• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 8th, 2023

Miles, agaw-eksena ang kahusayan sa maaksyong pilot episode: Celebrity screening ng ‘Batang Quiapo’ nina COCO, suportado ng mga big stars

Posted on: February 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
KAHAPON, ika-7 ng Pebrero, ginanap ang star-studded celebrity screening ng inaabangang primetime series na ABS-CBN series na “Batang Quiapo” sa TriNoma Cinema 7.
Pinangunahan ito ng Hari ng Primetime na si Coco Martin at ng kanyang newest leading lady na si Supreme Actress Lovi Poe kasama sina Ms. Charo Santos-Concio, John Estrada, at Cherry Pie Picache.
Kasama rin sa screening ng punum-puno ng aksyon at madramang isang oras na pilot episode sina Sen. Lito Lapid, Mark Lapid, Pen Medina, at McCoy de Leon.
Hindi talaga matatawaran ang husay ng Hari ng Primetime sa mga action scenes, sa simula pa lang ng serye, na ilang minuto ang tinagal, kakaibang Coco na astig na astig at nakakatakot na pagganap.
Sa pilot episode mapapanood ang  back story nang unang character na gagampanan ni Coco, na later on sa pagtanda ay magiging si Drama King Christopher de Leon.
Pero ang agaw-eksena ay si Miles Ocampo na napakahusay ang pag-atake bilang Maritess na ilang ulit na pinalakpakan, na sinuportahan nina Ejay Falcon at Precious Lara Quigaman.
Buung-buo rin ang suporta kay Direk Coco ang mga dating cast members ng kanyang nakaraang serye na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinangunahan nina Megastar Sharon Cuneta, John Arcilla, Ara Mina, Rosanna Roces, Angel Aquino, Michael de Mesa, Jaime Fabregas at marami pang iba.
Tapos na nga ang paghihintay, dahil magsisimula nang ipalabas ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa Lunes, Pebrero 13, sa TV5, A2Z at sa Kapamilya channel online.
Kalahating taon na pala mula nang matapos ang makasaysayang pitong taon ng “FPJ’s Ang Probinsyano”
Sa kalalabas lang na trailer ng palabas, inaasahang mahihirapan ang karakter ni Coco sa kanyang pamilya, dahil mahihirapan ang karakter niya na makipag-bonding sa kanyang ama (John), at kapatid (McCoy).
Sa trailer, pinasulyap din ang mga karakter sa action-serye tulad ng mga ginampanan ni Charo at Cherry Pie (bilang lola at ina ng aktor).
Nakaka-LSS at nakaka-touch ang napiling themesong ni Coco, ang version ng “Kapalaran” ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano, na muli niyang ni-record para sa naturang teleserye.
Ang orihinal na “Batang Quiapo,” na pinagbidahan ng ama ni Lovi, ang yumaong Hari ng Pelikulant Pilipino na si Fernando Poe, Jr. kasama si Diamond Star Maricel Soriano, na hopefully soon ay maging part din ng newest series ni Coco.
(ROHN ROMULO)

DOH, naghahanap pa ng karagdagang pondo para sa mga health workers ng bansa

Posted on: February 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANAP  pa ng karagdagang pondo ang Department of Health para sa healthcare workers benefits ng bansa.

 

 

Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, magkakaroon sila ng pagpupulong kasama ang Department of Budget and Management upang ma identify ang ilan pang source of fund para mapunan ang kulang na budget sa healthcare workers benefits.

 

 

Ilan raw sa kinakaharap na problema ng ahensya ay ang Memorandum of Agreement sa ibang pasilidad na hindi pa naisasapinal, dagdag pa ni Officer in Charge Vergeire, ang ibang private at local facilities ay hindi kumpleto ang liquidation sa mga pondo na kanilang inilaan kaya mayroong delay sa disbursement na iniiwasan din raw nila.

 

 

Samantala, patuloy naman ang allowance para sa 805,000 local government healthcare workers, private sector at national government healthcare workers.

 

 

Matatandaan na mayroon nang naunang budget na inilaan sa nasabing ahensya, ito ay nasa 72 billion pesos.

 

 

Ang budget na ito raw ay hindi pa sapat kaya kinakailangang pa ng karagdagang pondo upang maipamahagi at mapunan ang arrears noong 2021 at 2022 sa mga healthcare workers ng bansa. (Gene Adsuara)

2 MIYEMBRO NG CRIME RING NA SANGKOT SA LUFFY CASE, PINA-DEPORT

Posted on: February 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DALAWA sa hinihinalang miyembro ng crime ring sa  bayolenteng pagnanakaw sa Japan ay pina-deport na nitong Martes.

 

 

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, sina Fujita Toshiya at Imamura Kiyoto, kapwa 38-anyos ay pinaalis na ng bansa na nasa maximum security  sakay ng Japan Airlines patungong Tokyo.

 

 

Sina Fujita at Imamura ay mga pugante ng Japanese government dahil sa warrant of arrest na na-isyu sa kanila.

 

 

Si Fujita ay naaresto ng BI Fugitive Search Unit sa  Barangay Anilao Proper sa Mabini Batangas noong February 21, 2021, at binasagan ng Japanese authorities bilang senior member ng isang/organized fraud group, phone scam at isang arrest warrant ay naka-isyu sa kanya sa Tokyo.

 

 

Si Imamura naman ay inaresto pagkatapos nang Christmas noong 2019 nang tinangka nitong umalis ng umalis sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, via  Cebu Pacific flight patungong Macau.Siya ay may nakabinbin na warrant of arrest  sa kanilang bansa dahil sa pagnanakaw.

 

 

Ang dalawa ay nahaharap sa kaso sa Pilipinas subalit ito ay na-dismissed.

 

 

Pina-deport ang dalawa  dahil sa paglabag bilang mga pugante at “risk to public interest”.

 

 

“While the identity of “Luffy” is not yet confirmed, we are working with the Department of Justice and the Japanese authorities to be able to expedite the deportation to give more clarity to this case,” ani Tansingco.

 

 

“The arrest and deportation of these fugitives is a huge win for the Philippine government, as we will not rest until these international criminals are sent back and banned from our country,” dagdag pa ni  Tansingco.GENE ADSUARA