• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 22nd, 2022

Senate building nasa total lockdown: 8 senador na ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIUTOS  ni Senate President Migz Zubiri ang total lockdown sa Senate building sa Lunes, Aug. 22 matapos na umabot na sa pitong mga senador ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19 ngayong buwan.

 

 

Dahil dito, lahat na mga Senate employees ay pansamantala muna sa kanilang “work from home” upang bigyang daan ang isasagawang disinfection.

 

 

Muling babalik ang sesyon ng mga senador sa Aug. 23, araw ng Martes.

 

 

Una rito, kinumpirma rin ni Sen. Joel Villanueva na nagpositibo siya sa COVID.

 

 

Magkasunod na kinumpirma rin nina Senators JV Ejercito at Nancy Binay na parehong nagposito rin sila sa COVID-19.

 

 

Kung maalala ang iba pang mga mambabatas na nagpositibo rin sa COVID-19 ay sina Senators Alan Peter Cayetano, Imee Marcos, Cynthia Villar, Grace Poe at si Sen. Chiz Escudero na naka-isolate rin matapos maging close contact.

 

 

“Please stay safe and healthy everyone. Together we shall fight this virus and continue to deliver government service as efficiently as possible. Maraming salamat po,” ani Zubiri sa advisory.

 

 

Sa ngayon pinapairal muna ang mas mahigpit na pag-oobserba ng health protocols sa Senado dahil pa rin sa naturang outbreak matapos na magkakasunod na tinamaan ng virus ang walong mga senador mula ng magbukas ang 19th Congress noong buwan ng Hulyo. (Daris Jose)

LTFRB nagbukas ng 133 PUV routes

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may 133 na ruta para sa mga public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila para sa pagbubukas ng klase ngayon Lunes.

 

 

 

“There are 68 routes for traditional and modern jeepneys, 32 for UV Express Service ang 33 non-EDSA bus routes in time for the opening of classes in Metro Manila,” wika ni LTFRB chairman Cheloy Garafil.

 

 

 

May 11,000 PUV units ang magkakaron ng operasyon sa university belt at iba pang lugar na may maraming paaralan at mga estudyante. Umaasa si Garafil na ang karagdagan ruta para sa mga PUVs ay sasapat upang mabigyan ng serbisyo ang tataas na bilang ng mga pasahero ngyon linggo para sa pabubukas ng klase.

 

 

 

Nagsimula noong Biyernes ang pagbibigay ng special permits sa mga PUVs at ang LTFRB ay mananatiling bukas hanggang weekend upang patuloy ang pagbibigay ng special permits sa mga operators ng buses at jeepneys.

 

 

 

Mga special permits lamang ang ibibigay ng LTFRB kapalit ng prangkisa para sa public convenience upang maging madali at mabilis ang transaksyon.

 

 

 

“PUV operators with valid franchises, provisional authorities as well as those with expired certificates of public convenience with an application for extension of validity would be allowed to operate,” saad ni Garafil.

 

 

 

Umaasa si Garifil na sa muling pagbubukas at pagpapalawig ng mga ruta ay matutulungan ang mga drivers na muling makapasada ng mas mahaba at makabalik  sa lansangan. Inaasahan na may 80 porsiento ng PUVs ang babalik sa mga lansangan upang magkaron ng operasyon.

 

 

 

Ang mga dati at lumang ruta na sinara noong may pandemya ay binuksan na habang ang bagong ruta naman ay siyang magsisilbing dagdag para sa University Belt at iba pang lugar na may madaming estudyante.

 

 

 

Sinusunod lamang ng LTFRB ang kahilingan ni President Ferdinand Marcos at Vice-President Sara Duterte na dapat ay masiguro na mayroon tamang dami ng PUVs para sa pagubukas ng face-to-face na klase.

 

 

 

Matutulungan din ang mga operators sa muling pabubukas ng mga ruta upang sila ay maging financially viable sa gitna ng tumataas na presyo ng krudo at produktong petrolyo.

 

 

 

Sinabi rin ni Garafil na ang dami ng authorized PUVs ay nanatiling katulad pa rin bago pa ang pandemya.

 

 

 

“It’s just that many have no longer plied their routes because the distance of the route was reduced. So, we were asked if the routes could be returned to make plying the routes more viable,” dagdag ni Garafil.

 

 

 

Balak din ng LTFRB na magdagdag ng mga buses na tumatakbo sa EDSA busway upang makapagbigay ng serbisyo sa mga tataas na bilang mga pasahero kung magsimula ang klase.

 

 

 

Sa ngayon ay may 400 buses ang tumatakbo sa EDSA Carousel at may balak itong maging 500 buses upang masiguro na may sapat na supply ng buses kung rush hours. Nagkakaron naman ng problema ang mga operators dahil sa kakulangan ng mga drivers at dahil na rin sa mga breakdown ng mga buses.

 

 

 

Samantala, pinaalalahanan ni Garafil ang mga pasahero na hindi papayagan ang standing sa mga PUVs at maximum seating capacity lamang ang papayagan upang masunod ang COVID health protocols. LASACMAR

Hindi pa bakunadong mga guro, pwede na rin magturo sa darating na pasukan – DepEd

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAHIHINTULUTAN na ng Department of Education (DepEd) na muling makapagturo sa darating na pasukan ang mga hindi pa bakunadong mga guro sa bansa.

 

Ayon kay DepEd Usec. Revsee Escobedo sa isang pahayag na papayagan na ng kagawaran na magturo ang lahat ng guro sa bansa bakunado man o hindi.

 

Basta’t pananatilihin lamang ng mga ito ang palagiang pagsunod sa ipinapatupad na minimum public health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at gayundin ang maayos na ventilation sa mga silid-aralan.

 

Sa datos ng DepEd, sa ngayon ay nasa 37,000 na mga guro na lamang ang hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.

Nasa 20,000 sa kanila ay nakapagpatala na para magpabakuna habang nasa 17,000 naman ang bilang ng mga guro ang hindi pa talaga rehistrado para makatanggap ng nasabing proteksyon laban sa coronavirus disease.

 

Samantala, batay naman sa pinakahuling datos ng kagawaran.. as of 7:00am ngayong araw ay umabot na 21,272,820 ang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral mula noong July 25.

 

Karamihan dito ay mula sa Region IV-A na umabot na sa 3,070,451 ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll, na sinundan naman ng Region III na mayroong 2,366,003 , at National Capital Region na mayroong 2,295,245.

 

Magpapatuloy naman hanggang sa Lunes, August 22 ang nasabing enrollment para sa school year 2022-2023.