• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 4th, 2022

Christopher Nolan’s New Film ‘Oppenheimer’ Reveals Teaser Trailer / ‘Seoul Vibe’ Main Teaser Trailer and Key Art

Posted on: August 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CHRISTOPHER Nolan’s new film tells the story of the father of the atomic bomb.

 

In case you missed it, a new film from Christopher Nolan is heading to the big screen soon! Starring Peaky Blinders star Cillian Murphy, Nolan’s Oppenheimer is a biopic about the “father of the atomic bomb.”
Watch the teaser trailer for Oppenheimer below:

 

The film is based on the Pulitzer Prize-winning book American Prometheus: The Triumph and Tragedy of J. Robert Oppenheimer by Kai Bird and the late Martin J. Sherwin. It narrates how the brilliant physicist Oppenheimer led the effort to build the atomic bomb in a time of war, and how he was plagued by its moral consequences.

 

Oppenheimer gathers an all-star cast with Emily Blunt, Robert Downey Jr., Matt Damon, Rami Malek, Benny Safdie, Florence Pugh, Josh Hartnett, Dane DeHaan, Jack Quaid, Matthew Modine, Alden Ehrenreich, David Krumholtz, Michael Angarano, and Kenneth Branagh, starring alongside Murphy.

 

The film is set for a US release on July 21, 2023 and soon in PH cinemas.

 

***

 

“SEOUL Vibe” is an action film directed by Moon Hyun Sung, (As One, The King’s Case Note), starring Yoo Ah In (Hellbound), Ko Kyung-Pyo, Lee Kyoo-hyung, Park Ju-hyun (Extracurricular) & Ong Seong-wu.

 

About Seoul Vibe: Seoul Vibe is about the baby-drivers of Sanggye-dong who dreamed of the American dream during the 1988 Seoul Olympics. Due to an external threat by prosecutor Ahn, the drivers are forced to create slush funds for Myeong-dong’s big-hand “Ms. Kang” to figure out her dirty secret. As a result, they become rising stars in the industry. The Sanggye-dong friends, who were able to do everything with a “pony pick-up truck,” are now faced in severe danger. After facing the crisis, they wake up and upgrade “Pony+Sonata+Grandeur (local korean cars of the time)” to the level of SUPREME, defeating all the great evils of the time and leaving Korea to realize the American dream.

 

Watch the teaser trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=O6_spwThmWU
Seoul Vibe only on Netflix #Netflix #SeoulVibe

(ROHN ROMULO)

BULACAN SUPPORTS PLANTSMART

Posted on: August 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro kasama ang mga kinatawan mula sa Smart Communications, Inc. sa isinagawang ceremonial turnover ng 25 kahon ng #PlantSmart Planting Kits sa Grupo ng mga Single Parent ng Bulacan bilang isa sa kanilang mga benepisyaryo matapos ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Kasama rin sa larawan sina Panlalawigang Agrikulturista Gloria SF. Carrillo, Special Assistant to the Governor Michael Angelo Lobrin at Provincial Social Welfare and Development Office Assistant Department Head Jaymark Chico. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ads August 4, 2022

Posted on: August 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pagkatapos na sumabak sa mga sexy flicks: RASH, gusto namang makagawa ng action movie

Posted on: August 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GIVEN a chance, gusto naman ni Rash Flores na gumawa ng action movie after doing several skinflicks sa Vivamax.

 

Umaasa ang lead actor ng ‘Porn Star 2’ na in the future ay mabibigyan siya ng pagkakataon na sumubok ng ibang genre.

 

Among the movies na ginawa niya, isa sa paborito ay ang ‘Palitan’ kung saan director si Brillante Mendoza.

 

First time niya kasi na-experience na magtrabaho na walang script.

 

Aminado naman si Rash na noong una ay kinabahan siya to be working with direk Brillante.

 

Iniisip nga niya kung paano ba mag shoot ng walang script.

 

Pero based on his experience eh mas madali pala for him to shoot na walang script.

 

Walang lines na kailangan memoryahin kaya di masyadong hassle.

 

***

 

MULA sa pagsampa sa mga barko at pagtratrabaho sa iba’t-ibang international cruise lines, recording artist na si Captain Peter o mas kilala bilang Pitz Berina, ang tinaguriang Singing Captain.

 

Ang debut single niya titled “Kita Ay Mahal” ay komposisyon ng batikang composer na si Vehnee Saturno.

 

Bumilib si Vehnee nang marinig ang pagkanta ni Captain Peter. Bukod diyan ay may anim pang kanta sa album at pitong cover songs na panay OPM.

 

Kasalukuyang naririnig din sa mga radio stations ang ni-revive niyang kanta na “Muli” na unang pinasikat ni Rodel Naval.

 

Nais niya na maging inspirasyon hindi lamang ng kapwa niya seafarers kundi maging sa lahat na abutin ang kanilang pangarap, kahit na maging ano pa ang estado nila sa buhay.

 

Nagbabalak din siya na pasukin ang pagkakaroon ng media production at talent agency para makatulong sa mga may natatagong talento sa pag-awit, pag-arte at pagsayaw.

(RICKY CALDERON)

Kahit pa sinasabi na okay naman siya at busy sa work: KYLIE, halatang ‘di pa talaga nakaka-move-on sa break-up nila ni JAKE

Posted on: August 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINULDUKAN na ni Herlene Nicole Budol ang kanyang beauty pageant journey.

 

 

Yun ay kung hindi na magbabago ang isip niya sa naging sagot niya sa kapwa beauty queen na si MJ Lastimosa.

 

 

Rooting si MJ kay Herlene na mag-join daw itong muli hanggang sa makuha ang korona. Pero, negative na ang sagot ni Herlene. Mukhang mas desidido na nga ito na after ng Binibining Pilipinas, mag-focus na siyang muli sa kanyang showbiz career.

 

 

Ang tweet kasi ni MJ, “Chinika ko si Budol. Sabi ko proud ako sayo ang galing mong sumagot! Sumali ka pa ulit. Sagot nya: last ko na to ate. Aww why naman langga.”

 

 

Ilan sa mga comment ng netizens sa tweet na ito ni MJ, tipong kailangan na raw kasing magbawi ni Herlene dahil malaki raw ang ginastos ng manager nito, which is, si Wilbert Tolentino.

 

 

“I remember nasabi niya or ng manager niya yata before na first & last competition niya ito kaya parang do or die ang peg, all out ang support online & paandar. Baka need niya pagtrabahuhan din. In fairness, hakot awards naman. The brands may be profiting from her large followers.”

 

 

“Madaling bawiin yung nagastos ni Wilbert at Youtuber si Hipon bawing bawi yan ginastos nila.”

 

 

“Wala actually paki manager nya kung mababayaran ba yan ni hipon o hindi. I think si Wilbert competitive talaga sya na tao, ibubuhos nya lahat para sa mga alaga nya.”

 

 

“Oo need nya ng magbawi sa ginastos ng manager nya sa kanya no. Kaloka milyon milyon din yorn.”

 

 

***

 

 

NAPUTOL ang pagtatanong namin kay Kylie Versoza tungkol sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Cuenca kung may communication pa ba sila.

 

 

Bigla kasing may nagtanong ng ibang topic kaya hindi na rin namin naibalik dito.

 

 

Halata kasi sa mga sagot ni Kylie na hindi pa talaga siya totally nakaka-move-on from their break-up kahit sinasabi niyang okay naman siya.

 

 

“Okay naman ako, okay naman… Ha ha ha! Ang hirap niyang sagutin,” sey niya sa tanong namin kung mas okay ba siya ngayon after their break-up.

 

 

Dugtong din niya, “Pero okay naman ako. Siyempre, I’m happy na maraming work. I just keep myself very busy.

 

 

When asked kung open na ba siya for a new relationship. Sinabi niyang kayit gustuhin daw niya, pero hindi pa raw siya ready.

 

 

Aniya, “Kahit gusto kong maging open for a new relationship, hindi ko pa kaya. Not now. Parang wala pa ‘kong oras at hindi pa handa ‘yung puso ko, alam mo yun.”

 

 

Pero binigyang-diin naman niya na kumpara raw siya noong mga nakaraang buwan, she is in a much better place right now.

 

 

Nakausap namin si Kylie sa ginanap na presscon ng bagong Vivamax movie na pagbibidahan nina Kylie at Marco Gumabao, ang “Baby Boy Baby Girl” under Jason Paul Laxamana as the director.

 

 

Parehong may mga Sugar Mommy at Sugar Daddy sina Kylie at Marco base sa takbo ng kuwento. Romcom naman ang genre kaya malayo ito sa mga past Vivamax movies nila na pareho silang nagpapaka-daring.

 

 

(ROSE GARCIA)

Panukalang doblehin sa P1K pensyon ng indigent seniors batas na

Posted on: August 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISA nang ganap na batas ang panukalang layong itaas mula P500 sa P1,000 ang buwanang pensyon ng “indigent senior citizens” o mga nakatatandang nasa laylayan, ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva ngayong Martes.

 

 

“Happy bday indeed! batas na po ang ating doubling the social pension of indigent senior citizens,” tweet ni Villanueva kalakip ang litrato ng liham ng Malacañang na may lagda ni Executive Secretary Victor Rodriguez.

 

 

Bukod sa pagtaas ng buwanang pensyon ng mga indigent senior citizen, ang batas ay nagbibigay din ng opsyon maliban sa cash payout upang maabot ng pensyon ang target na benepisyaryo. Batay sa ulat ng GMA News, ang bayad sa transaksyon, kung mayroon man, ay hindi sisingilin sa benepisyaryo.

 

 

Dagdag pa rito,  itinalaga rin ng naturang batas ang National Commission of Senior Citizens bilang tagapamahagi at pamahala ng social pension para sa mga nakatatanda na siya dating gawain ng Department of Social Welfare and Development.

 

 

Nito lamang Mayo nang inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang iminungkahing panukalang batas na layong itaas ang social pension  ng mga senior citizen na nasa laylayan.

 

 

Kaugnay ng pagsasabatas ng naturang panukala, sinabi ng militante at progresibong grupong Bayan Muna na “long overdue” na ang aksyong ito ng Senado.

 

 

Ani Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na siya punong may-akda ng panukala sa Kamara noong 18th Congress, “compromised version” na ang naisabatas na panukala at kulang din ito.

 

 

Aniya, dapat pa kasing palawakin ang saklaw ng mga senior citizen na maaaring makinabang sa naturang benepisyo.

 

 

“The Senate version adopted by the House of Representatives to expedite its approval still contained the discriminatory provision requiring that an elderly should be weak, sick or disabled before one can be considered an indigent senior citizen to qualify for the pension,” sambit ng dating House minority leader.

 

 

“[B]ayan Muna fought hard since the 16th Congress, not only to increase the social pension to Php 1,000/month, but also to eliminate many of the disqualifications. Pag at least 60 years old ka na, dapat bigyan ka ng Php 1,000 piso kada buwan, wala nang kung anupang requirement,” giit pa ni Zarate.

Pagganap bilang isang mapanlinlang na pari, pinaghandaan… JOSEF, pinatutunayan na karapat-dapat na maging Vivamax Leading Man

Posted on: August 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISA na namang Vivamax Original Movie mula kay Direk GB Sampedro ang muling maninindak simula ngayong August 5, 2022, ang ‘Purificacion’ na isang sexy thriller.

 

Pinagbibidahan ito nina Cara Gonzales at Josef Elizalde.

 

Isa sa Vivamax favorite si Cara, na nakipagsabayan sa pag-arte nina Kylie Verzosa at Zanjoe Marudo sa ‘Ikaw Lang ang Mahal’ directed by Richard Somes.

 

Napanood din siya sa ibang mga Vivamax Original Movies gaya ng ‘#Pornstar 2: Ang Pangalawang Putok’, ‘Palitan’ at ‘The Wife’. Pinatutunayan naman ni Josef na karapat-dapat siyang maging Vivamax Leading Man dahil sa mga naging pagganap niya sa mga Vivamax Original movies gaya ng ‘Doblado’ at ‘X-deal 2’.

 

Ang ‘Purificacion’ nga ang ikatlo niyang pelikula na pinagbibidahan na kung gumaganap siya bilang mapanlinlang na pari na tiyak na pag-uusapan at baka hindi magustuhan ng mga moralista.

 

Ayon kay Josef, nag-watch siya ng mga movies na may character ng priest, bilang paghahanda at para mabigyan ng hustisya ang ang kanyang pagganap.

 

Sabi pa ni Josef, “I watched movies including involving mga priest like Angels & Demons.

 

“Ginaya ko lang yung nuances nila, how they talk. I read the book, Angels & Demons before but that was a long time ago.”

 

Ayon pa sa kanya, mas mabuting panoorin muna ang movie nila, bago sila husgahan.

 

Samantala, natapos din ni Josef ang taping ng isang adult drama series sa direksyon ni McArthur C. Alejandre – ‘Wag Mong Agawin ang Akin’.

 

Makakasama rin dito ang mga paboritong Vivamax Crushes na sina Ava Mendez (Ang Babaeng Nawawala sa Sarili), Rob Guinto (X Deal 2), Kat Dovey (Virgin Forest), Stephanie Raz (Larawan) at Quinn Carrillo (Biyak) na siguradong magpapainit at magbibigay ng kakaibang timpla sa horror-thriller na ito.

 

Mula sa multi-awarded director na si GB Sampedro, na patuloy ang paggawa ng original content para sa Vivamax gaya ng mga pelikulang ‘Kaka’, ‘Crush Kong Curly’, ‘Kinsenas Katapusan’ at ‘Doblado’, at ang Vivamax Original Series na ‘High (School) On Sex’.

 

Iikot ang kuwento sa isang liblib na baryo ng Santa Monica, naging malapit na sa puso ng mga tao ang pari na si Fr. Ricardo Purficacion (Josef Elizalde). Hinahangaan dahil sa kanyang magandang pag-uugali at dedikasyon at pagmamahal sa lokal na simbahan, role model para sa marami si Fr. Ricardo. Pero sa likod ng maamo nitong mukha at mabuting pagkatao ay ang madilim niyang sikreto.

 

Sa pagdami ng mga report sa mga nawawalang kababaihan, magsisimulang mag-imbestiga si Police Inspector Gabriela Isidro (Cara Gonzales) at pilit na hahanapin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Hihingi pa ito ng tulong kay Fr. Ricardo, sa paniniwalang may magandang reputasyon ang pari at malaki ang maitutulong nito sa kaso.
Mapapaikot ni Fr. Ricardo si Gabriela at ililigaw ang direksyon ng imbestigasyon, hindi rin mamamalayan ni Gabriela na unti-unti na palang nahuhulog ang loob niya sa pari. Malulutas pa kaya ni Gabriela ang kaso at maibubunyag ang katotohanan? O patuloy na siyang mahuhulog sa mapanlinlang na pari?

 

Humingi ng tawad, magsisi, at magdasal. Nawa’y ang iyong ikukumpisal ay hindi maging dahilan ng iyong katapusan.
Mapapanood na ang ‘Purificacion’ sa Vivamax ngayong August 5, 2022.

 

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.
Mapapanood na rin ang ‘Purificacion’ sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan natin sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Maa-access na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.

 

Ang Vivamax ay mapapanood na rin sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America. Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)