mga ospital sa Quezon City na pag-aari ng gobyerno ng isolation room dahil sa posibleng pagkakaroon ng monkeypox cases sa naturang lungsod.

 

 

Kasunod na rin ito ng naitalang kauna-unahang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

 

 

Sa isang statement, sinabi ng Quezon City government na ang Quezon City General Hospital, Rosario Maclang Bautista General Hospital at Novaliches District Hospital ay nakapag-set up na ng mga isolation rooms para sa mga suspected, probable at confirmed cases ng monkeypox.

 

 

Ang kanilang hakbang ay bilang paghahanda sa posibilidad na mayroong ma-detect na kaso ng monkeypox doon.

 

 

Nag-develop na rin ang QC Health Department (QCHD) ng response mechanism para mapigilan, ma-detect ng maaga, ma-manage ang kaso at ma-isolate ang mga tatamaan ng virus at ang isasagawang contact tracing ng possible monkeypox cases.

 

 

Sumalang na rin ang mga medical personnel mula sa mga public at private hospitals at health centers sa orientation.

 

 

Tinuruan ang mga ito ng kaukulang impormasyon kaugnay ng naturang virus, partikular ang ang pagpigil sa transmission nito sa mga indibidwal, household at sa mga komunidad.

 

 

Inabisuhan naman ng Private Hospitals Association Philippines (PHAPI) ang mga suspected monkeypox cases na agad dalhin sa mga ospital para sa isolation at treatment.

 

 

Sa ngayon, na-establish na rin ang mga protocols para sa detection, specimen collection, pagpapadala sa mga specimen sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at ang pagbiyahe sa mga suspected cases sa mga referral hospitals.

 

 

Noong buwan ng June, nailagay na rin ang real time polymerase chain reaction (PCR) sa RITM para ma-detect ang posibleng kaso ng monkeypox virus cases sa bansa.

 

 

Nag-organisa na rin ang Quezon City Epidemiology Surveillance Unit (QCESU) ng quick response team para sa monkeypox contact tracing response.

 

 

Tiniyak din ng mga ito na sapat ang mga personal protective equipment at logistical needs at ang mga magsasagawa ng contact tracing ay sapat ang bilang.

 

 

Kung maalala, noong Hulyo 23 nang ideklara ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox bilang “public health emergency of international concern.”

 

 

Ito ang pinakamataas na alarma para sa naturang virus.

 

 

Tiniyak din ng WHO na susuportahan ng mga ito ang Department of Health (DoH) matapos ma-detect sa bansa ang unang kaso ng monkeypox. (Daris Jose)

Ads August 1, 2022

Posted on: August 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Isa sa ‘Best Dressed Male’ sa GMA Thanksgiving Gala: ALDEN, labis ang pasasalamat sa lahat ng nag-donate ng dugo para lolo na may sakit

Posted on: August 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LABIS ang pasasalamat ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards sa lahat ng mga donors ng Type O blood para sa may sakit niyang grandfather, si Lolo Danny. 

 

 

“On behalf of our dad and our family, we thank all of those who generously donated blood.  We have enough units for now.  And to those who are sending their messages and willingness to donate, maraming-maraming salamat po.  I apologize if we are unable to respond to your messages. We are forever grateful.”

 

 

Meanwhile, huminto muna ang taping ng “Start-Up PH” nina Alden at Bea Alonzo last Saturday, July 30, para um-attend sa 2022 GMA Thanksgiving Gala bilang pagdiriwang ng 72nd anniversary ng Kapuso Network.

 

 

Ang theme of the evening is “Old Hollywood.”  Siyempre pa, isa si Alden sa mga Best Dressed Male ng gabing iyon.  He came alone, while si Bea came with boyfriend Dominic Roque.

 

 

Pinili naman ng Preview na 10 Best Dressed among the ladies sina Heart Evangelista, who came with husband Senator Chiz Escudero; Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, Kate Valdez, Jasmine Curtis-Smith, Gabbi Garcia who came with boyfriend Khalil Ramos, Ysabel Ortega, Julie Anne San Jose na pumasok na ka-holding hands si Rayver Cruz, Kyline Alcantara with Mavy Legaspi, Michelle Dee and the Romantic Pair of the Night, Marian Rivera and Dingdong Dantes.

 

 

***

 

 

TODAY, August 1, ang world premiere telecast ng isang naiibang love story ng bagong GMA Afternoon Prime series na “Return to Paradise,” top-billed by sought-after Kapuso leading man Derrick Monasterio, at introducing si Sparkle artist Elle Villanueva, in her first lead role.

 

 

Ito rin ang muling pagbabalik ng versatile and award-winning actress na si Ms. Eula Valdes, after eight years na wala siya sa GMA.

 

 

Hindi ikinaila nina Derrick at Elle na pinaghandaan nila ang pagbuo ng chemistry and rapport nila para magampanan ang mga steamy scenes in the series.

 

 

“May process po kami as actors and inviduals.  Ginawa naming ang intimate scenes professionally kaya hindi na kami naiilang.  Kinailangan ko rin po na tanungin si Elle ng kanyang limitation kasi ayaw kong maka-disrespect ng co-actor ko.” Dagdag pa ni Derrick.

 

 

Kasama rin sa cast sina Liezel Lopez, Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Karel Marquez, Kiray Celis, Paolo Paraiso at si Allen Dizon.  Nag-location shoot sila sa magandang island ng Jomalig sa Quezon.

 

Sa direksyon ni Don Michael Perez, mapapanood ang “Return to Paradise”, 3:25 PM, after ng “Apoy sa Langit.”

 

 

***

 

 

NAGLABAS ng official statement ang VinCentiments office ni Director Darryl Yap sa kumakalat na balitang namimigay sila ng free tickets sa showing ng “Maid In Malacanang” na mapanood na sa mga sinehan sa Wednesday, August 3.

 

 

Narito ang official statement:

 

 

“Starting July 30, cinema tickets are now available in the Philippines and some countries around the world.  Yes, cinema tickets are available just now; go back to your favorite malls and don’t believe the posts of losers.  The office of Senator Imee, Viva Films and even VinCentiments are not giving away free tickets – that is the work of the pinks – they are just passing it on to us.

 

 

“The businessmen, local leaders and groups of loyalists who book blockscreenings don’t have directives from us; we didn’t order it – but we won’t stop it either, we are thankful for initiatives like this.  However – with our director looking like money – we can make sure the tickets are not free.

 

 

“To our countrymen abroad especially in Dubai, whose schedules are sold-out for 4 days – we are asking you not to increase the ticket price so that everyone can watch; Direk Darryl will personally visit Dubai with the desert cast.”

 

 

Reportedly, ang mga tickets daw na ipinamimigay ay concert tickets at papalitan ito ng cinema tickets kung kailan ito ipalalabas sa mga sinehan.  Wala raw tumanggap nito.

(NORA V. CALDERON)

Labi ni ex-Mayor Rose Furigay dumating na sa Lamitan City, Basilan

Posted on: August 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DUMATING  na sa Lamitan City, Basilan bandang alas-8:15 kahapon ng umaga ang labi ni dating Mayor Rose Furigay.

 

 

Eksakto isang linggo ngayon nang binaril-patay ang dating alkalde kasama ang kaniyang executive assistant na si Victor Capistrano sa loob mismo ng Ateneo de Manila University.

 

 

Bukod sa dating alkalde patay din ang assistant nito na si Victor Capistrano at isang security guard ng unibersidad.

 

 

Isinakay ang labi ng dating alkade sa isang navy vessel mula Zamboanga City patungong Lamitan.

 

 

Kasama din dumating si Lamitan City Mayor Oric Furigay ang asawa ng yumaong dating mayor.

 

 

Buhos naman ang emosyon ng mga supporters ng dating alkalde ng makita ang labi nito.

 

 

Daan-daang mga supporters at mga constituents ng Lamitan ang sumalubong sa pagdating ng labi sa kaniyang lugar.

 

 

Bitbit ng mga supporters ang kanilang placards na humihingi ng hustisya sa pagkamatay ng dating mayor. (Daris Jose)

Idris Elba, Faces Relentless Lion’s Fury and Battles for Family’s Survival in “Beast”

Posted on: August 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FROM his role in the recent global blockbuster ‘Thor: Love and Thunder’, Idris Elba is on a thunderous roll in the latest action-packed and edge-of-your-seat thriller “Beast”.

 

 

It’a a battle for survival between man and Beast, where Idris Elba’s character, Dr. Nate travels back to South Africa with his daughters only to face the most insurmountable challenge of their lives, to make it out alive from fangs of the rogue and most lethal lion in the savannah.

 

 

In Beast, Dr. Nate Daniels (Elba) met his wife in South Africa and both moved on to build a life in the US until the death of his wife. Determined to pick up the broken pieces, Dr. Nate brings his daughters Meredith (Iyana Halley) and Norah (Leah Jeffries) back to Africa to honor their mother. They are welcomed by Dr. Nate’s long-time friend Martin (Sharlto Copley), a game reserve manager who is also a wildlife biologist and ardent anti-poacher.

 

 

The apex predator’s attack on Dr. Nate’s family may have been expected, but through the decades of tending to preservation of the wildlife, Martin has never seen a lion attack people with the relentless fury that Dr. Nate’s family is experiencing. It seems that the lion is bent on seeking revenge upon the humas who have encroached their territory and slaughtered his pride instead of just fighting to survive.

 

 

From the moment they were born, Nate has loved his two daughters with everything he had and knew how to give. When she was diagnosed with cancer, the physician who had long used his hands to heal others could not save the one he cherished the most. Now, trapped in a game reserve with only his instincts to guide them, Nate has to survive for his girls to live. If that is to happen, Meredith and Norah must learn to trust him again.

 

 

Elba, for his part is eager for audiences to experience a new kind of thrill that Beast has to offer. “I think it’s a first,” Elba says. “We’ve seen films where the antagonist is a beast or an animal and our heroes are being chased, but this has a dynamic that merges both a family dynamic that we are invested in…alongside the thriller aspects. The thrill ride doesn’t stop.”

 

 

A Universal Pictures International release, “Beast” will open in Philippine cinemas on August 10, ahead of its US release.

 

 

 

(ROHN ROMULO)