• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 24th, 2023

CHED, dumepensa sa umano’y ‘misuse’ ng P10-B fund

Posted on: March 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGTANGGOL ng Commission on Higher Education (CHED) ang paggamit umano ng P10 billion halaga ng pondo, para sa mga scholarship ng mga mag-aaral sa tertiary, na inaangkin ni Northern Samar 1st district Representative Paul Daza na ginagamit sa maling paraan.

 

 

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Commission on Higher Education o CHED chairman Prospero de Vera III na ang Higher Education Development Fund (HEDF) ay inilagay sa Commission on Higher Education charter para pondohan ang mga proyekto para palakasin ang mas mataas na edukasyon.

 

 

Ito ay ang kanyang naging sagot sa mga alegasyon ni Rep. Daza sa pagdinig ng House Committee on Higher and Technical Education na ang P10 billion ay ginagamit para sa iba pang layunin.

 

 

Kung matatandaan, tinatalakay nuon ng komite ang House Resolution No. 767 na nananawagan sa gobyerno na pagbutihin ang access sa tertiary education at bawasan ang attrition rates sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o 4Ps.

 

 

Kabilang din sa usapin ang iba pang karapat-dapat na issue at financially challenged na mga estudyante sa pamamagitan ng pagtaas ng budget allocation para sa mga scholarship.

 

 

Una na rito, inihayag ni Baguio City Representative Mark Go na magpapatawag ang komite para sa isa pang pagdinig upang talakayin ang nasabing usapin. (Daris Jose)

PBBM, nakiisa sa pagsisimula ng Ramadhan

Posted on: March 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKIISA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Filipino Muslim community sa bansa at sa buong mundo  sa pagsisimula ngayong araw ng Huwebes, Marso 23, ng Holy Month of Ramadhan.

 

 

“In the name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful, I join the Filipino Muslim community here and around the world as they welcome and observe the Holy Month of Ramadhan,” ayon sa mensahe ng Pangulo.

 

 

Ngayon aniyang panahon ng “fasting, prayer, and almsgiving” ay oportunidad na katawanin ang kahalagahan ng  disiplina, paggalang at pagpapakumbaba.

 

 

“The spiritual that the gate of Heaven is open during this sacred month calls upon our brothers and sisters to purify their souls against the perils of worldly pleasures as well as seek for forgiveness and peace,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sa pagitan aniya ng panalangin sa Panginoong Diyos para sa mga “answered prayers” at hiling na manatili ang biyaya, marapat din aniya na isama sa pang-araw -araw na panalangin ang mga dumaranas ng “deep distress” dahil sa pagkagutom,  natural calamities, at hindi kanakanais na mga pangyayari.

 

 

“The rituals and services during Ramadhan remind us of our shared moral obligation -regardless of faith – to compassionately take care of each other, uphold our human dignity, and stand in solidarity,” aniya pa rin.

 

 

“As a nation enriched with cultural diversity, let us allow our hearts to embrace the profound truth that respect conquers divisions, understanding obliterates prejudice and love prevails over all,” dagdag na pahayag ng Pangulo sabay sabing “I wish you a solemn and blessed observance.” (Daris Jose)

Kailangang mag-diet for the next 90 days: SHAQUILLE, nag-update after na sumailalim sa hip surgery

Posted on: March 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NATUPAD ang wish ng Sparkle artist na si Kim Perez na makasama sa isang malaking teleserye at nangyari iyon sa ‘Hearts On Ice’ kunsaan co-stars niya sina Ashley Ortega at Xian Lim.

 

 

“Nakakatuwa po ang mga nangyayari ngayon sa career ko. After na maging part ako ng Sparkada, heto at nakasama ako sa isang top-rating primetime teleserye. Dati ay wish lang ito, ngayon ay natupad na,” sey ng model-turned-actor.

 

 

Blessing kay Kim ang sunud-sunod na projects sa GMA. Bukod sa teleserye, napapanood din siya sa isang segment sa morning show na ‘Unang Hirit’ kunsaan nakikipag-interact siya sa mga televiewers ng UH sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

 

 

“Masaya po yung feeling na nami-meet mo ang mga Kapuso natin sa iba’t ibang lugar. Nakikipaglaro kami ng games sa kanila at may mga pinapamigay kaming mga regalo sa kanila na ikinatutuwa nilang lahat,” sey ni Kim.

 

 

Isa pang wish ni Kim ay ang maging host siya ng isang travel show tulad ng ‘Biyahe ni Drew’. Kaya patuloy lang daw ang pag-attend ni Kim ng workshops para mas marami pa siyang matutunan sa pag-arte at sa pagiging TV host.

 

 

***

 

 

NASUBUKAN ang husay ni Kapuso OST Princess na si Hannah Prescillas sa pag-revive niya ng awiting “Sa Aking Daigdig” na unang inawit nila Sharon Cuneta at Gary Valenciano para sa 1991 movie na Kaputol ng Isang Awit.

 

 

Si Vehnee Saturno ang nag-compose ng song at binigyan niya ito ng modern arrangement para ma-appreciate ito ng bagong henerasyon of music lovers na hindi pa napakinggan ang song.

 

 

Sey ni Hannah: “Medyo challenging talaga siya pero wala akong ibang ginawa kundi magtiwala sa GMA Music na mabigyan namin ng justice ‘yung outcome ng kanta. At ayun ang swerte ko kasi ang ganda ng kinalabasan nito.

 

 

“Isa sa reason is ang mabuhay natin ‘yung mga kanta before lalo na ngayon sa social media kapag nai-play natin ulit, magli-linger ito sa tainga ng mga Pilipino. And of course para tangkilikin ang sariling atin na OPM songs. Ang dami nating magagandang songs lalo na ‘yung mga dating nai-release na kaya goal din namin maipakita talaga ‘yung creativity ng mga Pilipino.”

 

 

May ilang songs pa raw na gustong revive si Hannah. Kasalukuyang nasa #4 on iTunes PH’s Top 100 Songs chart at kasama sa Spotify’s New Music Friday playlist ang “Sa Aking Daigdig”.

 

 

***

 

 

NA-CONFINE sa ospital kamakailan ang NBA legend at comedian na si Shaquille O’Neal dahil sumailalim ito sa hip surgery.

 

 

Pinost ni Shaq ang photo niya mula sa kanyang hospital bed sa Twitter at nag-tweet siya ng “I’m always watching @TurnerSportsEJ and @Candace_Parker miss y’all.”

 

 

Matagal na raw due ang surgery ni Shaq pero naging busy ito sa kanyang show na NBA on TNT. Ngayon ay naka-leave siya dahil sa surgery at magbabalik siya sa April.

 

 

Dagdag pa niya na kailangan niyang mag-diet for the next 90 days. Kaya ang kanyang kakainin lang ay chicken breast, fruit plate, salad, and fruit shake.

 

 

Sey ni Shaq: “I’ll be back April 16, and I’m going in. I’m going to try and lose 30 lbs. and I’m going to try and get an eight-pack. Right now I got a little five-pack. “I was 401 lbs. Now I’m 365. I’m trying to take it back to 345.”

(RUEL J. MENDOZA)