• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 2nd, 2022

LOCAL CASE NG MONKEYPOX, DI PA MAKUMPIRMA

Posted on: September 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa makumpirma ng Department of Health (DOH) kung may local case na ng monkeypox sa bansa o wala pa.

 

 

Ito ayon sa DOH ay dahil hindi pa makumpleto ang history ng ikaapat na kaso ng naturang sakit na mula sa Iloilo.

 

 

Ani Vergeire sa press briefing, hanggang ngayon ay  hindi pa mabatid kung may nakasalamuha itong foreign o ibang tao na galing sa ibang bansa.

 

 

“Sa ngayon we can not confirmed kung tayo ay local case na ba ito o hindi na imported case . So we will be informing the public kung may nakuha na tayong impormasyon”, sabi ni Vergeire

 

 

“Pero it is not also right for the DOH to confirm already and announced that this is a local case  since we can not complete the history of the patient up until now”, dagdag pa ng opisyal.

 

 

Sinabi nito na nanatili pa rin ngayon sa apat ang kaso ng monkeypox sa bansa at wala pang bagong na-detect o nagpositibo base sa ginawang sample collection at testing .

 

 

Dagdag niya, ang close contact ng case no.4 ay walang sintomas lahat.

 

 

“Naka-quarantine po ang apat, isa po ay nagse-self monitor tapos yung isa po ay continuously assisting the patient” , ani Vergeire

 

 

Natuto na rin aniya ang mga leksyon ng ikaapat na kaso at patungo na sa recovery ngunit kailangan pa rin nitong tapusin o kumpletuhin ang kanyang isolation period. (Gene Adsuara)

Ads September 2, 2022

Posted on: September 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

May appreciation post sa kanyang mom and dad: GABBI, sinamantala na makapagbakasyon sa Amerika kasama si KHALIL

Posted on: September 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ANNOUNCE na si Kapuso Primetime King and host of the number one game show ng GMA-7, ang “Family Feud” sa kanilang mga avid viewers na pwede na silang makapanood ng hulaan LIVE sa Family Feud Philippines stage.  

 

 

Mag-register sa gmanetwork.com/FamilyFeudAudience para makasama bilang Studio Audience ngayong Saturday, September 3, 2022.  Registration is open until 7:00PM today, Friday, kaya register na Kapuso #FamilyFeudAudience #FamilyFeudPH.

 

 

Ang “Family Feud” ay napapanood Mondays to Fridays, 5:40 PM sa GMA-7.

 

 

***

 

 

AFTER ng successful airing ng first GMA Telebabad series ng loveteam nina Gabbi Garcia at boyfriend Khalil Ramos, ang “Love You Stranger,” ay sinamantala nila ang chance na makapagbakasyon.

 

 

Sa Instagram post ni Gabbi: “Appreciation post for my Mom & Dad.  It’ll be my first long vacation without them.  Thank you for allowing me to do this.  I really, really appreciate it.  I’m blessed to have parents who are allowing me to grow on my own.  Thank you for trusting me.

 

 

“My mom even made arrangements with her flight sched as a crew so she could personally assist @khalilramos and I.”

 

 

Malamang sa pagbalik nina Gabbi at Khalil, ready na ang first project nina Gabbi at Joshua Garcia, isang collaboration project between GMA Network and ABS-CBN.

 

 

***

 

 

FINALE episode na bukas ng GMA Network Afternoon Prime series na “Apoy sa Langit.”

 

 

Marami nang excited kung paano matatapos ang kasamaan ni Cesar (Zoren Legaspi) at dasal ng mga netizens, sana raw ay wala nang masasaktan kina Gemma (Maricel Laxa), Ning (Mikee Quintos), and even kay Stella (Lianne Valentin), sa kabila ng mga kasamaang ginawa nito, at nina Anthony (Dave Bornea) na boyfriend ni Ning, dahil ayaw pa ring huminto sa paggawa ng kasamaan ni Cesar.

 

 

Sobra na raw ang kasamaan ni Cesar at wala nang dapat na puwang ang pagpapatawad sa kanya, dahil siya naman talaga ang gumawa ng lahat dahil sa pagkagahaman niya sa salapi.

 

 

Congratulations sa buong cast ng “Apoy Sa Langit.”  Matatandaan na kahit napahaba ang afternoon prime series, nang kailanganing dagdagan ang mga eksena dahil nabitin ang mga netizens sa kaganapan ng story, ay hindi naman tumanggi ang mga artista at muli silang bumalik sa lock-in taping nila, somewhere in Batangas.

 

 

Congratulations kay Direk Laurice Guillen, at sa buong production staff ng serye!

 

 

Simula naman sa Monday, September 5, isa pang kaabang-abang at naiibang teleserye ang susunod na mapapanood, ang world premiere ng “Abot Kamay ang Pangarap,” na magtatampok kina Jillian Ward, Ms. Carmina Villarroel, Richard Yap, Dominic Ochoa, sa direksyon ni LA Madredejos, 2:30 PM, after “Eat Bulaga.”

(NORA V. CALDERON)

Pag-aalis ng face mask ‘wag muna – DOH

Posted on: September 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALAG ang Department of Health (DOH) sa ipinalabas na kautusan ng isang local government unit (LGU) na nagsasabing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa ilang lugar.

 

 

Iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na masyado pang maaga para itapon na ang face masks o itigil na ang mandatory na pagpapatupad sa pagsusuot nito.

 

 

Reaksyon ito ni Vergeire sa nilagdaang executive order ni Cebu City Mayor Michael Rama na nagsasabing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face masks sa lungsod, maliban sa mga ospital, klinika at iba pang medical facilities.

 

 

Ani Vergeire, hindi kinonsulta ang DOH sa pagtatanggal ng lungsod sa mandatory na pagpapasuot ng face mask dahil hindi maari na may isang lugar na nagpapatupad ng isang patakaran na taliwas sa iba pang lugar sa bansa. Kailangan aniya ang “one nation approach” laban sa nararanasang pandemya.

 

 

“I always say a city within a country cannot act on its own… Hindi pwedeng ang isang lugar sa ­ating bansa ay nagpapatupad ng kanilang protocol, samantalang the rest of the country is implementing the other side of the protocol o magkaiba because we have porous borders,” ani Vergeire sa press briefing.

 

 

Aniya, ang paggamit ng mga face mask ay nakakabawas ng 70% hanggang 80% sa panganib na magkaroon ng COVID-19 .

 

 

“Ang pagsusuot ng mask ay kaunting sakripisyo lang para maproteksyunan natin ang sarili natin.

 

 

“Darating tayo sa punto na maaari nang tanggalin ang mask kapag nasigurado na ng gobyerno na protektado ang mamamayang Pilipino ng mga bakunang binibigay natin sa komunidad,” dagdag pa ni Vergeire. (Daris Jose)

Giit ng DBM: Walang iregularidad sa ₱588.1B unprogrammed appropriations sa 2023 budget

Posted on: September 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ng  Department of Budget and Management (DBM) na walang iregularidad sa ₱588.1 billion unprogrammed appropriations sa ilalim ng panukalang  ₱5.268-trillion budget para sa taong  2023  sa gitna ng pagkabahala ng mga mambabatas.

 

 

“Details of these unprogrammed appropriations (UA) are available for public and Congress scrutiny,”  ayon sa DBM.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Deputy Speaker at 6th District Batangas Rep. Ralph Recto na dapat umanong linawin ang P588 bilyong ‘shades of grey’ sa panukalang 2023 national budget ng pamahalaan.

 

 

Marami aniya ang ‘unprogrammed fund bloats’ sa actual na panukalang pondo na aabot sa kalahating trilyon o ang tinagurian nitong P588 bilyong ‘shades of grey’ na dapat mai-itemized.

 

 

“The proposed national budget for 2023 is actually P5.856 trillion, or P588 billion bigger than the oft-quoted P5.268 trillion,” ayon kay Recto na sinabing ang spending amount na hinihingi ng Palasyo ay karagdagang kalahating trilyon pa na kaniyang nabusisi sa Unprogrammed Appropriations sa bahagi ng 2023 National Expenditures Program (NEP).

 

 

Nitong Biyernes ay sinimulan na ng Kamara ang deliberasyon sa masusing pagbusisi sa P5.268 trilyong 2023 NEP ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

“It is more than double the current year’s P251.7 billion unprogrammed fund,” ani Recto na sinabing kulang sa detalye ang P588 bilyon ‘shades of grey’ na dapat linawin ng economic team ng pamahalaan.

 

 

Kabilang sa hindi malinaw ang “Support to Foreign Assisted Projects” na nagkakahalaga ng P380.6 billion.

 

 

Gayundin ang P149.7 bilyon para sa “Support for Infrastructure Projects and Social Programs.”

 

 

Sa ipinalabas na kalatas ng DBM, ipinaliwanag nito na “Support to foreign-assisted projects will be getting the biggest share at ₱380 billion, where ₱378.2 billion will head to the Department of Transportation (DOTr) while the remaining ₱2.2 billion was assigned to the Department of Social Welfare and Development.”

 

 

“Next is the support for infrastructure projects and social programs at ₱149.6 billion, which includes ₱22 billion for procurement of vaccines,” ayon pa rin sa DBM.

 

 

Naglaan din ang DBM ng ₱20.6 billion para sa  budgetary support sa  government-owned and/or controlled corporations.

 

 

May  ₱18.9 billion naman ang nakatabi para sa  public health emergency benefits at allowance para sa  health at non-healthcare workers.

 

 

Ayon sa DBM,  ₱10 bilyong piso ang mapupunta sa equity infusion ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) alinsunod sa Republic Act 11211 o New Central Bank Act, at ₱5 bilyong piso para sa  modernization program ng  Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

 

Naglaan din ang DBM  ng ₱2 bilyong piso para sa pagbabayad ng arrears sa  Land Transportation Office IT service.

 

 

“UA include ₱1 billion for the Risk Management Program. This will be used for commitments made by, and obligations of, the government in agreements covering public-private partnership projects, base sa nakalipas na budget.

 

 

“Also listed are ₱210.5 million for the refund of the service development fee for the right to develop the Nampeidai property in Tokyo, Japan, along with ₱14 million in prior years’ local government unit shares,” ayon sa kalatas ng DBM.

 

 

“In the 2023 national expenditures program, 11.2 percent (₱588.1 billion) is the percentage of unprogrammed appropriations to total obligations budget. However, this already includes the estimated ₱378.2 billion for loan proceeds requirements of the Department of Transportation (DOTr),”  ang nakasaad pa rin sa kalatas ng DBM.

 

 

Dahil dito, iginiit ng departamento na ang natitirang ₱200-billion ay maikukunsiderang unprogrammed.

 

 

“Thus, should this be removed, only approximately ₱200 billion, or 4 percent, is considered unprogrammed, which will be triggered for release only upon the generation of additional revenues,” ayon sa  DBM.  (Daris Jose)

Cool Smashers balik-ensayo agad para sa Asean Grand Prix

Posted on: September 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-ENSAYO  agad ang Creamline Cool Smashers para paghandaan ang sunod na pagsabak nito sa Asean Grand Prix na gaganapin sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Setyembre 9 hanggang 11.

 

 

Galing ang Cool Smashers sa dalawang magkasunod na torneo.

 

 

Una na ang Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na pinagreynahan ng Cool Smashers.

 

 

Sunod ang Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City kung saan gumawa ng kasaysayan ang Creamline matapos makuha ang ikaanim na puwesto.

 

 

Muling bibitbitin ng Cool Smashers ang bandila ng Pilipinas dahil sasabak ito sa Asean Grand Prix na lalahukan ng powerhouse Thailand, Vietnam at Indonesia.

 

 

“Very proud talaga ko sa teammates ko kasi hindi talaga biro yung pinagdaanan namin na tuluy-tuloy yung mga laro namin sa PVL, binuhos talaga lahat namin don, and then late notice nga namin nalaman na we were going to step up for the Philippines in the AVC,” ani playmaker Jia Morado.

 

 

Makukumpleto ang buong Cool Smashers patungong Thailand.

 

 

Makakasama na ng tropa si team captain Alyssa Valdez na tinamaan ng dengue na dahilan para hindi ito makalaro sa AVC Cup.