• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 15th, 2023

Manibela muling nagbanta ng strike

Posted on: March 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING  nagbanta ang grupong Manibela ng isang muling malawakang welga kapag hindi tumupad ang pamahalaan sa pangako nito na kanilang bibigyan ng pansin ang mga hinaing ng mga drivers at operators ng public utility jeepneys (PUJs).

 

 

Ito ang bantang binitiwan ni Manibela president Mar Valbuena. Ayon sa kanya ay nagkaron sila ng hindi sinasadyang pagkikita ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista kung saan inulit lamang ng huli  kay Valbuena ang ginawang statement ni President Marcos na hindi magkakaron ng phase out ng mga jeepneys.

 

 

Patuloy pa rin silang naniniwala sa commitment na binigy ng Malacanang sa grupo na rerepasuhin ng pamahalaan ang controversial na PUV modernization program.

 

 

Subalit diniin ni Valbuena na ang welga ay mananatiling kanilang option kapag hindi natupad ang binitawan salita ng pamahalaan.

 

 

Ayon sa kanya ay kanyang hiningi kay Bautista na bigyan ng prioridad ang pagbibigay ng assistance sa mga drivers na mas kailangan ang magkaron ng rehabilitation ang mga sasakyan o mapalitan ang mga lumang PUJ.

 

 

“They should prioritize those who cannot afford the P2.8, P2 million needed to modernize,” wika ni Valbuena.

 

 

Nagbigay din ng commitment si Bautista sa kanya na magbibigay muli ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng bagong memorandum upang bigyan ang pansin ang kanilang mga hinaing. Rerepasuhin din ng LTFRB ang report na may 65 na porsiento na PUVs ang sumailalim na sa consolidation para sa modernization program.

 

 

“Of course, the meeting cannot be sealed immediately. Just like another cases, when you go to the government, your concern will not immediately be settled, especially that the issue is big. They are also consulting with others, but he told me that he is always open to a dialogue,” dagdag ni Valbuena.

 

 

Nagkaron naman ng isang dialogue ang mga miyembro ng Manibela at Piston matapos ang ginawang welga sa pangunguna ni Communications Secretary Cheloy Garafil sa Malacanang habang ang pangulo naman ay nasa kabilang telepono at nirereport ang resulta ng pagpupulong.

 

 

Sinusulong ni Valbuena at ng kanilang grupo ang full suspension ng pagpapatupad ng Department of Transportation’s Department Order 2017-011 kung saan nakapaloob ang mga rules at regulations ng PUVMP, kasama na rin ang LTFRB Memorandum Circular 2023-013.

 

 

Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular 2023-013, ang isang single operator na mabigong sumunod sa consolidation requirement sa takdang panahon ay babawiin ang kanilang prangkisa o ang kanilang certificate of public convenience. Ang prangkisa ng mga operators na hindi sasama sa consolidation ay “automatically rewarded” sa existing consolidated entity na may operasyon sa parehong ruta.

 

 

Sa nilabas na datus ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), may 96,000 na jeepneys lamang ang sumama upang maging kooperatiba o korporasyon na siyang pangunahing kailangan sa ilalim ng public utility modernization program (PUVMP).

 

 

Pinalawig ng LTFRB and deadline ng consolidation sa December 2023 na dapat sana ay sa June 2023 na gagawin. LASACMAR

2 INARESTO SA PROSTITUSYON, 9 NA KABABAIHAN, NI-RESCUE NG NBI

Posted on: March 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division  (NBI-CCD) sa General Mariano Alvarez, Cavite  ang dalawang indibidwal na nag-aalok ng sex workers  sa dalawang kababaihan sa pamamagitan ng social media  

 

 

Kinilala ang mga naaresto na si Rodel Miranda y Canoy, alias Gigzo at Jesus Manuel Genio y Bustamante, alias, Buboy.

 

 

Nag-ugat ang pagkakaaresto sa dalawa mula  sa  isang confidential informant sa isang social media account na GIGZO ANAP REYES (Gigzo)  na sangkot ang mga ito sa human trafficking ng mga kabataan at nakatatanda. dahilan upang magsagawa ng surveillance ang NBI-CCD kung saan nadiskubre na ang nasabing social account  ay nagpo-post ng mga litrato ng kababaihan at nag-aalok ng sexual services.

 

 

Sa pamamagitan ng isang undercover agent, nakipag-ugnayan ito sa Gigzo gamit ang social media account hinggil sa serbisyo na inaalok nila.

 

 

Noong March 6, dinala ni Gigzo ang mga babae sa isang apartelle sa GMA, Cavite na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto kabilang ang kanyang kasama  matapos tanggapin ang bayad.

 

 

Sa pagkakaaresto sa dalawang suspek, na-rescue din ng NBI ang siyam na kababaihan na ngayon ay nasa kustodiya ng DSWD Social Workers.

 

 

Kasong paglabag sa R.A. 9208, in relation to R.A. 10175 ang isinampa laban sa kanila. GENE ADSUARA

Nagtala ng bagong ‘Guiness World Records’: BTS, binasag ang sariling record bilang “most-streamed group on Spotify”

Posted on: March 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagtala ng bagong record para sa Guiness World Records ang sikat na Korean supergroup na BTS.

 

Sa katunayan ang grupo mismo ang bumasag sa sarili nilang record bilang “most-streamed group on Spotify.”

 

Noong nakaraang March 3, nagtala ng bagong record ang BTS sa Spotify. Umabot na sila sa 31.96 billion streams sa naturang music streaming platform. Ang huling record nila ay 16.3 billion noong April 2021.

 

Ayon sa Guinness: “The group’s most streamed song on the platform is their chart-topping hit, “Dynamite”, with 1.6 billion streams. This is followed by another record-breaking single, “Butter,” at 1.08 billion and “Boy with Luv,” which featured Halsey, at 1.01 billion streams.”

 

Naging most awarded music group din ang BTS sa nakaraang Kids’ Choice Awards with seven blimps. Four years in a row silang ginawaran bilang Favourite Music Group.

 

Ang BTS din ang natatanging music group na most followed sa Instagram (72.4 million), Twitter (48.2 million) at TikTok (58.2 million) for 2023.

 

Ang members ng BTS na sina RM, Jin, SUGA, J-hope, Jimin, V, and Jungkook ay may kanya-kanyang mga solo projects at naghahanda sila para sa kanilang mandatory military services.

 

***

 

HANDA na ngang ma-in love ulit ang tinaguriang Asia’s Vocal Supreme Katrina Velarde.

 

 

Sa kanyang ma recent post sa social media, may kasama itong lalake na tila foreigner ang dating at tamis-tamisan ang mga kuha nila.

 

 

Nilagyan ito ni Katrina ng caption na: “Hi captain and my pilot in command. You took off so fast and nicely LANDED in my heart and i was NOT prepared for your arrival. But here you are with me right now… Maraming nawala, pero nung dumating ka mas kinumpleto mo ang lahat.

 

 

“Salamat sayong pagmamahal. Nakangiti na ulit ang aking puso, walang pag aalinlangan at punong puno ng galak, at handang ipakilala ka sa lahat… I THANK GOD THAT HE ALLOWS ME TO FALL INLOVE AGAIN. It’s not afam is life, it’s your love that is life…”

 

 

May 2021 noong kinasal ang Suklay Diva sa musician boyfriend niyang si Mike Shapiro. Nakilala niya ito sa pamamagitan ng mentor niyang si Gary Valenciano. Pero makaraan ang ilang buwan ay biglang nagkaroon ng sakit si Mike at pumanaw ito noong November 2021.

 

 

Never na nagbigay ng anumang detalye si Katrina tungkol sa pagpanaw ng kanyang mister. Humiling lang ito na maging pribado na lang ang lahat.

 

 

Pagkaraan ng dalawang taon, binukas na ulit ni Katrina ang kanyang puso para magmahal ulit at marami ang masaya para sa kanya.

 

 

Comment nga ng isang netizen sa kanyang post: “Happy for you and you just look perfect couple. God bless you with more and more happiness and success.”

 

(RUEL J. MENDOZA)

Panay ang pagla-like sa pino-post ng boyfriend: KIM, very supportive sa mga projects ni XIAN

Posted on: March 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG napapanood na ang “Hearts On Ice” ng GMA Network at first team-up nina Ashley Ortega at Xian Lim, labis ang pasasalamat ng mga fans ng aktor sa girlfriend ng kanilang idolo, si Kim Chiu.  

 

 

“Thank you Kim for liking Xian’s post… you’re truly a very supportive girlfriend to Xi… We love you both.”

 

 

Bukod kay Xian na ipinaabot ng mga fans ang congratulations nila, binati rin nila ang buong cast ng “Hearts On Ice” at nangako rin sila na patuloy na susuportahan ang serye hanggang sa pagtatapos  nito.

 

 

Ang “Hearts On Ice” ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng “Mga Lihim ni Urduja”.

 

 

***

 

 

KINILIG pala ang mga anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, nang malaman na after almost 20 years ay muling magkakasama ang parents nila sa isang serye.

 

 

Kasama kasi sila “The Write One” na first ever team-up ng real sweethearts na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.

 

 

Inamin ni Monching na kinabahan siya nang ialok sa kanya ang role.

 

 

“Pero masaya ako na muli kong makakatrabaho si Lotlot,  Maganda ang project, siyempre noong una kaming mag-taping ninenerbyos ako.

 

 

“Matagal kasi kaming hindi nagkatrabaho, medyo hindi na sanay,  Alam naman nating mahusay na aktres si Lotlot, noon pa.”

 

 

Natawa naman si Lotlot, at biro niya kay Monching, “siya ang ninerbyos, pero wala naman kaming problema, at blessing talaga na magkasama kami ngayon sa trabaho.  At siyempre, masaya kami dahil masaya rin ang mga anak namin, nang malaman nilang magsasama kami sa serye.”

 

 

Hindi nga lamang mga anak nila ang happy, ganoon din ang mga fans nila na natuwa nang malamang muli silang magtatambal sa serye.

 

 

Ang “The Write One” ay isang collaboration between GMA Network and the video streaming service na VIU Philippines.

 

 

***

 

 

ISA pang love team na kasama sa “The Write One” ay sina Mikee Quintos at Paul Salas.

 

 

Ilang serye at shows na rin sila nagkasama, pero ngayon pa lamang sila mapapanood na loveteam in real life.  Almost two years na rin naman ang relasyon nila, pero lately na lamang sila naging open na ipaalam ito sa kanilang mga fans.

 

 

Inamin nilang may mga times din na magkasama sila sa isang show ay nagkakaroon sila ng small arguments, like kung minsan ay hindi gusto ni Paul ang mga isinusuot ni Mikee. Very protective lamang daw ang young actor sa girlfriend.

 

 

Pero ayon kay Mikee ang mga small arguments nila ni Paul ang nakakatulong para mas maging maayos ang kanilang relasyon, iyong nalalaman  nila ang ayaw ng isa’t isa at nagkakaintindihan sila.

(NORA V. CALDERON)

Ukraine Athletes inalala ang mga sundalo

Posted on: March 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Binigyang ng pagkilala ng ilang mga atleta mula sa Ukraine ang kanilang mga mamamayan na pinatay ng mga sundalo ng Russia.

 

Ang mga atleta ay kinilala na sina tennis star Elina Svitolina at Premier League soccer players Oleksandr Zinchenko at Mykhailo Mudry at ang boksingero na si Oleksandr Usyk.

 

Naglabas sila ng video kasabay ng talumpati ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

 

Kinondina nila ang walang habas na pagpatay ng mga sundalo ng Russia sa mga sibilyan. (CARD)

P750 nationwide minimum wage hike, inihirit

Posted on: March 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAIN sa Kamara ang P750 daily wage increase sa lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.

 

 

Sa ilalim ng House Bill 7568 ng Makabayan bloc solons na sina House Deputy Minority Leader France Castro, House Assistant Minority Leader Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, sakop din ng panukala ang agricultural at non-agricultural enterprises sa pribadong sektor.

 

 

Ani Brosas, katanggap-tanggap ang nasabing halaga dahil sinasalamin din nito ang kasalukuyang gap sa kasalukuyang minimum wage levels at family living wage sa mga rehiyon.

 

 

Binanggit din ng mga may-akda ang ulat na nagpapakitang tumalon ng 17.5% noong 2021 o P13.44 trilyon ang kita ng mga kompanyang ito, mula sa P11.44 trilyon na naitala sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.

 

 

“Tumataas ang tubo ng mga kumpanya tapos may savings pa sa mas mababang buwis sa ilalim ng CREATE Law, ngunit hindi naman tumataas ang sahod ng mga manggagawa,”dagdag pa ni Brosas.

 

 

Ipinunto pa ng Makabayan bloc na ang umento sa sahod ang solusyon sa kawalan ng magagawa ng gobyerno para mapigil o makontrol ang inflation.

 

 

Idinagdag pa rito ang tumaas na buwanang kontribusyon sa Social Security System (SSS) at Pag-IBIG habang nakatakda namang tumaaas ang buwanang kontribusyon sa PhilHealth.

 

 

Nanawagan naman ang mga mambabatas kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahang urgent ang House Bill 7568 upang makatulong sa milyon-milyong naghihikahos na mga manggagawang Filipino sa bansa.

 

 

“Significant wage increase is long overdue. Imbis na Charter Change ang atupagin ng gobyerno, dapat nitong gawing prayoridad ang umento sa sahod upang makapagbigay alwan sa tumitinding krisis sa ating bansa,” aniya. (Daris Jose)

Teenager isinelda sa boga at panggugulo sa Navotas

Posted on: March 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KULUNGAN ang kinasadlakan ng 19-anyos na lalaki na nanghiram ng tapang sa dalang baril nang dumayo pa upang manggulo at maghamon ng away sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang suspek na si Leo Boy Arogante, residente ng Brgy. Longos, Malabon City na nahaharap sa kasong Alarms and Scandal, Art 155 of RPC at Sec. 28, Art V, R.A. 10591, Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Umipig na nakatanggap ang mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 4 Kaunlaran ng report mula sa mga tanod na isang lalaki ang nanggugulo sa Block 34, Tabing-Ilog, Tumana, Brg. NBBS Dagat-Dagatan.

 

 

Kaagad rumesponde sa nasabing lugar ang mga pulis at naabutan nila ang suspek na nanggugulo at nagsisigaw dakong alas-2 ng madaling araw kaya inawat nila ito saka sinabuhan na umuwi na lamang.

 

 

Gayunman, nagpatuloy pa rin umano sa pagwawala ang suspek na naging dahilan upang arestuhin na siya nina P/SSgt. Jason Dela Cruz, P/Cpl. Bobby Agustin at Pat. Mathew Adriano.

 

 

Nang kapkapan, nakuha sa kanya ang isang hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na may kargang dalawang bala na nakasukbit sa kanyang baywang kaya’t pinapurihan ni BGen. Peñones si Col. Umipig sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Bona, Salome at Ma’ Rosa, pinagsama-sama sa ‘Pieta’… ALFRED, natupad na ang pangarap na makasama sina NORA, GINA at JACLYN

Posted on: March 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LAST week ipinasilip na ni QC Councilor Alfred Vargas sa kanyang Instagram at Twitter post ang character na ginagampanan niya sa ‘PIETA’ na kanyang ipo-produce at mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

 

Caption ng aktor, “A first glimpse of ISAAC, recently released from jail after decades of painful incarceration. Denied of justice for so long, he now seeks both truth & redemption in “PIETA,” our upcoming film.
“One thing I love about acting is being able to escape the real world and step into someone else’s shoes. Through this craft, I get to live & deeply understand their lives, I get to tell their stories.”

 

Hindi rin niya naitago ang sobrang excitement na makatrabaho ang mga mahuhusay na aktres at aktor.

 

“I’m totally excited to play ISAAC alongside pillars of Philippine Cinema: Nora Aunor, Direk Gina Alajar, Ms Jaclyn Jose, Bembol Rocco, Ms Ina Raymundo, & many others!

 

“Of course, jitters are consistently there but the excitement and the passion to act in film simply overpower everything.

 

Thank you, Direk @aalixjr @graciojerry. Let’s do this!!! #PIETAfilm #comingsoon.”

 

Isa nga sa talagang maipagmamalaki ng “PIETA” ay ang mga de-kalibreng artista na kasama sa cast.

 

 

Imagine, for the first time napagsama-sama lang nina Alfred at Direk Adolf sina Nora, Gina at Jaclyn, bukod pa kina Bembol, Ina, at Angeli Bayani, na pawang may mahalagang character na gagampanan sa pelikula.

 

 

At dahil nagsimula na silang mag-shooting ng pasabog na pelikula at tiyak na pag-uusapan, hindi na napigilan ni Konsehal Alfred na i-post ang kanyang kagalakan at pagmamalaki kasama ang tatlong premyadong aktres na sa isang black and white photo na kuha sa kanilang set.

 

 

Caption ni Alfred na tiyak sobrang challenging din ng role bilang anak ng Superstar…

 

“NORA AUNOR ❤️ GINA ALAJAR ❤️ JACLYN JOSE ❤️
“This might be one of the most iconic photos that I’ll ever be a part of.
“To be seated alongside three titans of Philippine Cinema … to be performing with them in PIETA… is a life’s honor.
“Pangarap ito ng bawat artistang Pilipino. Pangarap ko ito kahit ako ay baguhan pa lamang noon. Natupad na ngayon! Thank you, Lord! 🙏🏽”
Dagdag pa niya sa labis na kaligayahan at pasasalamat, “I just feel so happy & blessed to be a part of the #PIETAmovie —a film that brings together National Artist & Superstar Nora Aunor @noravillamayor67 & our multiple best actress awardees in both local and international cinema, Ms @ginalajar & Ms @jaclynjose.
“Thank you, Direk @aalixjr, for giving flesh to our vision! Thanks for putting this together!”
#PIETAmovie #comingsoon

 

May IG post din si Direk Adolf tungkol tatlong mahuhusay na aktres na muli niyang makakasama sa pelikula.
“ACTING TITANS ON THE SET.
“Bona. Salome & Ma’ Rosa.
“For the first time in one film.
“Nora Aunor. Gina Alajar. Jaclyn Jose.
“Privileged to work with you all once again. Thank you Sir @alfredvargasofficial for making this happen.
“PIETA. Now filming under Alternative Vision Cinema Inc. & NobleWolf.”

 

Panglimang pelikula na pala itong ‘PIETA’ na pagsasamahan nina Direk Adolf at Ate Guy, kaya naman gamay na gamay na nila ang isa’t-isa.

 

At inaasahan nga na muling magpapamalas ng husay sa pag-arte ng Superstar dahil sa kakaiba na namang character bilang Rebecca.

 

For sure hinihintay na rin si Ate Guy sa international film festival and hopefully matapos agad ang ‘PIETA’ at magkaroon ng world premiere in time sa celebration ng 70th birthday ng National Artist for Film and Broadcast.

(ROHN ROMULO)