• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2022

50K pupil sa Grade 1-3 sa NCR, hirap magbasa- DepEd

Posted on: September 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa 50,000 estudyante mula Grade 1 hanggang 3 sa National Capital Region (NCR ) ang hirap makabasa, base sa isang assessment na isinagawa ng Department of Education sa rehiyon.

 

 

Base sa survey na iprinisinta kahapon ng DepEd-NCR, sa higit 384,000 learners mula Grade 1 hanggang 3 na dumaan sa comprehensive rapid literacy assessment bago simulan ang kasalukuyang school year, lumabas na may 49,636 learners na maituturing na “total full refresher.”

 

 

“So lahat ng ating mga eskwelahan ay patuloy na hinahanap iyong mga non-nume­rates, non-literates,” ani DepEd-NCR Director Wilfredo Cabral.

 

 

Dahil dito ay naglatag na ng learning recovery at continuity plan ang mga paaralan.

 

 

Binanggit pa ni Cabral na may sinusunod din umano silang balangkas na ‘LOG IN Plus’, na kumakatawan sa loss, gaps and gains in basic education, kasama ang good practices noong kasagsagan ng purong distance learning.

 

 

Tiniyak din ng DepEd-NCR na handa sila sa mandatong full in-person classes pagsapit ng Nobyembre, sa harap ng mga kakulangan sa classroom.

 

 

“So some of those schools will be finishing or will be completed by November, but beyond probably deadline of November 2. But, just the same, within the year, all of us can go to full in-person classes,” aniya.

 

 

Sa darating na Nobyembre 2 ay inaasahang babalik na sa full in person classes ang lahat ng paaralan upang matugunan din ang learning gaps bunsod ng 2 taong remote learning dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Magugunitang nauna nang sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na prayoridad din ng K-12 program review ang foundational at functionaly literacy. (Daris Jose)

Ads September 22, 2022

Posted on: September 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nagkakamabutihan na ba ang mga Kapuso stars?: BUBOY, nagba-blush at natataranta ‘pag natatanong si FAITH

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAKAMABUTIHAN na ba sina Buboy Villar at Faith da Silva?

 

 

Ito ang tanong na nagpa-blush kay Buboy at parang nataranta siyang naghanap ng isasagot tungkol sa kanilang ni Faith.

 

 

Ayon kay Buboy, naging close daw sila ni Faith dahil sa pagsama nila sa musical-comedy segment ng All-Out Sundays. Minsan daw niyang inaya itong lumabas pero hindi raw magtugma ang schedules nila. Hanggang sa lumipad na for South Korea si Buboy for Running Man Philippines, hindi na natuloy ang date nila ni Faith.

 

 

Noong makabalik na si Buboy pagkaraang ng dalawang buwan, sinorpresa siya ng mga taga-TBATS (The Boobay and Tekla Show) ng isang video message mula kay Faith.

 

 

“Hi Buboy. It’s me Faith Da Silva. Hindi ko alam kung na-miss mo ako pero ako… Gusto ko lang mag-congratulate sa’yo sa napaka-exciting na Running Man Philippines.

 

 

“Excited ako na mapanood ‘yon and I’m just here to support you and miss ko na to hang out with you at makasama ka sa trabaho. But now that I’m still here in lock-in, chat chat na lang muna. Welcome back to TBATS!” sey ni Faith sa video na ikinakilig ni Buboy.

 

 

Matatawag ni Buboy na single siya dahil naghiwalay na sila ng live-in partner niya at ina ng dalawang anak niyang si Angillyn Gorens noong October 2020. Pero magkaibigan pa rin sila at co-parenting ang arrangement nila sa mga anak nilang sina Vlaz Karollyn at George Michael.

 

 

Sa US na naka-base si Angillyn at na-petition na niya ang dalawang anak nila ni Buboy na maging US citizen.

 

 

***

 

 

BIGLANG naging leading man sa teleserye na Nakarehas Na Puso ang dating sexy actor na si Leandro Baldemor at pag-aagawan pa siya nila Jean Garcia at Michelle Aldana.

 

 

Pinaghandaan nga raw ni Leandro ang role niya at panay biro sa kanya ng dalawang leading ladies niya na panay diet at workout nito sa kanilang lock-in taping.

 

 

Biro ni Leandro, may nabudol daw siya sa production kaya ginawa niyang leading man.

 

 

“May nabudol yata tayo kaya ginawa akong leading man nila Jean at Michelle. Nagpapasalamat ako sa GMA kasi malaking role ito na pinagkatiwala nila sa akin.

 

 

“Since 2010, gumawa na ako ng teleserye with GMA at lahat ay supporting roles. Masaya na ako sa gano’n, eh. Pero noong sabihing ako ang leading man dito, sabi ko, ‘Teka, iba ito. May nabudol din tayo!'” sabay tawa pa niya.

 

 

Nagpapasalamat din ang aktor kina Jean at Michelle dahil napagaan daw ng mga ito ang kanyang pagsabak sa mga drama scenes nila.

 

 

“Ngayon ko lang kasi sila nakatrabaho. Noon kasi napapanood ko lang sila sa mga pelikula. Kinabahan din ako kasi ang galing nilang umarte pareho, pero malaki ang tulong nila para mapaganda ko ang performance ko sa mga eksena namin,” diin pa ni Leandro.

 

 

Kahit nga raw may sariling wood carving business sa Paete, Laguna si Leandro, hinding-hindi raw niya iiwan ang showbiz dahil sobra raw niyang minahal ang propesyon na ito simula noong ma-discover siya ng Seiko Films noong 1998.

 

 

Ordinaryong college student lang daw siya noon nang may lumapit sa kanya para gawin siyang artista. Pagkaraan ng sampung araw ay nagsu-shooting na raw siya para sa unang pelikula niya na Patikim Ng Pinya kasama si Rosanna Roces.

 

 

Ang iba pang sexy films na ginawa ni Leandro ay Sariwa, Tukso Layuan Mo Ako, Pisil, Pedrong Palad, Katawan, Burlesk Queen Ngayon, Ikapitong Gloria, Virgin Wife, Eskandalo, Huwag Kang Kikibo, Bedtime Stories, Ligaya Pantasya Ng Bayan at Balat Sibuyas.

 

 

Noong hindi na uso ang paggawa ng sexy films, naging entertainer sa Japan si Leandro ng ilang taon. Noong bumalik siya sa Pilipinas, sinubukan niyang pasukin ang politics sa pagtakbo bilang board member ng 4th District ng Laguna. Pero hindi sinuwerte si Leandro kaya bumalik siya sa pag-arte.

 

 

Ilan sa mga teleserye na nilabasan ni Leandro ay ang Marimar, Rosalka, Importal, Munting Heredera, Isang Dakot Na Luha, Indio, Mundo Mo’y Akin, Innamorata, My BFF, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Encantadia, Impostora, Contessa, Cain at Abel, The Gift at Las Hermanas.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

‘Kailangan kayo ng bansa’

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magagaling na scientists, engineers at technical experts na bumalik sa bansa upang maibalik ang ga­ling ng Pilipinas.

 

 

Sa talumpati ng Pa­ngulo sa harap ng Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center sa New Jersey, USA hinikayat niya ang mga matatalinong Filipino scientists na bumalik sa bansa sa ilalim ng Balik Scientist Program of the Department of Science and Technology.

 

 

Idinagdag ng Pangulo na dapat mabaliktad ang ‘brain drain’ at tumulong ang mga magagaling na Filipino para mamayagpag ang bansa.

 

 

Hinikayat din ng Pa­ngulo ang mga guro, mga doktor, nurses at iba pang professionals na ibahagi sa kanilang mga kababayan ang natutunan sa Amerika.

 

 

Habang ang mga Pilipino na nasa labas sa bansa ay hinikayat niya na dalhin sa Pilipinas ang kanilang mga kaibigan upang mapalakas ang turismo.

 

 

Ipinakita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahigpit na samahan ng US at Pilipinas.

 

 

Samantala, sa pagharap ng Pangulo sa New York Stock Exchange (NYSE) Business Forum, nitong madaling araw ng Martes oras sa Pilipinas, na hindi niya lubos maisip kung ano na ang magiging kahihinatnan ng Pilipinas kapag wala sa tabi nito ang US.

 

 

Maraming mga kumpanya na mula sa US ang siyang nagbigay malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

Nasa US ngayon ang pangulo para sa pagdalo nito sa 77th United Nations General Assembly (UNGA) kung saan umaasa siya na makausap ng personal si US President Joe Biden. (Daris Jose)

Functions ng bagong tatag na presidential chief of staff, inilatag ng Malacanang

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INISA-ISA ng Office of the Press Secretary ang mga tungkulin ng bagong tatag na Office of the Presidential Chief of Staff (OPCOSS), kung saan itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Victor Rodriguez, matapos nitong magbitiw bilang executive secretary nitong weekend.

 

 

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang presidential chief of staff ay direktang mapasasailalim sa supervision ng presidente.

 

Pero, binigyang diin ni Angeles na ang draft special order na humihiling ng dagdag na functions ng presidential chief of staff ay ibinasura ni Pangulong Marcos base na rin sa rekomendasyon ng kaniyang Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

 

 

Ayon kay Angeles, nakasaad sa administrative order number 1 na ang Office of the Presidential Chief of Staff ay may pangunahing tungkulin na pangasiwaan at tiyakin ang mahusay at tuloy-tuloy na pang-araw-araw na operational support sa pampanguluhang pwesto upang makatutok ang presidente sa strategic national concerns.

 

 

Sinabi pa ni Angeles, ang administrative order na lumilikha sa presidential chief of staff ay may katulad na ranggo ng cabinet secretary.

 

 

Batay din aniya sa administrative order, ang presidential chief of staff ay tutulungan ng isang senior deputy chief of staff na may ranggong secretary at dalawang deputy chiefs of staff na may ranggong undersecretary, assistant secretaries, at ilang directorial at iba pang administrative staff kung kinakailangan.

 

 

Ang immediate staff ng presidential chief of staff ay huhugutin mula sa una nang binuwag na mga ahensiya tulad ng Office of the Cabinet Secretary at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

 

 

Sa kabuuan ang nasabing tanggapan ay magsisilbing coordination mechanism ng Office of the President.

 

 

Ito ang mangangasiwa sa security monitoring na responsible sa pagbibigay ng regular na situation reports sa presidente sa real-time basis.

 

 

Ayon pa kay Angeles, ang naturang opisina ay magsu-supervise at mahigpit na makikipag-ugnayan sa Presidential Management Staff bilang pangunahing government agency na direktang responsable sa pagbibigay ng mahahalagang staff assistance sa presidential exercise ng over all management ng development process.

 

 

Makikipag-ugnayan din aniya ang presidential chief of staff sa presidential advisers and assistants na ang trabaho ay isusumite sa pangulo sa pamamagitan ng bagong ahensya at copy furnished ng executive secretary.

 

 

Una na ring sinabi ni Angeles na dahil nagbitiw na si Atty. Rodriguez bilang executive secretary, bakante pa ito ngayon, bagaman may mga pangalan na aniyang ikinokonsidera sa pwesto, pero sumasailalim pa sa vetting process ng Office of the President.

Lucena City’s Pride: Reuben Nepthaly Romulo Bags ‘1st PAC F2F Aquascaping’ Championship

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PROVINCIAL Champion REUBEN NEPTHALY ROMULO from Lucena City, Quezon proclaimed as the Grand Champion of the ‘1st PAC (Philippine Aquascaping Club) Face to Face Aquascaping Competition’. 

 

 

The awarding ceremony held at Vista Mall Sta. Rosa last September 18, 2022.

 

 

His magnificent masterpiece titled ‘Erosion’ eroded and defeated 16 equally beautiful and impressive aquascape from the different places in the country.

 

 

Before this enormous victory, Lucena City’s pride was ajudged as the Provincial Champion at ‘Tagultol Fishing Festival Aquascaping Competition’ last August 1, 2022 held in Atimonan, Quezon.

 

 

Byron Olavere‘s ‘Glimpsed’ took the second place while ‘Seize Oasis’ by Ira Sabanal takes the third place.

 

 

Top 3 received cash prize, certificate, items or products from sponsors and a big shiny trophy.

 

 

To complete the Top 5 winners, in 4th place, ‘Takeover’ by Khristoffer Alcaraz and Miguel Mercolita‘s ‘Windswept’ in 5th place.

 

 

PAC, thanks everyone for sharing their excellent works and the joy of aquascaping. Hoping to see more Aquascapers and join again in 2023 competition.

 

 

Congratulations to the winners and finalists.

Pamana ng ‘BCWMH’ at itinuturing na panganay na anak: ICE, may new entries sa okrayan nila ng nanay-nanayan na si SYLVIA

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKA-TAKE 15 si Sylvia Sanchez bago nabuo ang kanyang birthday message para sa itinuturing na panganay na anak na si Ice Seguerra na nagsi-celebrate din ng kanyang 35th anniversary sa showbiz industry.

 

Ipinalabas nga ang bahagi nito sa celebration ng pop icon last Saturday sa Eat Bulaga.

 

Pahayag ni Ibyang, “masaya ako doon sa ginawa natin a month ago, na kumain tayong dalawa sa may Retiro, simple lang, pero napakasaya ko.

 

“Napakasaya ko rin na pinapanood kita na kasama kitang mamimigay ng pagkain hanggang madaling araw sa District 1, ang ang saya-saya mo, totoo talaga ‘yun kaligayahan mo.

 

“At yun ang gusto ko at pangarap ko sa yo. Alam ko na masaya ka ngayon with Liza (Dino) at sa pamilya mo. Yun ang gusto kong mag-stay sa buhay mo.

 

“Alam kong marami ka pang pangarap at gusto kong makamit mo ‘yun. Alam mo kung bakit, kung ano ang sandata mo, ay ‘yung kabutihan ng puso mo. Walang mintis, dahil sigurado akong maabot ‘yun lahat ng pangarap mo.”

 

Sabi pa ng nanay-nanayan ni Ice, “lagi mong tatandaan na, anytime, kahit anong oras, tulog man kami ng Ninong Art mo, isang katok mo sa bahay o isang tawag, nandito kami palagi para sa ‘yo.

 

“Nagpapasalamat din ako ‘nak sa ‘Be Careful With My Heart’, hinding-hindi ko makalilimutan ‘yun sa tanang buhay ko, dahil ang show na ‘yun ang naging dahilan kaya nandito ka ngayon sa buhay ko at nandyan ako sa buhay mo.
“Ikaw ang pamana sa akin ng ‘BCWMY’ kaya thank you talaga sa show.

 

“At bilang nanay mo, hindi man lang kita nilabas dito (sa matris ko), alam mo na dito sa puso ko, ikaw ang panganay kong anak. At mahal na mahal kita Aiza o Ice Seguerra, kahit sino ka pa, sobra kitang mahal at ng buong pamilya.”
Pahabol pa ng Pambansang Nanay, “pero pakiusap ko lang sa yo, everytime na pupunta ka sa bahay at nakakatulog ako sa ganda ng boses mo, kahit kinukunan mo ako at winawalanghiya, wala naman akong magagawa, basta make sure na, kailangan maganda si nanay pag natutulog at hindi nakanganga, or else dahil lagot ka sa akin pag pinost mo ‘yun ok.

 

“Nak, I love you so much, deserver mo na maging masaya, I love you batang may magandang puso.”

 

At noon ngang mismong birthday ni Ice last Saturday, may IG post si Sylvia ng nakakatawang pa-sexy photos ni Ice na naka-chest binder. Nakaresbak na nga siya kay Ice na may caption na, “Bwahahahaha akala mo ha! Sexyyyy!!! woot.. wootttt!

 

“Basta Happy Birthday nak hahahaha. Love you @iceseguerra. Asawa mo @lizadino isali ko sa Mr. Universe ito hahahaha!”

 

 

Na agad naman sinagot ni Ice sa kanyang IG post na kung saan may pinost na naman siya nang sleeping photo ni Ibyang, na this time, ay nakanganga na.

 

“Nakakabighani ka talaga kapag tulog, Nay. Salamat sa birthday greeting mong napakasweet. Laaaaabyu!!!!,” caption ng singer/director na magkakaroon ng first major concert after a decade, ang ‘Becoming Ice’ ngayong October 15 sa The Theater at Solaire na produce ng Fire and Ice Media Prod. Inc. at Nathan Studios.

 

“PS, Thanks for the photo @ataydegela you da best!!!”

 

Hindi naman ito ikinatuwa ng premyadong aktres, kaya buwelta niya, “G*go ka talaga eh!! Hintay lang sa ganti nak!!!”

 

 

“Tarant*do ka talaga Íce Diño Seguerra nak eh, may kakutsaba ka pa dito sa bahay ha.

 

 

“Gela Atayde wag ka ng pumasok sa kwarto ko ha! That’s an order!!! Humanda kyong dalawa, akala niyo natatakot ako sa inyo ha. Hintay lang!!!

 

 

“Wala ng happy happy birthday giyera na to!!! Nanay versus dalawang anak!!!!”

 

 

Last Monday, nagbigay ng birthday treat si Sylvia kay Ice, kasama ang ibang pang friends at may bagong entry naman ang sweetheart ni Liza…

 

 

“Salamat sa birthday treat, nay @sylviasanchez_a 🙂 you da best!

 

 

“Masaya akong gising ka sa picture na to. #nayandkute.”

 

 

Sagot naman ng aktres, “G*ago ka talaga! ang pangit ko diyan oh! Sinasadya mo talagang akong pangit @iceseguerra. Ayusin mo pinpopost mo s akin.”

 

 

Hirit pa ni Ice, “ganda mo kaya!”

 

 

So, naging IG series na itong nakaaaliw na okrayan ng mag-ina na sinusubaybayan ng mga netizens at followers nila. For sure, gaganti na naman si Sylvia, kaya humanda ka Ice sa mga bala niya at bagong pasabog.

(ROHN ROMULO)

Pamahalaan walang balak gawing pribado ang NAIA

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Walang balak muna ang Marcos administrasyon na ibenta o maging pribado ang pamamahala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahit na may ginagawa at tinatayong tatlong paliparan na malapit sa Metro Manila.

 

 

 

“The government will maintain NAIA as the country’s primary gateway as it intends to use airports around Metro Manila as secondary points of entry. Transport secretary Jaime Bautista has advocated for a multi-airport approach to address the growing air travel needs of Filipinos, especially those residing in Metro Manila,” wika ni Department of Transportation (DOTr) undersecretary Roberto Lim.

 

 

 

Noong nakaraang linggo ay nagbigay ng notice of award ang panlalawigan pamahalaan ng Cavite sa consortium na pinangungunahan ng grupo ni Yuchengco upang itayo ang Sangley Point International Airports (SPIA) na nagkakahalaga ng $11 billion. Magkakaroon nito ng dalawang (2) runways na makapagbibigay ng serbisyo sa mahigit na 75 million napasahero.

 

 

 

Dahil dito marami ang nagtatanong kung anong gagawin sa NAIA kung saan ito ay naging sentro ng usapan na maaaring sasailalim na lamang ito sa isang rehabilitation at magkakaroon ng pagbabago sa layunin bilang isang pangunahing airport gateway sa bansa.

 

 

 

Pabor naman si Albay Rep. Joey Salceda na maging pribado ang NAIA dahil makapagbibigay ito sa pamahalaan ng P500 billion sa pondo ng Marcos administrasyon na maaaring gamitin sa pagbabayad ng mga utang ng Pilipinas o di kaya ay para gamitin para sa mga budget constraints na kinakaharap ng bansa.

 

 

 

Habang sinabi naman ni Lim na ang pagtatayo ng SPIA at expansion ng Clark International Airport ay makakatulong ito upang maging alternatives ito sa NAIA habang mananatili pa rin itong main gateway.

 

 

 

“The development of SPIA through PPP scheme, in collaboration with the Cavite provincial government, will help ease the capacity strain on NAIA. Likewise, the expansion plan for Clark International Airport will allow it to become an alternative gateway for Metro Manila, Central and Northern Luzon,” saadni Lim.

 

 

 

Ayon sa datos, ang passenger traffic sa domestic at international arrivals sa NAIA ay naitalagang 15.59 million hanggang July. Sa panahon ‘yon ay may pitong (7) pasahero kada sampu (10) ang naglakbay para sa domestic destinations habang ang mga natirang bilang ay nag-book ng international.

 

 

 

Sa isang pagkukumpara, ang passenger volume naman sa CIA ay may naitalagang 434,214 sa pagitan ng January hanggang August ayon sa operator na Luzon International Premier Airport Development (LIPAD). May 83 na porsiyento ang pasaherong international ang gumamit ng CIA kumparasa NAIA.

 

 

 

Subalit iba ang opinyon ni Infrawatch PH convenor Terry Ridonna dating member ng House Committee on Transportation kung saan niya sinabi na ang viability ng bagong airport tulad ng SPIA at New Manila International Airport ay depende kung kaya nitong tapatan ang NAIA.

 

 

 

“All four airports will invariably compete for the same passengers and airlines even in the years prior to 2028, or the year when the first phase of SPIA will be completed, but the public and the government have yet to see whether Sangley ang Bulacan will even be able to proceed to their full construction in the next five years,” ayon kay Ridon.

 

 

 

“If the government redevelops NAIA instead of repurposing it, the market will then decide which of the four airports will be most viable, particularly on their ease of access and flight availability,” dagdag ni Ridon. LASACMAR

DILG ipinasara POGO na ikinakabit sa ‘human trafficking’ sa Pampanga

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG  illegal na Philippine Offshore Gaming Operator ang ipinasara ng Department of the Interior and Local Government sa Pampanga matapos mapag-alamang may kaugnayan diumano ito sa human trafficking ng mga Tsino.

 

 

Pinangunahan ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. ang pagpapasara sa “Lucky 99 South Outsourcing Inc.” kasama ang pwersa ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group, mga kinatawan ng Philippine Amusement Gaming Corporation at ilang barangay officials.

 

 

Ani Abalos, ilang taon nang pinatatakbo ang pasilidad nang wala man lang license to operate. Kamakailan lang nang masagip doon ng mga pulis ang isang Tsino na diumano’y kinidnap kasama ang 42 iba pang trafficked workers.

 

“In the meantime, tinutugis ng ating mga kapulisan ang mga iba pang implicated dito,” ani Abalos sa isang pahayag, Lunes.

 

 

“Of course, tayo to exact accountability is, ginawa natin yung sulat sa PAGCOR at sa Securities and Exchange Commission para matukoy natin kung sino talaga dapat managot.”

 

 

Habang isinasagawa ng pagsalakay at pagpapasara sa kumpara, umabot pa sa 40 Chinese nationals at nasa 200 iba pa sa hotel ang natagpuan. Karamihan sa kanila ay undocumented at walang pasaporte.

 

 

Isang security official ang nagsabing ilan sa mga POGO na binibigyang lisensya ng gobyerno ay nagsasagawa ng iligal na aktibidad. Ang ilan dito ay ang pagkidnap daw at pagpatay sa ilan nilang tauhan para protektahan ang kanilang negosyo.

 

 

Noong nakaraang linggo lang din nang ibalita na na-kidnap ang isang Malaysian national matapos lumipad ng Pilipinas para makipagkita sa kanyang “boyfriend.” Matapos nito ay pinagtrabaho pa raw ang babaeng biktima sa isang unregistered POGO.

 

 

“Sisiguruhin natin na lahat sila ay madocument nang maigi ng Bureau of Immigration kasi baka mamaya mabiktima na naman sila. Hindi ito tungkol sa Filipino o Chinese, bawat buhay maprotektahan natin, iyon ang importante dito,” sabi pa ng DILG official.

 

 

“This is a strong statement sa mga kaibigan natin, hindi lamang sa dito sa Pampanga, kundi sa lahat. Magsumbong kaagad kayo sa kapulisan. Magtulungan tayo. Huwag kayong matakot.”

 

 

“Ambilis umaksyon ng kapulisan natin. Wala pa sigurong mga 12 hours, nasolve kaagad nila ang isang kidnapping case sa lugar na ito kamakailan lamang. At hindi kami titigil dito. Tandaan nyo yan.” (Daris Jose)

VHONG NAVARRO SUMAILALIM SA PROSESO

Posted on: September 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na sumuko sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) at sumailalim sa proseso ang TV host na si Vhong Navarro.

 

 

Kasama rito ang finger printing, mugshot at pagkuha ng kanyang personal na detalye.

 

 

Ito ay matapos magpalabas ang Taguig Metropolitan  Trial court Branch 116 ng warrant of arrest laban sa kanya sa kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo.

 

 

Pagkatapos ng proseso ay tutuloy ang mga dokumento sa korte para naman sa pagbabayad ng inirekomendang piyansa na P36,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

 

 

Ayon sa abodago ni Navarro na si Atty.Alma Mallonga, na sila at tatalima ngayong maghapon  at kumpiyansa silang mabibigyan ng piyansa si Navarro .

 

 

Ayon pa kay Mallonga na ang kanyang kliyente ay patuloy na lalaban upang patunayan ang kanyang pagiging  inosente kung saan suportado ng CCTV footage sa elevator sa araw na umanoy nangyari ang insidente.

 

 

Matatandaan na nakuha rin ng NBI ang CCTV footage noong 2014 at sinabi ng ahensya na suportado nito ang pahayag ni Navarro na binugbog siya ng anim na lalaki sa condominium ni Cornejo kaya pinabulaanan ang paratang laban sa TV host.

 

 

” Hindi ako nawawalan ng pag-asa kasi nandito ‘yung legal team ko, nandito ‘yung family ko, nandito yung asawa ko. Ang Panginoon kasama ko dito sa laban na ‘to,” pahayag pa ni Navarro.

 

 

Pinasalamatan din nito ang kanyang mga kaibigan at taga suporta na patuloy na sumusuporta at nanalangin para sa kanya at tiwala siya na maipapanalo niya ang kaso.

 

 

Sinabi ni Navarro na tuloy pa rin ang kanyang trabaho sa kanyang full time program. GENE ADSUARA