• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 11th, 2023

New Original Action Comedy “Medellín” Reveals Teaser Art and Trailer

Posted on: April 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

GET ready for an adrenaline-fueled adventure with Medellín, the latest action comedy film. 

 

 

Prime Video has revealed the teaser art and the trailer for Medellín, the new action comedy film by Franck Gastambide (PattayaTaxi 5Validé), starring Gastambide, Ramzy Bedia (La Tour Montparnasse Infernale), Anouar Toubali (Pattaya), Brahim Bouhlel (Validé), Raymond Cruz (Breaking Bad), and Essined Aponte (S.W.A.T.), with a special appearance by Mike Tyson (The Hangover).

 

 

Medellín will launch exclusively on Prime Video in more than 240 countries and territories worldwide on June 2, 2023.

 

 

Based on an original idea of Franck Gastambide, and co-written by Gastambide and Charles Van Tieghem (Validé), the French Original film is produced by Kowloon Film (Eric Altmayer and Nicolas Altmayer).

 

Medellín will join the thousands of TV shows and movies in the Prime Video catalogue, including hit movies like The Lord of the Rings: The Rings of PowerThe Terminal ListTom Clancy’s Jack Ryan, Star Trek: Picard, Carnival Row, American Gods, and The Boys, as well as French Originals Overdose, LOL: Qui Rit, Sort !, Mixte, Le Bal des Folles, Orelsan : Montre Jamais Ca à Personne, Celebrity Hunted, and exclusives such as BDECoeurs NoirsDarknet-sur-Mer, Connectés, Je te Veux Moi Non Plus, all available on Prime Video at no extra cost for Prime members.

(ROHN ROMULO)

Durian business deal na naisara sa pagtungo ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr sa China, umaarangkada na. Tone- toneladang durian, sinimulan ng i-export

Posted on: April 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA nang i-export ng Pilipinas ang tone – toneladang durian sa China na pawang mula sa Mindanao.

 

Tinatayang 28-toneladang durian cargo o nasa 28 libong kilo ng durian ang dinala na sa China at inilipad via Davao International Airport matapos na pumasa sa General Administration Customs of China.

 

Kamakalawa, Sabado de Gloria ay isa pang shipment ng durian na may timbang na 28 tons Ang inilipad din bukod pa sa 7.2 tons ang ipadadala via sea vessel.

 

Ang nagsimula ng pag- e- export ng durian ng Pilipinas ay bunga Ng bilateral agreement na naselyuhan nitong nakaraang Enero sa ginawang state visit ni Pangulong Marcos sa Beijing.

 

nasa 260 million dollars o  14.3 billion pesos Ang inaasahang  revenue Ang mapapakinabangan Dito Ng local durian industry. (Daris Jose)

Muling magsasama after 20 years: CHRISTOPHER, ididirek si VILMA sa ilang eksena sa pelikula

Posted on: April 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TWO weeks na palang tuluy-tuloy ang shoot ng movie na “When I Met You in Tokyo,” na muling magpapabalik sa love team nina Vilma Santos at Christopher de Leon.  Kasama rin nila sa shoot si Tirso Cruz III, sa Japan.  

 

 

Happy ang production dahil wala silang problema sa pagtatrabaho nila, dahil si Japanese actor-director-producer na si Jacky Woo, ang tumulong sa pag-aasikaso ng lahat ng mga kailangn nila sa shooting, kaya smooth sailing ang shoot nila roon.

 

 

Wala rin silang problema sa set dahil malamig at ini-enjoy nila ang snow at ang beauty ng Cherry Blossoms or Sakura na in season ngayon sa Tokyo.

 

 

Malapit daw lamang sa Narita Airport ang hotel na tinutuluyan nila.  Kaya nagkaroon din ng chance si Senator Jinggoy Estrada na madalaw sila sa set, dahil nasa Tokyo sila ng family niya during the Holy Week.

 

 

Ang “When I Met You in Tokyo” ay produced by JG Productions Incorporated, na muli nang pagtatambalan nina Ate Vi at Boyet, after almost 20 years since the last movie na pinagtambalan nila noon.  Napag-alaman din namin na besides acting. Boyet will also be directing his leading lady in some of the scenes ng movie.

 

 

Meanwhile, kasama naman ni Tirso sa Japan ang wife niyang si Lynn Cruz.

 

 

***

 

NAGSIMULA na muling mapanood ang #MaineGoals Season 3 sa TV5 at 8:30 am, Mondays to Fridays, na nagtatampok sa barkada nina Maine Mendoza at co-hosts na sina Chamyto at Chichi.

 

 

Ang first episode nila ay tungkol sa pagti-training nila as flight stewardees, at dito nalaman na kahit pala nag-graduate na that time si Maine ng Culinary Arts sa De La Salle College of St. Benilde, seven years ago, dream pala niya noon na maging flight stewardess.

 

 

Pero hindi ng natupad ang dream ni Maine that time, dahil inagaw siya ng showbiz at doon siya nakilala.  Kaya matutupad na lamang ang wish na iyon ni Maine kung makakaganap siya ng role na isa siyang flight stewardess.

 

 

At hindi lamang pagti-training ang ginawa nila, ganoon din kung paano sila kikilos kapag may emergency sa loob ng airplane at kung paano rin nila isi-save ang buhay nila sa mga ganoong pagkakataon.

 

 

Hindi lamang iyon ang mapapanood sa #MaineGoals, dahil sa mga susunod na episodes, magiging professional racers din sila, warfighting training as army reservist, at iba pa.  Ang #Maine Goals ay mapapanood din, with an extended version at 8PM sa BukoChannel, via PayTV on Cignal at SatLike Ch.2, Mondays to Fridays din.

(NORA V. CALDERON)

Romnick, Elijah, Enchong at Carlo, maglalaban sa Best Actor: DOLLY, napili na maging Jury Chair sa ‘1st Summer MMFF’

Posted on: April 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG Martes, ang Gabi Ng Parangal ng 1st Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF) na gaganapin sa New Frontier Theater sa Quezon City.

 

 

SA ang Jury Chair nito para sa dalaga nitong pinili ng MMFF Execom si Dolly de Leon, na isang internationally acclaimed Filipino film, television, and theater actress, bilang Jury Chair.

 

 

Nakilala si Dolly sa mga pelikula niyang “Verdict”; “Historya ni Ha”; at nakakuha ng mas matinding pagkilala dahil pagkapanalo niya ng Palme d’Or dahil sa “Triangle of Sadness.”

 

 

Sa kanyang nakapahusay na pagganap sa “Triangle of Sadness”, siya ang first-ever Filipino actor na na-nominate sa British Academy of Film and Television Arts (BAFTA) at Golden Globe Awards.

 

 

Last May 2022, pumirma si De Leon sa US-based artist agency na Fusion Entertainment, at naka-line up siya sa mga pelikulang internasyonala, isa rito ang “Grand Death Lotto,” na ididirek ni Paul Feig, na pagbibidahan nina John Cena, Awkwafina, at Simu Liu.

 

 

Inaasahang kikilalanin ng Gabi ng Parangal o awards night ang artistic at technical merit ng eight movies na kalahok: Brillante Mendoza’s Apag, Chris Martinez’s Here Comes the Groom, RC delos Reyes’ Unravel: A Swiss Side Love Story, Fifth Solomon’s Single Bells, JP Habac’s Love You Long Time, Jun Robles Lana’s About Us, Not About Us, Joven Tan’s Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera, and Bela Padilla’s Yung Libro Sa Napanuod Ko.

 

 

Bet naming maglalaban sa Best Actor sina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas (About Us, Not About Us), Carlo Aquino (Love You Long Time), at Enchong Dee (Here Comes the Groom). Sa Best Actress naman sina Kylie Padilla (Unravel: A Swiss Side Love Story), Gladys Reyes (Apag) at Bela Padilla (Yung Libro Sa Napanuod Ko).

 

 

Sa tingin namin, mahigpit namang maglalaban sa Best Film, Best Director, at iba pang awards ang ‘About Us But Not About Us’ at ‘Love You Long Time’.

 

 

Ang December at Summer MMFF ay in-organize ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), and in partnership with the Cinema Exhibitors Association of the Philippines, primarily with the intention to “promote the preservation of Philippine cinema.”

 

 

Magbe-benefit sa proceeds mula MMFF ang Movie Workers Welfare Foundation, Inc., Motion Picture and Anti-Film Piracy Council, Film Development Council of the Philippines at Optical Media Board.

 

 

Alamin kung sinu-sino ang mananalo at makapag-uuwi ng tropeo ng karangalan ngayong 8 p.m. (April 11), telecast ito sa OnePH at may delayed telecast sa TV5 at 10:45 p.m.

 

(ROHN ROMULO)

Na-praning nang mahirapang kumanta: ANGELINE, kinuwento ang hirap at saya sa pagdating ni SYLVIO

Posted on: April 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGKUWENTO si Angeline Quinto na last month pa nag-start ang preparation nila para sa first birthday ng baby boy ng partner niyang si Nonrev Daquina. 

 

 

Si Sylvio ay magwa-one year old na sa April 27.

 

 

Nakababawi na rin daw si Angeline sa puyatan sa pag-aalaga sa kanyang anak.

 

 

“Medyo okay naman na po, nakakabawi na po ulit ng tamang tulog. Unlike kasi nung ilang buwan pa lang, nung newborn pa lang po si Sylvio, doon ako medyo nahirapan.

 

 

“Pero ngayon at least nakapagtrabaho  na po ulit ako, so nakakatanggap na rin ng work.”

 

 

Ano na ang mga milestones so far habang lumalaki si Sylvio?

 

 

“Madami na po! Pero ang unang-unang na-witness ko po talaga yung nagsalita siya ng mama, at nandoon ako.

 

 

“Parang hindi ko alam yung magiging pakiramdam, ganun pala talaga.

 

 

“Naiiyak ako sa tuwa nung narinig ko. Yung gusto ko siyang paulit? ‘Ano yun, Sylvio?’ Mama, Mama, Mama.’

 

 

“Tapos sabi nila, ‘Ay naku mas magiging malapit sa iyo yan kasi unang tinawag ka, hindi ang Papa’, ganun daw po yun.

 

 

“Sobrang plus points po iyon bilang nanay.”

 

 

Ngayong isa na siyang ina, ano ang nadiskubre ni Angeline na hindi niya alam dati, na ikinagulat niya?

 

 

“Hindi po pala talaga madali ang maging nanay. Tsaka yung pagiging nanay parang hindi mo kailangang, alam mo yun, parang hindi siya kailangang pag-aralan.

 

 

“Kasi ako sa totoo lang po, nung ipinangak ko si Sylvio, takot na takot akong hawakan siya kasi ang liit-liit! Tapos sabi sa akin nung isang nurse na nagbantay po sa akin sa hospital sabi niya, ‘Ma’m hindi kita tuturuan, subukan mo lang.’

 

 

“Tapos ganun, pagbuhat ko sa kanya marunong pala ako!

 

 

“Yung mga ganung bagay, na ang pagiging nanay pala automatic yan. Pag nakita mo yung bata magagawa mo ng lahat.

 

 

“So medyo, mahirap din po na maibalanse yung oras sa trabaho at pagiging nanay pero kinakaya, sa tulong din ni Nonrev, kasi minsan pag wala po ako sa bahay siya talaga yung nakatutok kay Sylvio.”

 

 

Nagkuwento rin si Angeline tungkol sa naging sitwasyon noong unang beses niyang iniwan si Sylvio para magtrabaho.

 

 

“Kasi nung time na yan one week pa lang si Sylvio, back-to-work na, one week pa lang. So may pumasok na work po, sa Pampanga lang naman, hirap na hirap akong kumanta.

 

 

“Kasi CS po ako, e. Alam niyo ultimo ABC hindi ko magawang kantahin

 

 

“So napapraning na ako, sabi ko, ‘Ano nangyari sa boses ko?!’

 

 

“So kahit medyo hirap pa po ako noon dahil gustung-gusto ko na talagang kumanta, pinilit ko ang sarili ko. Siyempre andiyan pa yung anesthesia, medyo nahihilu-hilo ka pa’, at tumawa si Angeline, “e kinaya naman.”

 

 

“Dun ko na-feel na ang hirap palang mawalay sa kanya nung ganun pa lang siya kaliit.

 

 

“Iyon po yung lagi kong, nung time na yun ha, lagi kong nire-ready yung sarili ko, kapag may trabaho ako siyempre maiiwan ko na naman siya sa bahay pero ang maganda dun excited ka laging bumalik ng bahay after ng trabaho.

 

 

“Kasi dati di ba po, honestly pag may trabaho ako dati, after niyan kahit gabing-gabi mag-aaya ang mga kaibigan mo, ‘Uy birthday ni ganito,’ kailangan mong puntahan.

 

 

“So iyon din yung nabago sa akin, na mas alam ko na yung priorities ko bilang isang ina.”

 

 

Nakausap namin si Angeline sa relaunch ng negosyo niyang Twinqle baby products.

 

 

Ang mga produkto ng Twinqle, na ang laboratory ay nasa Pampanga, ay Top To Toe Wash, Atopic Soothing Lotion, Bar Soap, Stretchmark Oil, Outdoor Insect Spray, Diaper Rash Cream, Nursing Balm at Scar Serum.

 

 

May pelikula rin si Angeline kasama si Alex Gonzaga, ang ‘Single Bells’, na entry sa first Summer Metro Manila Film Festival na magtatapos sa April 18, 2023.

(ROMMEL L. GONZALES)

PBBM, pangungunahan ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan

Posted on: April 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na pangungunahan ngayon ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr Ang ika- 81 anibersaryo ng Araw Ng Kagitingan na gagawin sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan.

 

Sa temang “Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino,” ilan sa mga programa kung saan  magkakaroon ng partisipasyon ang Punong Ehekutibo ay ang wreath laying ceremony.

 

Ilang mga foreign dignitaries din ang  nakatakdang dumalo sa okasyon mamaya at Ilan dito ay sina Charge d Affairs Heather Variava ng Embahada ng Estados Unidos.

 

Bukod kay Variana ay inaasahan din si Japanese Ambassador to the Philippines His Excellency Koshikawa Kazuhiko ganundin Sina Bataan Governor Jose Enrique Garcia at Dr. Emmanuel F. Calairo, Chairman, National Historical Commission of the Philippines.

 

Ang aktibidad mamaya ng Pangulo ang una sa mga inaasahang sunod- sunod na Presidential activities sa mga susunod pang  araw matapos na maka-  recharge at makapag- – retreat nitong nakalipas na Semana Santa. (Daris Jose)