• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 21st, 2022

Ads September 21, 2022

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PBA legend Chito Loyzaga napiling chef de mission ng 32nd SEA Games

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPILI  bilang maging chef de mission ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ang beteranong PBA player na si Chito Loyzaga.

 

 

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, na makakasama nito si sambo association Paolo Tancontian at canoe-kayak head coach at international technical official Leonora “Len” Escollante bilang magiging deputies ni Loyzaga para sa torneo na magsisimula sa Mayo 16 hanggang 23.

 

 

Sinabi nito na kaya nila napili ang nasabing mga opisyal ay dahil sa pagiging magandang paghawak nila ng kanilang kaniya-kaniyang national sports associations.

 

 

Si Loyzaga kasi ngayon ay siyang namumuno ng Philippine Amateur Basketball Association na naging chef de mission na rin ng Team Philippines noong 2010 Asian Beach Games.

PSC inihahanda na ang mga pasilidad para sa Team Philippines

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGAN  nang pag­handaan ng mga national athletes ang mga darating na international competitions kagaya ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia at ang 19th Asian Games sa China sa 2023.

 

 

Kaya naman gagawing 100% operational ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) at PhilSports Complex bilang mga main training venues ng national team.

 

 

“We are excited to see the national athletes back in training in these facilities,” wika kahapon ni PSC Chairman Noli Eala.

 

 

Ang mga pasilidad ng PSC sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz at Philsports Complex sa Pasig City ang gina­wang quarantine centers ng gobyerno sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic simula noong 2020.

 

 

Kasalukuyan nang ginagawa at inaayos ang Rizal Memorial Coliseum (RMC) at ang Ninoy Aquino Stadium (NAS) sa RMSC na ibinalik ng Armed Forces of the Philippines ang pamamahala sa PSC noong Hulyo 19.

 

 

Ginagamit na rin ng mga national athletes ang RMSC Baseball at Softball Field, Tennis Center, Swimming at Diving Pool, Wushu at Wrestling Gyms, Billiards at Judo Hall.

 

 

Tiniyak ni Eala na nasusunod pa rin ang health safety protocols sa nasabing mga pasilidad para sa kaligtasan ng mga national athletes at coaches.

Justin Brownlee sumalang sa unang araw ng ensayo ng Gilas Pilipinas para sa November

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUMALI  si PBA import Justin Brownlee sa unang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa kanilang November window ng FIBA World Cup Asian qualiifers sa buwan ng Nobyembre.

 

 

Ang nasabing pagdalo nito ilang linggo matapos na kinumpirma ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na inaayos na nito ang kaniyang mga dokumento para maging naturalized player.

 

 

Ilan din na manlalaro na naimbitahan sa ensayo ay si Angelo Kouame.

 

 

Kasama rin na sumabak sa ensayo ng Gilas ay sina Roger Pogoy, Calvin Oftana, Chris Newsome, Jamie Malonzo, Arvin Tolentino, Will Navarro , Francis Lopez at CJ Perez.

 

 

Makakaharap kasi ng Gilas ang Jordan sa November 10 habang ang Saudi Arabia naman sa November 13 na lahat ng mga ito ay gaganapin sa labas ng bansa.

Museum na makikita ang Leni-Kiko campaign memorabilia binuksan sa publiko

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN  ni dating Vice President at tumatayong Angat Buhay Chairperson Atty. Leni Robredo ang pagbububukas ng Museo ng Pag-Asa sa Quezon City.

 

 

Nakapaloob sa museum ang mga memorabilia sa kanyang 2022 campaign kasama ang running-mate na si dating senator Kiko Pangilinan.

 

 

Makikita rin sa loob ng museum, ang Angat Buhay office, nandoon din ang mga artworks tulad ng mga paintings, mga damit, isang donasyong bisikleta at motorsiklo na ibinigay ng mga supporters sa kasagsagan ng kampanya.

 

 

May video wall din itong mga clips sa malalaking campaign trallies sa iba’t ibang mga probinsiya.

 

 

Binigyang diin ni Robredo na mistulang pagbabalik tanaw o nostalgic ang feeling pero masaya naman daw.

 

 

Binigyang diin pa ng dating pangalawang pangulo na hindi naman malungkot ang loob ng museum kundi masaya kahit natalo.

PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa DOTr, LTO

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at  Land Transportation Office (LTO).

 

 

Sa katunayan, sa  Facebook post, araw ng Lunes,  inanunsyo ng DOTr  ang pagtatalaga kina  Horatio Enrico Bona bilang  LTO Executive Director; Leonel Cray De Velez bilang  DOTr Assistant Secretary for Planning and Project Development; Maria Paula Bautista Domingo bilang  Assistant Secretary for Administration and Procurement; at Mark Steven Pastor bilang Undersecretary for Road Transport and Infrastructure.

 

 

Itinalaga rin sina Jesus Nathaniel Martin Bermejo Gonzales bilang DOTr Assistant Secretary for Finance and Comptrollership; Ma. Marisa Malabag bilang  Director III for Comptrollership Service; Zenaida Biteng bilang  Director III for Procurement Management Service; at Joel Laguerta bilang Director III for Planning Service.

 

 

Ang mga  nasabing opisyal ay nanumpa na sa kanilang tungkulin araw ng Biyernes,  Setyembre 16 sa harap ni DOTr Secretary Jaime Bautista.