• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2022

Pagbakuna sa mga batang 3-5 taon gulang vs COVID-19, pag-aralang maigi

Posted on: September 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng isang mambabatas ang gobyerno at Department of Health (DoH) na seryosong ikunsidera ang posibilidad na pagsama ng mga batang idad 3 hanggang 5 anyos sa vaccination program laban sa coronavirus disease-19 (COVID-19).

 

 

Ayon kay House Deputy Majority Leader Lorenz Defensor (Iloilo), sa kabila na mas mababa ang Covid infection rates sa nasabing age group ng mga bata kumpara sa nakakatanda ay mas madali silang kapitan ng infection at may mas mataas na tiyansang mahawa lalo na ngayong medyo maluwag na health protocols sa bansa.

 

 

 

“And with Malacañang’s recent order to allow voluntary wearing of face masks in non-crowded outdoor areas, our children need more protection from COVID-19. And I believe that their inclusion in the government’s vaccination program will better protect them against the disease,” pahayag ni Defensor.

 

 

Una nang nanawagan ang mambabatas kasabay nang paghahain niya ng House Resolution 270 nitong Agosto na nanghihikayat sa pamahalaan at DOH na isama ang mga batang 3-5 taon gulang sa vaccination program nito.

 

 

Sa panahon na iyon, nakapagtala ang gobyerno ng mahigit sa 3,900 bagong kaso ng covid19 kada araw na mas mataas ng 13% kumpara sa nakalipas na buwan.

 

 

Ngayong 2022 lamang, mayroong tatlong bagong COVID-19 sub-variants na naitala sa bansa na mas medaling makahawa kumpara sa unang COVID-19 variants, tulad ng Omicron, BA.5, BA 2.12.1 at BA.4.

 

 

Nitong Pebrero aniya ay sinimulan ng DOH ang “Resbakuna Kids” campaign, para sa pagpapatupad ng bakunahan sa mga batang idad 5 hanggang 11 anyos, na aprubado naman ng Food and Drug Administration.

 

 

Ngunit, ibinunyag nito na iniulat ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines na may 1,300 kaso ng COVID-19 infections sa mga batang 5 anyos pababa noong Marso.

 

 

“According to the World Health Organization, children under the age of 5 have a higher risk of other diseases with clinical presentations that overlap with COVID-19, such as pneumonia and other viral upper respiratory tract infections, which may lead to misclassification,” nakasaad sa resolution.

 

 

Sinabi ni Defensor na sa US ay pinayagan na ng FDA nila ang emergency use ng COVID vaccines tulad ng Moderna at Pfizer-BioNTech para sa mga indibidwal na 6 buwan hangang 17 taon gulang.

 

 

Bukod sa panawagan na isama ang mga bata sa COVID-19 vaccination, hinikayat din ni Defensor ang DOH na siguruhin na may sapat na suplay ng bakuna para sa lahat ng age groups.

 

 

“Be it finally resolved, to encourage the DOH to continue to secure stable supply of COVID-19 vaccines to ensure continuous implementation of vaccination programs to various age groups and vulnerable sectors nationwide and achieve its goal of reaching herd immunity in the country,” nakasaad pa sa resolusyon. (Daris Jose)

Boxing superstars superfight: Alvarez vs Golovkin kapwa pasok sa weigh-in

Posted on: September 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Tumimbang ng 167.8 pounds o bahagyang mabigat si Gennady “GGG” Golovkin habang mayroong 167.4 lbs. naman si Saul “Canelo” Alvarez para sa kanilang trilogy fight sa Las Vegas bukas, Setyembre 18.

 

 

Tiniyak ng 40-anyos na Kazakhstan boxer na hindi na niya palalampasin ang pagkakataon na talunin na ang Mexican superstar.

 

 

Sa unang paghaharap ng dalawa noong Setyembre 16, 2017 ay nagresulta sa split draw habang noong rematch sa Setyembre 2018 ay tinalo ni Alvarez si Golovkin sa pamamagitan ng majority decision.

 

 

Si Alvarez, 32, ay mayroong 57 panalo, dalawang talo, dalawang draw na mayroong 39 knockouts habang ang 40-anyos na si Golovkin ay mayroong 42 panalo, isang talo, isang draw at 37 KOs.

 

 

Sa weigh-in pa lamang kanina, jampacked na ang mga fans na bumuhos sa T-Mobile Arena kahit bukas pa ang 12 round championship fight.

 

 

Nakataya bukas ang mga korona ni Alvarez sa IBF, WBA, WBC at WBO super middleweight title.

 

 

Batay naman sa mga pustahan sa Caesars Sportsbook abanse si Alvarez bilang 5-1 favorite na mananalo umano sa kanyang ikatlong harapan kay GGG.

NAVOTAS GRADS MAY CASH INCENTIVE

Posted on: September 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ng tig-P1,500 na cash incentives mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang nasa 505 na mga mag-aaral ng Navotas Polytechnic College (NPC) na nagtapos ngayon taon.

 

 

“Sa lalong madaling panahon, karamihan sa inyo ay sasali sa libu-libong bagong graduate na naghahanap ng trabaho. Sana ay makuha nyo ang mga trabahong pinapangarap nyo at umunlad sa inyong napiling karera,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Pinaalalahanan din ni Tiangco ang mga nagsipagtapos na may mga programa ang lungsod kung magpasya silang magtayo ng sariling negosyo o matuto ng technical-vocational skills.

 

 

“Maaaring tumulong sa inyo ang ating NavotaAs Hanapbuhay Center kung kailangan nyo ng puhunan para sa inyong negosyo. Sa kabilang banda, ang ating NAVOTAAS Institute ay nag-aalok ng mga libreng kursong tech-voc upang matulungan kayong bumuo ng mga in-demand na kasanayan sa iba’t ibang industriya,” aniya.

 

 

Samantala, binati naman ni Cong. Toby Tiangco ang mga NPC graduates at pinaalalahanan na tuloy-tuloy na matuto ng iba-ibang kaalaman at kasanayan dahil magbubukas ito ng mas maraming oportunidad sa kanila.

 

 

Nagsimula ang Navotas sa magbigay ng cash incentives para sa mga nagtapos sa pampublikong paaralan ng lungsod mula noong 2019 sa bisa ng City Ordinance 2019-03.

 

 

Bukod sa mga NPC graduates, nakatanggap din ang elementary at senior high school completers ng P500 at P1,000, ayon sa pagkakasunod. (Richard Mesa)

Alex Eala hangad ding makapagbigay ng inspirasyon tulad ng boxing legend na si Pacquiao

Posted on: September 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Todo pasalamat pa rin ang teenage tennis sensation na si Alex Eala sa kanyang mga fans na nagpaabot ng papuri sa kanyang matapos ang makasaysayang panalo sa US Open junior crown.

 

 

Ang panalo ni Eala ay nagluklok sa kanya bilang first Filipina na makasungkit ng grand slam singles championship.

 

 

Aminado ang 17-anyos na tennis star na lumaki siya na iniidolo ang isang Manny Pacquiao.

 

 

Kaya naman gusto rin daw niya matulad sa boxing legend na nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan.

 

 

Sa ngayon target din naman ng US Open juniors champion na makapaglaro rin sa ilalim ng bandila ng Pilipinas 2024 Summer Olympics sa Paris.

Taas-pasahe sa jeep, bus at taxi aprub na ng LTFRB

Posted on: September 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon sa taas-pasahe sa Traditional Public ­Utility Jeepneys (TPUJs) at ­Modern Public Uti­lity Jeepneys (MPUJs) gayundin sa Public Uti­lity Buses (PUBs), Taxi at Transport Network Vehicle Service (TNVS) .

 

 

Sa pinalabas na desisyon ng LTFRB board, P1 provisional increase ang inaprubahan sa TPUJ at MPUJ sa unang apat na kilometro.

 

 

Dahil dito, ang minimum na pasahe sa TPUJ ay P12, habang ang MPUJ ay P14. May dag­dag na P0.30 sa kada succeeding kilometer para sa TPUJ habang dagdag na P0.40 para sa succeeding kilometer sa MPUJ.

 

 

Ang dagdag-pasahe sa succeeding km para sa TPUJ ay magiging P1.80 mula sa kasalukuyang P1.50, habang ang MPUJ ay P2.20 mula P1.80.

 

 

Sa pampasaherong bus ay naaprubahan ng board ang P2 uniformed base fare increase para sa city at provincial buses para sa unang 5 kilometro at ang succeeding km fare increase na P0.35 ay naging P0.50 depende sa uri ng bus.

 

 

Inaprubahan din ng LTFRB ang flagdown rate ng taxis at TNVS ng P5.00. Dahil dito ang magiging minimum fare sa Taxis at Sedan-type TNVS ay P45, habang ang AUV/SUV-type ay P55. Para sa mga hatchback-type TNVS, ang flagdown rate ay P35. Wala namang taas sa succeeding ­kilometers.

 

 

Patuloy pa ring ipaiiral ang pagkakaloob ng 20% discount para sa senior citizens, PWDs at estudyante.

 

 

Ang taas-pasahe ay epektibo sa Oktubre 1.

 

 

Ayon sa LTFRB, kinailangang aprubahan ang mga petisyon ng mga pampasaherong sasakyan para sa fare increase dulot na rin ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Ang ginawang aksyon ng LTFRB ay ikinonsulta din sa National Economic Development Authority (NEDA) at Department of Energy (DOE). (Daris Jose)

‘Red-tagging spree’ vs kabataan, katiwalian ibinabala sa P150-M DepEd confidential funds

Posted on: September 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINONDENA  ng isang human rights group ang kontrobersyal na P150 milyong confidential funds na mungkahing ibigay ng Department of Education — bagay na posibleng magamit pa raw sa katiwalian at paniniktik sa kabataan.

 

 

Bahagi lang ito nang mahigit P650 milyong proposed confidential funds sa ilalim ni Bise Presidente Sara Duterte sa 2023, na siyang nangunguna sa Office of the Vice President at DepEd. Aniya, nagamit na sana ito para mapakinabangan ng mga estudyante’t guro.

 

 

“Ni hindi man lang nagtanong ang mga kaalyado ng mga Duterte at Marcos kung saan gagastusin ang perang ito. This speaks of the committee’s lack of independence and the inability to act for public interest,” ani Roneo Clamor, Deputy Secretary General ng Karapatan, Biyernes.

 

 

“We also fear that these funds may just be some big money pot susceptible to corrupt practices and Duterte’s red-tagging spree of youth organizations and alternative learning institutions for indigenous children.”

 

 

Kamakailan lang nang aprubahan sa ilalim ng pitong minuto ng House appropriations panel ang P2.37-bilyong budget na hinihiling ng OVP, bagay na nababatikos ngayon.

 

 

Ang nabanggit, na nangyari raw sa ngalan ng courtesy, ay matatandaang ikinatuwa nang husto ni VP Duterte.

 

 

Nangyayari ang lahat ng ito kahit wala ni piso para sa confidential funds sa ilalim ng OVP at DepEd sa ilalim ng 2022 national budget.

 

 

Una nang sinabi ni Duterte na plano niya raw gamitin ang confidential funds ng DepEd para labanan ang mga problema ng estudyante gaya ng sexual grooming at abuse, maliban pa sa recruitment ng kabataan sa gawaing kriminal, pag-abuso ng droga ng kabataan, atbp.

 

 

“The Committee on Appropriations should be gravely reminded that what they are allocating is people’s money, not theirs to cater to their political ambitions. Their non-scrutiny of these questionable confidential funds is a clear sign of political patronage and lack of due diligence,” sabi pa ni Clamor.

 

 

“These millions should have been best given to students and teachers for books and other instructional materials, classrooms and educational facilities, and teachers’ salaries and benefits.”

 

 

Taong 2015 lang nang maglabas ang Commission on Audit ng guidelines para sa pagsilip ng confidential at intelligence funds, bagay na mahirap gawin dahil sa non-disclosing nature ng pondo.

 

 

Agosto lang nang maiulat na inihihirit din para sa Office of the President sa 2023 ang aabot sa P4.5 bilyong intelligence at confidential funds.  (Daris Jose)

Direk Dado, all praises sa mag-sweetheart: KIM, nag-interview ng bulag at nag-boxing si XIAN para sa balik-tambalan

Posted on: September 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAS mature ang roles na ginagampanan nina Kim Chiu at Xian Lim sa comeback movie nila titled ‘Always’ directed by Dado Lumibao.

 

Binahagi nina Kim and Xian ang kanilang excitement para sa reunion project na ito.

 

Nag-post si Xian sa kanyang Instagram account na may caption na, “I missed you {Kim Chiu}. After 8 years were back on the big screen.”

 

Nag-post din si Kim sa kanyang Instagram na may caption na “Finally. Missed sharing the screen with you (Xian Lim).

 

Kahit na madalas na tayong kiligin sa mga sweet posts sa kanilang  social media tungkol sa isa’t-isa, matagal na rin mula noong magkasama sng dalawa sa isang project.

 

Pero the long wait is over dahil ready na sina Kim at Xian na ibahagi ang one-of-a-kind story na gagawin at ibibigay ang lahat para sa pag-ibig.

 

All praises naman si Direk Dado sa professionalism nina Kim at Xian. At sa dedication na ipinamalas nila in portraying their respective roles.

 

Nag-training sa boksing si Xian nang malaman niya na tuloy na ang filming ng ‘Always’. Hindi rin siya nagpadobol sa mga fight scenes

 

Nag-interview naman ng isang blind woman si Kim to prepare for her role. Inobserbahan niya ito at inaral ang mga kilos at galaw.

 

Doon nga raw nakita ni Kim na kaya naman kumilos on their own ang mga bulag dahil mas matalas ang kanilang senses kumpara sa normal na tao.

 

Kaya nila  magbihis just like an ordinary person basta sabihin mo lang sa kanila nasaan and damit nila. Kaya rin nila maglagay ng make-up.

 

Lahat nang na-observe ni Kim ay nagamit niya in portraying her role.

 

Umaasa sina Kim at Xian na susuportahan ng kanilang mga fans ang kanilang comeback film when it opens in cinemas on September 28.

 

Ang ‘Always’ ay adaptation ng Korean movie of the same title. Ang script ay isinulat ni Mel Mendoza-del Rosario.

 

***

 

KAKAYANIN ba ng ALLTV na makipagsabayan sa programming ng GMA 7 at ABS-CBN?

 

Nagsimula na ang airing ng mga programa ng ALLTV noong Lunes, Setyembre 13.

 

Pero iilan pa lamang ang kanilang contract stars.

 

Wala naman daw balak ang AMBS na mamirata ng artista mula sa Kapamilya, Kapatid at Kapuso network.

 

Naniniwala sila na marami naman ibang artista na pwedeng mahikayat na lumipat sa AMBS na hindi under contract sa alin man sa ABS-CBN, TV 5 or GMA 7.

 

One thing na kailangan palakasin ng bagong network ay ang kanilang programming.

 

Kung maganda ang program lineup nila, hindi lang sila makakahikayat ng audience. Pwede rin sila maka-attract ng mga artista na willing mag-work sa kanila.

 

(RICKY CALDERON)

Comeback movie, inaasahang maghi-hit: XIAN, umaming nagkahiyaan sila ni KIM nang muling nagka-eksena after eight years

Posted on: September 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
MAY kutob kaming ang comeback movie ng real-life sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim ay maghi-hit kapag nagsimula na itong ipalabas sa mga sinehan simula sa September 28.

 

Ang VIVA Film’s movie nila “Always” ay isang Pinoy adaptation ng Korean hit movie noong 2011 na pinagbibidahan nina Han Hyo Joo at So Ji Sub.

 

Matagal silang hindi napanood na magkasama sa movie at bukod dito, ngayon lang din mapapanood sina Kim at Xian sa isang melo-drama genre. Ang “Always” ay hindi romcom kaya bago ito para sa kanila at the same time, sa mga fan nila.

 

Sabi nga ni Xian, “Ang tagal na rin kasi para sa amin ni Kim, seven to eight years na hindi kami nakagawa ng movie, nakakapanibago.”

 

Pag-amin pa niya, kahit na sila naman in-real-life at palaging magkasama, may konting hiyaan pa raw sila sa unang beses nilang magka-eksena.

 

“Sa totoo lang, iba kasi ang environment ng paggawa ng pelikula. Paano ba? May gano’n. Pero it’s such a joy ‘yung feeling na we’re working together again.”

 

Natuwa naman si Kim na first movie niya sa VIVA Films at napayagan siyang gumawa kasama si Xian.

 

 ***

 

IBANG klase ang actress na si Jean Garcia. 

Hindi pa tapos ang kanyang primetime series na “Lolong” pero heto at magsisimula na siyang mapanood sa GMA Afternoon Prime naman sa “Nakarehas na Puso.”

 

Si Jean ang bida sa teleseryeng ito kaya siya talaga ang literal na lagare sa mga proyekto sa GMA-7. 

At ano ang masasabi niya rito?

 

“Siguro nakita lang din po ng GMA… ako po kasi, pagdating sa trabaho, kinakalimutan ko lahat ng personal.  Kapag nasa taping ako, hangga’t maaari, iniiwasan ko na may dala-dala ako.

 

“Pagdating sa trabaho, hindi 100%, 101% po talaga ang commitment ko. Siguro po, nakikita ng GMA ‘yon,” sey niya.

 

At pasasalamat nga lang daw talaga ang meron siya sa Kapuso network. Lalo na sa “Nakarehas na Puso” na talagang ibang klase ang pagiging challenging ng role niya. 

 

“Ako naman po, very grateful na hanggang ngayon, kinukuha, nagtitiwala sila sa akin. Kaya yung ibinibigay nila sa akin, gusto ko pong maibalik sa kanila ng higit pa. Kaya kahit anong role ang ibigay nila sa akin, nasa puso ko na po ‘yan at tatapusin ko po ‘yan ng maayos.”

 

Sa September 26 na ang world premiere ng “Nakarehas na Puso” at kasama rin dito ang comebacking actress na si Michelle Aldana.  Gayundin sina Claire Castro, Vaness del Moral, Leandro Muñoz at EA Guzman.

 

(ROSE GARCIA)

6 heads of state, makakapulong ni PBBM sa US trip

Posted on: September 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malacanang na wala pang eksaktong bilang ng mga heads of state na makakadaupang palad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagtungo sa Estados Unidos.

 

 

Maliban kasi sa UN General Assembly, inaasahan din ang bilateral meetings ng mga dadalo sa event.

 

 

Pero sa hiwalay na pahayag ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, maaaring anim na lider ang makaharap ni Pangulong Marcos.

 

 

Ayon kay Romualdez, kabilang sa mga posibleng makausap ng ating presidente sina Japanese Prime Minister Fumio Kishida, Malaysian Prime Minister Ismail Sabri Yaakob, habang ang iba ay hindi muna nito tinukoy.

 

 

Inaasahang maglalabas ang Malacanang at Department of Foreign Affairs (DFA) ng pinal na listahan ng mga aktibidad ng pangulo sa mga susunod na araw.

(Daris Jose)

Willy, balitang sumama ang loob sa ‘di pagtanggap ng offer: HERLENE, magti-taping na ng first teleserye sa GMA after ng beauty pageant

Posted on: September 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG meron palang isa sa kinagigiliwang panoorin ang mga netizens sa reality game show na “Running Man Philippines” kina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Buboy Villar, si Buboy iyon.

 

 

Sabi ng isang netizen, “paborito ko siyang agent among the seven, sa kabila kasi ng height niya, wala siyang inuurungan, basta siya maka-deliver, okey lang sa kanya.”

 

 

“Si Buboy kasi, nasanay nang tanggapin kahit anong pagsubok sa buhay, simula pa noong bago pa lamang siya nagsisimula sa showbiz.”

 

 

“At ang gusto ko kay Buboy, marunong siyang magpasalamat at hindi niya nakakalimutan ang mga taong tumutulong sa kanya.”

 

 

At kung meron palang isang taong labis niyang pinasasalamatan, si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera iyon, na nagsimula pa nang una silang nagkasama sa “Dyesebel.”

 

 

“Kung hindi po dahil sa kanya at kay Direk Joyce Bernal, sa pagtitiwala nila sa akin, hindi po mabubuo itong si Buboy,” sabi ni Buboy.

 

 

“Kaya thank you Ate Yan, sobrang laki ng tulong at part mo sa buhay ko, kasi ikaw yung naging ate ko noon.  Lalo na ngayon, magkumare pa kami, ninang siya ng pangnay kong si Vlanz.

 

 

“From mag-ate to mag-kumare, na kami ngayon.  Hindi ko malilimutan na basta may project siya, niri-request niya akong makasama.  Kaya nagkasama rin kami sa “Amaya” at “Super Inday.”

 

 

Hindi rin ikinaila ni Buboy na nagsimula siya as a “mangangalakal” para may pang-bigas.

 

 

“Lahat ng ginagawa ko, pangkain para sa pamilya ko. Iyon ang naging gasoline ko para maka-move forward kung ano po ang pwede kong gawin para sa pamilya ko.”

 

 

Kaya naman hindi siya nawawalan ng project sa GMA, wala kasi siyang tinatanggihang roles, kahit ano, gagawin niya.

 

 

Kaya for Buboy, God bless you and your children!

 

 

***

 

 

MAY mga nagtaka kay Herlene Budol at may mga nagalit din sa kanya at sinabihan pa siyang wala utang na loob kay Willie Revillame, nang hindi niya tinanggap ang offer na maging isa sa talents ng AllTV ng mga Villar.

 

 

May nagsabi pang nagtampo raw si Willie, nang tumanggi si Herlene.  Pero may mga nauna na palang commitments si Herlene. Isa rito ang patuloy niyang pagsali sa mga beauty pageants, at paalis na rin siya para sa isa pang beauty pageant, na nangako siyang magsasama ng interpreter dahil sa Tagalog siya sasagot, hindi siya marunong mag-English.

 

 

Nauna nang tinanggap ni Herlene ang offer ng GMA Network na gumawa ng isang teleserye.  Noon pa naman kasi, ay talagang sa GMA-7 na gumagawa ng shows si Herlene, at nagbida nga siya sa life story niya sa “Magpakailanman” ni Mel Tiangco.

 

 

Kaya malamang pagbalik ni Herlene from the beauty pageant, sisimulan na niyang mag-taping ng kanyang first teleserye sa GMA.

 

 

***

 

STILL on AllTV, sa January 2023 pa pala magpu-full-blast ang AMBS ni Manny Villar. 

 

 

Inamin nilang mahirap ang nagsisimula, lalo ngayong nakapag-soft opening na sila last September 13, nakita nilang mas marami pa silang dapat pag-aralan at ayusin.

 

 

Naghahanap pa rin sila ng mga bagong artistang magsisiganap sa gagawin nilang mga drama series.  Pero inamin nilang marami nang dating tauhan ng ABS-CBN ang nabigyan nila ngayon ng trabaho.

 

 

Sa ngayon, bibili muna sila ng mga dating produksyon ng ABS-CBN, in fact, may mga naka-schedule na silang magpalabas ng mga lumang teleserye araw-araw, as per releases nila noong September 13, na nagbukas na sila ng kanilang network.

(NORA V. CALDERON)