• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 2nd, 2022

Caritas Manila, sumaklolo sa naapektuhan ng bagyong Paeng

Posted on: November 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS  ang malawakang pinsala ng bagyong Paeng sa buong bansa, nagpaabot ng “cash aid” ang Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila sa Luzon, Visayas at Mindanao na lubhang nasalanta ng bagyo.

 

 

Nagbigay ng paunang tulong 500, 000 pisong cash ang Caritas Manila sa Archdiocese of Cotabato na matinding nasalanta ng bagyong Paeng kung saan halos 70-katao ang nasawi.

 

 

Para tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo, nagpadala ang Caritas Manila ng 200,000 pisong cash aid sa Social Action Center ng Diocese of Antique kung saan naapektuhan ng baha ang bayan ng San Jose de Buenavista, Sibalom, Hamtic, Patnongon,Laua-an, Belison,Bugasong, San Remegio,Tibiao,Valderama,Tobias Fornier.

 

 

 

Sa ulat ng Antique Provincial Disaster Risk Reduction Office, 7,506 na pamilya o 30,328 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.

 

 

200,000 pisong cash aid din ang ibinigay ng Caritas Manila sa Archdiocese of Capiz Social Action Center at 200,000 piso din sa Diocese of Kalibo sa lalawigan ng Aklan.

 

 

Bukod sa cash aid, nagpadala din ang Caritas Manila ng “in kind relief response sa Diocese  Of Antipolo na 269 manna pack nagkakahalaga ng (₱269k), Diocese of San Pablo Laguna 340 manna pack (₱340k).

 

 

Umabot sa kabuuang sa P1,709,000 pesos ang (Cash & Inkind) assistance ang ibinigay ng Caritas Manila

 

 

Inihahanda na rin ng Caritas Manila ang ipapadalang tulong sa mga lalawigan sa Luzon na hinagupit ng bagyo.

 

 

Upang mapalawak pa ang pagtulong, kumakatok ang Caritas Manila sa butihing puso ng mga Pilipino na magdonate sa social arm ng Archdiocese of Manila sa pagbangon ng mga nasalanta ng bagyong Paeng sa buong bansa.

 

 

Nauna rito, nanawagan si Manila Archbishop Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan na pairalin ang ugaling pagkawanggawa sa mga naapektuhan ng kalimidad.

𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗝𝗿., 𝗻𝘂𝗺𝗲𝗿𝗼 𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 ‘𝗴𝗵𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿’ 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗹𝗹𝗼𝘄𝗲𝗲𝗻 – 𝗚𝗔𝗕𝗥𝗜𝗘𝗟𝗔

Posted on: November 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINUNA ng grupong GABRIELA ang pagiging “missing-in-action” ni Marcos Jr. at tinawag siyang “ghoster” ngayong palapit na ang Undas kung saan sinalanta ng bagyong Paeng ang bansa habang minumulto ng nagtataasang presyo ng bilihin at bayarin ang mamamayan.

 

 

“Nasaan ba talaga ang pangulo? Ang ibig-sabihin yata ng PBBM ay President Bong Bong Missing-in-action! Palpak na nga, hindi pa mahagilap sa gitna ng krisis at sakuna – numero unong ghoster!” saad ni Clarice Palce, Secretary-General ng GABRIELA, ang pinakamalawak na organisasyon ng kababaihan sa bansa.

 

 

Ayon pa sa GABRIELA, sa kabila ng napakaraming Pilipinong nasawi at nawalan ng kabuhayan sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa bagyong Paeng, nananatiling inutil at pabaya ang administrasyong Marcos sa pagharap dito.

 

 

Dagdag pa ni Palce, “Malapit na ang Araw ng mga Patay pero araw-araw nang kalbaryo nating mga Pilipino ang napakamahal na bilihin at bayarin. Matagal na tayong pinapatay ng kapabayaan at kawalang pakialam ng gobyerno sa lumalalang kahirapan sa bansa.”

 

 

Nanawagan ang GABRIELA sa kababaihan at mamamayan na kalampagin ang administrasyong Marcos na seryoso at kongkretong aksyunan ang lumulubhang krisis sa ekonomiya at tumitinding sakuna sa bansa.  (GABRIELA Alliance of Women)

DAR, gagamitin ang P10-B para maabot ang ‘dignified goals’ para sa mga magsasaka ni PBBM

Posted on: November 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ALINSUNOD sa naging direktiba ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na ipamahagi ang mga lupain  ng libre at paigtingin ang probisyon ng “support services” sa mga magsasaka, pinangunahan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang 150th meeting ng Presidential Agrarian Reform Council Executive Committee (PARC ExCom), araw ng Biyernes, Oktubre 28.

 

 

“I was tasked by the President, being the Vice-Chairman of the PARC, to convene this very important meeting, to use the remaining PHP10 billion of the Agrarian Reform Fund (ARF) to realize his dignified goals for our farmers,” ayon kay Estrella.

 

 

Sa nasabing pulong, naipahiwatig nito ang determinasyon na i-adopt ang rekumendasyon ng Pangulo para sa pagpapalabas at utilization ng P10 billion mula sa  ARF balance,  na gagamitin para sa:

 

  • Landowners compensation, na may halagang P1.4-bilyong piso para sa documented landholdings na may pending claims na “due for payment” ;
  • Support services budget, na may P7.85-bilyon para sa implementasyon ng mga proyekto kabilang na ang agri-extension services, pamamahagi ng farm input support at farm machineries sa agrarian reform beneficiaries, infrastructure development at public works projects;
  • Karagdagang P500 milyon para sa administrative at operating expenses na kailangan para sa implementasyon ng mga nasabing components ng agrarian reform program; at
  • Institutional human resources para sa capacity development programs, P250 milyon para bigyang kapangyarihan at paghusayin pa ang kakayahan ng departamento para sa epektibong implementasyon.

 

 

Sa nasabing pulong, sinabi ni  Estrella na nangako  ang mga miyembro ng  Dalawang Kapulungan ng Kongreso sa Pangulo na ipapasa ng mga ito ang  “New Emancipation Act”  para sa mga landless farmers ngayong Disyembre.

 

 

“This bill would enable the Department of Agrarian Reform (DAR) to distribute free lands to the farmers,” aniya pa rin.

 

 

Makalilikha aniya ito ng malakas na  impact sa mga  magsasaka kasama ang pinaigting na probisyon na kinakailangang   support services upang ang kanilang lupain ay maging mas produktibo para makalikha ng maraming kita.

 

 

“I believe that this is a historic executive meeting because this gathering will not just improve the lives of the farmers, but it will also have a beneficial effect in our agricultural sector,” wika nito. (Daris Jose)

Kaya planong ligawan na ang singer-actress-vlogger… JM, inamin na may kakaiba nang nararamdaman kay DONNALYN

Posted on: November 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY plano na raw ligawan ni JM de Guzman si Donnalyn Bartolome.

 

Inamin ng kontrobersyal na aktor may kakaiba raw siyang nararamdaman sa singer-actress-vlogger.

 

“Isa niya po akong tagahanga. Mayroon akong ano sa kanya, may gusto ako sa kanya,” diretsang sinabi ni JM.

 

Sa tanong kung nagsimula na siyang manligaw dito, sagot ni JM ay: “Sana. … Nagpaparamdam-paramdam. Sobrang bait. Sobrang headstrong, wise, responsable and independent. Ngayon malalamaan na niya.”

 

Minsan nang sinorpresa ni Donnalyn si JM noong kaarawn nito. Binigyan niya ito ng surprise party. Kaya siguro sobrang na-touch si JM sa mga pinakita ni Donnalyn.

 

Nasabi tuloy ng aktor: “Matagal-tagal na rin akong wala sa relasyon. Masuwerte ang lalakeng magiging boyfriend niya.”

 

***

 

MUNTIK na palang mapasama sa nangyaring stampede sa Itaewon, South Korea ang beauty queen maker at creative director ng Miss Universe Philippines na si Jonas Gaffud.

 

Ang nangyaring stampede sa Itaewon ay ikinamatat ng 151 people, kasama rito ang 19 foreigners na bumisita roon to celebrate Halloween. Overcrowding ang naging dahilan kung bakit nagkagulo sa dapat ay masayang gabi.

 

Sa Facebook ay kinuwento ni Jonas na nasa Itaewon sila kasama ang kanyang grupo para maki-Halloween. Pero nauwi raw ang lahat sa stampede at nagpapasalamat si Jonas na walang nasaktan sa mga kanila.

 

Heto ang post ni Jonas:

 

“Warning, lengthy post: ALL 8 of us who went to Itaewon are safe.

 

“Reading all about the news now on what happened in Itaewon. It got scary when I thought I would die during the stampede.

 

“I was near an ambulance and I was hoping I could escape. But I was at the end so everyone was pushing each other towards me and I was pushing against the ambulance.

 

“I was holding Cheska Summer’s hand who was holding Mau De Leon. Then I lost both and I heard Cheska shouting: Mama!!!!! I was lost pinned against the ambulance.

 

“I did not see Vince Lenard Marcelo and Prince Argel Saycon anymore but they were struggling somewhere too. James Reyes Marv Ayao got separated from our group. We were actually holding each other’s hands. I was relying on my shield and sword.

 

“Then I heard another familiar voice calling me. It was Eljohn Mendoza. I told him: ano na gagawin natin? Then I saw a slim girl who went in between the ambulance and another car. So I just followed her. Kumasya kami. I mean pang 24 inch waistline lang kasya. And if I were caught in between the cars, at tuloy ang stampede, wala na. Miracle talaga kumasya kami eh ang kapal ng suot ko. House of Targaryen pa kunwari ang costume ko!

 

“We left the area , looking at all the ambulance etc. I decided to enter a club and got a table. Kinaya pa diba? Nag inarte pa : I want a table! But it was so exhausting.

 

“We decided to go home, walked and waited for a cab for almost an hour. People were calling us if we were safe. Hindi talaga namin alam yung gravity ng situation pa rin sa sobrang dami ng tao kasi.

 

“Sa taxi, yun na mga news. And back in our room, now ko lang nakita yung nangyari talaga.

 

“That day we went to buy our costumes for Halloween. I already told the group I really don’t feel like going there as told by my friends. But not wanting to be the “kj”., I said sige punta na tayo.

 

“I never thought it would be worse with so many people who died. I am really thankful, we were all able to get out of this situation and my deepest condolences to the beareved families.”

 

***

 

AFTER 13 years ay nag-divorce na ang star N.F.L. quarterback Tom Brady at ang supermodel Gisele Bündchen.

 

Nagulat ang maraming tagahanga nila dahil noong nakaraang buwan lang nabalitaan na nagkakaroon ng problema sa samahan nila. Pero mabilis ang naging paghihiwalay at pumirma na ang judge sa kanilang divorce papers kamakailan.

 

Naglabas ng official statement si Brady sa naging divorce nila ni Gisele:

 

“We arrived at this decision amicably and with gratitude for the time we spent together. We arrived at this decision to end our marriage after much consideration. Doing so is, of course, painful and difficult, like it is for many people who go through the same thing every day around the world. However we wish only the best for each other as we pursue whatever new chapters in our lives that are yet to be written.”

 

Nag-post naman si Gisele sa Instagram na patuloy ang co-parenting nila ni Brady sa kanilang mga anak: “To give them the love, care and attention they greatly deserve. The decision to end a marriage is never easy but we have grown apart and while it is, of course, difficult to go through something like this, I feel blessed for the time we had together and only wish the best for Tom always.”

 

Naging sanhi ng hiwalayan nila ay dahil sa muling pagbalik ni Brady sa paglaro ng football para sa Tampa Bay Buccaneers. Nag-retire na ito para marami siyang panahon sa kanyang pamilya. Pero nagdesisyon itong maglaro ito na ikinagalit ni Gisele.

 

“Brady did not contest the divorce, waived a trial and any waiting periods required by law, and the divorce was approved by a judge on Friday,” ayon sa report ng New York Times.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)