• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 15th, 2022

High trust para sa AFP , hindi ikinagulat ng Malakanyang

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na ikinagulat pa ng Malakanyang ang kamakailan lamang na survey ng PUBLiCUS na nagpapakita na nakakuha ang   Armed Forces of the Philippines (AFP) ng  mataas na “trust rating” mula sa 10 ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Ang katwiran ng Malakanyang, kitang-kita naman kasi kung paano gampanan ng  AFP ang tungkulin nito sa panahon ng sakuna.

 

 

Makikita kasi sa PUBLiCUS’ Pahayag 3rd Quarter Survey na ang AFP  ay nakakopo ng “highest trust rating” na 57%, sinundan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), 56% at Department of Education (DepEd) 55%.

 

 

Sinabi ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil  na hindi na ito nakagugulat dahil ang AFP aniya ay direktang kasama sa “search and rescue operations.”

 

 

“The AFP has the Army, Navy and Air Force at its disposal during times of calamities and disasters such as typhoons and earthquakes. Army soldiers are responsible for conducting rescue and relief missions in far-flung areas in the provinces. Navy personnel are engaged in seaborne search and rescue operations,” ayon kay Velicaria-Garafil.

 

 

Ani Velicaria-Garafil , ang TESDA at DepEd  na nasa 2nd at 3rd spots sa trust ratings ay isang indikasyon kung paano pinahahalagahan ng mga tgao ang skills training at basic education.

 

 

Samantala, ang Top 10 government agencies na may mataas na trust ratings ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), 53%; Department of Social Welfare and Development (DSWD), 49%; Commission on Higher Education (CHED), 48%; Department of Science and Technology (DOST), 47%; Department of Health (DOH), 45%; Department of Tourism (DOT), 44% at Department of Labor and Employment (DOLE), 44%.

 

 

“The same goes with DSWD, CHED, DOST, DOH, DOT and DOLE whose services are directly felt by ordinary Filipinos who are constantly seeking help and assistance from the national government,” wika pa ni Velicaria-Garafil.

 

 

Aniya pa, “the government agencies within the Top 10 with high trust ratings are those who have direct contact with the people, especially in the delivery of basic social services.”

 

 

Samantala, ang Top 10 agencies  na may high approval ratings ay kinabibilangan ng TESDA, 68%; AFP, 67%; DepEd, 63%; BSP, 63%; DSWD, 62%; DOST, 61%; CHED, 61%; DOT, 60%; Department of Foreign Affairs at DOLE na may 58% kada isa.

 

 

Ang trust ratings ay ang pagkakaiba sa pagitan ng approval at disapproval ratings.

 

 

Sa kaso ng pinakabagong  PUBLicus Asia survey, ang Top 10 government agencies na may mataas na  approval ratings ay iyong mayroong mataas na trust ratings, maliban sa  DOH.

 

 

Samantala, ang Pahayag survey ay ginawa mula  Sept. 16  hanggang 20  ngayong taon, binubuo ng 1500 Filipino respondents, sample ng PureSpectrum,  isang  US-based panel marketplace na mayroong  multinational presence, mula sa  national panel nito na mahigit sa  200,000 Filipino.

 

 

Ang sample-wide margin of error ay +/- 3%.

 

 

Ang Pahayag ay isang independent at non-commissioned national purposive survey ng PUBLiCUS Asia Inc. Pahayag, ay isang  corporate social responsibility program ng  PUBLiCUS, ipinalalabas quarterly.  (Daris Jose)

Ancajas target na umakyat ng weight division

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BALAK ni Filipino boxer Jerwin Ancajas na umakyat ng weight division.

 

 

Kasunod ito sa pagkatalo niya sa kanyang rematch kay IBF champion Fernando Martinez.

 

 

Sinabi nito na hindi na ito nababagay sa junior bantamweight division kaya natalo siya.

 

 

Naniniwala siya na walang naging problema sa kaniyang kondisyon at stamina sa laban subalit hindi niya maresolba ang stilo ng laban ni Martinez.

 

 

Dahil sa pagkatalo ay binabalak niyang umakyat ng 118 pound division sa susunod na laban niya.

 

 

Napansin ng kampo nito na hindi na gaano kalakas ang kaiyang mga suntok kumpara noong mga nakaraang taon ng lumalaban siya sa 115 lbs division.

Anak ni DOJ Sec. Remulla nasa kustodiya ng PDEA matapos pormal na sampahan ng kaso

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAMPAHAN  na ng kaukulang kaso ang panganay na anak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Juanito Jose Diaz Remulla III.

 

 

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Dir. Derrick Carreon, nakasuhan na si Remulla ng paglabag sa Section 4 o importation of dangerous drugs sa ilalim ng Article 2 ng Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022.

 

 

Bukod pa dito ay nasampahan na rin ito ng kasong paglabag sa Section 1401 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

 

 

Dagdag pa ni Carreon na ang mga kaso ay isinampa ng Las Piñas City Prosecutor’s Office nitong Huwebes ng umaga.

 

 

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng PDEA detention facility nila si Remulla at hihintayin nila ang kautusan mula sa korte.

 

 

Naaresto si Remulla dahil sa pagkustodiya ng kush o tinatawag na mga high grade marijuana.

 

 

Magugunitang tiniyak ng ama nito na si DOJ Secretary Remulla na hindi ito makikialam sa kasong kinakaharap ng anak.

 

 

Samantala, nanindigan ang kalihim na hindi siya makikialam sa kasong kinakaharap ng kanyang anak.

 

 

Siniseryoso niya ang kanyang tungkulin bilang ama at Secretary ng Justice at kinakailangang harapin ng kanyang anak ang kaso. Hahayaan din umano niyang gumulong ang hustisya, habang nagpasalamat naman ito sa PDEA sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

 

 

Mahirap man umano ang pinagdaraanan nila ngayon igagalang nalang niya ang justice system sa bansa.

 

 

Patuloy niyang tutupdin ang kanyang sinumpaang pangako nang tanggapin niya ang naturang posisyon.

 

 

Nauna nang kinumpirma ni Cavite Gov. Jonvic Remulla sa kanyang Official Facebook Page na pamangkin niya si Juanito at panganay na anak na lalaki ni Sec. Boying Remulla.

 

 

Si Sec. Boying ay kasalukuyang nasa Geneva at pauwi pa lamang sa araw na ito.

 

 

Ayon sa ulat, dakong alas-11:10 ng ­umaga noong Martes nang arestuhin sa ikinasang operasyon ang suspect.

 

 

Ang parcel na may tracking number CH 170089152 ay ga­ling sa Estados Unidos ay kabilang sa controlled delivery operation sa bodega malapit sa NAIA kung saan si Juanito ang siyang consignee.

 

 

Isasailalim sa inquest proceedings ang suspek sa Las Piñas Pro­secutors’ Office dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (Daris Jose)

Mariing itinanggi ang akusasyon sa kanya: RICHARD, nag-file ng cyber libel complaint laban sa nagpakalat na may inabandonang anak

Posted on: October 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-FILE ng cyber libel complaint ang Kapuso actor na si Richard Yap laban kay Nina Mabatid dahil sa pagkalat nito na meron siyang inabandonang anak.

 

Sa Facebook account ng aktor naka-post ang kanyang warrant kay Mabatid.

 

“Thank you Lord that the wheels of Justice are finally moving. Even though she tried to influence the Fiscals by calling them during the investigation which was illegal. The fiscals were honest and fair and upright and could not be swayed by her threats and use her of her influence,” post ni Yap.

 

Nagsampa ng kanyang complaint si Yap pagkatapos na mag-post ng court order si Mabatid sa Cebu Regional Trial Court at ipakita na si Joshua Jensen bilang petitioner at si Yap ang respondent.

 

“Abandoned child by Actor Richard Yap filed a case against YAP for paternal suit. As an advocate of the protection and welfare of children, I pray for DNA TESTING kay maluoy ko sa bata. pero di man cya pa test but once the court orders wala cya’y mahimo? in my opinion liwat kaayo cya ni richard yap,” ayon sa pinost ni Mabatid.

 

Sa isang pang post, kinuwento ni Mabatid ang istorya ni Jensen noong una nitong nakita si Yap sa isang fast food commercial.

 

“Good luck Josh, I remembered your story na una mo cya hinanap sa office nya kasama lola mo, 3 years old ka pa lang nuon pero hindi nagpapakita, nakita mo cya sa Chowking advertisement pero hindi mo alam saan puntahan.

 

“Then nung nag-artista cya pumunta ka sa ABS-CBN ilang beses pero walang nangyari sabi mo nagtatago. gusto mo mag-file ng case matagal na pero wala kang address.

 

“Finally sa Cebu mo nakuha ang residence nya and you had to stay in Cebu para maka file ng case kahit nag waiter ka lang sa Cebu at minsan naubusan ng pera. Nakikikain ka pa kung sino2x. Tinulungan ka pa ni late Cong Raul delmar para maka punta ng Cebu.

 

“I hope the Lord will guide you para matahimik na ang kalooban mo. I know hindi pera ang habol mo kung hindi hustisya dahil sobrang puno ng sama ng loob ang puso mo. Gusto mo ipa mukha sa kanya na totoong anak ka nya kaya gusto mo ng DNA. Sana walang power play para lumabas ang katotohanan. Naghihirap ka ngayon pero may Dios, mag tiwala ka lang.”

 

Sa isang interview last year kay Yap, itinanggi niya na meron siyang illegitimate son.

 

“I’ve been in show business for 10 years and I still have a child? As you can see, that person is not from Cebu. He doesn’t know how to speak Bisaya. Why is he filing in Cebu? Who is behind that?” ayon pa sa aktor na kasalukuyang napapanood sa GMA Afternoon Prime teleserye na Abot Kamay Na Pangarap.

 

***

 

NATIKLO ang former beauty queen na si Jewel May Lobaton dahil sa pagkakasangkot nito sa isang illegal na investment scam.

 

Ayon sa report, nahuli si Lobaton sa Laoag City at naka-detain siya ngayon for estafa charges. Inaresto si Lobaton ng mga miyembro ng Batangas Provincial Office (PPO) sa tulong ng Laoag City Police.

 

Nilabag ni Lobaton ang Article 315 ng Revised Penal Code o estafa.

 

“Nagpapakilala siyang producer, talent agency…nagsasabi rin siya po na may party-list, but she’s actually not represented by any. Ginagamit nga niya ang apelyido ng dati niyang kinakasamang politician para maniwala itong mga would-be victims niya sa kanyang pangs-scam,” ayon sa report ni Batangas PPO director Police Colonel Pedro Soliba.

 

Umabot na raw sa 50 million pesos ang na-scam ni Lobaton mula sa iba’t ibang biktima nito, kasama na ang ilang government officials.

 

Wala pang binibigay na statement si Lobaton na kinoronahan noon bilang Binibining Pilipinas-Universe 1998 at lumaban siya sa Miss Universe pageant sa Honolulu, Hawaii.

 

Ex-husband ni Lobaton si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na nagsabi na dumidistansya na siya sa dating asawa.

 

Tweet ni Sen. Pimentel: “Calling on all media practiotioners to desist from mentioning me or the Pimentel name in connection w/ news about the arrest of Jewel Lobaton. The marriage has long been dissolved/declared null & void by the court & by the church. Meaning, Jewel Lobaton has no right to use the surname Pimentel.”

 

Kinasal noong 2000 sina Pimentel at Lobaton. Naghiwalay sila noong 2012. Na-annul ang kanilang kasal noong 2018. Meron silang dalawang anak na lalake.

 

***

 

NAGBABALIK si Lindsay Lohan sa pamamagitan ng Netflix Christmas movie titled Falling For Christmas na magsisimula sa November 10.

 

Sa first trailer ng holiiday movie, sinabi ng 36-year old former teen star na: “Christmas has come early this year and I come bearing gifts.”

 

Sa naturang holiday rom-com, gaganap si Lohan bilang spoiled hotel heiress na si Sierra na nagkaroon ng total amnesia pagkatapos ng isang ski mountain pagkatapos na mag-propose ang boyfriend niya sa kanya. Kinupkop siya ng isang pamilya na may-ari ng isang ski lodge at magkakaroon sila ng romantic storyline ng lodge owner na isang biyudo played by Glee’s Chord Overstreet.

 

“Doing films, playing a character, it brings me so much joy to be able to share a story with people. To take people on that journey with me is such a blessing. It’s such a refreshing, heartwarming romantic comedy and I miss doing those kinds of movies,” sey ni Lohan sa kanyang acting comeback.

 

Falling For Christmas is directed by Janeen Damian and also stars George Young, Jack Wagner, Olivia Perez, Alejandra Flores, Chase Ramsey, Sean Dillingham, Antonio D. Charity and Lohan’s real-life sister Aliana, who also has two original songs included in the film.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)