• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 3rd, 2022

Pinas, pumangalawa sa Indonesia pagdating sa budget transparency sa Southeast Asia

Posted on: December 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASUNGKIT  ng Pilipinas ang ‘second highest score’ sa Southeast Asia para sa transparency ng budget documents sa 2021 Open Budget Survey. 

 

 

Mula sa kabuuang  120 bansa na kabilang sa survey, pumuwesto ang Pilipinas sa pang-19, na may iskor na 68.

 

 

Sa Southeast Asia, ang Pilipinas ay ‘ranked second’ sa Indonesia.

 

 

Ang Pilipinas ay naka-iskor ng bahagyang pagbaba  kumpara sa  76 na nakuha nito noong 2019  dahil sa ‘late publication’ ng mid-year review online.

 

 

“OBS measures transparency in terms of public access to information on how the central government raises and spends public resources. It assesses the online availability, timeliness, and comprehensiveness of 8 key budget documents using 109 equally weighted indicators,” ayon sa ulat.

 

 

Ang transparency score na  61 o pataas mula sa 100 ay indikasyon na ang bansa ay “likely publishing enough material to support informed public debate on the budget.”

 

 

Inilunsad noong  2006 ng  International Budget Partnership (IBP), ang  Open Budget Survey ay  “world’s only independent, comparative, and fact-based research instrument” para sukatin ang aspeto ng ‘governance and accountability’ sa pamamagitan ng ‘transparency, oversight at public participation.’

 

 

Pagdating sa public participation,  naka-iskor ang Pilipinas ng 35 mula sa 100,  itinuturing na  “highest” sa  Southeast Asia at mas mataas sa  global average na 14.

 

 

“This category assesses the formal opportunities offered to the public for meaningful participation in the different stages of the budget process. It also examines the practices of the central government’s executive, the legislature, and supreme audit institution using 18 equally weighted indicators, aligned with the Global Initiative for Fiscal Transparency’s Principles of Public Participation in Fiscal Policies,” ayon pa rin sa ulat.

 

 

Welcome naman kay Budget Secretary Amenah Pangandaman  ang resulta ng OBS.

 

 

“We hope to fast-track our initiatives to digitize government processes and transactions through the implementation of the Integrated Financial Management Information System as well as the enactment of the progressive budgeting for better and modernized governance bill or PBBM bill which shall institutionalize the cash budgeting system,” ang wika ni Pangandaman.

 

 

“We are also committed to continue working towards an open and participatory government as we chair the Philippine Open Government Partnership steering committee,”  dagdag na pahayag nito sabay sabing pag-aaralan ng  DBM  ang feasibility na isama ang rekomendasyon ng OBS  sa proseso nito.  (Daris Jose)

LTO: Naghahanda na sa single ticketing system sa 2023

Posted on: December 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na ang Land Transportation Office (LTO) sa pagpapatupad ng implementasyon ng single ticketing system sa Metro Manila sa unang third quarter ng susunod na taon.

 

 

Ito ang sinabini assistant secretary Arturo Jay Tugade matapos gawin ang isang draft ng memorandum circular kung saan kanyang kukunsultahin ang mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kasama na ang mga lokal na pamahalaan (LGUs)tungkol dito.

 

 

Ayon sa kanya ang single integrated ticketing system ay makapagbibigay ng isang harmonized na implementasyon ng mga road traffic rules at upang maging mas maganda ang kalagayan ng trapiko sa kalakhang Maynila.

 

 

“The idea is to clear the roads of irresponsible drivers. All roads will be carefully regulated wherein all the privileges will be given to responsible drivers on the road,” wika ni Tugade.

 

 

Sinabi rin niya na ang integrated single ticketing system ay naglalayon na masigurado na maging parehas ang pagpapatupad ng mga violations at kaukulang bayad ng mga multa na binibigay ng mga iba’t ibang LGUs at ahensya ng pamahalaan sa mga motorista.

 

 

“As of now, fines differ between agencies, causing confusion among motorists. For instance, fines for not wearing helmet by motorcycle riders range from P300 to P1,500. It will also ensure better monitoring of road violations and demerit points to be issued by the agency,” dagdag ni Tugade.

 

 

Nilinaw naman ni Tugade na ang mga local enforcers ay hindi authorized na magkumpiska ng mga driver’s licenses sapagkat ang LTO lamang ang may karapatan sa bagay naito. Ang mga traffic enforcers ay pinapayagan lamang na magbigay ng citation tickets sa mga motorista na lumalabag sa batas trapiko. “Only LTO enforcers are authorized to confiscate drivers’ licenses,” saad niTugade.

 

 

Samantala, ang Metro Manila Council ay nagbuo ng isang technical working group upang tapusin ang mga polisiya sa mungkahing single ticketing system.

 

 

Ayon kay MMC president at San Juan Mayor Francis Zamora nasiyarin co-chairman ng Regional Development Council na ang mga LGUs ay makikipagtulungan at makikipagpulong sa LTO at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) tungkol dito.

 

 

“The measure will also be beneficial for those living in the provinces. For example, if you from Ilocos or Bicol and you were caught for a traffic violation in Metro Manila, would you go back here just to pay your fines?,” sabi ni Zamora.

 

 

Sinusugan rin ni Zamora na ang single ticketing system na ipapatupad sa National Capital Region (NCR) ay makakatulong upang magkaroon ng pagluluwag ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa metropolis. LASACMAR

Kinilig nang makapasok sa ABS-CBN: Say ni ROCHELLE kay COCO, yumaman lang pero ‘di nagbago

Posted on: December 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI maitago ng Kapuso star na si Rochelle Pangilinan ang labis na kasiyahan at pagkakilig na nakapasok at nakatuntong siya sa loob ng ABS-CBN.

 

 

 

Isa si Rochelle sa cast ng 2022 MMFF entry ng Star Cinema na “Labyu with an Accent” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

 

 

 

Nag-attend si Rochelle ng mediacon ng movie na ginanap sa Dolphy Theater at agaw-pansin talaga sa kanyang OOTD na mukhang pinaghandaan talaga ng husto ang pagpasok niya sa Kapamilya network.

 

 

 

Sabi ni Rochelle, “Sa totoo lang po talaga, kinukuwento ko nga kanina kay Jodi, mula pagpasok ko from parking, from building ng ABS-CBN, talagang kinikilig talaga ‘ko. 

 

 

 

“Hanggang sa nag-aayos ako. Hanggang sa tinuturo na sa akin ni Jodi lahat… ‘heto, may chapel kami rito.’ Ha?! Eh, ‘di ikaw na.”

 

 

Obvious na naging close sina Rochelle at Jodi habang sinu-shoot nila ang movie. Ayon kay Rochelle, ibang klase raw na kaibigan si Jodi. At may pina-plano na nga raw silang schedule na lalabas sila ngayong December.

 

 

Talagang parang bata si Rochelle na nabigyan ng ice-cream sa pagkakatungtong niya sa ABS-CBN compound.

 

 

Sey pa niya, “Ang saya-saya ko po talaga at siyempre, grateful po ako na pinayagan ako ng GMA na makatawid.

 

 

“And sobrang lahat ng experience ko sa movie na  ‘to, simula nang sinabi sa akin ng manager ko na may movie po ako with Coco, o gusto mo ba?”

 

 

Game raw agad ang sagot niya. At the same time, curious din daw siya na makita at malaman kung ano na nga ngayon si Coco na na na naka-trabaho naman niya dati sa ‘Daisy-Syete.’

 

 

At sabi nga ni Rochelle, never raw itong nagbago bukod physical look na hindi tumatanda, kahit sa ugali, gano’n pa rin daw ito ka-humble.

 

 

“Yumaman lang, pero gano’n pa rin siya.”

 

 

***

 

 

MAY pakiramdam kami na magiging hit ang theatrical play na “Dicktalk” na produce ni Eboy Vinarao ng V-Roll Media Ventures in cooperation with Trifecta Brand Lab as headed by Tristan Cheng.

 

 

 

Sina Jake Cuenca, Mikoy Morales, Gold Aceron at ang transmen na si Nil Nodalo ang cast at mukhang pasabog talaga dahil meron daw talagang magpapakita ng kanyang “dick” sa show.

 

 

 

Eh, mga game rin sila dahil sa presscon pa lang, game na game na talagang sumagot sa lahat ng mga tanong na tungkol sa kanilang mga dick o ari.

 

 

 

Definitely, may social relevant ang play. Ipapakita rin daw rito kung ano rin ang pinagdadaanan ng mga kalalakihan.

 

 

 

Humanga kami sa kaprangkahan nilang apat, lalo na kay Mikoy na nang tanungin namin kung bilang lalaki, naaapektuhan ba sila kapag tila sinusukat ang pagka-lalaki niya kung dyutay o daks.

 

 

 

Sabi ni Mikoy, siya raw dati dahil alam niyang maliit ang sa kanya. Pero eventually, nalaman niya na wala ito sa sukat.

 

 

 

O ha!

 

 

 

Sample lang ang ganitong pagiging straight forward nila dahil tiyak pasabog sa mismong play on April 2023 sa RCBC Theater.

 

(ROSE GARCIA)