• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 17th, 2023

‘Di pinalampas ang pambabastos ng netizen: BELA, nilinaw na walang inisnab sa concert ni HARRY STYLES

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINATULAN at hindi pinalampas ni Bela Padilla ang pambabastos ng isang netizen dahil daw sa pang-iisnab niya sa mga taong gustong magpa-picture sa concert ni Harry Styles.

 

 

Very vocal ang aktres at direktor na fan siya ng international artist at dating member ng One Direction, kaya nag-watch siya ng concert noong Martes, March 14 sa Phil. Arena.

 

 

Tweet nga ng netizen, “Super nakaka-disappoint si bela padilla kagabi huhu she was such a c*nt”

 

 

Sa isa pang tweet, “Bago pa kami magpa-picture POLITELY AND WE WERE SO HAPPY TO SEE HER TOO), bago pa kami lumapit sa kanya nakatayo lang kami ng friend ko sa gilid niya, pinapanood kung paano siya mang-irap at mairita sa mga nag-approach sa kanya.”

 

 

Kinontra naman ni Bela ang akusasyon sa kanya ng netizen.

 

 

Sagot ng aktres, “Such a lie. I took photos with soooo many people. you must’ve treated me a certain way. Also, don’t call people c*nts with no context.

 

 

“May I remind you, I’m a fan who paid for my ticket with NO obligation to take photos with people who treat me rudely.”

 

 

Paglilinaw pa ni Bela, kasama ang screenshot ng mga tweets ng netizen.

 

 

“Pangit mo ka-bonding. Wala akong inirapan, kahit isa, imbento. Isa ka sa isang libong ‘di napagbigyan [na magpa-picture],” komento ng aktres.

 

 

Dagdag pa baguhang direktor, “If I didn’t TYWK (treat you with kindness), it was probably because you shoved your phone in my face.”

 

 

Dagdag paliwanag pa ni m Bela, “I gave away tickets because I didn’t think I’d be here. Luckily I had to extend. I went there at 3 pm cause I drove myself, a friend and a fan.

 

 

“Took photos with guards, fans, vendors since 3. If you caught me at 6 onwards, I was tired. I’m a fan wanting to dance too and I did.”

 

 

“Now, if you asked me to take a photo while I was clearly talking to my 4 friends that I met there, I would’ve replied “sorry were talking, let’s take it later.”

 

 

“The people around me can attest to that, any thing you add on, will be mostly fabricated. I went to a concert, PERIOD.”

 

 

Kaya sabad naman ng isang netizen para kay Bela, “You should never have to explain yourself, after all you’re a fan too and you were so kind having to giveaway A LOT of tickets. Luv u!!”

 

 

Paglilinaw pa ng aktres na noong tinanong siya ng mga ito kung pwede magpa-picture ay may karapatan siyang magsabi ng “no”.

 

 

“We literally didn’t cause why would we??? I was standing just near you for a good amount of time and i was actually so giddy that wow she really is here. AND girl please you were rolling your eyes at every people who approached you,” ayon savnetizen.

 

 

“Hindi ko ugali mang-irap,” sagit niya. “When I’m stressed or tired, I stop smiling, but I don’t roll my eyes. That’s so not me. Look, you can’t even say this from your real account where you can be held accountable.”

 

 

“Girl, ask the 4 people I was with if I rolled my eyes EVER. Hindi ko ugali mangirap. When I’m stressed or tired, I stop smiling, but I don’t roll my eyes. That’s so not me. Look, you can’t even say this from your real account where you can be held accountable.”

 

 

Matapos nga ang palitan ng tweet mukhang natauhan ang netizen at binura na rin ang kanyang tweet. Humingi rin daw ito ng dispensa kay Bela.

 

 

“Because you deleted your original post and went private (and apologised personally, which I appreciate…) I will delete my replies to you.

 

 

“TPWK and again, be mindful of your words,” say pa ni Bela na binura na rin ang iba pa niyang tweet.

(ROHN ROMULO)

Foreign tourist arrivals sa Pinas, pumalo sa mahigit 1 milyon —DOT

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT isang milyon na international travelers ang dumating sa Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2023.

 

 

Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na nakikini-kinita na niya ang pagbangon ng tourism sector dahil  1,152,590 international tourists ang bumita sa bansa “as of March 15, 2023.”

 

 

“In less than three months, we have logged more than a million visitors into the Philippines,” ani Frasco  sa kanyang naging talumpati sa National Tourism Development Plan (NTDP) 2023-2028 Tourism Stakeholders’ National Summit sa Maynila.

 

 

“The country is well on its way to tourism recovery. These figures build our confidence that we will, again, exceed our targets this year that we set at 4.8 million international arrivals and we fully foresee the full recovery of domestic recovery this year,” dagdag na wika ni Frasco.

 

 

Sinabi pa ng Kalihim na magsisilbi ito bilang blueprint para sa estratehiya sa kung paano balak ituloy at palaguin  ng DOT ang epekto ng turismo sa ekonomiya sa susunod na mga taon.

 

 

Magsisilbi rin aniya itong “guidebook” ng industriya kung saan ang  DOT ay  “put in place mechanisms of sustainability for many, many years to come”.

 

 

Sa ilalim ng NTDP,   binalangkas ng DOT ang 7 mga layunin para sa susunod na limang taon para i-improve ang sektor.

 

 

Kabilang na rito ang “improvement of tourism infrastructure and accessibility; cohesive and comprehensive digitalization and connectivity; at  enhancement of the overall tourist experience.”

 

 

Kasama rin ang “equalization of tourism product development and promotion; diversification of portfolio through multidimensional tourism; maximization of domestic and international tourism; at strengthening tourism governance through close collaborations with national and local stakeholders.”

 

 

Binanggit din ng Kalihim ang ilang hakbang na tinitingnan ng DOT para ipatupad gaya ng paglulunsad ng  “tourist lifecycle” mobile application na makapagbibigay ng impormasyon ukol sa destinasyon sa bansa.

 

 

Plano ng DOT na magtatag ng tourist assistance call center at magsanay ng 100,000 Filipino tourism workers.

 

 

Samantala, nakatakda namang pormal na isumite ng DOT  ang NTDP 2023-2028 kay Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. para sa  final approval nito. (Daris Jose)

PBBM, pinangunahan ang 2 groundbreaking rites para sa 20K housing units para sa mga residente ng CamSur

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang groundbreaking ceremonies para sa pagtatayo ng mahigit sa 20,000 housing units para sa mga residente ng Camarines Sur bilang bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ng gobyerno.

 

 

“Isa po ito sa mga proyekto ng aking administrasyon na nakaangkla sa ating layunin na mabigyan ng komportable, maayos, at disenteng buhay ang lahat ng ating kababayan,” ayon kay Pangulong Marcos sa  groundbreaking para sa pagtatayo ng housing units sa Panganiban Drive sa Naga City.

 

 

“Ang pagkakaroon ng sariling bahay ay pangarap ng lahat ng Pilipino na nais magkaroon ng isang lugar kung saan sila makakapagsimula ng bagong kabanata ng kanilang buhay,” ayon sa Pangulo.

 

 

Ito ang unang housing project sa ilalim ng  4PH program na pinasok ng  Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) kasama ang provincial government.

 

 

Layon ng 4PH Project ng CamSur na magtayo ng limang residential towers na mayroong 11,880 housing units sa 6-ektaryang lupain sa Panganiban Drive, Naga City. Magtatayo rin ng apat na commercial buildings sa palibot ng residential towers.

 

 

Layon naman ng administrasyon ayon sa Pangulo na magtayo ng isang milyong bahay  kada taon sa ilalim ng kanyang  six-year term  bilang halal na Pangulo ng bansa.

 

 

Ito’y upang bigyan ng disenteng tirahan ang mga tao at matugunan ang 6 milyong housing backlog sa bansa.

 

 

“Lahat ito nais natin paabutin ng anim na milyon na bagong pabahay dahil ‘pag pinag-aaralan natin ang housing sa Pilipinas, ‘yan ang numerong lumalabas na kulang na pabahay para sa ating mga kababayan,” ang wika ng Pangulo.

 

 

Maliban sa pagbibigay ng bahay sa ilalim ng nasabing proyekto, magkakaroon din ng  access  ang mga residente sa mga pangunahin at mahahalagang pasilidad gaya ng eskuwelahan, pamilihian, medical facilities at  maging sa  livelihood infrastructure.

 

 

Sa kabilang dako, nanawagan naman ang Punong Ehekutibo sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan,  construction companies, private financial institutions at iba pang katuwang na sundin ang  “rules and regulations” ng gobyerno sa pagsasakatuparan ng kanilang mga proyekto.

 

 

Iniulat naman ng mga housing officials  na “as of March 13” ngayong taon, nilagdaan ng DHSUD ang  83 memoranda of understanding (MOU) at apat na memoranda of agreement (MOA) kasama ang  local government units (LGUs) sa buong bansa.

 

 

At bilang resulta ng inisyatiba,  isinagawa ang  groundbreaking ceremonies  sa 17 LGUs sa buong bansa.

 

 

Sa ilalim MOU, magsasanib-puwersa ang  DHSUD at ang  government financial institutions para sa “funding strategies at alokasyon ng financial, technical at  operational resources.

 

 

Sa ngayon, naglaan ang  Pag-IBIG Fund  ng P250 billion para sa 4PH project.

 

 

Samantala, kasama naman ng Pangulo sina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, Camarines Sur Gov. Vincenzo Renato Luigi Reyes Villafuerte, Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymond Villafuerte, Camarines Sur 5th District Rep. Miguel Luis Villafuerte at maging ang mga miyembro ng Gabinete at iba pang lokal na opisyal. (Daris Jose)

Ads March 17, 2023

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments