• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 15th, 2022

Pag-angkat ng 150,000 metriko tonelada ng asukal, may go signal ni PBBM

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY basbas ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pag-angkat ng asukal na hindi lalagpas sa 150,000 metric tons (MT)  para tugunan ang kakapusan ng suplay at  masawata ang tumataas na presyo nito sa bansa.

 

 

Ayon sa Sugar Order No. 2,  naka-post sa  Sugar Regulatory Administration (SRA) website, kalahati ng kabuuang  import volume, o 75,000 MT, ay ilalaan sa industrial users o mga kompanya na gumagamit ng asukal sa kanilang  manufacturing process, habang ang kalahati ay ibibigay sa mga consumers o sa pamilihan.

 

 

“After due consultation, the Stakeholders of the Sugar Industry have submitted their respective positions and letters of endorsement recognizing the need for an importation program for the crop year 2022 to 2023,” ang kautusan ay tinintahan ni Pangulong Marcos,  Department of Agriculture at mga opisyal ng SRA noong Setyembre  13.

 

 

“After taking into consideration all comments, inputs, and information, the SRA deems it necessary to adopt additional, responsive, and pre-emptive measures to ensure domestic supply and manage sugar prices in order to achieve the foregoing policy declarations through timely government intervention by way of importation in order to maintain a balanced supply and demand of sugar for domestic consumption,” dagdag na pahayag ng SRA.

 

 

Sinabi pa ng SRA  na magsisimula na silang tumanggap ng aplikasyon para sa importasyon ng asukal, tatlong araw matapos na maging epektibo ang naturang kautusan.

 

 

Bago pa ang  Sugar Order No. 2,  nahaharap na sa kontrobersiya ang sugar importation matapos na ipatigil ni Pangulong Marcos ang  Sugar Order No. 4 ng SRA.

 

 

Ang Sugar Order No.4 ay nilagdaan “on President’s behalf” at may mandato na umangkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal sa gitna ng  napipintong kakapusan sa suplay ng asukal.

 

 

Matatandaang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nilagdaan ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang resolusyon na walang pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayo rin bilang kalihim ng Department of Agriculture.

 

 

Ang nasabing resolusyon na walang pahintulot ng Pangulo ay naka-upload sa website ng SRA.

 

 

Nilinaw ni Cruz-Angeles na hindi pinahihintulutan ng Pangulo ang pag-import ng asukal.

 

 

Sinabi ni Cruz-Angeles na sensitibong bagay ang importasyon lalo na ang mga produktong pang agrikultura kaya kailangan itong balansehin. (Daris Jose)

Eala inihalintulad kay Sharapova

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUNAY na rising star si Alex Eala na namamayagpag sa mundo ng tennis.

 

 

Sariwa pa ito sa matamis na kampeonato sa pres­tihiyosong US Open juniors championships girls’ singles upang tanghaling kauna-unahang Pilipino na nagkampeon sa isang Grand Slam event.

 

 

Dahil sa kanyang ta­gumpay, kaliwa’t kanan ang magagandang komento sa Pinay tennis sensation.

 

 

Ilang foreign comentators pa ang nakapuna sa husay at galing ni Eala na hindi malayong maging matagumpay sa kanyang mga susunod na kam­panya partikular na sa seniors division.

 

 

Inihalintulad pa ito ng isang American commentator kay dating Grand Slam champion Maria Sha­rapova na nagkampeon sa US Open noong 2006.

PEKENG MGA LPG, NASABAT SA MAYNILA

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASABAT ng Regional Intelligence Division  (RID)  sa Lungsod ng Maynila ang mga pekeng Liquified Petroleum (LPG) at pagkakaaresto ng  apat na kalalakihan sa magkahiwalay na lugar sa Maynila kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ang naaresto sa unang operasyon na si Jhonnifer Cuevas Peduca, 39 at Joel Salvador, 30 habang sa pangalawang operasyon ay si  Estonilo, 30 Ronald Abela y Zubiaga. 43 at Patrick Pedrosa y Royo, 20.

 

 

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod sa reklamo ng Isla Petroleum and Gas Corporation

 

 

Sa ulat , dakong ala-1:00 ng hapon nang nagsagawa ng operasyon ang Regional Intelligence Division sa JP Cuevas Enterprises Gas SA  265AH, Lacson Avenue, Sampaloc, Manila na nagresulta sa pagkakaaresto nina Peduca at Salvador dahil sa pagbebenta ng pekeng Solane LPG.

 

 

Narekober sa kanila ang anim na walang laman na tangke ng Solane LPG, tatlong tangke ng may laman na Solaine LPG at pekeng bulb seals na nakalagay sa isang sako.

 

 

Samantala, ala-1:30 ng hapon nang nagsagawa muli ng operasyon ang RID sa Ronald-Amie LPG Store 2171 Visayan Ave., Sta. Mesa, Manila na nagresulta sa pagkakaaresto ni Abela  at Pedrosa   at narekober ang 32 o 11 kilogram na mga pekeng LPG. (Gene Adsuara)

PBBM, pinag-aaralan na bigyan ng rice allowance ang mga empleyado ng gobyerno

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno para matulungan na mapagaan ang paghihirap ng mga consumers.

 

 

“I’m going to initiate, at least for the government workers, the rice allowance… part of the sweldo, ang pagbayad is in rice,” ayon kay Pangulong  Marcos, pinuno ng Department of Agriculture, kay  Toni Gonzaga sa isang sit-down interview.

 

 

“Marami naman doon sa malakaking korporsayon, meron na silang rice allowance. So we’ll institutionalize it,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang paliwanag pa ng Pangulo, ang bigas ay  “bought by and from the government” upang matiyak ang murang halaga ng  kalakal.

 

 

Samantala, nang tanungin naman ukol sa kanyang campaign promise  na  gagawing ₱20 kada kilo ng bigas,

 

 

“Everything’s possible. You just have to work very hard at it and be clever about it and come up with new ideas,” ayon sa Punong Ehekutibo. (Daris Jose)