• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 29th, 2022

Mandatory SIM Registration Bill, pasado na sa Senado

Posted on: September 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 1310 o ang Mandatory SIM Registration Bill.

 

 

Sa botong 20 pabor at walang tutol ay nakalusot sa pinal na pagbasa sa plenaryo ng Senado ang panukala.

 

 

Binuhay at minadali ang pagpapatibay sa panukala upang mabigyang proteksyon ang publiko laban sa lumalalang text scams sa bansa.

 

 

Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng bagong bibilhin na SIM ay hindi muna activated at magagamit lang ito kapag inirehistro online gamit ang tunay na pangalan at valid identification card ng subscriber.

 

 

Ang mga active prepaid SIM naman ay bibigyan ng 180 araw para mairehistro at kung lumagpas dito ay otomatikong ide-deactivate ng telecommunications company.

 

 

Mahigpit namang inaatasan ang mga telcos na ingatan at gawing pribado ang lahat ng mga impormasyon ng parehong postpaid at prepaid subscribers maliban kung ito ay hingiin ng otoridad o ng korte dahil sa imbestigasyon sa kaso.

 

 

Mahaharap sa parusang kulong at multa ang mga hindi otorisadong maglalabas ng datos ng mga telco subscribers.

Halaga ng piso muli na namang sumadsad sa all-time record low versus sa dolyar

Posted on: September 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULI na namang naitala ang record breaking na paghina ng Philippine peso laban sa US dollar matapos na magsara ngayong araw sa P58.99.

 

 

Batay sa record ng Bankers Association of the Philippines (BAP) ito na ang ika-limang sunud-sunod na trading day na sumadsad ng husto ang piso.

 

 

Noong huling trading ng nakalipas na Biyernes ang isang dolyar ay katumbas ng P58.50.

 

 

Nitong nakalipas kasi na araw ng Lunes ay walang trading bunsod na kanselado ang mga tanggapan ng opisina dala ng pananalasa ng supertyphoon Karding.

 

 

Ilang mga analyst ang nakapanayam na rin ng Bombo Radyo at nagsabing hindi na sila masosorpresa kung bubulusok pa ang halaga ng piso ng hanggang sa P60 katumbas ng isang dolyar.

 

 

Sa kabila nito, pinayapa naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na walang dapat ipangamba dahil nakaantabay naman sila upang protektahan ang piso at inflation rate sa bansa.

 

 

Inaasahan din namang makakabawi umano ang piso bago magtapos ang taon dahil sa bubuhos pa ang mga US dollars na remittances mula sa mga overseas Filipinos.

 

 

Una nang inamin ng BSP na hindi malayong magtaas na naman sila ng interest rates kung patuloy na lalakas pa ang dolyar at makikialam pa ang Federal Reserve ng Amerika.

 

 

Narito pa ang nakalipas na closing rates:

September 20 = P57.48

September 21 = P58.00

September 22 = P58.49

September 23 = P58.50