• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2022

Lingguhang positivity rate sa National Capital Region patuloy sa pagtaas

Posted on: September 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY  umano sa pagtaas ang bilang ng bagong Covid-19 cases sa Metro Manila ito ay makaraang iulat ng Department of Health ang umaabot sa 1,600 na bagong infections nitong nakalipas na araw na mas mataas noong kasagsagan ng peak noong August 7.

 

 

 

Tinukoy pa ng independent OCTA Research Group sa kanilang latest monitoring na ang one-week Covid-19 growth rate sa Metro Manila ay tumaas din ng 25 percent na halos madoble ang one-week growth rate na 13 percent noong Sept. 18.

 

 

 

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guid ang reproduction number sa NCR na siyang average number ng secondary infections mula sa isang infected individual ay tumaas din mula 1.21 noong Sept. 15, hanggang 1.30 noong Sept. 22.

 

 

 

Binigyang diin pa ng eksperto na nalampasan na ngayon ang seven-day positivity rate

 

 

 

Sa kabila nito ang healthcare utilization para sa Covid cases sa Metro Manila ay nananatili din naman sa “low” o nasa 36 percent.

Ads September 28, 2022

Posted on: September 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BULAKENYO FALLEN HEROES

Posted on: September 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Binisita nina Gobernador Daniel R. Fernando, Bise Gob. Alexis C. Castro, Punong Bayan ng San Miguel Roderick D. Tiongson, at Special Assistant to the Governor Michael Angelo Lobrin sa Glory to God Funeral Services sa San Miguel, Bulacan ngayong araw ang mga labi ng limang Bulakenyong rescuer na nagbuwis ng kanilang buhay habang gumaganap sa tungkulin. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PBBM, Cabinet, tinalakay ang pag-upgrade sa workforce skills sa Pinas

Posted on: September 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINALAKAY nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at miyembro ng kanyang gabinete ang ilang inisyatiba na mag-upgrade sa worforce skills sa Pilipinas

 

 

Ang pag-upgrade sa kasanayan ng mga manggagawang Filipino ay bahagi ng agenda ng ninth Cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong  Marcos sa Malacañan Palace, Martes ng umaga.

 

 

Sa press briefing, sinabi ni  Press Secretary Trixie Cruz-Angeles  na “developing the competitiveness of the country’s workforce will help the Marcos administration fulfill its goal of transforming the Philippine economy.”

 

 

Nag-prisenta naman ani Cruz-Angeles ang  Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Commission on Higher Education (CHED) ng ilang reporma na magpapalakas sa  human capital development.

 

 

“Ang DOLE naman, at TESDA, at CHED ay nag-discuss ng pag-upgrade ng skills of the Filipino workforce. Bahagi ito doon sa economic transformation program ng ating Pangulo,” wika ni Cruz-Angeles.

 

 

“Kasama po doon ‘yung educational aspect at isa po ito doon sa aspeto na ‘yun. So, both vocational skills training and expanding the skills of our workforce are part of the economic transformation of the President,”  dagdag na pahayag ni Cruz-Angeles. (Daris Jose)

Pacquiao- Mayweather malabo na!

Posted on: September 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG  balak si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. na muling makasagupa si eight-division world champion Manny Pacquiao sa isang laban.

 

 

Kahit pa exhibition match, hindi ito papatusin ni Mayweather.

 

 

Ito ang mariing iniha­yag ng American fighter matapos ang kanyang exhibition match kay Japanese mixed martial arts fighter Mikuru Asakura sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan.

 

 

Iginiit ni Mayweather na tapos na ang misyon nito sa professional bo­xing fight.

 

 

At wala na itong plano pang bumalik sa pro boxing upang maproteksiyunan ang kanyang katawan.

 

 

“I retired from the sport, I didn’t let the sport retire me. I’m not going to get in there – no former fighters, former world champions putting any more abuse on my body,” ani Mayweather.

 

 

Ginagawa na lamang ni Mayweather ang exhibition matches para mag-enjoy at mapasaya ang mga tagahanga nito.

 

 

“I retired for a reason. I’m here to have fun, enjoy myself, sometimes three rounds, and sometimes eight rounds with guys that’s going to help me entertain the people. I’m not going to take punishment to the point where I can barely walk and barely talk,” dagdag ni Mayweather.

 

 

Parehong retirado na sina Mayweather at Pacquiao.

 

 

Ngunit nilinaw ni Mayweather na magkaiba ang estado nila ni Pacquiao.

 

 

“Manny had a great career but boxing retired Manny, Manny didn’t retire from boxing. There’s a difference,” ani Mayweather.

 

 

Hangad ni Maywea­ther na maipagpatuloy ang kanyang buhay base sa kanyang desisyon gaya ng pagtanggap sa mga exhibition matches.

 

 

Naitala ni Mayweather ang second round knockout win kay Asakura noong Linggo ng gabi kung saan personal na nanood si Pacquiao sa laban.

 

 

Nakatakda ring sumalang sa isang exhibition match si Pacquiao kontra naman kay South K­orean mixed martial artist at Youtuber DK Yoo sa Dis­yembre.

 

 

Idaraos ito sa Seoul, South Korea.

Ads September 27, 2022

Posted on: September 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ads September 26, 2022

Posted on: September 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ads September 24, 2022

Posted on: September 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pagpapaliban ng Brgy., SK polls lusot sa 2nd reading ng Senado

Posted on: September 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUSOT na sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill 1306 na nagpapaliban ng isang taon sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

 

 

Dalawa lamang sa mga senador ang bumoto ng No sa panukala na sina Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros.

 

 

Matapos ang ‘period of interpellation’ ay hindi na sumalang sa committee amendments ang panukala dahil ito naman ay substitute bill at agad ding dumiretso sa individual amendments.

 

 

Isang amendment ni Sen. Alan Peter Cayetano ang ipinasok ni Sen. Imee Marcos kung saan ipinadaragdag ang phrase na ang mga indibidwal na eligible na kandidato para sana sa December 5, 2022 Barangay at SK elections ay pinatitiyak na qualified pa rin sa halalang pambarangay at SK sa December 2023.

 

 

Hindi naman tinanggap ni Marcos ang pahabol na individual amendment ni Hontiveros na sa halip na December 2023 ay sa May 2023 idaos ang BSKE dahil naisara na ang botohan sa 2nd reading.

 

 

Sa ilalim ng panukala ay isasagawa ang Barangay at SK Elections sa ikalawang Lunes ng December 2023 at ang panunungkulan sa mga nahalal sa petsang ito ay magsisimula sa January 1, 2024.

 

 

Ang susunod naman na halalan para sa Barangay at SK ay gaganapin na sa ikalawang Lunes ng Mayo 2026, at mula sa petsa na ito ay idaraos na ang eleksyon tuwing ikatlong taon.

 

 

Ang mga maluluklok sa May 2026 ay mag-uumpisa naman ang panunungkulan sa June 30, 2026.

 

 

Base sa rules ng Senado, dahil pasado na sa ikalawang pagbasa kaya sa susunod na linggo ay maaaring maaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukala. (Daris Jose)

Ads September 23, 2022

Posted on: September 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments