• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 29th, 2022

VOTERS REGISTRATION PASA SA BSK ELECTION

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGTAKDA na ng petsa ng voter’s registration ang Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE.

 

 

Ayon kay Comelec spokesperson Atty.John Rex Laudiangco, napagpasyahan ng Commission En banc na itakda ang voter’s registration period sa Disyembre 9 hanggang Enero 31,2023.

 

 

Ito ay upang bigyan daan ang buong pilot testing at pagkatapos ay magsagawa ng komprehensibong post-assessment ang paunang pagpapatupad ng Register Anywhere Project (RAP) sa National Capital Region (NCR).

 

 

“Please note that the Commission, in its inherent power to extend the period for registration beyond January 31, 2023, ultimately intends to implement the RAP nationwide based on the lessons to be learned and challenges to be faced and hurdled in the NCR Pilot Testing.” saad pa ni Laudiangco .

 

 

Ang inisyal na registration period ay makakayanan din ng Komisyon, sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng Election and Barangay Affairs Department (EBAD), Information Technology Department (ITD) at ng Field Officers, na i-verify at linisin ang Listahan ng mga Botante, bawasan ang doble at maraming mga rehistro. , lalo na sa mga bagong aplikante.

 

 

Para sa local voter registration, ang mga kuwalipikadong mamamayan ay maaaring magsumite ng documentary requirements at magpakuha ng biometrics sa Office of the Election Officer (OEO) o sa anumang satellite registration site na nakakasakop sa kanilang lugar .

 

 

Ang mga  overseas voters naman na nais lumahok sa BSKE ay kailangang ilipat ang kanilang registration mula overseas sa local .

 

 

Ayon kay Laudiangco mayroon sila hanggang Enero 31 upang maghain ng kanilang aplikasyon sa OEO sa kanilang lugar kung saan sila boboto. (Gene Adsuara)

‘Black Panther: Wakanda Forever’ New Trailer Reveals Two Black Panther Helmets

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

A new Black Panther: Wakanda Forever trailer reveals not one, but two Black Panther helmets.

 

After Chadwick Boseman tragically passed away due to colon cancer in 2020, returning Black Panther director Ryan Coogler and his co-writer Joe Robert Cole reworked the sequel to honor the late actor and his incredible legacy as T’Challa.

 

Just as audiences are still coming to terms with Boseman’s untimely death, the sequel will find the people of Wakanda mourning King T’Challa’s passing as they protect their nation from invading forces led by Namor, the King of Talocan.
In an effort to honor Boseman’s legacy as T’Challa, Wakanda Forever will pass his Black Panther mantle on to another character to carry.

 

The most likely candidate is Shuri, who as T’Challa’s younger sister is his natural successor. Not only did Shuri become the Black Panther in the comics, but leaked LEGO sets have suggested the MCU will follow suit.

 

Wakanda Forever footage has also revealed a female Black Panther equipped with Shuri’s Vibranium gauntlets, suggesting Marvel is no longer concerned about hiding that Shuri is the new Black Panther.

 

Now, some new footage has arrived suggesting there is more to the story of T’Challa’s successor. Marvel recently shared a new Black Panther: Wakanda Forever trailer titled “Time” that, at the 0:28 mark, reveals a glimpse of two Black Panther helmets side-by-side. Watch the new trailer above.

 

By revealing the two helmets, the new Black Panther: Wakanda Forever trailer supports the theory that T’Challa will have multiple successors in the sequel. The fan theory actually started as a result of comments from Lupita Nyong’o and Danai Gurira. The Wakanda Forever stars suggested that fans haven’t guessed the new Black Panther correctly, saying “They’re not getting all of it right.” With Shuri almost certainly being the next Black Panther, this would suggest there might be other characters donning the suit in the forthcoming sequel.

 

Other than Shuri, Nakia is another Black Panther candidate given how close she was to T’Challa as well, though people shouldn’t count out Okoye as a possibility either. Having multiple successors in Black Panther: Wakanda Forever would be an interesting creative decision since audiences are mostly expecting one. Also, it would add some thematic significance to the sequel, suggesting that after T’Challa’s death, instead of trying to replace him, the Black Panther becomes a symbol that multiple characters can inhabit, and any Wakandan can aspire to. With early Black Panther: Wakanda Forever reactions praising the film for its moving story, perhaps the answer to this mystery will prove to be more impactful than anyone could’ve predicted. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

‘Drone Squadron’, inilunsad ng QCPD

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD  ng Quezon City Police District (QCPD)  sa pangunguna ni P/BGen. Nicolas Torre III, ang kanilang sari­ling ‘drone squadron’ sa Camp Karingal sa Sikatuna Village, nabatid kahapon.

 

 

Ayon kay Torre, ide-deploy nila ang mga drones upang magbigay ng seguridad sa publiko at sawatain ang kriminalidad sa lungsod.

 

 

“We will deploy drones as they are very useful to possess the ability to reach areas by just merely controlling them. Also, they can be used for surveillance and other operations pertaining to police works,” ayon kay Torre.

 

 

Mismong si Torre rin ang nag-demonstrate kung paano gamitin ang mga drones.

 

 

Nabatid na ang drone squadron ay binubuo ng anim na grupo na pamumunuan ni P/Lt. Virgilio Mendoza.

 

 

Tiniyak naman ni Torre na ang mga drone pilot operators ay si­nanay ng maayos.

 

 

Una anila itong ide­deploy sa Undas at magpapadala ito ng live feed sa command center.

 

 

Ang drones ay ipapakalat sa iba’t ibang sementeryo, kolumbaryo, at mga lugar kung saan magtitipon-tipon ang mga tao sa Undas, at magsisilbing ‘eye in the sky’ ng mga awtoridad para sa anti-crime ope­rations.

 

 

Nagsagawa rin ng simulation Exercises sa Integrated Command and Control Center (IC3).

 

 

May kabuuang 20 drone ang naka-deploy na sa limang semen­teryo sa lungsod.

 

 

Gagamitin din naman ang mga drones sa pagbibigay ng seguridad sa panahon ng Kapaskuhan. (Daris Jose)

Mahilig manood ng horror, kaya happy na maging zombie: CARLA, nagkuwento ng totoong horror story ng buhay niya

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MASAYA ang Councilor ng 5th District ng Quezon City na si Alfred Vargas dahil balik siya sa acting.

 

 

Mapapanood siya sa pilot week ng bagong GMA Afternoon Prime na “Unica Hija”, special participation lang daw siya bilang tatay ni Kate Valdez.

 

 

Pero sabi ni Alfred, nag-enjoy raw siyang talaga sa taping kaya natatawang sabi niya, parang gusto nga raw niyang magtuloy-tuloy na. Pero imposible dahil may kasunod na agad siyang ginagawa ngayon, ang “Arabella” kunsaan, mapapanood siya sa buong serye.

 

 

Matutuwa si Kate dahil parang naging instant fan niya si Alfred. Puring-puri ni Alfred si Kate. Sabi nito, “Alam niyo, ang galing niya ha. Ang galing niyang artista.

 

 

“And considering na ang bata pa niya, kaya siguradong ang layo ng mararating niya.”

 

 

Ang ganda ng katawan ni Alfred ngayon. Mas bumata rin ang looks niya. Nagbunga talaga ang disiplina niya sa pag-intermittent fasting at pagdyi-gym. Sumakto rin sa pagbabalik niya sa telebisyon.

 

 

Malaking bagay rin na kumpara noong nasa Congress siya, mas maluwag daw ang oras ngayon bilang Konsehal.

 

 

At sabi pa ni Alfred, “malaki rin ang pasasalamat ko sa GMA dahil very supportive rin sila. Naiintindihan din nil yung schedule ko kaya nababalanse.”

 

 

***

 

 

NATUPAD ang isa sa dream ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa Halloween episode ng “Daig Kayo ng Lola Ko” ngayong Linggo.

 

 

May pagka-“All of Us Are Dead” ang peg kunsaan, nagampanan nila ang maging zombie.

 

 

Aminado si Carla na breather for her ang ginawang episode na very rare lang siyang makapag-horror sa mga drama na ginagawa niya.

 

 

Sey nga niya, “Sobrang na-excite po ako kasi sa wakas, no’ng nabasa ko pa lang ang word na zombies, sobrang na-excite na po ako. Napakalaking fan ko po ng horror, marami pong may alam diyan.”

 

 

Pero kahit mahilig sa horror, aminado itong matatakutin din habang nanonood.

 

 

Tinanong namin si Carla since alam ng lahat na marami siyang pinagdaanan sa totoong buhay at kung ano ang pinaka-horror story ng buhay niya.

 

 

“Actually marami po, marami… kung saan ako lumaking bahay, sa lola ko, very old. Naging parte na siya ng childhood ko.

 

 

“Siguro yung isa sa pinaka-nakakatakot, madaling-araw, nagising ako sa may window na may umiiyak. Alam ko naman ang asong umiiyak. Hindi siya aso o pusa, maliit na boses na umiiyak. ‘Yun talaga ang pinaka-nakatatakot.”

 

 

Sa isang banda, puro mga bagets ang kasama ni Carla sa cast tulad nina Cassy Legaspi, Matt Lozano, Will Ashley, Luis Hontiveros at Althea Ablan.

 

 

All praises si Carla sa mga co-stars niya na super ang gagaling daw.

 

(ROSE GARCIA)