• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 9th, 2023

Magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey, maituturing na pinakamalakas sa kasaysayan nang bansa

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAITUTURING  umano na pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng Turkey ang naitalang magnitude 7.8 na lindol sa nasabing bansa.

 

 

Sa panayam kay Correspondent Lorie Ann Cabanilla Argallion, mula sa nabanggit na bansa, sinabi nito na una nang nakapagtala ng malakas na lindol noong 1990 na ikinamatay naman ng maraming tao.

 

 

Dagdag pa ni Argallion, aabot sa 2,200 ang mga binawian ng buhay habang nagpapatuloy pa umano ang assessment ng kabuuang numero ng mga nasugatan sa ngayon.

 

 

Ayon pa kay Argallion, tiniyak nang Turkish Government ang tulong sa mga naapektuhan subalit nahihirapan sa isinasagawang rescue operation dahil sa makipot at pag-crack ng mga daanan.

 

 

Mayroon naman umanong ginagamit na chopper subalit problema ang mahangin na panahon.

 

 

Samantala, mayroong mga area sa nasabing bansa ang nawalan ng kuryente dahil sa nangyaring lindol.

 

 

Nakakalungkot din umano ang sitwasyon nang ibang mga residentes na nananatili sa mga tent na kung tutuusin hindi maganda dahil sa malamig na panahon.

 

 

Sa ngayon, maliban sa tulong ng Turkish government, mayroon naman na ipinapaabot na tulong ang ibang bansa. (Daris Jose)

CA retired justice, ika-5 miyembro na bubusisi sa PNP generals, colonels

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINUKOY ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., si retired Court of Appeals (CA) Justice Melchor Sadang bilang ika-5 miyembro ng five-man committee na nakatakdang magrepaso sa courtesy resignations na isinumite ng mga senior officials ng Philippine National Police (PNP).

 

 

“Si Justice Sadang ay naging Associate Justice ng Court of Appeals nung 2011 up to 2017, presiding judge ng RTC Cavite City nung 2000 up to 2011 at talagang dumaan sa pag-iiscreen at kami ay nagpapasalamat kay Justice Melchor Quirino Cabarroguis Sadang sa pagtanggap niya bilang 5th member nitong advisory group,” ayon kay Abalos.

 

 

Una nang tinukoy ni Abalos ang apat pang mi­yembro na sina retired police general at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., dating defense secretary Gilberto Teodoro at retired police general Isagani Nerez.

 

 

Magko-convene na ang komite sa Lunes ng susunod na linggo. Ang naturang komite ang magsusumite sa Napolcom ng mga pangalan ng mga opisyal ng pulisya na ang courtesy resignation ay kanilang tatanggapin, para sa panibagong beripikasyon bago tuluyang isumite ito sa Pangulo.

 

 

Inaasahan ni Abalos na magiging patas ang isasagawang assessment at matatapos nila ang naturang proseso sa loob ng 3 buwan. (Daris Jose)

Never nag-regret na nagpakasal: CARLA, wala ng chance na makikipagbalikan pa kay TOM

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NALUNGKOT ang mga fans ng Pambansang Ginoo na si David Licauco, nang aminin niya sa interview ng Kapuso Showbiz News, na nakakaranas siya ng sleep apnea, at kailangan niyang magpagamot sa isang specialist.  

 

 

Ngayon pa naman namamayagpag ang career ni David sa pagganap niya bilang si Fidel, katambal si Barbie Forteza as Klay, kaya nabuo ang kanilang FiLay loveteam.

 

 

Healthy looking si David, pero serious pala ang sleeping disorder niya.

 

 

“It’s scary talaga, it’s been my insecurity since it started when I was 16 years old, so it’s been 11 years na yung sleep apnea ko, na my breathing stops, about 30 seconds straight about 24 times in an hour when I’m sleeping.

 

 

“Ilan sa symptoms nito ay ang pagiging irritable, daytime drowsiness, at fatigue dahil sa interruptions ko sa pagtulog.  Kaya humihingi ako ng tawad sa mga taong nasungitan ko dahil sa effect ng condition ko.

 

 

“Sa gabi lamang umaayos ang mood ko, kaya pupunta muli kami ng mom ko sa doctor ko for a check up again.  Baka I need an operation soon, kasi nahihirapan na ako.”

 

Tamang-tama naman na natapos na ang taping ng buong cast ng historical fantasy series na ‘Maria Clara at Ibarra’ nasa last two weeks na lamang mapapanood sa GMA-7 every 8 pm.

 

 

Don’t miss kung ano ang magiging ending ng FiLay love team.  Masunod kaya ang gusto ng mga fans nila na sa pagtatapos ng serye ay sasama si Fidel kay Klay sa pagbalik nito sa bagong panahon?

 

 

***

 

PUMAYAG si Kapuso actress Carla Abellana na sumailalim sa legit lie detector test ni Bea Alonzo para sa personal vlog nito.

 

 

Sinagot namang lahat ni Carla ang mga tanong ni Bea at pasado naman ang mga sagot niya sa machine, like may nagpaparamdam na ba sa kanyang manligaw ulit, meron daw  nagpaparamdam pero wala namang nanliligaw.

 

 

Wala siyang regret na nagpakasal siya, pero hindi pa raw siya ready na ma-in love ulit at muling mag-asawa.  Hindi na niya babalikan si Tom Rodriguez, no more second chance.  Pero napaisip si Carla sa tanong if he will work again with Tom.

 

 

Ayaw na raw niya, pero paano raw kung gusto ng GMA na muli silang pagtambalin?

 

 

May Valentine’s Day date ba siya sa February 14?

 

 

“Wala, may Baguio trip lamang kami ng mga barkada ko, na mga friends ko na sila since elementary pa lamang kami noon.  Tiyak na mag-ienjoy kami sa Baguio.”

 

 

Kasalukuyang ginagawa ngayon ni Carla ang balik-tambalan serye nila ni Gabby Concepcion na “Stolen Life” sa GMA Network, na makakasama nila si Beauty Gonzalez.

 

 

Una silang nagtambal ni Gabby sa “Because of You” in 2017.  Malapit na ring mapanood si Carla sa “Voltes V: Legacy” sa second quarter of 2023.

 

 

***

 

MARAMI nang naghihintay sa world premiere ng action adventure series na “Mga Lihim ni Urduja” na magpapabalik sa Jewels of Primetime na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez, na una silang nagsama-sama noon sa “Encantadia.”

 

 

Makakasama rin nila sa serye sina Michelle Dee, Arra San Agustin, Vin Abrenica, Pancho Magno, Kristoffer Martin, Rochelle Pangilinan, Jeric Gonzales at Zoren Legaspi.

 

 

Sa story, Kylie and Gabbi will work in a special law enforcement operation entrusted with the recovery of precious, pre-colonial jewelry ng legendary and mythical Queen Urduja (Sanya Lopez) of the 1300s.      Ang “Mga Lihim ni Urduja” ang papalit sa magwawakas nang “Maria Clara at Ibarra.”

(NORA V. CALDERON)

Pinakamabilis makahawa na Omicron XBB.1.5 subvariant, nasa Pinas na

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPASOK na rin sa Pilipinas ang Omicron subvariant XBB.1.5 na sinasabing higit na nakakahawa kaysa sa ibang sublineage makaraang matukoy ng Department of Health (DOH) ang unang kaso nito.

 

 

Sa huling COVID-19 biosurveillance report, iniulat ng DOH ang 196 sa 1,078 na samples na isinailalim sa sequencing ang klinasipikado na XBB, kabilang dito ang isang kaso ng XBB.1.5.

 

 

Ayon kay World Health Organization (WHO) COVID-19 technical lead Maria Van Kerkhove, ang XBB.1.5 ang pinaka-nakakahawang subvariant na kanilang natukoy sa mga Omicron XBB subvariants.

 

 

Tinukoy rin ito ng European Center for Disease Prevention and Control bilang “variant of interest”, habang ang ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, ang naturang subvariant ang bumubuo sa 66.4% kaso mula Enero 29 hanggang Pebrero 4.

 

 

Pero nilinaw din ng WHO na base sa kasaluku­yang mga ebidensya, walang ipinapakita na mas malala ang idinudulot na sakit ng XBB.1.5 kumpara sa mga orihinal na Omicron variant.

‘Ten Little Mistresses’ holds world gala premiere ahead of Feb. 15 release on Prime Video

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PRIME Video launched Ten Little Mistresses, on Tuesday, February 7, in a blue carpet gala premiere ahead of its February 15 streaming.

 

The streaming giant will switch on its first Filipino Amazon Original movie in over 240 countries and territories.

 

The murder-mystery comedy film stars Eugene Domingo, Christian Bables, Pokwang, Arci Muñoz, Carmi Martin, Agot Isidro, Kris Bernal, Sharlene San Pedro, Adrianna So, Kate Alejandrino, Iana Bernardez, Donna Cariaga, and John Arcilla, with the special participation of Cherry Pie Picache.

 

Locally known as Sampung Mga Kerida, Ten Little Mistresses tells a tale of Filipino billionaire Valentin Esposo (Arcilla) and his ten mistresses. They fight it out tooth and nail to become his legal wife. But when Valentin turns up dead, all ten women end up as prime suspects. Now they must race to prove their innocence and unmask the real killer before the police find out.

 

The Idea First Company’s Jun Robles Lana (director) and Perci Intalan (producer) are the duo behind blockbuster and critically-acclaimed movies such as Big Night, Panti Sisters, Born Beautiful, Die Beautiful, Ang Dalawang Mrs. Reyes, Bwakaw, Barber’s Tales, and Kalel 15.

 

Director Jun Robles Lana was ecstatic that this could be the first Filipino film to reach a global audience through the streaming service. “I’ve always waited for the chance to do a murder mystery film. And with Prime Video, everything fell into place so perfectly,” said Lana. “We had so much fun even though we worked long hours with a dozen cast members. We just want to make the audience laugh; to show even non-Filipinos that our comedy is universal.”

 

“When we pitched this to Prime Video in L.A. (California), we realized how massive the global audience could be for our film. But it’s still surreal now, knowing that we’ll be in 240 countries and territories. We’re just grateful that we give justice to the hard work of every world-class Filipino artist involved in the film,” shared Intalan.

 

Prime Video earlier announced that its first Filipino Amazon Original movie shall be streaming worldwide in more than 240 countries and territories on February 15, 2023.

(ROHN ROMULO)

Wish na malampasan ng ‘Batang Quiapo’ ang huling serye: COCO, inamin na mahirap talaga siyang katrabaho

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA sa Lunes, Pebrero 13, magbabalik na ang Hari ng Primetime na si Coco Martin para bigyang-buhay ang isa na namang dekalibreng obra ni Fernando Poe Jr. na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Pagkatapos ng makasaysayang seven-year run bilang Cardo Dalisay sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” muling sasabak si Coco sa mga makapigil-hiningang bakbakan bilang ang matapang at astig na tagapagtanggol ng bayan na si Tanggol/Baldo sa “Batang Quiapo.”

Isang star-studded cast ang makakasama ni Coco sa serye, kabilang na ang anak ni FPJ na si Supreme Actress Lovi Poe. Ito rin ang kauna-unahang FPJ title kung saan gaganap si Lovi.

Sa isang teaser na inilabas ng ABS-CBN, ibinahagi ni Coco kung gaano ka-importante para sa kanya na gumawa ulit ng panibagong kwento ni FPJ na hindi lamang siksik sa action scenes, kundi puno rin ng mahalagang aral na kapupulutan ng mga manonood.

Ang “Batang Quiapo” ang magsisilbing unang sabak ni Coco bilang aktor, co-director, at co-producer sa ilalim ng CCM Film Productions kung saan ipapakita ng serye ang kagandahan ng lugar at iba’t ibang mga kwentong Pilipino mula sa Quiapo.

“Napaka-rich ng kultura niya, lahat ng mga buhay o kwento ng bawat taong nasa Quiapo. Napakalawak ng kwento at isa pa ito sa mga pelikulang talagang tumatak sa mga ginawa ni FPJ at ni Ms. Maricel Soriano,” pahayag ni Coco.

Mapapanood sa action-comedy series si Coco bilang si Tanggol/Baldo, isang pasaway ngunit mapagmahal na anak sa kanyang nanay (Cherry Pie Picache), tatay (John Estrada), lola (Charo Santos), at nakababatang kapatid (McCoy de Leon).

Gagampanan naman ni Lovi si Mokang, ang magandang kaibigan ni Tanggol na magpapakilig bilang kanyang “partner in crime.”

Pagbibidahan din ito nina Benzon Dalina, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Jojit Lorenzo, Ping Medina, Mercedes Cabral, Alan Paule, Lou Veloso, Susan Africa, Pen Medina, Lito Lapid, Irma Adlawan, at Christopher de Leon, kasama ang co-director ni Coco na si Malu Sevilla.

Samantala sa grand mediacon, muling inamin ni Coco kung bakit niya nasabing mahirap siyang katrabaho.

Ayon sa hinahangaan at matulunging aktor, “kasi hindi pwede sa akin yun puwede na.

“Ina-assure ko na dapat quality na ibibigay natin sa manonood. Yung tiwala at oras na nilalaan nila dapat sinusuklian natin yun. Dahil sila ang dahilan kung bakit tayo may trabaho.

“Gusto binabalik din natin sa management at nangangalaga sa amin, kung ano yun binigay at pinagkatiwala, sinusuklian dapat yun.”

Kaya wish pa ni Coco, “sana, nangangarap ako, nagdarasal ako na sana, hindi lang matapatan, kung maaari malampasan pa kung ano ang nagawa namin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano'”.

Huwag palampasin ang maaksyong pagbabalik ni Coco sa “FPJ’s Batang Quiapo” gabi-gabi tuwing ika-walo nang gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

(ROHN ROMULO)

PUBLIC SCHOOL STUDENTS, NABIYAYAAN NG CASH ASSISTANCE

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NABIYAYAAN  ng cash assistance ang may 935 public school students ng lokal na pamahalaan lungsod nitong Martes.

 

 

Ito na ang ikalawang batch na cash assistance  sa ilalim ng  Educational Assistance Program (EAP) at naipamahagi sa koordinasyon ng  Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa San Andres Complex, Manila.

 

 

Ayon sa Manila LGU, ang mga benepisyaryo ay binubuo ng  Grade 1 hanggang  Senior High School public school students mula Baseco at una hanggang ikalimang distrito sa lungsod.

 

 

Bawat mag-aaral ay nakatanggap ng P5,000, na layong makatulong sa gastusin sa kanilang pag-aaral educational.

 

Pinaalalahanan naman ng Manila LGU ang magulang ng mga estudyante na  gamitin ang cash aid para sa pag-aaral ng kanilang mga anak at hindi para sa pagbabayad ng mga utang. GENE ADSUARA

Ilang bahagi ng Malakanyang, nagkaroon ng bagong bihis

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BAGONG  bihis na ang ilang bahagi ng Palasyo ng Malakanyang matapos na isailalim sa renovation o pagsasa-ayos makaraan ang 4 na dekada.

 

 

Sa mahigit na  6 na buwan sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nagawa ng administrasyon nito na bigyan ng bagong bihis ang Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Sa ulat, sinasabing personal na tinutukan ni Unang Ginang Liza Areneta-Marcos ang mga renovation sa Palasyo ng Malakanyang kung saan kabilang na rito ang Ceremonial Hall at Reception Hall kung saan tinatanggap ang mga mahahalagang bisita ng bansa.

 

 

“President Barack Obama, Hillary Clinton, Prime Minister Shinzo Abe ay dumaan na dito. Pope Francis [and] Pope John Paul II ang ilan lamang sa mga pinaka-importanteng bisita ng Malacañang through the years,” ayon kay  Louie Esquivel, Presidential Museum and Library tour guide.

 

 

“Good impression, of course, is very important because we’re inviting them here which is the most prestigious institution of our country which is in Malacañang Palace,” dagdag na pahayag ni  Esquivel.

 

 

Sa kabilang dako, maliban sa Ceremonial Hall at Reception Hall, sumailalim din sa renovation ang Internal House Affairs Office, Office of the Social Secretary, Protocol Office, at central kitchen ng Palasyo ng Malakanyang.

 

 

May ginagawa ring pagsasa-ayos sa  Bahay Pangarap, ang  official residence ng Pangulo.

 

 

Hanggang sa ngayon ay hindi pa masabi ng Malakanyang kung magkano ang nagastos sa nasabing pagsasa-ayos. (Daris Jose)

Kahit matagal na siyang freelancer actress: JUDY ANN, ipapaalam pa rin sa ABS sakaling magkaroon ng offer ang GMA

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MARAHIL ay marami ang hindi nakakaalam na freelancer bilang artist si Judy Ann Santos.
Yes, mula pa noong 2019, habang ginagawa niya ang ‘Starla” sa ABS-CBN ay wala ng kontrata si Judy Ann kahit saan.
Kaya naman perfect timing para kay Judy Ann ang pagiging freelancer niya kaya napipili niya ang mga proyektong gusto niyang gawin.

Lalo pa at sinabi ni Juday na eighty percent ng kanyang oras ay mas gusto niyang ituon sa pamilya, niya at twenty percent ay para sa acting at iba pa niyang passion tulad ng food business nila ng mister na si Ryan Agoncillo, ang Angrydobo resto.

 

“Yung ngayon lang sa estado ko bilang nanay, ako mismo as a person, kuntento ako sa kung saan ako nandun.

 

“I’m not asking for more, I’m not asking for less. I’m set on where I am.

 

“Gusto ko lang mas hawak ko yung proyekto ko, na ako yung nasusunod.

 

“Hindi dahil nagpapaka-diva ako, dahil yun lang talaga yung kaya ng powers ko,” pahayag ni Juday sa mediacon ng ‘The Diary Of Mrs. Winters’, ang horror film na nakatakda niyang i-shoot sa Canada this February at March.

 

Napagtanto niya na mas okay raw sa kanya ang per-project basis mapa-serye o mapa-pelikula.

 

“Siguro, pag simula ka umarte mula eight years old, sa pagkakataong ito, deserve ko naman na sigurong piliin yung mga proyektong gusto ko gawin.

 

“Kasi for most of my life, dinidiktahan ako kung anong dapat ko gawin.

 

“Eto lahat ng pelikula na dapat gawin, gusto ko man partner ko o hindi kailangan ko gawin, parang tapos na ako dun, napagdaanan ko na siya.

 

“Kung tumatangap man ako ng projects ngayon, kasi talagang gustung-gusto ko.

 

“Di pampalapad ng papel, kundi pampabuo ng karera ko bilang artista.”

 

At siyempre bilang freelancer si Judy Ann, ang million dollar question… open ba siya na magtrabaho sa GMA-7?

 

Bukas naman raw siya kung may offer man sa ibang TV Network.

 

“May mga nag-i-inquire, pero siyempre, kailangan ko muna kasi kamaduhin kung ano ba talaga kaya ng powers ko.

 

“At saka more than anything, it’s my deep relationship with ABS-CBN. Kung anuman meron ako with ABS, I value and treasure that.

 

“If ever na magkaroon man ng offer from GMA, I still have to communicate that with ABS.

 

“Kasi they’re working naman na together. ABS is also working with TV5.”

 

Alam na ng publiko ang collaboration ng ABS-CBN at GMA-7, ang ‘Unbreak My Heart’ na upcoming series nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, Gabbi Garcia at Joshua Garcia.

 

“So, wala akong nakikitang problema if in case dumating yung point na may ganung offer from other networks.

 

“Bukas naman ang pangkalahatan, which is a good thing. Nakakatuwa na wala nang network war, we’re all working together.

 

“But then again, the respect, I’d still give it to ABS kasi sa kanila ako lumaki, sa kanila ako nagsimula.

 

“Parang no-brainer ang relationship ko with ABS.

 

“Yes, may misunderstanding along the way, hindi naman maiiwasan, and I think we all learned from these things.”

 

Samantala, lilipad sina Judy Ann, Sam Milby at iba pa patungong Canada last week ng February para sa shooting ng ‘The Diary Of Mrs. Winters’ na isang katatakutang pelikula.

 

Ito ay sa direksyon ni Rahyan Carlos.

 

Gaganap si Juday Ann dito bilang si Charity na ang trabaho ay tagalinis ng lugar, bahay o kuwarto  na pinagkamatayan ng isang tao.

 

Bio-forensic cleaner ang tawag dito na sa palagay namin ay katulad ng trabaho ng bida sa napakagandang Korean series na ‘Move To Heaven.’

 

Nasa ‘The Diary Of Mrs. Winters’ rin si Liza Diño na matapos ang termino bilang FDCP Chair ay in full-swing muli bilang aktres.

 

***

 

NAPANOOD at nagustuhan namin ang ‘Triple Threat’s All of Me” music event ni Arman Ferrer last year kaya naman excited kami na muling mapanood ang mahusay na male balladeer sa Valentine’s Day concert niyang ‘Another Chance’ na magaganap sa BGC Performing Arts Theater sa mismong Araw ng mga Puso sa February 14 alas-otso ng gabi.

 

Siyempre pa, tiyak na muling aaliwin ni Arman ang kanyang audience sa pamamagitan ng kanyang mga awiting tungkol sa pag-ibig at pagmamahal.

 

Mix ng classical, OPM, pop, rock, love songs, novelty at sexy na mga kanta ang naka-line up sa repertoire ni Arman.

 

At tulad last year sa isa sa mga production number niya, maghuhubad muli kaya si Arman down to his sexy underwear? Sana!

 

Ang kikitain ng show ni Arman ay para sa non-governmental organization na Angat Buhay.

 

Ang musical director ng concert ay si Gino Cruz at ang mismong direktor ng concert ay sina Floy Quintos at ang manager ni Arman na si Noel Ferrer.

 

Para sa mga karagdagang detalye tungkol sa career at shows ni Arman, mag-subscribe sa kanyang YouTube, Spotify at Apple Music channels.

(ROMMEL L. GONZALES)

MMDA nagkasa uli ng clearing operations sa Maynila

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING  binalikan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang kalsada sa Tondo, Maynila at nagkasa ng clearing operations upang matanggal ang pabalik-balik na mga obstruksyon.

 

 

Katuwang ang mga tauhan ng lokal na pamahaalan ng Maynila, Department of the Interior and Local Government at Manila Police District, winalis ng MMDA ang mga nakaparadang sasakyan tulad ng mga trak, kotse, tricycle, motorsiklo, at iba pang harang sa may Road 10 Yuseco Extension sa Dagupan Street, Tondo.

 

 

Sa pagkakataong ito, pinangunahan nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, MMDA Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr., MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana at DILG Undersecretary for Barangay Affairs Felicito Valmocina ang ope­rasyon.

 

 

Sinabi ni Artes na kailangang malinis ang naturang kalsada na ­itinuturing na isa sa pangunahing lagusan papasok at palabas ng mga pier lalo na ng mga trak na nagdadala ng produkto.

 

 

Idinagdag pa ni Artes na kasama na nila ngayon ang mga tauhan ng MPD para matiyak ang katiwasayan ng operasyon at upang maiwasan ang mga insidente na sinasaktan ang kanilang mga tauhan maging ng mga halal na opisyal ng barangay.

 

 

Matatandaan na noong Enero 24 nang saktan umano ng barangay chairman ng Brgy. 51 Zone 4 ang isang tauhan ng MMDA sa isang clearing operations nang tumanggi siya na baklasin ang kaniyang carwash.

 

 

Iginiit naman ni Lipana na suportado ng MMDA ang kanilang mga tauhan na mabibiktima sa ganitong pananakit lalo na at nasa duty. Hindi umano sila patatakot sa mga opisyal ng barangay na nangha-harass sa kanila.

 

 

Tuloy ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa naturang barangay chairman. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)