• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 20th, 2022

VHONG NAVARRO, SUSUKO SA NBI

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANDANG sumuko  sa National Bureau of Investigation o NBI ang TV host na si Vhong Navarro.

 

 

Ito ay matapos maglabas ng kautusan ang Taguig Metropolitan court ng warrant of arrest laban sa actor comedian sa kasong acts of lasciviousness na isinampa noong 2014 ng model-stylist na si Deniece Cornejo.

 

 

Kinumpirma ng legal counsel nito na si Alma Mallongaang pagsuko ni Navarro.

 

 

Inirekomenda  ng korte na magbayad ng piyansa na P36,000.

 

 

Matatandaan na ibinasura ng DOJ ang lahat ng kasong isinampa laban kay Navarro dahil sa hindi pagkapare-pareho sa pahayag gayunman pinaboran naman ng Court of Appeals si Cornejo sa mga inihaing kasong rape at acts of lasciviousness. GENE ADSUARA

Pag-imprenta ng balota para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, uumpisahan na

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDA nang umpisahan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw, September 20  ang pag-imprenta ng official ballots para sa isasagawang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buwan ng Disyembre.

 

 

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, ang isang buwang schedule para sa printing job ay dapat na raw matapos sa October 20 kahit nakabinbin pa ang desisyon sa pagpapaliban ng halalan sa susunod na taon.

 

 

Maging ang pagbili daw ng mga kagamitan para sa halalan ay unti-unti na nilang naibibigay ang award at kapag ito ay nai-deliver na ay isa-isa na rin itong babayaran.

 

 

Una rito, sinabi ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na ang mga suplay na gagamitin sa halalan sa Disyembre ay hindi naman daw masasayang kahit na ipagpaliban pa ang halalan.

 

 

Paliwanag ng opisyal na puwede namang pansamtalang itago ng poll body ang mga materials at printed ballots at gamitin na lamang kapag tuloy na ang halalan.

 

 

Kung maalala, mayroong Senate bill na naglalayong ipagpaliban ang barangay at SK elections sa ikalawang Lunes sa buwan ng Disyembre sa susunod na taon.

 

 

Sa panig naman ng House of Representatives, aprubado na sa ikalawang pagbasa ang counterpart measure ng layong ipagpaliban ang halalan ng isang taon. (Daris Jose)

Marjorie, nagsalita na rin bilang pagsuporta kay Julia… CLAUDINE, nakiusap kay DENNIS na tumigil na at maawa sa mga bata

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSALITA na rin si Marjorie Barretto bilang pagbibigay siyempre ng lakas ng loob pa sa anak na si Julia Barretto.

 

 

 

Pagkatapos nga kasi nang naging interview ni Julia sa YouTube vlog ni Karen Davila, nagsunod-sunod na ang pagpo-post ng ama nito na si Dennis Padilla sa kanyang Instagram account. Marami itong sinabi at isa na rito ‘yung pagsasabi kay Julia na kalahati lang daw ng totoong kuwento ang alam nito.

 

 

 

Hindi na nag-post o sumagot si Julia na may konektado sa ama. Pero si Marjorie, bilang ina, ipinost niya ang picture ni Julia at saka nagbigay ng encouragement sa message niya.

 

 

 

Aniya, “Dearest Jul, I LOVE you with the kind of love that you can trust. Love that you can depend on, and the kind that will protect you and never betray you. Maybe you need to hear this today… I am so blessed to be able to call you my child.

 

 

 

“Here we go again, back in pur family bubble shutting off the noise outside. Only choosing to be grateful for the good things that is in front of us. Remember Jul, God is all knowing.”

 

 

 

Sa kabila na hindi pa rin masasabing super okay na ang relasyon ng magkakapatid na Barretto, nagbigay rin ng kanyang comment ang tiyahin ni Julia na si Claudine Barretto at diretsong nakiusap sa dati niyang bayaw na si Dennis na tumigil na raw ito.

 

 

 

Sey niya, “Kuya Tama na! Tumigil ka na pls! Sumusobra ka na! Maawa ka sa mga bata. pls stop!”

 

 

 

***

 

 

 

TRENDING ngayon ang latest video na ini-upload ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang Tiktok account.

 

 

 

Ang video kunsaan, inaayusan niya ng buhok ang anak na si Zia Dantes. Pero habang tinatali niya ang buhok ni Zia, pareho silang sumasayaw-sayaw.

 

 

 

Sa loob lang ng isang araw, umabot na agad ng 6.3 million views ang naturang video kunsaan, kitang-kita rin ang pagiging game at kakikayan ni Zia gaya ng kanyang ina. Ito rin ang most viewed video ni Marian since mag-open siya ng Tiktok.

 

 

 

Dahil ang song ay ang hit song ni Whitney Houston na “I Wanna Dance with Somebody” may mga comment ang netizens na aliw na aliw kay Zia at base sa mga ibang uploaded na kumakanta siya, “old soul” daw talaga ang anak nina Marian at Dingdong dahil tila mahilig ito sa mga old songs.

 

 

 

Siguro kung magsasama sa isang show o movie ang pamilya Dantes, wagas na maghi-hit ito.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Team Phlilippines matindi ang laban sa 2023 Southeast Asian Games

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DETERMINADO ang Cambodia na maging overall champion ng 32nd Southeast Asian Games na ka­nilang pamamahalaan sa susunod na taon.

 

 

Sa katunayan ay iniha­yag ang host country ang pag­lalatag ng 608-event, 49-sport sa bienial meet na idaraos sa Phnom Penh at Siem Reap sa Mayo 5-16 sa 2023.

 

 

Sinabi rin ng Cambodia na tanging sila lamang ang pu­wedeng magpasok ng 100 percent participation sa mga combat sports o mar­tial arts kasabay ng pag­limita sa 10 bansa sa 70 percent ng mga events.

 

 

Kaya kailangang umabante ang mga Pinoy athletes sa medal round para sa tsansa sa gintong medalya, ayon kay Philippine Olympic Com­mittee (POC) president Abraham “Bambol” To­lentino.

 

 

“That benefits the host best, while putting at risk our chances for the medals,” ani Tolentino.

 

 

Ginaya ng Cambodia ang ginawang patakaran ng Malaysia nang pangasi­wa­an ang 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur.

 

 

“Our athletes should fo­cus harder and train more to get to the podium,” dagdag ng POC chief.

 

 

Nauna na ring inalis ng Cambodia ang 50kg class sa women’s kumite ng ka­rate, ngunit nahikayat ng ibang miyembro ng SEA Games na huwag itong tanggalin.

 

 

Si Filipino-Japanese Junna Tsukii ang kasaluku­yang World Games champion at 2019 gold medalist sa nasabing event.

 

 

Isinama naman ng Cam­bodia ang dalawang in­di­genous sports na Kun Bo­kator, isang martial art na gina­gamit ng ancient Khmer military, at ang Ouk Chatrang, isang Khmer chess game.

 

 

May nakalatag na 21 at 6 gold medals sa nasabing mga events.

 

 

Matapos tanghaling overall champion nong 2019 edition ay tumapos ang Pilipinas sa fourth place noong 2021 na idina­os sa Vietnam.

 

 

Plano ng POC na magpadala ng batalyon ng mga atleta para mapalakas ang tsansa sa gold medal sa 2023 Cambodia SEA Games.

 

 

“We have time to analyze Ouk Chatrang and see if our athletes can perform well in the sport,” sabi ni Tolentino.

 

 

Naglatag ang Pilipinas ng pinakamaraming bilang ng sports sa 56 na may 530 events noong 2019 edition.

 

 

Sa 40 sports naman sa Vietnam noong 2021 edition ay mayroon itong 526 events.