• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 9th, 2023

Face masks, vaccine card ‘di na kailangan sa tourist spots – DOT

Posted on: March 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  na kailangang magsuot ng face masks at magpakita ng patunay ng vaccination ng mga taong nagtutungo sa mga tourist spots sa bansa.

 

 

Ayon sa Department of Tourism (DOT), bahagi ng liberalisasyon sa mga restriksyon sa COVID-19 ang pagluluwag sa “health and safety guidelines” upang mas mapalakas pa ang pagdating ng mga turista at biyahero sa bansa.

 

 

Sa ilalim din ng DOT Memorandum Circular 2023-0002, tinanggal na rin ang requirements para sa mga tourist establishments na paglalagay ng mga “plastic, acrylic barriers, dividers” sa mga piling lugar.

 

 

Pinatatanggal na rin ang mga nakapaskil na mga signages at iba pang instalasyon ukol sa mga mandatoryong protocols. Tinanggal na rin ang iba pang mga protocols ukol sa paghihigpit kaugnay ng COVID-19.

 

 

Mensahe nila umano ito na bukas na ang bansa sa turismo at sumusunod ang Pilipinas sa “global practices” ukol sa operasyon ng turismo. (Daris Jose)

LRT-2 at MRT-3 may libreng sakay sa mga kababaihan ngayong International Women’s Day

Posted on: March 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ng libreng sakay para sa mga kababaihan ang Light Rail Transit o LRT 2 kahapon araw ng Miyerkoles, Marso 8.

 

 

May kaugnayan ito sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

 

 

Nagsimula ito mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at babalik ito ng alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

 

 

Ang first trip ng LRT-2 sa Recto Station sa Antipolo ay simula ng alas-5 ng umaga at ang las trip ay aalis sa Recto Station ng alas-9:30 ng gabi.

“SUZUME” PASSES 14 BILLION YEN, NOW THE 15TH ALL-TIME BIGGEST FILM IN JAPAN

Posted on: March 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAKOTO Shinkai’s “Suzume” anime film has passed 14 billion yen at the Japanese box office, becoming only the 15th film ever to do so in history.

 

As of March 5, “Suzume” has nabbed a total of 14.04 billion yen (US$104.73 million) and now ranks as the 15th highest-grossing film released in Japan ever.

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/IGzBYaPNQRM]

 

Opening March 8 in Philippine cinemas, watch Makoto Shinkai’s coming-of-age anime film set in various disaster-stricken locations across Japan, where the protagonist, Suzume must close the doors causing devastation.

 

About “Suzume”

Title: SUZUME《铃芽之旅》

Director: Makoto Shinkai (your name.; Weathering With You)

Voice Cast: Nanoka Hara, Hokuto Matsumura, Eri Fukatsu

Genre: Animation, Fantasy, Adventure

Language: Japanese (sub: English)

Runtime: 122mins

 

Film Synopsis:

On the other side of the door, was time in its entirety—

 

“Suzume” is a coming-of-age story for the 17-year-old protagonist, Suzume, set in various disaster-stricken locations across Japan, where she must close the doors causing devastation.

 

Suzume’s journey begins in a quiet town in Kyushu (located in southwestern Japan) when she encounters a young man who tells her, “I’m looking for a door.” What Suzume finds is a single weathered door standing upright in the midst of ruins as though it was shielded from whatever catastrophe struck. Seemingly drawn by its power, Suzume reaches for the knob… Doors begin to open one after another all across Japan, unleashing destruction upon any who are near. Suzume must close these portals to prevent further disaster.

 

—The stars, then sunset, and the morning sky.

 

Within that realm, it was as though all time had melted together in the sky…

 

Never-before-seen scenery, encounters and farewells… A myriad of challenges await her on her journey. Despite all the obstacles in her way, Suzume’s adventure shines a ray of hope upon our own struggles against the toughest roads of anxiety and constraints that make up everyday life. This story of closing doors that connect our past to the present and future will leave a lasting impression upon all of our hearts.

 

Drawn in by these mysterious doors, Suzume’s journey is about to begin.

(ROHN ROMULO)

PBBM, nangakong walang mawawalan ng hanapbuhay sa PUV modernization

Posted on: March 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na titiyakin ng pamahalaan na walang driver ang mawawalan ng hanapbuhay at pangkabuhayan sa ilalim ng public utility vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.

 

 

Isa aniya sa concerns ng transport group  na inilahad sa meeting sa Malakanyang sa gitna ng tigil-pasada ay ang kawalan ng kakayahan ng mga jeepney drivers na makakuha ng modernized jeepney.

 

 

“Ang problema na kanilang sinasabi ay baka hindi sila mapautang para makabili ng bagong sasakyan kaya yan ang tinitingnan namin ngayon na tiyakin  na walang mawawalan ng trabaho dahil hindi nakabili ng electric vehicle pagdating ng panahon,” ayon sa Pangulo sa isang chance interview sa Quezon City.

 

 

“For now, the government is making sure that PUVs are safe are safe for commuters,” ang dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang transport groups  dahil winakasan na nito ang tigil-pasada matapos ang miting sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Sinabi ng Pangulo sa transport groups  sa nabanggit na miting  na muling pag-aaralan ng gobyerno ang modernization program upang masiguro na hindi mahihirapan ang mga drivers at operators.

 

 

Ang desisyon na i-terminate ang tigil-pasada ay nangyari matapos na makipagpulong sina PISTON president Mody Floranda at MANIBELA leader Mrr Valbuena kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, dating chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. (Daris Jose)

PBBM, hangad na paramihin pa ang Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa

Posted on: March 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paramihin pa ang Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa para maging pantay ang trato ng ekonomiya sa lahat ng mga mamamayang Filipino.

 

 

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos matapos makiisa sa Kadiwa ng Pangulo Para sa mga Manggagawa sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Grounds, Elliptical Road, Quezon City, sinabi nito na hindi lamang yung mga mayayaman, may kaya at may trabaho kung hindi lahat ng  mga mamamayan ay dapat aniyang inaalalayan at iniisip kung papano pagandahin ang buhay.

 

 

“Sana po paramihin po natin, we have identified many more areas na puwedeng paglagyan nitong Kadiwa Para sa Manggagawa at sa kabila naman niyan ay meron talagang dumadami na yung ating kadiwa sa buong Pilipinas at siguro nakakailan na tayo, we have almost, 500 more or less ang ating kadiwa na. ‘Yung iba dyan ay dagdagan na lang natin para lalagyan natin na specific para talaga para sa mga manggagawa natin,” ayon sa Pangulo.

 

 

Asahan aniya ng lahat na hindi titigil ang kanyang administrasyon hanggang masabi ng publiko na bumababa na ang presyo ng mga bilihin.

 

 

Inalala naman ng Pangulo na nagsimula ang Kadiwa noong Pasko kasabay ng patuloy na pagtaas.

 

 

“Kaya’t ginawa namin ng paraan at binalikan natin yung dating sistema na direkto mula sa mga magsasaka hanggang dito sa Kadiwa, hindi na dumadaan kung saan saan pa na middleman at yung kung ano man ang pangangailangan upang madala ang produkto sa Kadiwa ay ang gobyerno na ang gumagawa para sa ganun maipagbibili natin itong mga bilihin na hindi kagaya sa mga supermarket na napakamahal na kundi ay naibaba natin ang presyo,” ang paliwanag ng Pangulo.

 

 

“Kung kaya’t nakikita natin, marami tayong nababalitaan na nagtataasan na presyo, dito sa Kadiwa ay makikita natin ay malaki ang savings, malaki ang bawas dun sa presyuhan at kaya naman ay sinimulan namin ito nung Pasko, may Kadiwa ng Pasko, tapos sabi ng tao eh gusto naman natin ang Kadiwa bakit ninyo titigil pagkatapos mag Pasko, eh di pinagpatuloy namin hanggat naging Kadiwa ng Pangulo,” ang dagdag na pahayag ng Pangulo

 

 

Ibinahagi naman ng Pangulo ang isang beses na nag-meeting sila ni DOLE Secretary Bienvenido E. Laguesma sa Palasyo ng Malakanyang kung saan ay binulungan siya ng Kalihim at sinabi sa kanya na “siguro naman dahil inaasahan natin at marami tayong pinapagawa sa ating mga manggagawa eh gawan naman natin ng Kadiwa para sa kanila. Eh ang sabi ko naman ay karapat dapat lang naman na gawin yun dahil umaasa tayo sa ating mga manggagawa sa pag-ahon ng ekonomiya ng Pilipinas.”

 

 

“Kagaya ng nabanggit ng butihing congressman, ay sinabi ko talaga noon pa, kasi sa pag-aaral ko, pag nag-industrialized ang isang bansa kung minsan ay naiiwanan ang labor, kaya’t ang sinasabi ko lagi, wag nating pabayaan mangyari yun dahil napakalaki ng ating labor force , napakadami ng mahihirapan kung talaga hindi natin alagaan at bantayan ng mabuti ang kanilang kalagayan habang yumayaman ang Pilipinas. Maganda ang takbo ngayon ng ekonomiya. Palaki nang palaki na ang ekonomiya natin. Naipagmamalaki natin na ang performance dito sa Pilipinas ay siguro katumbas na, kundi mas maganda pa sa mga ibat ibang bansa,” ayon sa Pangulo sabay sabing “Kaya’t titingnan po natin na hindi naman kung ilan lang sa ating lipunan ang yumayaman at gumaganda ang buhay kundi lahat po hanggang sa labor, hangagng sa lahat , sa ating mga magsasaka, lahat po ng sektor ng ekonomiya ay kelangan natin tiyakin na sila ay nakakaramdam din nung pagpapaganda ng ating ekonomiya.”

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang lahat partikular na ang LGU dahil  hindi  aniya magagagawa ang Kadiwa kung hindi kasama ang LGU.

 

 

Pinasalamatan din ng Punong Ehekutibo ang Department of Agriculture,  DTI at Department of Labor and Employment dahil ang mga ito ang nagbigay ng inisyatiba  para sa Kadiwa ng Manggagawa .

 

 

“Kaya’t maraming salamat sa lahat sa inyo na nandito na nakilahok hindi lamang  yung mga namimili kung hindi pati na ang ating mga nagbebenta ng kung anu-anong mga produkto hindi lamang ang agri products, gulay, prutas, bigas at asukal kung hindi pati na yung mga ginagwa ng mga local na MSMEs.Napakahalagi na kayo ay kasama namin dito sa Kadiwa,” ayon sa Pangulo.  (Daris Jose)