• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 11th, 2022

Dependent na legal spouse na existing members ng SSS, maaari ng magsumite ng death benefit claims online – SSS

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Social Security System (SSS) na maaari ng makapagsumite ng death benefit claims ang mga dependent na legal spouse na existing member ng SSS sa pamamagitan ng online.

 

 

Ayon kay SSS president at CEO Michael Regino, ang pagsama sa death benefit application sa kanilang online services ay bahagi ng digital transformation efforts ng SSS para tiyakin na ang kanilang serbisyo ay maging accessible 24/7.

 

 

Kailangan din ng mga applicants na mag-enroll sa kanilang disbursement accounts sa My.SSS Portal para sa cashless na paglalabas ng kanilang benepisyo para sa mga recipients.

 

 

 

Subalit ayon sa state-run pension funs, tanging ang mga kwalipikadong legal spouses ay dapat hindi re-married, o nasa live-in relationships bago o matapos na masawi ang isang miyembro.

 

 

Maaari namang bisitahin ang official FB at Youtube account ng SSS para sa detalye ng online filing ng Social Security (SS) at Employees’ Compensation (EC) death benefit claims.

OMICRON SUB VARIANT, FACTOR SA PAGTAAS NG COVID

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANINIWALAAN na isang pangunahing kontribyutor ang Omicron subvariant BA.5 sa pagtaas ng COVID-19 na kasalukuyang nararanasan ng bansa, ayon sa Philippine Genome Center (PGC).

 

 

“We can probably say that this current wave is really the BA.5 wave dito sa ating bansa”, sabi ni PGC executive director Dr. Cynthia Saloma sa isang public briefing.

 

 

“If you consolidate data from Visayas, Mindanao, and in Luzon… If you look at this very closely in the past month, ang BA.5 talaga is [really] the most predominant variant that we are sequencing in the Philippines. It’s above 85% ng ating  sequence samples,” paliwanag pa ni Saloma.

 

 

Ang bansa ay nagtala ng average ng higit sa 4,000 mga bagong impeksyon sa nakalipas na ilang araw, dahil kinumpirma rin ng mga awtoridad sa kalusugan ang higit pang mga subvariant ng Omicron.

 

 

Sa huling update, sinabi ng Department of Health na mayroong  104 karagdagang kaso ng Omicron subvariants, 95 rito ay bagong kaso ng BA.5 .

 

 

Mula Davao region ang 67 sa mga ito, 25 mula Soccsksargen, at Isa mula Northern Mindanao, Caraga, at National Capital Region.

 

 

Sinabi naman ni OCTA Research fellow Guido David na ang kasalukuyang surge ay nakikitang lumalawak sa panahon ng tinatawag na “ber” na mga buwan habang ang ilang mga lugar ay nagtatala ng mataas na positivity rate.

 

 

Inaasahan din ng DOH ang peak sa September o October.

 

 

Samantala, kinumpirma rin ng DOH ang pagpasok ng Omicron sub variant BA.2.75. Ang unang dalawang kaso mula Western Visayas ay gumaling na.

 

 

Sinabi ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvaña sa kaparehong briefing na habang may mga inisyal na pag-aaral na nagsasabing ito ay mas madaling mahawa, ang publiko ay hindi dapat mag-alala dahil wala pa ring matibay na ebidensya na sumusuporta sa dito.

 

 

Ipinunto niya na wala ring patunay na ang BA.2.75 ay naging dominanteng sub variant ng Omicron.

 

 

Tiniyak ng eksperto na patuloy silang magmomonitor sa sitwasyon habang binanggit na ang COVID-19 vaccines ay mabisa pa rin para maiwasan ang severe disease.

 

 

Dagdag pa na ang karaniwang pag-iingat sa kalusugan ay gumagana pa rin sa pag-iwas sa impeksyon.

 

 

Sinabi pa ni Salvaña na ang pagtaas ng antas ng alerto, lalo na sa Metro Manila, ay hindi rin maipapayo dahil sa mapapamahalaang antas ng healthcare utilization  at average daily attack rate. (Gene Adsuara)

Bulacan, mas pinaigting ang kampanya at pagbabantay kontra dengue

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Umulan man o umaraw, patuloy pa rin na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health (PHO-PH) ang paglaban sa dengue sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilang mga aktibidad at kampanya upang tuluyang masugpo ang papataas na kaso ng dengue sa lalawigan.

 

 

Naglabas ng Memorandum DRF-04202022-134 si Gob. Daniel R. Fernando noong Abril 20, 2022 na nag-uutos sa mga punonglungsod/bayan at mga kapitan na magkaroon ng inisyatiba at pag-ibayuhin ang pagpapatupad ng mga hakbangin na makatutulong sa mga Bulakenyo sa paglaban nito sa dengue kahit na sila ay naninirahan man sa pinakamalalayong bahagi ng komunidad.

 

 

Nagsagawa rin ng sabayang paglilinis noong Hunyo 15, 2022 na nilahukan ng mga kapitan ng barangay, Home Owners Association at iba pang mga sektor.

 

 

Patuloy rin ang pagbili ng Pamahalaang Panlalawigan ng dengue chemicals na ipinamamahagi sa mga lungsod at munisipalidad at nagsasagawa ng regular na pamamahagi ng Dengue NS1 kits sa mga pampublikong ospital at mga rural health unit (RHU).

 

 

Nanguna rin ang PHO-PH sa pagsasagawa ng awareness campaigns tungkol sa dengue sa iba’t ibang mga sektor kabilang na ang mga volunteer worker, kapitan, PWDs, senior citizens, scholars’ association, at iba pa at pamamahagi ng information materials sa bawat barangay.

 

 

Samantala, ipinag-utos naman ni Fernando ang mahigpit na pagbabantay sa mga lugar na may dengue hotspot at clustering ng mga kaso na siyang prayoridad ng interbasyon.

 

 

“Doblehin pa natin ang pagbabantay sa mga lugar na may hotspot, ‘yung mga may clustering ng cases. Unahin natin na masugpo at maubos ang mga lamok na nagdadala ng dengue at linising maigi ang mga lugar na ‘yan. Siguruhin na regular na isinasagawa ang spraying at fogging upang tuluyang mawala ang mga lamok na dengue carrier,” anang gobernador.

 

 

Noong Hulyo 30, 2022, nakapagtala na ang Bulacan ng may kabuuang 9,901 kaso ng dengue.

 

 

Maliban dito, pinaalalahanan din ng PHO-PH ang mga Bulakenyo na maging mas maingat dahil bukod sa dengue at COVID-19 virus, mayroon ding banta ng monkeypox virus sa bansa kung saan ayon sa Department of Health, kabilang sa mga sintomas ang pamamaga ng lymph nodes, lagnat at pantal na maaaring maipasa sa mga tao sa pamamagitan ng close contact (mga sugat, body fluids at respiratory droplets) sa isang infected na tao o hayop, o sa mga kontaminadong kagamitan. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

NEW ‘JOKER 2’ ARTWORK IMAGINES LADY GAGA’S LOOK AS HARLEY QUINN

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NEW artwork for Joker 2 imagines what Lady Gaga could look like as Harley Quinn with the classic costume and make-up as she’s set to play her.

 

While the DCEU has been Warner Bros.’s main focus when it comes to their DC IPs, they have also begun to create independent, standalone franchises based on the iconic heroes and villains. One of them is Joker, which is loosely based on the DC Black Label/Elseworlds imprint. Starring Joaquin Phoenix as Arthur Fleck, Joker is a darker and more psychological take on Gotham City’s Clown Prince of Crime, telling the complex origin story of how he becomes the titular character.
Directed by Todd Phillips, Joker, which had a $55–70 million budget, became a massive critical and box office success.

 

Collecting $1.074 billion at the worldwide box office, Joker also garnered multiple Oscar nominations in 2020. Phoenix became the second Joker performer to win an Academy Award, following the late Heath Ledger in The Dark Knight.

 

Almost three years after the first installment hit theaters, Warner Bros. Discovery is working on a sequel with Phoenix set to reprise the role in Joker: Folie à Deux, which is being imagined as a musical movie. While plot details are being kept under wrap, Lady Gaga is boarding the project as none other than Harley Quinn herself.
With Gaga taking on the iconic DC character, many are already wondering how Joker: Folie à Deux will tackle her costume and make-up compared to Margot Robbie’s iteration in the DCEU.

 

While the sequel won’t start filming until December, popular artist Bosslogic recently did a rendition of Gaga in a Joker-inspired Harley Quinn look, with her own costume and make-up.

 

While Joker: Folie à Deux plot details are being kept under wraps, the supposed Joker-musical will be heavily set at Arkham Asylum, which is where the first film ended with Arthur inside Arkham State Hospital, which will eventually become the Asylum.

 

The only cast member that is in talks to return from Joker is Zazie Beetz’s Arthur’s neighbor Sophie Dumond. Whether Gaga’s Harley and Beetz’s Sophie will have any storylines together remains to be seen, given their ties to Arthur.

 

It wouldn’t be shocking if Gaga’s Harley, like Phoenix’s Joker, takes a similar path in terms of costume design by not falling into chemicals and instead painting her face to look like her comic counterpart.

 

Bosslogic’s rendition of what Gaga could look like as Harley does very much line-up with the aesthics of the Joker universe in general. That’s why it wouldn’t be shocking if this is what she will basically look like in Joker: Folie à Deux.
It will still be intriguing to see how Phillips tackles someone like Harley, another classic Batman character who doesn’t show up until after Bruce Wayne becomes the Dark Knight. If Joker: Folie à Deux, which releases in October 2024, is a musical as reported, it will definitely be the most different DC Comics movie in a very long time. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Ni-reveal ang couple tattoo sa kanilang mga kamay: BIANCA, ‘di nakatiis sa pangungulila kay RURU kaya nagpunta rin ng Seoul

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI talaga matiis ng dalawang Kapuso actresses ang kanilang mga partners. Ang mga ‘Running Man PH; mates na sina Mikael Daez at Ruru Madrid.

 

 

 

Nauna na si Megan Young ilang Linggo lang ang nakalilipas nang surpresahin nito ang asawang si Mikael at ‘di na matiis ang halos isang buwan nilang pagkakahiwalay. Pero dahil hindi pa tapos ang taping ng GMA-7’s ‘Running Man PH’, umuwi muna ito ng Pilipinas.

 

 

 

At dahil nag-last taping day na sila sa South Korea, signal na ito para magpunta sina Megan at Bianca Umali.

 

 

 

Bumalik si Megan sa South Korea at sa Instagram post ni Mikael, “Bonez and Fofo are back in action!!! As Running Man taping ends today, Boneezy flew over to Seoul once again so we can go our own samgyupsal adventures.”

 

 

 

Obviously, hindi na rin natiis ni Bianca ang tila pangungulila sa boyfriend. Kaya bago bumalik ng Pilipinas si Ruru, pinuntahan na rin ito ni Bianca sa Seoul at sa mga Instagram feeds nga nila, makikita ang sweetness ng dalawa.

 

 

 

Dito rin nila ni-reveal ang kanilang couple tattoo sa kanilang mga kamay.

 

 

 

***

 

 

 

NAGSISIMULA ng maramdaman ang bagong network, ang AMBS (Advanced Media Broadcasting System), ang pagmamay-ari ni dating Senator Manny Villar.

 

 

 

Ang popular na FM Radio station na K-Lite 103.5 since 1995 ang magiging flagship radio station ng AMBS and it will go live in its new home studio at Level 2 of Starmall Shaw Boulevard.

 

 

 

Kilala ang K-Lite 103.5 sa mga genre of rhythmic contemporary music hits from the 90’s up to present.

 

 

 

Ayon sa Chairman Manny ng Villar Group, “This marks the beginning of our venture into the entertainment business. We only look forward to recovery, especially after the pandemic and we hope to beable to help our fellow Filipinos through this venture particularly in generating jobs. I’m proud and grateful at the same time.”

 

 

 

Bukod sa mae-enjoy pa rin ng mga listeners ng OG funk ng 90’s vibe hanggang sa recent hits via 103.5FM on the radio at may live stream on Channel 3 of Planet Cable TV in parts of Mega Manila and Region 4 ng CALABARZON subscribers, followers around the world can stream via the webside klite103.5.com.ph or by downloading the Twitch app.

 

 

 

Maririnig din ang mga boses ng mga in-house disc jocks na sina DJ Jaybee at DJ Aly Esplana na isang newbie radio talent at certified streamer/gamer.

 

 

 

At siyempre, marami pang new surprises at bagong mapapakinggan at mai-stream sa flagship radio station ng AMBS.

 

(ROSE GARCIA)

Dahil lang sa pagpapalit ng Instagram handler: Netizens naalarma sa tsikang may pinagdaraanan sina HEART at CHIZ

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALAT na kalat na pati sa YouTube showbiz channels ang tungkol sa bali-balitang may pinagdaraanan daw ngayon ang mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

 

 

Marami kasi ang naalarma sa pagpapalit ng Instagram handler ni Heart na kung dati ay buong ‘Love Marie Ongpauco-Escudero’, ngayon ay ginawa na lang niya itong ‘Love Marie’.

 

 

Pero may nakapansin na kahit nagpalit ng Instagram handler si Heart, nando’n pa rin naman ang description sa sarili as “Wife” at napa-follow pa rin sa isa’t-isa. Hindi naman nabago ang Twitter account ni Heart dahil buo rin ang kanyang Twitter name.

 

 

May ilang nagduda rin na parang may kakaibang kinakilos ang mag-asawa sa GMA Thanksgiving Gala, hindi raw naramdaman sa mga photos at video ang kanilang sweetness, at baka totoong may ‘something’ sa kanila.

 

 

Pero marami na ang nagsasabi na baka branding lang ito ni Heart at nagpi-pray sila na wala namang maganap na hiwalayan.

 

 

Narito ang halu-haling komento ng mga Marites:

 

“Baka for branding and recall. Love Marie Ongpauco Escudero is quite a mouthful.”

 

 

“I hope nag change lang si ❤️ hindi naman siguro trouble in paradise. Wag naman sana. Dami ng couples naghihiwalay. We need positivity naman.”

 

 

“Sen… Parang wala na po spark sa mata ni Heart ng happiness. Ang pinakamahirap na gawin ng mag-asawa or magkarelasyon ang magpanggap na OK sila at masaya sila. Kahit gaano pa kaganda ng make-up sa babae, lumalabas pa rin ang totoong nararamdaman… Parang may distance na po.”

 

 

“Parang wala na yung love tattoo ni Heart na penmanship ni Chiz, parang pinatungan na ng bagong design. Sana mali tingin ko.”

 

 

“Yes. Napansin ko din parang off yung vibes nila that night. Not their usual sweet vibes kapag magkasama sa mga events.. Hoping nothing serious..”

 

 

“Sa SONA ko unang parang napansin na medyo cold.”

 

 

“Sona event palang, kita sa simangot fez ni Heart. Tapos sa kapuso gala ganun din. Well… Sana maayos pa nila.”

 

 

“Kaya pala walang gana at cold sya sa GMA gala. Trouble is brewing.”

 

 

“Wife is still there. Mukhang wla lang yan.”

 

 

“Pa controversy lang yan si Heart para pag usapan

 

 

“Wife pa rin naman eh so baka wala naman meaning yan.”

 

 

“Kung alisin nya kaagad ang wife sobrang obvious na.”

 

 

“Actually wife pa siya kasi hinde pa sila legally separated hahaha.”

 

 

“Kalmahan niyo lang andun pa pics nila ni senator chiz! baka for int’l eme lang since sa evangelista sya nakilala.”

 

 

“It’s probably just branding. I remember the likes of Nicole Kidman didn’t use their husband’s surname to say na they made it on their own.

 

 

“Hopefully its just for marketing purpose. Sayang naman ang against all odds relationship nila noon only to separate. Sana nga hindi.”

 

 

“Not a big deal. Sila pa rin.”

 

 

“Imagine natiis ni Heart walang presence ng parents nya sa big wedding na yun. Tapos ganito lang mangyayari.”

 

 

“Eme lang yan for branding. Stay strong hearte and chiz.”

 

 

“Nakakaumay na kasi na lagi na lang about her clothes and blings ang topic na napag uusapan about her daw eh. Para maiba naman, yun married life naman nya ang pag usapan ng mga Marites.”

 

 

“For branding purposes. Naguguluhan ang foreign press because she’s Heart Evangelista pero Love Marie Escudero ang handle nya.”

 

 

“Maski nga sa fb, iba iba ang name ng Accounts nya. May Love Marie E, Heart E, may buong pangalan din nya. 😂”

 

 

“Dapat consistent ang branding nya. Sa local brand collabs Love Marie or Heart ang dinadala nya, pati rin siguro sya nalilito.

 

 

“I think since heart is going international she has to drop the surname… And stick to the name that made her known… Followers pa din naman sila ng isat isa…

 

 

“Pls no. Enough hiwalayan na sana.”

 

(ROHN ROMULO)