• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 15th, 2022

Pinakilala na si Carla sa buong pamilya sa Amerika: WIL, nagsalita na tungkol sa pagkaka-engage ng ex-gf na si ALODIA

Posted on: August 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPEN na ang ‘Lolong’ actress na si Arra San Agustin sa kanyang relasyon sa PBA player na si Juami Tiongson.

 

 

Si Juami ang naging date ni Arra sa naganap na GMA Thanksgiving Gala. Iyon daw ang first time na makita silang dalawa sa isang public event.

 

 

Sey ni Arra sa relasyon nito kay Juami: “Kung ano ‘yung ikakasaya ng heart, then why not express it, why not show it?”

 

 

Dating player si Juami para sa Ateneo Blue Eagles, at kasama naman ngayon sa koponan ng Terrafirma Dyip sa PBA. Hinirang ito na Most Improved Player ng team nila.

 

 

Proud nga na i-post ni Juami ang mga photos nila ni Arra sa GMA Gala Night. .
Nagpo-post din si Juami ng mga larawan na kasama niya si Arra. Kabilang dito ang dinaluhan nilang GMA Gala Night.

 

 

May caption ito na: “All I need in this life of sin.”

 

 

Very supportive daw si Juami sa showbiz career ni Arra at gayun din ang aktres sa basketball career ni Juami.

 

 

“Halos same din ‘yung sistema ng industriya nila sa atin, ‘yun nga lang, tayo, kami siyempre may iba ibang partners sa mga teleserye or sa mga iba pang ganap, so ‘yun lang ‘yung ipapaliwanag,” sey pa ni Arra na “baby” ang term of endearment nila ni Juami.

 

 

Sa ‘Lolong: Ang Bagong Yugto’, papasok ang mga bagong tauhan na kinabibilangan nila Vin Abrenica, Alma Concepcion, Rafael Rosell, Lucho Ayala at Thea Tolentino.

 

 

***

 

 

NAGSALITA na si Wil Dasovich tungkol sa pagkaka-engage ng kanyang ex-girlfriend na si Alodia Gosiengfiao.

 

 

Na-engage kamakailan ang tinaguriang Cosplay Queen sa businessman na si Christopher Quimbo ilang buwan pagkatapos itong maipag-break kay Dasovich. Naghiwalay sila noong November 2021.

 

 

Sey ni Dasovich na masaya siya para sa ex-girlfriend: “At the end of the day, I just want everyone to be happy, you know?”

 

 

Tungkol naman sa sarili niyang lovelife, hindi pa rin kinukumpirma ni Dasovich kung girlfriend na nito ang aktres na si Carla Humphries at kung kelan ito magse-settle down na.

 

 

Sagot lang niya sa mga marites: “It’s doing alright, you know? It’s okay. It’s alive and well.”

 

 

Pinakilala na kasi ni Dasovich si Carla sa kanyang buong pamilya sa Amerika. Isa lang kasi ang ibig sabihin nito… paghahanda na ito sa pagpapakasal.

 

 

Pero sa tanong kung kelan magse-settle down si Wil, ang sagot niya ay: “I don’t know. Not anytime soon.”

 

 

***

 

 

HINDI na na-survive ng Hollywood actress na si Anne Heche ang kinasangkutan nitong car accident noong nakaraang August 5 sa Mar Vista, California.

 

 

Na-comatose ito at na-declare nang legally dead. She was 53. Grabe ang natamong brain injury ng aktres pagkatapos sumalpok ang minamaneho niyang Mini-Cooper sa isang two-storey building sa Mar Vista.

 

 

Ayon sa report ng E! News: “Having lost all brain function, Anne Heche is legally dead according to California law.”

 

 

Nagpadala na ng official statement ang pamilya ni Heche na inalis na ito sa life support: “Today we lost a bright light, a kind and most joyful soul, a loving mother, and a loyal friend. Anne will be deeply missed but she lives on through her beautiful sons, her iconic body of work, and her passionate advocacy. Her bravery for always standing in her truth, spreading her message of love and acceptance, will continue to have a lasting impact.”

 

 

Sa ginawang blood test kay Heche, positive ito for narcotics: cocaine and fentanyl. Nagmamaneho pala ito under under the influence kaya ito nabangga sa building.

 

 

Nakilala si Heche sa soap opera na Another World noong 1991 at nanalo siya rito ng Daytime Emmy Award bilang Outstanding Female Newcomer.

 

 

Lumabas siya sa mga pelikulang malalaking ’90s Hollywood films tulad ng Donnie Brasco, Six Days Seven Nights, I Know What You Did Last Summer, Volcano, Wag The Dog, The Juror, Prozac Nation, Arthur Newman, What Love Is, The Third Miracle at ang remake ng Psycho ni Alfred Hitchcock.

 

 

Sa TV ay lumabas siya sa Ally McBeal, Everwood, Hung, Save Me, Aftermath, Chicago P.D., and Men In Trees kunsaan nanalo siya ng Primetime Emmy Award for best supporting actress.

 

 

Naging usap-usapan ang lovelife ni Heche noong makarelasyon niya ang talk show host na si Ellen DeGeneres noong 1997 at naghiwalay sila noong 2000. Dahil sa breakup ay nagkaroon ng mental breakdown si Heche at natagpuan siyang pagala-gala na naka-bra at shorts lang sa Cantua Creek, California. Dinala siya sa isang mental facility sa Fresno.

 

 

Kinasal si Heche kay Coleman Laffoon in 2001 pero nag-divorce sila in 2007. Meron silang isang anak na lalake. Nagsama sila ng co-star niya sa Men In Trees na si James Tupper at nagkaroon sila ng anak na lalake noong 2009. Naghiwalay sila noong 2018.

(RUEL J. MENDOZA)

Emily Blunt Joins Ryan Gosling In John Wick Director’s ‘Fall Guy’ Movie

Posted on: August 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

EMILY Blunt has joined Ryan Gosling in Universal’s The Fall Guy movie adaptation from director David Leitch which also announced a release date.

 

After getting his start as a stunt performer and coordinator, Leitch has enjoyed a steady rise to stardom since making his uncredited directorial debut on John Wick alongside Chad Stahelski. Since then, Leitch has helmed a series of hits in Atomic Blonde, Deadpool 2, and Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw.

 

Leitch latest summer action flick is Bullet Train which released in theaters earlier this month and his next project, The Fall Guy, is already in the works and set to start filming this fall. The film is set to bow on March 1, 2024.

 

With a script penned by Hobbs & Shaw writer Drew Pearce, the forthcoming film is inspired by the classic 1980s television series of the same name which aired on ABC and followed a trio of Hollywood stunt performers who seek secondary employment as bounty hunters.

 

Precise plot details remain under wraps, though The Guy movie is inspire by the director’s own personal experience as a Hollywood stuntman. The film has already cast Gosling in a lead role fresh off Netflix’s The Gray Man and now, the film had added another A-list action star.

 

Blunt’s casting in The Fall Guy continues her ascent in the action genre after roles in Edge of Tomorrow, Sicario, and the Quiet Place franchise, giving her another potential franchise role to showcase her chops as a veritable action star.
The actress just finished filming Christopher Nolan’s highly-anticipated film, Oppenheimer, for Universal. Now, Blunt’s casting in The Fall Guy will keep her in-house for the time being, which is becoming increasingly important to studios.

 

In The Fall Guy, Gosling will seemingly be taking a lead role modeled after Lee Majors’ character, Colt Seavers, from the TV series. Now, Blunt’s casting signifies she will play a character based in some part on Jody Banks, Heather Thomas’ female lead from the 1980s show, though this is pure speculation at this point. On the show, Colt was accompanied by his cousin and stuntman-in-training, Howie “Kid” Munson (Douglas Barr), so the movie might be looking to fill that de facto role next.

 

The Fall Guy has made a major splash casting two A-listers in Gosling and Blunt, so it will be interesting to see where it goes from here. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Balik-primetime series na sa ‘Maria Clara at Ibarra’: BARBIE, masaya na muling makakasama ang favorite actor na si DENNIS

Posted on: August 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IWI-WELCOME ni Ruru Madrid tonight, August 15, ang cast na bubuo sa ‘Lolong: Ang Bagong Yugto,’ na sina Vin Abrnica, Thea Tolentino, Alma Concepcion, Rafael Rosell at Lucho Ayala. 

 

 

Makakasama nila ang mga original cast na sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Shaira Diaz, Arra San Agustin, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan at Paul Salas.

 

 

Very proud si Kapuso Action-Drama Prince at excited na siyang ma-meet ang bagong makakasama ni Lolong.  Hindi raw sila nanghinayang na nagbunga ang mga paghihirap nila sa pagti-taping ng biggest adventure-serye on Philippine primetime.

 

 

“Hopefully po ay patuloy ninyo kaming suportahan,” sabi ni Ruru.

 

 

“Lalaban na po ang mga buwaya, gaganti na ang tribong inapi.  Simula na po ng bagong digmaan para sa katarungan at para sa kapangyarihan, at ito na po ang bagong yugto ng Lolong.”

 

 

Gabi-gabi ay pataas nang pataas ang rating ng ‘Lolong,’ na napapanood pagkatapos ng ’24 Oras’ sa GMA-7.

 

 

                                                            ***

 

 

MASAYA si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, na after a while ay balik na muli siya sa paggawa ng bagong series, ang ‘Maria Clara at Ibarra.’

 

 

Ayon kay Barbie, “I am so happy to finally announce that I will play the role of Maria Clara Infantes/Klay, in the upcoming historical portal fantasy primetime series na “Maria Clara at Ibarra.

 

 

“Ano po kaya ang mangyayari kapag napasok ng isang Gen Z ang mundo ng sikat na nobela ni Jose Rizal?  Maraming salamat po sa GMA Network, @Sparklegmaartistcenter.”

 

 

Siyempre pa ay masaya si Barbie dahil muli niyang makakasama ang paborito niyang actor, si Dennis Trillo na gumaganap na si Ibarra.  Bale second time na nilang magkakasama, dahil una silang nagtambal sa isang episode noon ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko.’

 

 

Masaya rin siyang muli silang magkakasama ng kaibigang si Julie Anne San Jose, matapos niyang mag-guest sa serye nitong ‘Heartful Café,’ sa GMA-7.

 

 

                                                            ***

 

 

MATAPOS gawin ni Kapuso teen star Jillian Ward ang season one and two ng ‘Prima Donnas,’ medyo nanibago siya na bago ang kasamang gumaganap na nanay na si Carmina Villarroel, sa ‘Abot Kamay Na Pangarap.’

 

 

Sa ‘Prima Donnas’ kasi ang kasama niya sina Katrina Halili at Aiko Melendez. 

 

 

“Pero super natutuwa po ako na nakatrabaho ko ngayon si Ms. Carmina,  Hindi ko po in-expect na ganoon siya ka-light kasama dahil veteran actress po siya at very well-known po siya. Pero sobrang gaan po niya palang kasama at pinaparamdam po niya sa akin na magkaibigan po kami.

 

 

“Very understanding din po niya talaga. Minsan, napagkukuwentuhan namin ang kambal niya sina Mavy at Cassy. Naalaala ko sa kanya ang Mama ko, very understanding po kasi niya, super bait at ang galing po niyang umarte.  Nakapag-connect po agad kami sa isa’t isa.”

 

 

Happy rin si Jillian na muli niyang makakasama si Chuckie Dreyfus sa serye, after 11 years, na una niyang nakatrabaho sa GMA musical fantasy series na ‘Daldalita.’

 

 

Ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’ ay malapit nang mapanood sa GMA Afternoon Prime, sila ang papalit sa ‘Apoy Sa Langit’ napapanood Mondays to Saturdays, 2:30 PM after ‘Eat Bulaga.’

 

 

                                                            ***

 

 

PARA sa mga fans ng mga Koreanovelas, walang humpay ang GMA Heart of Asia sa pagbibigay sa mga loyal viewers nila, dahil simula ngayong gabi,  dalawang Korean dramas ang back-to back na mapapanood sa GMA Telebabad.

 

 

Unang mapapanood ang ‘The Red Sleeve’ na katatapos lamang mag-uwi ng Best Drama Award at ang Best Actor award naman for Lee Jun-Ho from the 58th Baeksang Arts Awards, at 9:35PM Mondays to Thursdays.

 

 

At ang ‘About Time’ naman ay mapapanood at 10:20 PM, Mondays to Thursday, at every Friday, 10:35 PM after ‘Bubble Gang.’

(NORA V. CALDERON)

Fertilizer at pesticides subsidy sa magsasaka, palawigin

Posted on: August 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BILANG  tugon sa panawagan ng mga magsasaka ukol sa patuloy na pagtaas sa gastos sa mga farm inputs, ipinanukala ni AGRI-Party-list Rep. Wilbert Lee na magtatag ng fertilizer and pesticides subsidy program.

 

 

Sa ilalim ng House Bill No. 3528 o National Fertilizer Subsidy Act, ang Department of Agriculture (DA) ay magpapatupad ng National Fertilizer and Pesticide Subsidy Program para sa mga kuwalipikadong magsasaka.

 

 

“Through this bill, we assure our agricultural sector that we respond and guarantee them that in scenarios of high prices of these agricultural inputs, subsidies are available as we separately push to sustainably increase its local manufacturing and production,” ani Lee.

 

 

Ayon sa ginawa nilang monitoring, ang walang habas na pagtaas sa presyo ng agricultural inputs, partikular na sa pataba ay tumaas ng triple sa nakalipas na 18 buwan.

 

 

Lumabas pa aniya sa ulat na ang presyo ng urea ay tumaas ng P900-P950 kada bag noong 2021 sa P2,240-P2,920 nitong Pebrero 2022.

 

 

Sa ilalim ng panukala, ang subsidiya na ibibigay ay aktuwal na fertilizer bags o subsidy vouchers depende sa kasalukuyang market prices at geographical and logistical challenges ng rehiyon habang ang tulong sa pestisidyo ay ipapamahagi sa pamamagitan ng subsidy vouchers.

 

 

Para makatanggap o maging benepisaryo kailangan na isang Pinoy na miyembro ng agri-basic sector at 18 anyos sa panahon ng registration; isang magsasaka, farm laborer/ worker o Agri-youth base sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) Definitions of Members of the Agriculture and Fisheries Sector.

 

 

“Umaasa po tayo sa suporta ng Kongreso upang agarang maisabatas ang panukalang ito. Hangad po natin na maibsan ang mga pasanin ng mga magsasaka, mapalaki ang kanilang produksyon at kita para sa pangangailangan ng pamilya, at sa paghakbang natin palapit sa katuparan ng inaasam na food security,” pahayag ni Lee. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Hotshots diniskaril ang Tropang Giga

Posted on: August 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINIGILAN ng Magnolia ang pagpasok ng nagdedepensang TNT Tropang Giga sa PBA Finals matapos agawin ang 105-97 panalo sa Game Five ng 2022 Philippine Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Kumamada si veteran guard Mark Barroca ng 25 points, 6 rebounds at 4 assists para idikit ang Hotshots sa 2-3 sa kanilang best-of-seven wars ng Tropang Giga.

 

 

Nag-ambag sina Calvin Abueva, Paul Lee at Ian Sangalang ng tig-16 mar­kers para sa Magnolia.

 

 

“Ang maganda doon hindi sila sabay-sabay. Kapag pumutok kasi mahirap eh. Ma-limit lang namin ang isa sa kanila, may chance kaming manalo,” sabi ni Barroca kina Jayson Castro at Mikey Williams.

 

 

Tumapos si Castro na may 18 points at may 13 markers si Williams sa panig ng TNT.

 

 

Ang maliit na 28-26 lead sa first period ay pinalobo ng Hotshots sa 16-point lead, 51-35, mula sa basket ni Aris Dionisio sa 2:49 minuto ng second period.

 

 

Naputol ito ng Tropang Giga sa 92-95 sa likod nina Castro, Williams, Poy Erram at Glenn Khobuntin sa huling 3:59 minuto ng fourth quarter.

 

 

Huling nagbanta ang TNT sa 94-99 galing sa follow up ni Kelly Williams sa 2:47 minuto ng laro kasunod ang jumper at dalawang free throws ni Lee para muling ilayo ang Magnolia sa 103-94 sa 2:04 minuto nito.

 

 

Samantala, lumapit ang San Miguel sa finals berth matapos pabagsakin ang Meralco, 89-78, para angkinin ang 3-2 lead tampok ang 25 points ni CJ Perez.

 

 

Iniskor naman ni Rodney Brondial ang kabuuan niyang limang puntos sa dulo ng fourth period kasama ang krusyal na jumper para sa 84-76 paglayo ng Beermen sa Bolts sa huling 1:01 minuto.

‘Laptop anomaly’ sa DepEd, ‘di palalagpasin

Posted on: August 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  palalagpasin ng Senado ang umano’y overpriced na mga laptop na binili ng Department of Education (DepEd) bunsod para maghain na ng resolusyon na nananawagan sa Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng imbestigasyon tungkol dito.

 

 

Sa Proposed Senate Resolution No. 134, sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na may kagyat na pangangailangan na maimbestigahan ng Senado ang naturang isyu upang makatulong sa paglikha ng batas at para alamin kung bakit natagalan ang pagbili ng mga laptop gayong dapat napabilis ang proseso sa ilalim ng Bayanihan II.

 

 

Tinukoy ni Cayetano ang Commission on Audit (COA) report noong July 29, 2022 kung saan ipinunto ng ahensya ang pagiging overpriced ng mga laptop na binili ng Department of Budget and Management Procurement Service (DBM-PS) kumpara sa unit specifications ng mga ito.

 

 

Binili ang mga laptop gamit ang P4-bilyon pondo na itinalaga para sa implementasyon ng Digital Education, Information Technology (IT) at Digital Infrastructures and Alternative Learning Modalities bilang bahagi ng Bayanihan to Recover As One o Bayanihan II Act.

 

 

Inaprubahan ang panukala noong September 11, 2020, sa panahon ni Cayetano bilang House Speaker, upang tulungan ang mga guro na makaangkop sa hybrid learning at makapagturo sa mga mag-aaral online.

 

 

Gayunpaman, nagkaroon ng siyam na buwang pagitan mula sa pag-apruba ng budget at sa mismong pagbili ng mga laptop. Naigawad ang kontratang nagkakahalaga ng P2.4 billion para sa pagbili ng mga laptop noong June 30, 2021, samantalang nasimulan na lamang ang pagbibigay ng laptop sa mga guro noong August 2021, ayon sa DepEd.

 

 

Iminungkahi rin ni Ca­yetano na usisain ng Senado ang “evident discrepancy” o malaking diperensya sa pagitan ng P4-billion pondo at  P2.4 bilyon na presyo ng kontrata sa umano’y overpriced at malumang mga laptop na ipinamahagi sa mga guro.

 

 

Una nang naghain ng Senate Resolution 120 si Senate Minority Leader Koko Pimentel na inaatasan ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations na silipin ang ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops para sa public school teachers. (Daris Jose)

Kelot na tumangay sa bag ng ginang, arestado sa Valenzuela

Posted on: August 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINELDA ang isang lalaki matapos tangayin ang bag ng isang out-patient na babae sa isang diagnostic clinic sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

 

 

Kinilala ni PLt Francisco Tannagan, Sub-Station-9 commander ang naarestong suspek bilang si Percival Carlos, 41 ng Balubaran, Brgy., Malinta ng lungsod na nangagarap sa kasong Theft.

 

 

Ayon sa ulat, naiwan ni Eloisa Santos, 48, ng Brgy., Gen. T. De Leon ang kanyang bag sa upuan sa waiting area ng diagnostic clinic sa McArthur Highway, Brgy., Karuhatan habang kausap niya ang doctor dakong alas-11:45 ng umaga.

 

 

Kinuha ng suspek ang bag ng biktima sa upuan at mabilis na tumakas kaya hinabol siya ng ginang at iba pang pasyente sa clinic habang napansin naman ng napadaan na mga pulis ng SS9 na sina PSSg Darwin Orale at Pat Norbert Rosario ang kaguluhan.

 

 

Kaagad tumulong sa paghabol ang dalawang pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober sa kanya ang belt bag ng biktima na may laman, id card, comb, ballpen, at P200 cash.

 

 

Nadiskubre ng pulisya na may record ng pagnanakaw (salisi) ang suspek sa Dasmarinas, Cavite noong March 9, 2020, robbery sa Quirino, Quezon City noong June 10, 2018, at robbery at paglabag sa R.A. 10591 sa Baler, Quezon City noong February 8, 2022.

 

 

Hinimok naman ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang publiko na maging alerto at bantayan ang kanilang mga mahahalagang gamit dahil iba-iba ang modus operandi ng mga kriminal. (Richard Mesa)

Pagsisimula ng FIFA World Cup napaaga

Posted on: August 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIURONG ng mga organizers ng men’s 2022 FIFA World sa Qatar ang araw ng pagsisimula nito.

 

 

Imbes kasi na sa Nobyembre 21 ay ginawa na lamang ito sa Nobyembre 20.

 

 

Ito ay para payagan ang paglalaro ng host nation na Qatar laban sa Ecuador sa unang.

 

 

Ang nasabing desisyon aniya ay para maituloy ang matagal ng tradisyon kung saan ang unang laro ng World Cup ay dapat sa host country o sa mga defending champion.

 

 

Paglilinaw naman ng mga organizers na hindi magbabago ang paglalabas ng mga listahan ng mga maglalaro sa Nobyembre 14.

 

 

Dahil sa pagbabago ay napalitan na rin ang petsa na mula Nobyembre 20 na magtatapos sa Disyembre 18.

Cartel sa sugar industry buwagin, parusahan sangkot na opisyal, hamon kay BBM

Posted on: August 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINAMON ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) si Presidente Bongbong Marcos na buwagin ang cartel sa sugar industry at parusahan ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot dito, lalo na ang mga nasa Sugar Regulatory Administration (SRA) at Department of Agriculture (DA).

 

 

Ito ang tugon ng grupo sa pahayag ng pangulo na may gugulong na ulo matapos siyang pangunahan sa isyu nang importasyon ng asukal.

 

 

Hinamon pa ni UMA spokesperson John Milton “Butch” Lozande ang pangulo na pangalanan ang mga miyembro ng sugar cartel.

 

 

Sa isyu ng pagtaas sa presyo ng asukal, isinuwestiyon ni Lozande sa pangulo na pigilan ang mga middlemen na itaas ng husto ang presyo at makialam na ang gobyerno sa pagpi-presyo at marketing nito. (Ara Romero)

Ads August 15, 2022

Posted on: August 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments