• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 9th, 2022

Netizens, humihirit pa rin na magka-Book 3: ‘First Lady’ nina GABBY at SANYA, hataw pa rin sa pagtanggap ng awards

Posted on: November 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISA sa nanguna sa pagbuo ng 2022 GMA Christmas Station ID na “Love is Us this Christmas” ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.  

 

 

During the station ID shoot, nag-reflect ang mag-asawa sa meaning of the song for them.

 

 

For Dingdong, “para sa akin, ang ibig sabihin ng ‘Love is Us This Christmas,’ ay despite yung lahat ng mga nangyari sa ating mga mahal sa buhay, higit sa lahat, sa ating mga puso, ang panahon ng Pasko ay panahon ng pagmamahal.”

 

 

Dagdag naman ni Marian, “Nakakatuwa kasi parang sa dami ng pinagdaanan natin nitong pandemya, ngayon, eto ulit tayo, magsasama-sama muli to celebrate Christmas.”

 

 

Last Sunday, November 6, unang napanood ang GMA CSID sa noontime show na “All-Out Sundays” at nakasama nila ang iba pang Kapuso stars like Alden Richards, Bea Alonzo, Heart Evangelista, at iba pang mga brightest Kapuso stars and personalities ng iba’t ibang programa ng network, kasama rin ang cast ng “Eat Bulaga,” mga Kapuso abroad at mga Kapuso fans na naki-join din sa mga paborito nilang artista sa celebration.

 

 

Nagpasalamat ang GMA Network sa mga nanood ng CSID, na matapos ang wala pang 24 hours ay nakakuha na agad ng more than one (1) million views sa Facebook.

 

 

Mapapanood din ito sa official GMA Network Facebook at YouTube accounts or sa official website  na www.gmanetwork.com.

 

 

***

 

 

HATAW pa rin ang GMA Primetime romantic comedy series na “First Lady” nina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at Yaya Melody (Sanya Lopez), dahil tumanggap ito ng magkasunod na awards.

 

 

Congratulations sa casts, creative at production staff ng programa, sa “Most Outstanding Primetime Show of the Year 2022” award mula sa Amer  Asia International Awards na magaganap sa Saturday, November 26, sa Celebrity Centre International Pavillon sa Hollywood, California.  Ang invitation ay ipinadala ni Alfredo M. Yumol, Executive Vice-President/CEO/Awards Chairman,  at Jaycee Pacifico, Consultant/Adviser.

 

 

Kasunod namang tinanggap ng “First Lady” ang Special Citation as Best Drama Series/Program, GMA-7, from the 2022 Catholic Mass Media Awards (CMMA).

 

 

Kaya naman humirit muli ang mga netizens sa GMA Network na ituloy na ang paggawa ng Book 3 ng “First Lady” na nagtapos ang Book 2, na magsisilang na ng baby nila ni  PGA si First Lady Melody.

 

 

***

 

 

WALANG pahinga si Kapuso actress Glaiza de Castro.  

 

 

Kababalik lamang niya sa bansa after ng taping nila ng “Running Man Philippines” na Pinoy adaptation ng GMA Network ng number one reality show ng South Korea, pero last Sunday, November 6, ay umalis naman siya for Canada para sa shooting ng isang international movie na ipu-produce ng isang Canadian film producer at ididirek ng isang Canadian-Pinoy director.

 

 

Pero hindi raw magtatagal sa Canada si Glaiza, dahil tatapusin nila ang shooting sa November 26, at babalik na siya ng Pilipinas.  Isusunod nang gawin ni Glaiza ang isang GMA teleserye, ang “Seed of Love” na muli nilang pagtatambalan ni Kapuso actor Mike Tan.

 

 

Dapat noon pa  nila ito ginawa pero pansamantalang nahinto dahil sa Covid-19 pandemic.  Huling nagtambal sina Glaiza at Mike sa “Nagbabagang Luha.”

 

 

Pagkatapos na kaya ng taping ng teleserye, gaganapin ang wedding nina Glaiza at husband niyang si David Rainey of Ireland, na gaganapin dito sa Pilipinas?

 

 

Nauna nang ikinasal sina Glaiza at David sa Northern Ireland, last October 12, 2021.

 

   (NORA V. CALDERON)