![](https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2023/01/mikee-paul-240x300.jpg)
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Pasok na sa semifinal rounds ng Australian Open si Novak Djokovic.
Ito ay matapos talunin si fifth seed Andrey Rublev sa score na 6-1 6-2 6-4.
Ito na ang pang-44 beses ng Serbian tennis star na nakaabot sa semifinals ng Grand Slam tournaments.
Labis ang kaniyang kasiyahan at hindi ito makapaniwala na nakaabot na siya ng semifinals ng nasabing torneo.
Susunod na makakaharap nito sa semifinal round si Tommy Paul ng US. (CARD)
OF course, hindi mawawala na magkaroon ng iba-ibang reaction ang mga netizens na nanood ng “Fast Talk with Boy Abunda,” last January 25.
Sa third day ng airing ng talk show na special guest ni Boy si Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Naging matapat naman si Alden sa pagsagot sa tanong ni Boy kung sino ang muntik na niyang naging girlfriend sa mga stars ng GMA, pero hindi natuloy.
Nagkatawanan ang studio audience nang sagutin ni Alden na ‘dalawa po.’
Sina WinWyn Marquez at Julie Anne San Jose, na ngayon lamang niya binanggit sa mga interviews niya. Ipinaliwanag ni Alden na kay Win, hindi raw nagtuloy ang panliligaw niya dahil naging very busy na sila pareho noon at nawalan na sila ng time sa isa’t isa.
“Kay Julie po, nag-decide ako noon na bigyan ko ng priority ang pagtatrabaho ko bilang artista, nagkasunud-sunod na rin ang trabaho ko at parang naiwan ko na siya,” paliwanag ni Alden.
“Siguro po after seven years na hindi kami nagkakausap, minsan na naiwanan kaming dalawa sa “Sunday Pinasaya,” kinausap ko siya, humingi ako ng tawad na iniwanan ko siya, sana ay mapatawad niya ako.
“Since then po naman hanggang sa ngayon naging best of friends na kami.”
Hindi rin naiwasang maging emosyonal si Alden nang ipakita ni Boy ang photo ng namayapa niyang ina, si Mommy Rosario, ang naging dahilan kung bakit siya nag-artista, ay wala na sa kanyang tabi para pag-alayan ng lahat ng tagumpay na natanggap niya.
Meanwhile, bukas na, January 28, ang Myriad Esports Cup Grand Finals, na produced ni Richard Faulkerson, Jr. Gaganapin ito sa Ynares Sports Center sa Shaw Blvd., Pasig City.
Gates will open at 10am, at mapapanood naman sa Facebook Page ng Myriad Esports Cup at 7pm. Over-all-in-charge of Production si Vince P. Mariano, Supervising Producer si Mona Coles-Mayuga at Executive Producer naman si Leysam Sanciangco.
Sino kaya ang magiging winner ng Myriad Esports Cup? May 32 teams ang magku-compete for the title of the First Myriad Esports Cup Champion, sponsored by @ExperienceCNVRG @mcdo_PH @Oxecure_PH at @StingEnergy.
***
NGAYONG open nang mag-collaborate ang mga producers and networks sa mga projects na gusto nilang gawin para sa mga artistang gusto nila sa kanilang gagawing movie or teleseryes, matupad na kaya ang wish ni Director Lino Cayetano?
Type niyang magawa ang dream reunion project na matagal na niya gustong gawin sa mga winners ng first “StarStruck” ng GMA Network na mga winners sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Rainier Castillo, Yasmien Kurdi, Sheena Halili, at iba pa.
Si Direk Lino kasi ang first director ng “StarStruck” noong nasa GMA pa siya. Ngayon, balik na siya sa pagdidirek at may sarili na siyang production, ang Rein Entertainment at pwede na siyang makipag-collaborate sa GMA.
“I’m very proud kasi sa kanila, lahat sila nagkaroon ng pangalan sa industry,” sabi ni Direk Lino. “Kaya sana payagan sila ng GMA na gumawa ng project sa akin.”
May collab na ngang gagawin ang GMA Network at ABS-CBN, na magtatampok kina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia at Joshua Garcia, sa isang teleserye, na kukunan sa Switzerland.
(NORA V. CALDERON)
ISASARA ni Senadora Imee Marcos ang kanyang vlog series para sa buwan ng Enero sa pamamagitan ng two-part special na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel kasama ang mga sektor na malapit sa kanyang puso – ang mga magsasaka at ang kabataan.
Sa araw na ito, Enero 27 at sa Sabado, Enero 28, ipakikita ng walang kapagurang mambabatas ang mga highlights ng katatapos lamang na kanyang pagbisita sa Candaba, Pampanga kung saan nakipag-bonding siya sa mga millennial na magsasaka sa Candaba Trade Center sa isang pagtitipon na pinamagatang ‘Kumustahan With Young Famers’.
Nakipag-tsikahan ang Super Ate na si Imee sa mga farmer-entrepreneurs sa isang dialogo kung saan pinag-usapan nila ang mga isyu na nakakaapekto sa industriyang pang-agrikultura ng bansa.
Ipinagmalaki din ng mga kabataang magsasaka ang kanilang iba’t-ibang produkto na talaga namang ikinatuwa ni Imee – mula sa iba’t-ibang mga gulay hanggang sa sibuyas, itlog ng itik, at litsugas hanggang sa kakaiba at Pinoy na Pinoy na Malunggay ice cream, na kaagad na naging paborito ng Senadora.
Samahan sina Senadora Imee at ang mga batang agriculturists ng Pampanga sa kakaiba at nagbibigay liwanag na farming experience na ito at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured
(ROHN ROMULO)
PATAY ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) matapos na bumagsak ang sinasakyan nilang aircraft sa Pilar, Bataan umaga ng January 25, Miyerkoles.
Kinilala ang mga biktima na sina Captain Jhon Paulo Aviso at Captain Ian Gerru Pasinos.
Ayon kay Bataan PNP Provincial Director Police Col. Romell Velasco, lulan ang mga piloto ng Marchetti SF260 na may tail number 29-01 nang bumagsak dakong alas-10:40 ng umaga.
Sinabi ni Velasco na nakita ng mga residente sa lugar ang mabilis na pagbulusok ng aircraft sa kabukiran ng Sitio Tabon sa Barangay Del Rosario.
Kaagad namang nagtungo sa crash site ang mga tauhan ng Pilar Municipal Police Station at ang 2nd Police Mobile Force Company kung saan nakita nila ang dalawang piloto na nakalupaypay ang katawan sa cockpit ng eroplano.
Dinala na ang labi ng mga ito sa Martinez Funeral Homes sa Pilar, Bataan.
Napag-alaman naman kay PAF spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, sakay ng eroplano ang dalawang piloto na nagsasagawa ng training flight.
Galing ang trainer aircraft sa Sangley Point, Cavite at magpapalibut-libot sa lugar hanggang sa mawala ito sa monitor ng SPYDER (Surface-to-Air Python and Derby Medium Range) ng PAF dakong alas-10:34 ng umaga.
Lampas isang dekada nang nasa inventory ng PAF ang eroplano, ayon kay Castillo. (Daris Jose)
ENTER the dangerous and mysterious Quantum Realm, and push the limits of time and space in Marvel Studios’ “Ant-Man and The Wasp: Quantumania”, showing in Philippine cinemas nationwide in three weeks, starting on February 15.
Grab your advanced tickets now and watch the newest chapter of the Ant-Man saga unfold.
The film is the third installment of the Ant-Man movie franchise and the first film of Marvel Cinematic Universe Phase 5. After rescuing Janet Van Dyne (Michelle Pfeiffer) in the previous movie, superheroes Scott Lang (Paul Rudd) and Hope Van Dyne (Evangeline Lilly) continue their adventures as Ant-Man and The Wasp. Together with Janet, Hank Pym (Michael Douglas), and Scott’s daughter Cassie Lang (Kathryn Newton), they explore the Quantum Realm once more.
Upon entering the Realm, they encounter a bizarre new world with unique creatures and meet Kang the Conqueror (Jonathan Majors). With Kang giving Scott an offer that’s difficult to refuse, he and the rest of the group have to push their limits and have the strength to face all of the threats in the Quantum Realm, and maybe even Kang himself. Can they safely make it out of the Quantum Realm and stop Kang from reaching his goals?
Don’t miss this must-watch Marvel film this season and get ready for what the new phase of the MCU has in store.
Follow Marvel Studios Philippines on Facebook, Instagram, Twitte
(ROHN ROMULO)
NAKATAKDANG dumaan sa paglilitis ang kasong kinasasangkutan ni Filipino boxing legend Manny “Pacman” Pacquiao na isinampa ng Paradigm Sports Management ni founder at CEO Audie Attar sa darating na Marso 3 sa California sa Amerika.
Ayon sa inilabas na statement ni Attar mula sa inilathala ng badlefthook.com ni Scott Christ, nalalapit na umano ang pagdinig sa kasong isinampa kay Pacquiao na “Breached of Contract” na nagdulot umano ng malaking pagkalugi sa kumpanya.
“Manny’s days of thumbing his nose at our contractual rights are almost at an end. We have an overwhelming case against him and look forward to justice being served. The Court has already entered an Order stating that – due to his consistent violation of court orders – Pacquiao is now deemed to have admitted that he breached his contract with Paradigm and that Paradigm has suffered more than $20 million in damages,” ayon sa statement na inilabas ni Attar.
Maaari rin umanong masangkot sa isasampang kaso ang mga promoter, manager at iba pang naka-transaksyon ng nag-iisang eight-division world champion kaantabay ang panibagong kontrata.
“If any promoters, managers, fighters or broadcasting networks are considering entering into an agreement with Manny prior to the trial, they are now on notice that Paradigm will immediately commence an action against them for tortious interference with contract and seek both an injunction and damages.”
Sakali rin umanong magtagumpay ang Paradigm sa paglilitis ay makasisigurong lahat ng opurtunidad na mayroong laban sa loob at labas ng Amerika sa 44-anyos na dating Philippinesenator ay kanila ring hahabulin at papananagutin.
“Once Paradigm wins at trial in March, we will cut off 100% of Manny’s opportunities to earn money in the United States from any source because any revenue he generates will be attached to his judgment. Additionally, Paradigm will aggressively pursue enforcement of its judgment in any foreign country where Manny seeks to fight, ” ayon pa sa statement. (CARD)