Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
ABSENT at hindi dadalo si Vice President at Education chief Sara Duterte sa United Nations education summit na nakatakdang idaos sa susunod na linggo.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Kira Christianne Danganan-Azucena na ang tatayong kinatawan ng Pilipinas sa nasabing okasyon ay si DFA Secretary Enrique Manalo.
“We did receive confirmation from the Office of the Vice President that she will not be attending the education summit so, in her stead, Secretary Manalo will attend the summit,” anito.
Ang Transforming Education Summit (TES) ay idaraos sa New York sa Setyembre 19 sa panahon ng 77th UN General Assembly.
“It aims to elevate education to the top of the global political agenda and call for coordinated actions to reverse the slide on progress towards sustainable development goal 4, or ensuring quality education for all, as a result of the Covid-19 pandemic,” ayon sa ulat.
Bago pa ang summit, nagsilbi si Duterte bilang national convenor ng Pilipinas at pinangunahan ang TES consultations kung saan nagsama-sama ang mga stakeholders mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas upang pag-usapan ang mga pamamaraan para mapabilis ang progreso tungo sa pinagsama-samang layunin sa edukasyon. (Daris Jose)
BUNSOD nang patuloy na mababang bilang ng nagpapabakuna ng booster dose sa bansa, nirebisa ng gobyerno ang inisyal na target sa unang 100 araw ng termino ng Marcos adminsitration.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Ma. Rosario Vergeire, inisyal na target ng pamahalaan ay nasa 50% ng eligible population ang mabakunahan ng unang booster shots.
Ito ay katumbas ng 23 million indibdiwal subalit hanggang sa ngayon ay mababa pa rin ang porsyento ng nababakunahan ng unang booster dose sa bansa na nasa 24% pa lamang.
Kaya’t target ngayon na maabot ang 30% na maturukan ng unang booster pagsapit ng Oktubre 8 at unti-unti ay makamit ang 50% hanggang 70% na mabakunahan ng 1st booster shot sa katapusan ng taon.