• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 17th, 2022

DOJ: Drug case vs De Lima ‘di iaatras

Posted on: October 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINDIGAN si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi ibabasura ng gobyerno ang mga drug case na kinakaharap ni dating senador Leila de Lima sa gitna ng mga naging pana­wagan ng mga  mambabatas ng Estados Unidos na palayain siya sa pagkakakulong at isantabi ang lahat ng mga kasong isinampa laban sa kanya.

 

 

“Kinausap ko po ang prosecutors, they stand by what they’re doing. Who am I to tell them itigil n’yo ‘yan. Hindi ko pwedeng awatin po ‘yan. That is already institutional action. The institution in action. Hindi po natin pwede burahin o awatin basta-basta, unless talagang maling-mali,” ani Remulla sa naging panayam sa TV.

 

 

Ang pahayag ni Remulla ay ginawa matapos matanggap ang liham noong Oktubre 12, 2022 mula sa mga US Senators na sina Edward Markey, Richard Durbin, Patrick Leahy at US Reps. Aumua Coleman Radewagen, Alan Lowenthal at Donald Beyer, sa pakiusap na Nanindigan kahapon si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi ibabasura ng gobyerno ang mga drug case na kinakaharap ni dating senador Leila de Lima sa gitna ng mga naging pana­wagan ng mga  mambabatas ng Estados Unidos na palayain siya sa pagkakakulong at isantabi ang lahat ng mga kasong isinampa laban sa kanya.

 

 

Iginiit ng mga mambabatas ng Estados Unidos na dapat nang iurong ng DOJ ang lahat ng kasong isinampa laban kay De Lima, na humantong umano sa hindi makataru­ngang pagkakabilanggo na lubhang nakakabagabag dahil limang taon nang napagkaitan siya ng maayos na buhay kaugnay sa umano’y “fabricated charges against her.”

 

 

Ipinunto pa nila na marami na ang mga testigong bumawi sa kanilang testimonya laban sa senador.Iginiit ng mga mambabatas ng Estados Unidos na dapat nang iurong ng DOJ ang lahat ng kasong isinampa laban kay De Lima, na humantong umano sa hindi makataru­ngang pagkakabilanggo na lubhang nakakabagabag dahil limang taon nang napagkaitan siya ng maayos na buhay kaugnay sa umano’y “fabricated charges against her.”

 

 

Ipinunto pa nila na marami na ang mga testigong bumawi sa kanilang testimonya laban sa senador. (Daris Jose)

Valenzuela police at mga mamamahayag sa CAMANAVA, nagsagawa ng dayalogo

Posted on: October 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni P/Col. Salvador S. Destura Jr, Officer-In-Charge ng Valenzuela City Police Station ang isinagawang dayalogo sa pagitan ng Valenzuela police at mga mamamahayag na komokober sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) upang mapag-usapan at malaman nila kung may banta ba sa kanilang mga buhay o panganib dahil sa kanilang ginagampanang trabaho bilang mga mamamahayag.

 

 

Kaugnay ito ng pagkakapaslang sa beteranong reporter na si Percy Lapid kung saan ay pinagbabaril ito ng hindi pa kilalang salarin na isa sa tinitignan motibo ay may kaugnayan sa kanyang trabaho.

 

 

Nakiusap naman si Col. Destura sa mga mamamahayag na kung sakaling mga may banta sa kanilang buhay ay huwag mag-atubiling lumapit o pumunta sa kanyang tanggapan at ipaalam sa kanila ang anumang uri ng pagbabanta.

 

 

Siniguro din Col. Destura na bibigyan nila ng proteksyon at agarang paimbestigahan ang sinumang mamamahayag na komokober sa CAMANAVA area partikular sa Valenzuela City na nakatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay para sa kanilang kaligtasan, maging ang mga mahal nila sa buhay.

 

 

Kabilang sa mga dumalo sa naturang dayalogo si ACOPA PLt Col. Aldrin Thompson, SIU chief PLT Robin Santos, SS-2 commander P/Major Randy Llanderal at chief SCAS P/Major Gina Pariñas. (Richard Mesa)