• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 16th, 2022

THE GOOD, THE BAD AND THE MIGHTY: WHO’S WHO IN “BLACK ADAM”

Posted on: September 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

A new era in the DC Universe has begun with the introduction of Black Adam and The Justice Society in Warner Bros.’ epic superhero adventure “Black Adam,” smashing in cinemas and IMAX across the Philippines starting October 19.  

 

 

[Watch the film’s newest trailer at https://youtu.be/MgSTfFxO88o]

 

 

Get to know these fan-favorite characters as they make their big-screen debut in the highly anticipated blockbuster and check-out their individual posters below.

 

 

Teth-Adam / Black Adam (Dwayne Johnson)

 

 

Hailed as the slave who became Champion, the mortal slave Teth-Adam was bestowed the powers of the gods. When he used his powers for vengeance, he was entombed, becoming Black Adam. Nearly 5,000 years later, Black Adam is freed from his imprisonment and finds his unique form of justice challenged by modern day heroes in the form of the Justice Society.

 

 

Carter Hall / Hawkman (Aldis Hodge)

 

 

With a suit constructed of gravity-defying Nth metal, Hawkman combines his physical prowess with a strong sense of morality. Instilling years of knowledge and experience into the younger members of the burgeoning Justice Society, the man known as Carter Hall fights to protect global stability–and he won’t let anything or anyone, including Black Adam, stand in his way.

 

 

Kent Nelson / Doctor Fate (Pierce Brosnan)

 

 

Upon wearing the ancient alien golden Helmet of Fate, Kent Nelson transforms from kindly academic into the sorcerer Doctor Fate. One of the founding members of The Justice Society, Doctor Fate is able to use his powers to wield magic, conjure illusions and see the future.

 

 

Al Rothstein / Atom Smasher (Noah Centineo)

 

 

As one of the newest recruits of The Justice Society, 20-year-old Al Rothstein can transform his molecular structure to grow in size to towering heights to become the superhero Atom Smasher. What he lacks in experience, Atom Smasher makes up for with brute force and an endless well of youthful optimism.

 

 

Maxine Hunkel / Cyclone (Quintessa Swindell)

 

 

After being subjected to nanotechnology experimentation by evil scientists, at just 19 Maxine Hunkel is a force of nature—literally—with the ability to control the wind with her mind. As the superhero Cyclone she brings a social justice attitude and a unique power set to The Justice Society.

 

 

About “Black Adam”

 

 

From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action adventure “Black Adam.”  The first-ever feature film to explore the story of the DC Super Hero comes to the big screen under the direction of Jaume Collet-Serra (“Jungle Cruise”).

 

 

Nearly 5,000 years after he was bestowed with the almighty powers of the ancient gods—and imprisoned just as quickly—Black Adam (Dwayne Johnson) is freed from his earthly tomb, ready to unleash his unique form of justice on the modern world.

 

 

Johnson stars alongside Aldis Hodge (“City on a Hill,” “One Night in Miami”) as Hawkman, Noah Centineo (“To All the Boys I’ve Loved Before”) as Atom Smasher, Sarah Shahi (“Sex/Life,” “Rush Hour 3”) as Adrianna, Marwan Kenzari (“Murder on the Orient Express,” “The Mummy”) as Ishmael, Quintessa Swindell (“Voyagers,” “Trinkets”) as Cyclone, Bodhi Sabongui (“A Million Little Things”) as Amon, and Pierce Brosnan (the “Mamma Mia!” and James Bond franchises) as Dr. Fate.

 

 

“Black Adam” is distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.  Join the conversation online and use the hashtag #BlackAdam

 

 

(ROHN ROMULO)

Pangatlo na ito sa kanyang collection: JILLIAN, sinorpresa ng magulang sa regalong sports car na pang-taping niya

Posted on: September 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa sipag ni Jillian Ward sa trabaho, sinorpresa siya ng kanyang magulang sa regalo nilang brand new BMW M-Sport na magagamit niya sa kanyang tapings.

 

Sa Instagram Stories post ni Jillian noong Lunes, nai-share niya ang bagong sasakyan at ang pasasalamat niya sa kanyang magulang.

 

“Thank you Mama and Papa for my new taping car!”caption pa niya.

 

Nangongolekta nga si Jillian ng mga mamahaling sports cars. Noong 2021, nabili niya ang kanyang unang BMW car.

 

Last March naman ay isang Porsche sports car ang binili niya.

 

Bilang si Analyn, ang gifted child na naging isang young neurosurgeon sa Abot Kamay Na Pangarap, mas dinoble pa ni Jillian ang kanyang focus sa pagiging isang aktres dahil sobra raw siyang na-challenge.

 

“Nakakakaba po talaga dahil very challenging yung role. Kailangan ko rin po i-memorize ang maraming medical or technical terms.

 

“Mabilis po yung mga eksena kaya dapat tama yung pag-pronounce ko ng medical terms tapos kailangan sabayan mo ng tamang emotions at di ka mawala sa blocking.”

 

***

 

SUMALI sa 7th Pacifico Local Surfing Competition sa Siargao ang aktres at vlogger na si Andi Eigenmann.

 

Sa Instagram Story ni Andi, makikita ang photo niya na kuha ng Pabst Camingue Photography kunsaan may bitbit siyang surfboard.

 

Binalita rin ni Andi na nakapasok na siya sa second round na naturang competition at nagpasalamat siya sa kanyang fiancé, ang surfing champion na si Philmar Alipayo.

 

“Sooo happy! Thanks mahal,” caption pa niya.

 

Natupad na raw ang “surfing dreams” ni Andi sa pagsali niya sa naturang competition. Noong magsimula raw siyang mag-aral ng surfing, akala niya ay late na siya para matuto. Pero sa mga nagdaang taon, pagaling lang siya nang pagaling.

 

Sey pa niya: “Because it made me happy, and it made me feel ME.”

 

Kakabalik lang mula sa isang buwang bakasyon nila Andi at ng kanyang pamilya sa Europe.

 

***

 

MARAMING subscribers ng YouTube channel ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang hindi alam kung matatawa o maaawa ba sila sa natamong aksidente nito kamakailan.

 

Naganap ang aksidente habang nagbabakasyon sa isang mamahaling resort sa Batangas si Hipon kasama ang kanyang pamilya.

 

Sa naturang vlog, pinakita ng 2022 Binibining Pilipinas first runner-up ang kagandahang resort at ang bonding niya sa kanyang pamilya. Pinakita rin niya ang suot niyang bathing suit at ang ilang swimming pools at villas.

 

Noong nililibot na ni Hipon ang iba’t ibang kuwarto at pababa na siya sa first floor para subukan ang jacuzzi, bigla itong nadulas sa hagdan at mapahiyaw siya sa sakit ng paghulog niya. Mabilis naman na binigyan ng paunang lunas si Hipon sa mga natamo siyang gasgas sa braso.

 

Nagpatawa pa si Hipon na ang aksidente raw niya ay bunga ng katangahan.

 

In-assure naman ni Hipon sa mga ka-Squamy na okey siya at hindi siya nabalian ng anumang buto sa katawan. Hindi nga naman puwedeng mangyari iyon dahil magsisimula na ulit sa kanyang training si Hipon sa pag-compete niya sa 2022 Miss Planet International sa Uganda, East Africa.

 

(RUEL J. MENDOZA)

 

4 timbog sa buy bust sa Valenzuela, P212K shabu, nasabat

Posted on: September 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang mga naarestong suspek bilang sina Mamerto Canaveral alyas “Tor”, 55, Nestor Baltazar, 46, Ariel Duque, 42, pawang residente ng ng lungsod at Jerome Buenaventura, 28 ng Caloocan City.

 

 

Ayon kay Col. Destura, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa 6088 Balanti St. Brgy. Ugong matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagtutulak umano ng illegal na droga ni Canaveral.

 

 

Nagawang makipagtransaksyon ni PCpl Maverick Jake Perez na umakto bilang poseur-buyer ng P500 halaga ng shabu kay Canaveral at sa kasabwat umano nitong si Baltazar.

 

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba kasama sina Duque at Buenaventura na kapwa parokyano umano ni Canaveral.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 31.27 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P212,636, buy bust money, P1,200 recovered money, 2 cellphone at pouch.

 

 

Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabags sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Druga Act of 2002. (Richard Mesa)

Pagtatapos ng COVID-19 nakikita na, pero mga bansa dapat kumayod nang husto sa paglaban vs virus – WHO

Posted on: September 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN  ng World Health Organization (WHO) na maituturing na dramatiko ang pagbaba nang husto ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 cases sa maraming mga bansa.

 

 

Dahil dito nanawagan ang WHO sa buong mundo na samantalahin ang pagkakataong ito na wakasan na ang pandemya.

 

 

Kinumpirma ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na bumaba sa lowest level ang naitatalang mga tinatamaan ngayon ng COVID kumpara noong magsimula ang paglobo ng bilang ng Marso ng taong 2020.

 

 

Mula noon, milyong milyong katao na ang nasawi dahil sa deadly virus.

 

 

Sa pagtala ng World Health Organization umaabot na sa 6.4 million ang mga namatay na hindi pinaligtas ng COVID-19.

 

 

Sa WHO latest epidemiological report bumagsak umano sa 12 percent o nasa 4.2 million ang bilang ng mga nahawa sa virus noong September 4 kumpara sa mga nakaraang mga panahon.

 

 

Sa pagkakataong ito ayon sa WHO nakikita na raw nila ang dulo na maaring matapos na ang COVID pademic, pero hindi pa umano nakakarating doon ang mundo.

 

 

“We have never been in a better position to end the pandemic,” ani Dr. Ghebreyesus. “A marathon runner does not stop when the finish line comes into view. She runs harder, with all the energy she has left. So must we. We can see the finish line. We’re in a winning position. But now is the worst time to stop running.”

 

 

Kaya naman sinabi pa ng WHO chief, ang ganitong oportunidad ay dapat nang samantalahin nang paspasan ng mga bansa upang hindi bumalik sa dati na maraming COVID variants, marami ang namamatay at matindi ang mga disruptions sa buhay ng mga tao.

 

 

Sa kabila nito nagbabala pa rin ang top health agency na ‘wag maging kampante sa isyu sa pagbaba ng bilang ng mga kaso.

 

 

Marami kasing mga bansa ang bumaba na rin ang bilang sa pagsasagawa ng testing at hindi na natutukoy ang mga seryosong kaso.

 

 

Marami rin daw sa mga pangyayari sa mga pasyente na hindi na rin naire-report.

 

 

Kaugnay nito nananawagan ang WHO sa mga bansa na sundin pa rin ang kanilang mga recommendations.

 

 

Kabilang dito ang pagpapaibayo ng mga bansa sa pag-invest sa vaccination ng 100% sa mga most at-risk groups, kabilang na mga health workers at mga matatanda, at panatilihin din ang testing at ang sequencing sa mga virus.

187,000 pamilya mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program, naalis na sa listahan

Posted on: September 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT  ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umaabot na sa 187,000 pamilya na nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang naalis na.

 

 

Nagpaliwanag naman si DWSD spokesman Assistant Secretary Romel Lopez na ang naturang bilang ay maituturing na graduate na bilang “non-poor.”

 

 

Lumalabas din na ang ilan sa mga bata sa listahan ay graduated na o umabot na sa higit 18-anyos at boluntaryong nag-waive sa kanilang mga slots bilang mga benipisaryo.

 

 

Sa kabila nito ayon kay Asec. Lopez magpapatuloy pa rin ang evaluation sa 4Ps National Program Management Office (NPMO) ito ay sa gitna na rin ng direktiba ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na pabilisin ang paglilinis sa listahan ng 4Ps.

 

 

Inaasahan din na lahat na mga munisipyo at siyudad ay makapagsumite ng status ng living conditions sa mga assigned household-beneficiaries.

 

 

Target ng delisting sa mga beneficieries na graduated na ay sa buwan ng Oktubre.