• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 4th, 2022

Mga pagkilala at suportang pinansyal, bumuhos sa mga bayaning tagapagligtas

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap na espesyal na pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa kanilang kabayanihan na tinawag na “Salamat at Paalam… Luksang Parangal para sa mga Bayaning Tagapaglistas! sa Bulacan Capitol Gymnasium dito kahapon.

 

 

Sa ngalan nina George E. Agustin mula sa Iba O’ Este, Calumpit; Troy Justin P. Agustin ng Sta. Rita, Guiguinto; Marby A. Bartlome mula sa Bulihan, Lungsod ng Malolos; Jerson L. Resurreccion mula sa Catmon, Santa Maria; at Narciso Calayag, Jr. mula sa Lungsod ng  Malolos, tumanggap ang kani-kanilang pamilya ng plake ng pinakamataas na pagkilala mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, gayundin ng mga cash gift at scholarship mula sa iba’t ibang nasyonal at rehiyong ahensiya, opisyales ng gobyerno, at pribadong sektor.

 

 

Kabilang sa mga pinansiyal na suporta na natanggap ng mga nagdadalamhating pamilya ang P300,000 mula sa Bulacan Rescue katuwang ang Insular Life; P200,000 mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan; P200,000 mula sa Chairman ng Century Peak Holding Corp. Wilfredo Keng, na iniabot ng kanyang anak na si Katrina Keng kasama ng scholarship para sa isa sa mga naulilang bata mula sa bawat pamilya; P100,000 mula kay Al Tengco, chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corp.; P10,000 mula sa Angat Buhay Foundation at Bulacan Angat Buhay Volunteers ni dating Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo; at scholarship grants mula sa Bulacan State University.

 

 

Sinagot naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan ang lahat ng mga gastusin para sa serbisyo ng punenarya at nagkaloob ng P100,000 sa bawat pamilya mula sa kanyang sariling bulsa.

 

 

Aniya, bagaman walang katumbas na anumang halaga ang pagkawala ng limang rescuer, ang umaapaw na suporta, parangal, pagpapahalaga at pasasalamat na ipinakita hindi lamang ng mga Bulakenyo kundi mula sa lahat ng mga Pilipino ay isang testamento na hindi nasayang ang kanilang naging sakripisyo.

 

 

“Nabalot ng pagdadalamhati ang mga araw sa ating lalawigan subalit bumubuhos ang pakikiramay, mga pinansyal na tulong mula sa iba’t ibang panig ng lugar at bansa para sa pamilya ng ating limang Bulakenyong bayaning tagapagligtas. Lubha po tayong nalulungkot sa nangyari. Hindi po natin ito inasahan at hindi kailanman hinangad na mangyari lalo na sa ating mga bayaning rescuers na mas pinili ang tumulong at iligtas ang buhay ng iba kahit ang kapalit nito ay kanilang sariling buhay. Marapat lamang na lahat ng insentibo at tulong ay ating maipagkaloob sa kanilang pamilya,” ani Fernando sa ginanap na necrological service.

 

 

Ipinahayag naman ni Jessa Agustin, maybahay ni Troy Justin, ang kanyang pasasalamat para sa espesyal na pagpupugay at suportang pinansyal na kanilang natanggap.

 

 

“Ramdam na ramdam po ng pamilya namin ang pakikiramay at tulong ng buong Pilipinas. Sa lahat ng opisyal ng gobyerno lalong lalo na po kay Gov. Daniel R. Fernando at Mayor Jocell Vistan, sa mga pribado at pampublikong mga grupo at ahensya, sa media, hanggang sa mga simpleng sibilyan na katulad ko, taos pusong pasasalamat po sa inyong lahat mula sa aming pamilya sa nag-uumapaw na tulong maliit man o malaki,” naluluha niyang sabi.

 

 

Bago ang luksang parangal, nagsagawa ang mga fire truck mula sa iba’t ibang probinsya at lungsod sa bansa  ng water salute sa mga labi na mga pumanaw na bayani sa pagdaan nito sa mga gusali ng PDRRMO at Kapitolyo. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ads October 4, 2022

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FIFA ikinalungkot ang nangyaring riot sa football match sa Indonesia

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTURING  ng football governing body na FIFA na isang nakakalungkot sa mundo ng soccer ang nangyaring kaguluhan sa isang football game sa Indonesia na ikinasawi ng 125 katao.

 

 

Naganap ang insidente nitong gabi ng Sabado ng matalo ang Arema Football Club sa Persebaya Surabaya sa East Java kung saan dahil sa kapikunan ay nagpanggabot ang mga fans.

 

 

Napilitan ang mga kapulisan na gumamit ng tear gas para masawata ang kaguluhan.

 

 

Sinabi ni FIFA president Gianni Infantino na nasa state of shock ang mundo ng football.

 

 

Ang nasabing insidente ay maaari sanang mapigilan subalit hindi na ito nakontrol ng mga otoridad.

 

 

Kinondina nito ang mga kapulisan na gumamit ng tear gas sa mga fans.

 

 

Nagpaabot na rin ito ng pakikiramay sa mga nasawing biktima.

 

 

Ilang mga football clubs at teams ang nagulat at nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasawing biktima.

 

 

Pinangungunahan ito ng Asian Football Confederation, La Liga, Spanish Football Federations at ilang clubs sa Premier League.

Malakanyang, tikom ang bibig sa ulat na lumipad pa-Singapore si PBBM para manood ng F1 Grand Prix

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING tikom ang bibig ng Malakanyang kaugnay sa ulat na lumpipad patungong Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para manood ng F1 grand Prix. 

 

 

Hanggang ngayon kasi ay hindi sumasagot ang Malakanyang sa “multiple requests for a statement” ukol sa di umano’y  weekend trip sa Singapore ng Pangulo sa kabila ng nagkalat na sa social media ang mga kuhang larawan nang pagdalo ng Pangulo sa nasabing event.

 

 

Makikita rin sa official website ng F1 Singapore ang mga kuhang larawan ng anak ng Pangulo na si  Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.

 

 

Matatandaang nito lamang araw ng Biyernes, inulan na ang  Office of the Presss Secretary (OPS) ng mga tanong at request para kumpirmahin nga ang nasabing biyahe ng Pangulo subalit walang naibigay na impormasyon ang OPS.

 

 

Samantala ang F1 Grand Prix, ang una matapos ang dalawang taon ay idinaos sa  Marina Bay street circuit. (Daris Jose)

‘Mission: Impossible 7’ Director Reveals Tom Cruise’s New And Groundbreaking Stunt

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One director Christopher McQuarrie has revealed that he and star Tom Cruise are developing a brand new, groundbreaking stunt.

 

The pair first collaborated on 2008’s Valkyrie, which was co-written by McQuarrie. The next time they worked together was a minor overlap three years later, when McQuarrie performed script revisions on the fifth Mission: Impossible film, Mission: Impossible – Ghost Protocol.

 

However slight, this collaboration came at the perfect time for both creators, as it was during the period that Cruise was developing his taste for performing real-life, incredibly dangerous stunts on camera.

 

Ghost Protocol is the film where Cruise famously performed a stunt where he ran down the side of the Burj Khalifa in Dubai.

 

Although they worked together on Jack Reacher and Edge of Tomorrow in the meantime, their most fruitful collaboration yet proved to be 2015’s Mission: Impossible – Rogue Nation, which McQuarrie directed. That film featured Cruise clinging to the side of a plane in midair, a death-defying act that spurred both creators to push themselves even farther on each subsequent project, which includes Mission: Impossible – Fallout, the 2021 megahit Top Gun: Maverick, and the upcoming pair of sequels Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One and Part Two.
On his official Twitter account, McQuarrie responded to a fan question about his collaborations with Tom Cruise. The fan, whose screen name is Amanda Hunt, asked if there are any stunts that he and Tom Cruise want to do but have proven to be impossible to pull off. The Top Gun: Maverick writer’s intriguing response was to share a story from the past week, saying that “On Friday morning, I told Tom that the technology to film a specific stunt simply did not exist,” going on to say that thanks to their skilled team, “by six o’clock it existed.”

 

While this Tweet will certainly pique the interest of Cruise fans, one frustrating element is the fact that McQuarrie didn’t reveal exactly what movie the stunt he’s describing will appear in. Unless his Tweet is misleading and he’s referring to a Friday that happened long ago, it seems unlikely that it will appear in either Dead Reckoning Part One or Two, because principal photography wrapped on those films in September 2021. While it’s possible that the stunt could be part of a reshoot, it seems more likely that it will be a part of an upcoming film that both of them are working on.

 

Unfortunately, that doesn’t necessarily narrow things down. Cruise and the Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One director are currently collaborating on at least four upcoming films, including a new action franchise, a musical, and a new collaboration with the director of Tropic Thunder.

 

However, while all those are in development, they are actively in production on a collaboration with SpaceX that will be filmed in outer space. Considering how intense the technological necessities would be for that film, it seems most likely that this is the project McQuarrie was referring to in his Tweet. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Mandatory drug test sa mga artista, itinulak

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT  munang sumailalim sa mandatory drug test ang bawat artista bago ito bigyan ng pelikula o project sa telebisyon.

 

 

Ito ang mungkahi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, kasunod na rin ng pagkakaaresto ng pulisya sa aktor na si Dominic Roco at apat na kasamahan sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City nitong Sabado ng umaga.

 

 

“Actors, actresses and other movie celebrities should all be drug-free because they are public figures that are being idolized by the public, particularly the Filipino youth. ” ani Barbers.

 

 

Ang mga artista ang nagsisilbing ehemplo ng publiko at malakas na ‘influencer’ kaya dapat lamang na malinis ang kanilang imahe.

 

 

Bagama’t marami sa mga artista ang hindi gumagamit ng iligal na droga, mayroon din umanong sumusubok at gumagamit na humahantong pa sa pagtutulak.

 

 

Ayon kay Barbers, dapat na bantayan at higpitan ng mga namumuno sa movie industry ang mga artista at paigtingin ang kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-police sa kanilang ranks at i-subject ang kanilang mga talents sa drug test.

 

 

Matatandaang nahuli sa illegal drug si Roco at apat pa niyang kasamahan, nang salakayin ang isang townhouse sa Barangay Holy Spirit, QC nitong Oktubre 1.

 

 

Ang grupo ni Roco na nasa kustodiya pa rin ng pulisya ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Gene Adsuara)

Inisa-isa ang magiging bahagi ng anniversary concert: ICE, nagpasalamat at binalikan ang mga alaala kina MARTIN at GARY

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUNOD-SUNOD ang Facebook at Instagram post ni Ice Seguerra para sa mga special guest niya sa ‘Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert’ na magaganap ngayong October 15 (Saturday, 8 pm) sa The Theater at Solaire.

 

 

Para sa singer-songwriter at direktor na rin, dream come true nga na makasama ang dalawang OPM icons na tulad din niya, na iniidolo talaga sa music industry.

 

 

Sa kanyang post, may kuwento si Ice at pasasalamat sa magiging bahagi ng kanyang first major concert in ten years at first time din siyang magpi-perform bilang Ice.

 

 

Una siyang nagbigay ng message kay Concert King Martin Nievera, “Nu’ng bata ako, bago ko pa ma-realize na siya si Martin Nievera, tambay na ako sa bahay nila. Nakiki-swimming, nakikikain, feeling kapatid ng mga kids niya. Haha!

 

 

“Kuya Martin is the type of person na kahit isa na siyang haligi sa industriya, never niyang pinaramdam sa amin yun. Kuya siya ng lahat. I remember when we did shows in Japan, kahit madaling araw at maliit na venue, hindi nagbago ang performance niya. Du’n talaga ako napahanga sa kanya, lalo na kung paano siya makitungo sa mga taong nasa paligid niya.

 

 

“He’s someone I really look up to, mula noon hanggang ngayon, not just because of how good he is pero dahil sa puso niyang napaka generous.

 

 

“I love you, Kuya Marts! I’m so glad na magkasama tayo sa concert ko on October 15.”

 

 

Para naman kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano, “Idol ko na si @garyvalenciano nasa tiyan pa lang yata ako ng nanay ko. I grew up listening to his songs. Ginagaya ko mga asta niya, from his dance moves hanggang panginginig ng baba, plakado dapat.

 

 

“Never ko inakala na yung ulitimate idol ko eh makakasama ko. Naging tatay ko siya sa Papa’s Girl (movie), nakasama ko rin bilang isang manganganganta, nag mentor pa kami sa Elements Camp together, at pinalad akong ma direct siya sa isang production number for an event.

 

 

“His artistry knows no bounds, he’s the ultimate professional. Napaka ganda ng work ethics, marunong sumabay sa bago without losing his identity. Mapa dance songs o ballads, alam mo ang tatak ni Gary V.

 

 

“Parang bawat stage ng buhay ko, andiyan si Tito Gary kaya sobrang saya ko na kasama ko siya to celebrate my 35th Anniversary in the business.

 

 

“Thank you for continuing to inspire me with you excellence, hard work, and generosity. Tito Gary. Can’t wait to do this concert with you.”

 

 

Ang gaganda rin ng kuwento ni Ice sa iba pang magiging guests na sina Princess Velasco na madaling nakagaanan ng loob dahil walang arte at very professional; si Juris na parang boses anghel na naging kaibigan dahil sa siomai at di maku-complete ang concert kung wala ito at si Sitti na masarap kasama dahil loka-loka at wala ring arte.

 

 

Ang Tres Marias na sina Cooky Chua (Color It Red) na hinangaan at kinaadikan niya nung 90s, Bayang Barrios (Bagong Lumad) at Lolita Carbon (Asin) na nagpa-realize kay Ice ng love niya pagkanta at nagdadala sa kanya sa ibang dimension.

 

 

Ang isa pang OPM icon na si Chito Miranda (Parokya Ni Edgar) na iniidolo ni Ice simula pa noong bata, na malaki rin ang impluwensiya sa kanya ng 90’s bank breakout.

 

 

Pasok din sa listahan ang queens ng Drag Race Philippines, na kung saan si Ice ang nagdi-direk ng ‘Drag Race PH Untucked’.

 

 

Post niya, “Sa lahat ng guests ko, sila siguro yung pinaka recent kong nakilala but these queens are just so endearing and the connection we have is inexplicable. Feisty and fierce in drag but softies in person. We’ve shared so many moments together, both happy and sad, in and out of work. These queens are my babies!!!

 

I’m so happy they said yes to be part of #BecomingIce coz my 35 years in this industry won’t be as colorful and fabulous if hindi ko sila nakasama.

 

“Love you, Queens! Shantay, you’re all staying in my heart for life!”

 

Ang naturang concert ay produced ng Fire and Ice Media Productions, Inc. at Nathan Studios. Sa mga wala pang ticket, call sa Ticketworld (02-8891-9999) or visit premier.ticketworld.com.ph.

 

 

(ROHN ROMULO)

PRESUMED VALID NGA BA?

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAG MALINAW ang paglabag nito sa batas dapat pa bang ipatupad ang isang ordinansa ng LGU?

 

 

Ito ang tanong ng maraming motorista sa Manila LGU sa patuloy na pag confiscate ng driver’s license ng kanilang mga enforcers ayon sa ordinance 8092.

 

 

Sabi ng abogado ng Manila LGU – PRESUMED VALID unless declared unconstitutional ng Husgado.  Ibig sabihin dahil may kapangyarihan ang Manila ipatupad ang kanilang ordinansa TANGING HUSGADO LAMANG ANG PWEDE MAGPATIGIL SA KANILA. Kaya hindi pwede ipawalang bisa ang isang ordinansa ng isang DILG Memo lang.

 

 

Abogado rin ang kasalukuyang kalihim ng DILG kaya alam niya ‘yun.

 

 

Walang sinabi ang DILG na pinawawalang bisa nito ang mga LGU ordinance. Ang sabi ay – ayon sa DILG at DOTC Joint Memo na ONLY LTO AND ITS DEPUTIZED ENFORCERS ang may kapangyarihan na mag confiscate ng driver’s license kaya ang mga LGU ay DIRECTED to review ang kanilang mga ordinansa.

 

 

Kaya nang magpasya ang Manila na tuloy ang pag kumpiska ng lisensya ANG HINDI NILA SINUNOD AY ANG DIREKTIBA NG DILG na i-review ang kanilang ordinansa.

 

 

Pero bakit ang ibang LGU tulad ng Quezon City ay sumunod at hindi na mangungumpiska ng lisensya. May ordinansa rin naman ang QC? Bakit ang mayor ng Manila hindi? Tuloy ang nagkakaproblema ay ang mga motorista at enforcers.

 

 

Sa tingin ko ay kailangan na sa lalong madaling panahon ay magpulong ang DILG at Manila LGU.

 

 

Pero paano kung ayaw talaga sumunod ng Manila. Kailangan pa bang may mag demanda para mawalang bisa ang ordinansa dahil PRESUMED VALID ito?

 

Ibig ba sabihin na kahit kitang-kita na MALI ANG ORDINANSA ay PRESUMED VALID PA RIN? Ibig ba sabihin kahit may national law RA 4136 na nagsasaad na LTO lang at ang mga deputized enforcers nito ang pwede mangumpiska ng driver’s license ay PRESUMED VALID pa rin ang ordinasa ng Manila? Ibig bang sabihin na kahit malinaw na nakasaad sa RA 4136 na NO PROVINCIAL BOARD, CITY OR MUNICIPAL BOARD OR COUNCIL SHALL ENACT OR ENFORCE ANY ORDINANCE OR RESOLUTION IN CONFLICT WITH THE PROVISION OF THIS ACT ay presumed valid pa rin ang ordinansa?

 

 

Ang Constitutional principle na PRESUMED VALID ay isang ordinansa ay HINDI ABSOLUTE. Kung ganun ay hindi magiging maingat ang mambabatas natin sa pagpasa ng panukalang batas. Pasa na lang ng pasa kasi anyway PRESUMED VALID naman. Hindi rin magiging maingat ang Mayor at pirma na lang nang pirma at patupad na lang ng patupad dahil PRESUMED VALID naman. At aasahan pa ba natin ang isang ordinaryong motorista na gagastos pa para kumuha ng abogado at magsampa ng kaso sa Husgado para atakin ang PRESUMED VALID na ordinansa?

 

 

Kapag ang ordinansa ay MALINAW na salungat sa isang national law o kaya ay lumalapastangan na sa karapatan ng tao ay baligtad na ang presumption. Ang nagpapatupad na ng batas ang dapat magpatunay na valid ang pinatutupad niya. Katulad dito sa pagkumpiska ng lisensya.  Sumunod muna sa DILG at pag-aralan muna ang ordinansa. Isuspinde muna ang pagkumpiska ng lisensya? Kung sumunod ang ibang LGU tulad ng QC hindi naman siguro masama kung susunod din ang Manila kaysa pairalin ang katwirang PRESUMED VALID ang ordinsa.

 

 

Ang memo ng DILG sa mga LGU bagamat hindi kaya ipawalang bisa ang mga ordinansa ay isang kautusan na dapat sundin.

 

 

PRESUMED VALID din ang DILG MEMO dahil issued ito in the performance of the regular duties of the DILG SECRETARY WHO IS AN ALTER EGO OF THE PRESIDENT. (Atty. Ariel Inton Jr)

Dream come true ang pagsasama nila ni Kych: GOLD, overwhelmed na nakuha ang role na para sana kay ELIJAH

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PARA kay Gold Azeron, dream come true ang pagsasama nila sa pelikula ni Kych Minemoto.

 

 

Magkaibigan sina Gold at Kych. Una silang nagkasama sa isang short film na thesis project pero hindi raw nila ito napanood. Pero pareho silang nangangarap na one day gagawa sila ng movie together.

 

 

Dumating na nga ito sa Viva movie na ‘May December-January’ na ang script ay isinulat ni National Artist for Film and Broadcast na si Ricky Lee, sa direksyon ni Mac Alejandre.

 

 

Sabi pa ni Gold, medyo kabado siya while shooting the movie dahil matagal siyang walang trabaho during the pandemic. Kaya pakiramdam niya ay rusty ang acting niya.

 

 

Pero pinaghandaan naman niya ang role niya by reading the script several times para makilala niya ang karakter niya. Dugtong pa ni Gold, overwhelmed siya na he got the role that was originally intended for Elijah Canlas, na masyadong busy and could not fit the shoot sa kanyang schedule.

 

 

Alam din ni Gold na magkakaroon sila ng intimate scene ni Kych. Hindi naman sila naging uneasy doing the scene kasi nga friends sila.

 

 

“Focused ako sa eksena at full of passion ako sa role ko. Kailangan ko ibigay lahat para maitawid ko ang eksena nang maayos,” sabi pa ni Gold.

 

 

‘May December January’ opens in cinemas on October 12. Kasama rin sa movie ang dating Viva Hot Babe na si Andrea del Rosario na gumaganap na nanay ni Gold.

 

 

***

 

 

BASED in New York si Eric Celerio, ang anak ng yumaong National Artist for Music na si Levi Celerio.

 

 

Isa rin siyang musician at gusto niyang magbigay-tribute sa kanyang ama via his music.

 

 

Laking New York si Eric na naging tirahan niya mula edad na 13. May Bachelor’s Degree siya in Music mula sa Queens College (few units shy of a masters). Ang music background niya covers from classical to pop and rock.

 

 

Alam daw niya na possible siyang ikumpara sa kanyang ama dahil sa larangan din siya ng musika nakilala pero ang paggawa raw niya mng album ay ang kanyang paraan para buhayin at ipagpatuloy ang legacy ng kanyang ama

 

 

Ang album niyang ‘Celerio by Celerio,’ na ilalabas under distribution ng Universal Records, ay ilalabas sa October 7 via various digital platforms.

 

 

A working musician in New York, nakatugtog na siya sa Waldorf Astoria, Pierre, Harvard Club, Ciprianni, Trump Plaza at Central Park open-air gardens.

 

 

Nakapag-back up na siya sa iba’t-ibang sikat na singers tulad nina Christina Aguillera, Lea Salonga, Nonoy Zuniga at Mike Hanopol.

 

 

Isa siya sa most in-demand musicians sa New York at isa sa achievement niya ay ang pagwawagi niya sa Carnegie Recital Hall Piano Competition in the late 70s.

 

 

Sa bago niyang album na may 13 tracks ay kasama ang mga awitin ng kanyang ama na ‘Kahit Konting Pagtingin’, ‘Saan Ka Man Naroroon’ at ‘Gaano Kita Kamahal’ na nilagyan ng modern touch.

 

 

(RICKY CALDERON)

Philippine Charity Sweepstakes Office, nanindigang walang iregularidad sa pagkakapanalo ng higit 400 bettors

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na transparent at may integridad ang pagkakapanalo ng mahigit 400 na tumaya at nanalo sa 6/55 lotto.

 

 

Kasunod na rin ito ng kaliwa’t kanang mga reaksiyon sa pagkakapanalo ng mahigit 400 na mananaya na mayroong pare-parehong winning number combination.

 

 

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, bukas daw sila sa mga puna at suhestiyon matapos ang naturang pangyayari.

 

 

Umabot sa 433 bettors ang nanalo sa 6/55 Grand Lotto na may jackpot prize na P236,091,188.40.

 

 

Ang bawat lucky jackpot winner ay makatatanggap ng P545,245 pero subject pa rin sa final tax na 20 percent bilang pagsunod sa Republic Act No. 10963 o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN Law.