• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 15th, 2022

Sen. IMEE, pinangunahan ang panunumpa ng bagong pangulo at mga opisyal ng SPEEd

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAAALIW na balik-balikan ang video ni Maja Salvador at Bea Alonzo na kinunan sa dressing room ng ‘Eat Bulaga’, few days ago na kung saan guest ang bida ng ‘Start-Up PH” para sa segment na ‘Bawal Judgmental’.

 

 

In character si Maja bilang Majamog, isa sa mga batang hamog ng ‘Eat Bulaga’

 

Say ni Maja, “panis kayo!” sabay turo sa name ni Bea sa dressing room na kanilang pinuntahan.

 

Kasunod ay kumatok muna si Majamog saka binuksan ang pinto, “Ma’am Bea! Busy ka po?

 

 

“Ang ganda. Sexy! Kaya pala nag-partner sila ni Alden (Richards). Ganda ni Bea Alonzo, may bling bling.”

 

 

Sabay kinamayan ni Maja si Bea, “Majamog po.”

 

 

Nakipagkilala rin ang kasama ni Maja na si Miles Ocampo bilang Milehamog, “Ang ganda ni Bea talaga. Tangkad!”

 

 

Sabay hila sa upuan at saka tumayo si Maja kaya mas matangkad na siya kay Bea, kaya tawang-tawa lalo ang Kapuso actress.

 

 

Hirit naman Milehamog, “Ma’am Bea, pa-picture naman po.”

 

 

Magiliw naman lumapit si Bea at pinuri pa ang cellphone at sumama rin si Majamog kay Milehamog, na kitang-kita ang kanilang signature pose. Umalis na rin ang dalawa at nagpasalamat, dahil malapit nang sumalang.

 

 

Pero bumalik si Maja at yumakap kay Bea at pagkatapos nun ay buong ningning niyang sinabi na, “O, ano kayo ngayon, close kami ni Bea Alonzo.”

 

 

Infairness, kitang-kita talaga kay Bea na sobrang naaliw nang personal siyang puntahan ni Maja sa dressing room, pati na ang mga netizens.

 

Anyway, abangan ngayong hapon sa ‘Eat Bulaga’ kung matutuloy sa ‘showdown’ nina Majamog at Maja Salvador sa isang dance number? Panaginip na lang ba o magiging katotohanan na?

 

***

 

MARAMING salamat kay Sen. Imee Marcos for inducting the new President of SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) Eugene Asis of People’s Journal, kasama ang ilan sa mga officers ng naturang samahan.
Ginanap ito kahapon, October 14 sa 83-year-old Kamuning Bakery Cafe na pag-aari ni Wilson Flores, na aming labis na pinasasalamatan.

 

Makikita sa larawan ang mga dumalo sa naturang oathtaking ng SPEEd officers. Mula sa kaliwa: Ervin Santiago (Bandera), Dondon Sermino (Abante), Salve Asis (PSN & PM), Tessa Mauricio-Arriola (Manila Times), Nickie Wang (Manila Standard), Sen. Imee, Eugene, Maricris Valdez (Hataw), Jerry Olea (PEP), Rohn Romulo (People’s Balita) at Wilson.

 

Samantala, ngayong Linggo, October 16, isi-celebrate ang ‘World Pandesal Day’ sa naturang lugar na matatagpuan sa Judge Jimenez cor. K-1st Street, QC. Mula 8 am hanggang 12 pm, mamigay ng free pandesal at iba pang pagkain.
Magkakaroon din ng free medical/dental/optical mission para sa lahat ng pupunta, handog ito ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII).

 

(ROHN ROMULO)

Qatar football team hindi ipapahiya ang bansa sa hosting nila ng FIFA World Cup

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KABILANG sa apat na koponan ng Group A ng FIFA World Cup 2022 ang host country na Qatar.

 

 

Sa kasaysayan kasi ng FIFA ay ito ang unang pagkakataon na maging host ang isang Arab nation.

 

 

Noong Disyembre 2010 pa ng ianunsiyo ng FIFA ang hosting ng Qatar.

 

 

Noong 2011 Asian Cup ay naging host na rin ang Qatar kung saan nakapasok sila sa quarterfinals ng talunin ang Jordan 2-0 subalit hindi nakaporma sa Japan na naging kampeon sa torneo.

 

 

Bilang host din ng 2014 West Asian Football Federation Championship ay nagkampeon sila ng talunin ang Jordan 2-0.

 

 

Hindi naman sila nagtagumpay sa group stage na nagtapos sa pang-apat na puwesto sa Group C ng 2015 Asian Cup.

 

 

Nagsimula ang larong football sa Qatar noong 1948 ng maglaro ng football ang mga oil workers na galing sa ibang bansa at noong 1960 ng nabuo na ang Qatar Football Association at matapos ang 10 taon ay sumali na sila sa FIFA.

 

 

Opisyal na laro ng Qatar national team ay noong March 27, 1970 ng talunin sila ng Bahraine 1-2.

 

 

Mayroong kabuuang anim na kampeonato ang Qatar sa mga torneo na kanilang sinalihan na binubuo ng isa sa AFC Asian Cup, isanng WAFF Championship, tatlo sa Arabian Gulf Cup at isa sa Asian Cup.

 

 

Mayroong dalawang naturalized player ang Qatar na kinabibilangan nina Bassam Al-Rawi na taga-Iraq at Almoez Ali ng mula sa Sudan.

 

 

Sa gaganaping FIFA World Cup na magsisimula sa Nobyembre ay nakahanay sa Group A ang host country at kasama nila ang Ecuador, Senegal at Netherlands.

 

 

Ang Group B naman ay binubuo ng England, Iran, USA, Wales habang ang Group C ay binubuo ng Argentina, Saudi Arabia, Mexico, Poland at sa Group D naman ay binubuo ng France, Australia, Denmark at Tunisia.

 

 

Sa Group E naman ay nanguna ang Spain, Costa Rica, Germany at Japan sa Group F ay nanguna ang Belgium, Canada, Morocco, Croatia.

 

 

Samantalang ang Group G ay pinangunahan ng Brazil, Serbia, Switzerland, Cameroon at ang Group H ay pinangunahan ng Portugal, Ghana, Uruguay at South Korea.

3 drug suspects tiklo sa P550K shabu sa Caloocan

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang bebot matapos malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operationa sa Bagong Barrio, Brgy. 150.

 

 

Kaagad dinamba ng mga operatiba ang kanilang target na si Melvin Paura alyas “Melvin Ulo”, 25, (pusher/watchlisted) at kanyang kasabwat na si Edrick May Valdez alyas “Mae”, 25, (pusher) matapos bintahan ng shabu ang isang pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 75 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P510,000.00 at buy bust money.

 

 

Nauna rito, dakong alas-7:20 ng gabi nang masakote naman ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Renato Castillo sa buy bust operation sa Tanigue St., Brgy. 18 si Carlito Lubrique alyas “Bimbo”, 46, ng Blk 12, Lot 8, Phase 3C, Dagat-dagatan Avenue.

 

 

Ani PSSg Rodney Dela Roma, nakuha sa suspek ang humigi’t kumulang 6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P40,800.00, buy bust money at coin purse.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Online, preferred mode para sa SIM card registration- DICT

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy  na mas mabuting idaan sa online ang  proseso ng  SIM card registration.

 

 

Giit ni Uy, mahirap ang physical registration dahil malaki ang posibilidad na dumagsa ang mga tao sa registration sites.

 

 

“The preferred mode will be online po dahil sa dami po at hindi po kaya na i-physical,” ayon kay Uy.

 

 

“‘Yan po ang ideal situation, online po ang lahat ng registration at submission ng mga verifiable documents katulad ng passport or driver’s license or SSS, GSIS or PhilHealth cards upang maverify. Mahirap po ang on site registration dahil madudumog po ng mga tao ang locations na ‘yan at di ho kaya. May 144 to 150 million po ang mga prepaid cards na na-issue,” wika pa nito.

 

 

Nauna rito, pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontrobersyal na SIM Card Registration Act para mapalakas pa ang kampanya ng pamahalaan kontra sa mga text at online scams na naging talamak kamakailan lamang.

 

 

Sinasabing malaking tulong  sa mga awtoridad na maatunton ang mga gumagawa ng scam at iba pang uri ng kriminalidad gamit ang cellular phone.

 

 

Sa kabilang dako, mula sa pagiging epektibo ng batas, ang lahat ng  existing postpaid at prepaid SIM users  ay required  na magparehistro sa loob ng 180 araw o anim na buwan upang maiwasan ang deactivation.

 

 

Maaari ani Uy na  magparehistro ang  isang indibidwal ng multiple SIM cards “as long as he or she is properly-identified.”

 

 

“Wala naman pong limitasyon, ang importante po is ‘yung SIM card, properly-identified ‘yung owner,” ayon kay Uy.

 

 

Wika ni Uy, maaaring iprisenta  ng isang indibidwal ang kanyang passports at driver’s licenses sa pagpaparehistro ng  SIM cards  kung wala pa itong national ID.

 

 

Sinabi pa ni Uy  na binabalangkas na ng National Telecommunications Commission  ang implementing rules and regulations para sa bagong batas.

 

 

“It (new law) will require 15 days ho to be effective after publication sa Official Gazette,” ani Uy.

 

 

“So once mangyari po ‘yun, ‘yung IRR malalabas po ng NTC within 60 days at ang palugit po ng registration ay 180 days o anim na buwan po,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Mas maraming insentibo para sa mga Filipino scientists, hangad ni PBBM

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Science and Technology (DOST)  na maghanap ng paraan para mapagkalooban ng karagdagang insentibo ang mga  Filipino scientists.

 

 

Sa idinaos na 8th Annual Balik Scientist Program Convention,  hinikayat ni Pangulong Marcos ang marami pang Filipino scientists na manatili sa bansa at ibahagi ang kanilang kaalaman at  kadalubhasaan.

 

 

“As we take advantage of the many opportunities available to us under what is becoming the new normal, it is important to highlight the critical role of the DOST, with the help of the participating Balik Scientists, to address the perennial issues in the country through research and development initiatives,” ayon sa Pangulo  sa kanyang naging talumpati sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

 

 

“You must continue to strengthen the implementation of the Balik Scientist Program and find ways to provide more incentives to encourage more Filipino scientists to come back to the country and share their expertise,”  dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Hinihikayat ng Balik Scientist Program  ang mga filipino scientists, technologists, at experts na bumalik ng PIlipinas at ibahagi ang kanilang  expertise  upang i- promote  ang “scientific, agro-industrial, at economic development” kabilang na ang development  ng  human capital ng bansa s alarangan ng agham, teknolohiya at pagbabago.

 

 

Layon ng programa na baligtarin ang epekto ng tinatawag na “brain drain,” paghusayin ang science and technology capabilities, itaas ang “flow of technologies” at i-promote ang knowledge sharing.

 

 

Ang  pagsasabatas ng Republic Act (RA) 11035 o  Balik Scientist Act noong June 2018 ang nagbigay daan para sa  DOST  na pagkalooban ang mga returning Filipino scientists ng “competitive benefits” gaya ng  daily subsistence allowance, health insurance, at roundtrip airfare.

 

 

Pinasalamatan naman ng Chief Executive ang mga  scientists, lalo na iyong mga nagbalik sa Pilipinas para sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa bansa.

 

 

Kinonsidera ang sarili bilang “frustrated scientist,” tiniyak naman ng Punong Ehekutibo sa lahat ng Filipino scientists na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang pagbibigay suporta sa pangangailangan ng mga ito bilang kabayaran sa kanilang  “dedication, service, and sacrifice for our motherland.”

 

 

Nangako naman ang Pangulo na gagamitin ang agham bilang  “instrument of progress and prosperity,”, batid aniya niya na ang mundo ay nagiging  “more dependent” sa teknolohiya.

 

 

“It is very heartwarming to see that you have chosen to return to the Philippines to use your expertise to help improve the lives of Filipino people and I know that this decision in many cases has meant a potential loss of opportunities,” ayon sa Pangulo.

 

 

“You may always be assured that I and my administration will extend all support in making science and innovation an instrument of progress and prosperity for the Filipino. I suppose with the words that I’m saying you will be able to detect that I am a frustrated scientist,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Pinuri naman ni Pangulong Marcos ang  DOST para sa pagsisikap nito na lumikha ng oportunidad para sa mga umuusbong na  Filipino scientists.

 

 

Umaasa rin aniya siyang ipagpapatuloy ng ahensiya ang pagbibigay ng  “short-, medium-, at long-term” benefits para sa mga returning scientists at sa kanilang pamilya.

 

 

“These benefits include allowances, education assistance for their minor children, and participation in grants-in-aid projects, amongst many others. And perhaps, we will take even more initiatives because in this technological world, once again, we look to our scientists, we look to science to solve our problems, to show us the way to the future,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, ang tema ng Balik Scientist Program Convention ngayong taon ay  “Kasangga sa Paglinang ng Agham at Teknolohiya para sa Maunlad at Matatag na Kinabukasan,”  binigyang diin ang piling “Balik Scientists’ activities, accomplishments, research contributions in different sectors, including health, agriculture, aquatic, industry, energy, and emerging technologies.

 

 

Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang  DOST  na mag-develop ng mas marami pang  inisyatiba para magsilbing inspirasyon sa mga kabataang filipino na isulong ang “scientific at technological courses.”

 

 

Sinabihan nito ang ahensiya na magbigay ng full support sa  Balik Scientists’ research projects at inventions para magsilbi pa ring inspirasyon sa  younger generations na ialay ang kanilang talento, kaalaman at lakas sa bansa.

 

 

“The Balik Scientist Program will have a very important part to play because we can always present to our young people, our young students, look at this Filipino who has made a name for [himself] and who has done a lot of good work and his or her good work has helped very, very many people,” anito.

 

 

“That role that they will play as a model for our young people is not an unimportant factor. So, let us also encourage our young people by showing them what career in science, research and development in what the work that is being done by our Balik Scientists and to motivate them to inspire them and explain to them that you can do this too,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Ipinag-utos din ng Punong Ehekutibo sa lahat ng nagpartsipa sa annual convention na patuloy na magtulungan sa isa’t isa  para sa “science and innovation” para sa kapakinabangan ng mga mamamayang Filipino.

 

 

“I encourage everyone here present to continue searching for more avenues to work with one another in employing science and innovation for the benefit of our people. We can no longer do what we used to do, the pandemic changed everything and that is why we must innovate, and that again is where science comes in,” lahad ng Pangulo sabay sabing”After all, even if we belong to different fields, we perform different tasks, we share a unified goal of achieving a brighter and more progressive Philippines for us all.” (Daris Jose)

PLUNDER CASE LABAN sa mga NAGPATUPAD ng NCAP

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITO ANG  hiling ni Atty. Alex T. Lopez sa Ombudsman ng sampahan niya ng plunder case sila Manila Mayor Honey Lacuna at dating Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso.

 

 

Ayon sa demanda ni Atty. Lopez “NCAP of the City of Manila was created via City Ordinance 8676 series of 2020 nang Vice Mayor pa lang ang kasalukuyang Mayor.  Sabi ni Atty. Lopez

 

 

“It must be emphasized that in the City Ordinance 8676, series of 2020 THERE IS NO MENTION OR EVEN A HINT ON HOW THE PENALTIES WILL BE DIVIDED BY THE CITY GOVERNMENT OF MANILA AND THE COLLECTING PRIVATE ENTITY. FURTHER, THERE IS ALSO NO MENTION AS TO A SPECIAL FUND TO PUT THE COLLECTED PENALTIES PAID FROM THE ALLEGED TRAFFIC VIOLATIONS.

 

 

Ayon din kay Atty. Lopez what is even worse is that a percentage of the penalty will go DIRECTLY to the Private Entity, the QPAX Traffic Systems through a percentage agreement.

 

 

At dahil dito ay PRESUMED na may personal gain sa deal ang Mayor dahil sa Sec 3 (i) 2nd paragraph ng RA 3019- “Interest for PERSONAL GAIN SHALL BE PRESUMED against those public officers responsible for the approval of manifestly unlawful, inequitable, or irregular transactions or acts by the Board, panel, or group to which they belong”.

 

 

Humingi na ng extension of time para sagutin ang demanda ayon sa isang motion na inihain ng abogado ni Mayor Lacuna.

 

 

Depende na sa Ombudsman kung makakakita ng probable cause sa demanda ni Atty. Alex Lopez para isampa ang plunder sa Sandiganbayan.  No bail ang kasong plunder.

 

 

Ang NCAP ng Maynila ay naipasa sa panahon nang kasagsagan ng pandemya.  Ang sales talk dito ng mga nagsulong ay para walang contact ang enforcer at driver at iwas kotong daw. Pero ngayon marami amg nagtatanong at may duda ASAN ANG MGA MULTANG NAKOLEKTA? MAGKANO NA ang NAKOLEKTA? Hindi pamumulitika ang pakay ni Atty. Lopez dito kundi nais niya magkaroon ng accountability sa NCAP sa Maynila.

 

 

Asan nga ba ang pera? Kung magkaroon ng order ng refund na panawagan ng ilang Kongresista at ni Atty. Lopez MAIBABALIK PA BA ANG DAAN-DAANG MILYON NA NAKOLEKTA GALING SA MULTA?

 

 

Sana ay mabilis maresolba ng Ombudsman ang kaso at mapanagot ang mga mandarangbong. (Atty. Ariel Inton Jr)

Happy na part ng isang project for a good cause: DOMINIC, nag-e-excel sa hosting kumpara kay BEA na mas feel ang acting

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AS expected, star-studded ang line up ng guests ng Gabay Guro Grand Gathering which goes on live today, Oct 15, at 1 pm sa Gabay Guro Facebook Page and Youtube Channel.

 

Hosted by Pops Fernandez, Sam Concepcion, Dominic Roque and Jolina Magdangal, tribute event ito ng PLDT sa ating mga guro, the modern heroes of our time.

 

Presented by Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), kabilang sa mga invited perforners ay sina Megastar Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Martin Nievera, Kuh Ledesma at Basil Valdez just to name few.

 

Ayon kay Eloisa Matias, overall in charge of production at musical producer, laging maraming artista na sumasali sa Gabay Guro thru the years.

 

“Siyempre gusto namin may named stars para may star value pero marami talsga who volunteer and show their support,” wika ni Eloisa.

 

Ang concept daw this year ay OPM kaya sure na enjoy ang viewers, sabi pa ni Eloisa.

 

Mas exciting ang line-up ng songs dahil pinag-isipan ang mga numbers at ibinagay ang songs sa bawat performer. Excited nga ang mga featured performers to sing live dahil matagal nila na-miss ito.

 

“I told them hindi masyadong exciting yung digital na nga lang tapos ang panonoorin mo ay paulit-ulit na kanta. Let us do some medleys. Let us conceptualize some numbers so that the audience will stay glued sa kanilang gadget to watch,” wika pa ni Eloisa.

 

Ang iba pang performers ay sina AC Bonifacio, Darren Espanto, Nicole Asencio, Jed Madela, Jet Pangan, Aicelle Santos, Mark Bautista, Erik Santos, Kayla Rivera, Jona, Ella Nympha , Lara Maigue, at The Company.

 

***

 

FOR the third straight year ay kasali uli si Dominic Roque sa Gabay Guro Grand Gathering 2022 show for the teachers.

 

Isa si Dom sa emcee ng event at sabi niya, enjoy naman siya sa kanyang ginagawa.

 

Sa presscon ng Gabay Guro Grand Gathering 2022, sinabi niya na happy siya to be part of the event.

 

Kahit na hindi siya puwedeng mag-render ng song ay masaya na si Dominic na mag emcee. Gusto niya kasing maging part ng isang project for a good cause.

 

“Maganda ang advocacy ng Gabay Guro na makapaghatid ng tulong sa mga teacher in line sa kanilang core values,” sabi pa ni Dominic.

 

Nang tanungin si Dominic about her girlfriend Bea Alonzo, sinabi niyang mas feel ni Bea ang acting compared to him na nag-e-excel sa hosting.

 

Suportado naman nila ang isa’t-isa sa kanilang respective careers at happy sila na pareho silang successful in their own way.

 

(RICKY CALDERON)

1.1 milyong passport slots hanggang Disyembre, binuksan

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBUKAS  ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mas maraming passport appointment slots simula ngayong linggo hanggang Disyembre 2022.

 

 

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi bababa sa 800,000 slots ang ginawang available bilang bahagi ng pagsisikap ng DFA na pahusayin ang kasalukuyang serbisyo ng consular.

 

 

Plano rin ng DFA na magbukas ng humigit-kumulang 300,000 slots bago matapos ang taon.

 

 

Sa isang event ng DFA sa Parañaque City, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Henry Bensurto Jr. na ang mga slot ay para lamang sa loob ng dalawang linggo bago ang pagbubukas ng mahigit 800,000 appointment slots.

 

 

Idinagdag ni Bensuarto na mabibigyan ang publiko ng mas maraming pagpipilian sa iskedyul at site ng aplikasyon, at mapipigilan din ang paglapit nila sa mga fixers.

 

 

Kailangan din aniyang dagdagan ang bilang ng mga slots hindi lamang sa “daily basis” kundi sa “monthly basis” at upang magawa ito ay dapat pag-isipan ang mismong sistema upang madagdagan ang kapasidad ng iba’t ibang consular offices.

DARREN ESPANTO COVERS “TOP OF THE WORLD” FOR “LYLE, LYLE, CROCODILE”

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

COLUMBIA Pictures has just unveiled the video of Asia’s Pop Heartthrob Darren Espanto covering Shawn Mendes’ Top of the World from Lyle, Lyle, Crocodile

The video is a collaboration with UMUSIC PH to celebrate the release of the movie and the original motion picture soundtrack featuring Shawn Mendes.

Top of the World is one of the original songs from the musical comedy with Mendes as the singing voice of Lyle, the croc with a heart of gold.

Espanto said he “had so much fun” shooting the video and invited fans to sing along, and go on top of the world too.

Lyle, Lyle, Crocodile is now showing in cinemas across the Philippines.

Check out the video below and avail of the original motion picture soundtrack now, also featuring the track “Heartbeat.”

YouTube: https://youtu.be/g7FUuINejXA

Based on the best-selling book series by Bernard Waber, Lyle, Lyle, Crocodile is a live-action / CGI musical comedy that brings this beloved character to a new, global audience.

When the Primm family (Constance Wu, Scoot McNairy, Winslow Fegley) moves to New York City, their young son Josh struggles to adapt to his new school and new friends. All of that changes when he discovers Lyle – a singing crocodile (Shawn Mendes) living in the attic of his new home. The two become fast friends, but when Lyle’s existence is threatened, the Primm’s must band together with Lyle’s charismatic owner, Hector P. Valenti (Javier Bardem), to show the world that family can come from the most unexpected places and there’s nothing wrong with a big singing crocodile with an even bigger personality.

Lyle, Lyle, Crocodile features original songs performed by Shawn Mendes and written by the songwriting team behind The Greatest Showman, Benj Pasek & Justin Paul.

Lyle’s solo ballad, Top of the World, was written by Pasek, Paul and Joriah Kwamé.  In the scene where the song was featured, Lyle shows Josh the wonders of New York City.  “Even though Lyle has to sneak out in the middle of the night, because the world is afraid of him, he finds refuge on the top of a theater,” says Paul.

Suddenly, with Josh, Lyle has someone to experience everything that magical city has to offer – including how to eat at the best restaurants in New York for free (a trick taught to him by Hector P. Valenti). “He’s just taught Josh how to dumpster dive, they’re walking through the city, and music pours up through the grate from a Broadway show downstairs,” says Pasek. “It’s Lyle’s favorite song, and he can’t wait to share it with Josh and celebrate this moment of finding someone to share his life with.”

“There is a certain magic and comfort to nightlife in New York City, especially as an artist,” says Kwamé. “It was an absolute treat to put ourselves in the mind and heart of Lyle, who at this moment on that Broadway theater roof, knows that he belongs. I hope the song gives hope to people worldwide who are still looking for that safe space,” he concludes.

 

Lyle, Lyle, Crocodile is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #LyleLyleCrocodile

 

(ROHN ROMULO)

Ads October 15, 2022

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments