• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 12th, 2023

235 Araw ng Kapanganakan ni “BALAGTAS” ginugunita

Posted on: April 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ORION, BATAAN —Pinangunahan ng mga opisyales sa local ng munisipyong ito kasama ang mga opisyales ng KWF, NCCA, NBDB ang paggunita ng 235 taong kaarawan ng Bayaning Makatang si Gat Francisco “Balagtas” Baltazar noong ikalawang araw ng Abril taong 2023. Na may temang “Kultura ng Pagbabasa Tungo sa Pagkakaisa.”

 

 

Para sa kaalaman ng lahat, ang komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang naatasan ng batas na pangungunahan ang dakilang gawaing ito. Sa batas ng “Proklamasyon Blg. 964 serye ng 1997 na pinamagatang Pagdeklara sa ika-2 ng Abril ng bawat taon bilang Araw ni Balagtas.”

 

 

Ayon sa kinatawan ng Mayor Antonio L. Raymundo, napag-alaman na dito tumira sa Orion, Bataan ang dating manunulat na siyang may akda ng sikat na dulang Romantikong Florante at Laura at ng iba’t iba pa niyang mga akdang libro na siyang ginamit sa halos lahat ng mga paaralan hanggang sa kasalukuyan.

 

 

“Dito sa Orion, Bataan naninirahan sa kanyang mga huling araw ang sikat na si “Balagtas” hanggang isang araw ay may naganap na sunog sa kanilang tahanan na siyang kadahilanan sa pakasunog ng kanyang mga iba’t iba pang mga obra,” dagdag pa niya.

 

 

Ayon sa pananalita ni Atty. Marites B. Taran KWF Direktor Heneral, “Napapanahon ang temang ito sapagkat naaapektuhan ng “internet addiction” ang reading habits ng mga kabataan ngayon.” “Nakitaan ng mga eksperto na may pagbaba sa hilig ng mga bata sa pagbabasa bungsod ng internet.”

 

 

“Ang pagbabasa ay pagpapakain sa utak” dagdag pa ni Atty. Taran.

 

 

Ayon naman kay Kgg. Arthur P. Casanova ang tagaPangulo ng KWF “Dapat pananatilihin at ipagpapatuloy ang pag gamit ng wikang Filipno sa lahat ng antas sa lipunan.”

 

 

Kasama sa pagdiriwang ang mga kinatawan ng iba’t ibang grupo ng Media. Isa na ang Publishers Association of the Phil. Inc., (PAPI) na kinakatawan ng News Sydicate Digest publisher at ang publisher ng Tarlac Insider, PIA REg.3, RTVM, Radyo Veritas, DWBL at iba pa. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Dahil ‘di nabigyan ng Canadian visa: JUDY ANN, ‘di na muna matutuloy sa movie nila ni SAM

Posted on: April 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NOW it can be told… hindi (muna) tuloy ang shooting ni Judy Ann Santos para sa pelikulang “The Diary of Mrs. Winters.”

 

 

Dapat sana ay nito pang Marso tumulak patungong Canada ang buong team ng nabanggit na horror film pero hindi sila natuloy.

 

 

At ngayong araw ng Martes, April 11, sa kanyang Instagram Story ay inihayag na mismo ni Judy Ann kung ano ang nangyari.

 

 

“Sa mga nagtatanong hindi po kami natuloy mag- Canada, hindi lumabas yung visa ko, specifically, so it will be pushed back to next year.

 

 

“But all is good, all is good, all the production is good siguro sadyang hindi pa lang naaayon ang mga bagay-bagay.

 

 

“Sa pagkakataong ito, but you know sadyang maproseso lang ang mga ganap.”

 

 

Sa “The Diary Of Mrs. Winters” muling magsasama sina Judy Ann at Sam Milby makalipas ang sampung taon. Huli silang nagkatrabaho sa seryeng “Huwag Ka Lang Mawawala” sa ABS-CBN.

 

 

Sa direksyon ni Rahyan Carlos, at mula sa produksyon ng AMP Studios Canada at HappyKarga Films.

 

 

Ma-delay man, siguradong itutuyloy ang shoot ng pelikula sa Canada at dito sa Pilipinas.

 

 

Samantala, sa ngayon ay balik-taping si Judy Ann para sa isang serye na hindi pa maaaring ibulgar ang mga detalye pero soon ay mababasa rin ninyo dito sa pahayagang ito.

 

 

***

 

 

MADALAS mag-post sa kanyang Instagram account si Anthony Rosaldo ng kanyang mga hubad na larawan kaya tinanong namin siya kung may mga “nagpaparamdam o nanliligaw” sa kanya.

 

 

“Daming nagpaparamdam, as in! Lalo po sa mga filtered messages pero, ako always grateful po ako e, if there’s one na talagang nakaka-appreciate, I will say thank you.

 

 

“And I don’t actually get offended sa mga indecent proposals o ganyan, mga ligaw, kasi for me ano po yan e, parang talagang, nag-appreciate lang naman sila in their own way po.

 

 

“Kaya ako po I also respect kung anuman ang opinyon nila be it pangit o maganda, it’s still a compliment po para sa akin.”

 

 

Tinanong na rin namin ang The Clash season 1 grand finalist at Sparkle male artist kung ano na ang pinakabongga na offer na medyo nawindang o nagulat siya.

 

 

“Windang po? Ang dami po kasi pero yung recent po like parang ano lang, dinner daw po, fifty thousand (pesos), dinner!”

 

 

Hindi raw binubuksan ni Anthony ang mga ganoong message.

 

 

Samantala, gaganap si Anthony bilang Hector sa pinakauna niyang musical stageplay, ang Ang Huling El Bimbo musical play simula sa April 21 sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts.

 

 

Mapapanood ito tuwing Biyernes at Sabado tuwing alas otso ng gabi at may matinee performances naman tuwing Sabado at Linggo alas tres ng hapon.

(ROMMEL L. GONZALES)

Mas maraming tauhan, kailangan para i-monitor ang maritime schools-CHED

Posted on: April 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI  ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero de Vera III  na mas maraming tauhan ang kailangan para i-monitor ang  maritime institutions sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Tinuran ni De Vera na nagpapatuloy ang evaluation o pagsusuri sa mga maritime school para  i-check kung sumusunod ang mga ito sa  standards kasunod ng ginawang pagkilala ng European Union (EU’s) sa sertipiko para sa mga seafarers na ipinalabas ng Pilipinas.

 

 

“Kailangan namin dagdag na tao kasi marami. That’s why kami ni Secretary Bautista will have to look for additional allies to help monitor compliance kasi hindi naman ganoon kadami ang staff ng CHED. Hindi rin gano’n kadami ang staff ng MARINA,” ang pahayag ni de Vera sa Palace briefing.

 

 

Binanggit ni De Vera na itinigil na ng pamahalaan ang  15 maritime programs dahil sa pagiging  non-compliant sa  standards.

 

 

“We closed down 15 maritime programs already. If it’s true that everyone is compliant with standards, then we should not have been able to close 15 maritime programs,” ani de Vera.

 

 

“We’re very strict. The technical panel and our technical evaluators have gone through the program and we closed 15 over the past year and a half. So there are programs that are non-compliant,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ng CHED na nakipag-ugnayan na ito sa maritime schools at sa  Maritime Industry Authority (MARINA) para ikasa ang reporma na ipinanukala ng EU para tiyakin na ang  mga  Filipino seafarers ay patuloy na  makapagtatrabaho  sa  foreign vessels.

 

 

Inulit naman ni De Vera ang five-year moratorium sa pagbubukas ng bagong  mga maritime programs na ipinatupad upang masiguro na marebisa na  ang lahat ng  maritime schools ay makapagsagawa bago pa magdagdag ng isa pa.

 

 

Para naman kay MARINA administrator Hernani Fabia, mayroon pang mga usapin na kailangan na plantsahin sa kabila ng pagkilala ng EU sa sertipiko.

 

 

Kabilang aniya rito ay ang  mga usapin ukol sa “supervision of manning and training, assessment of competence, as well as design and approval availability, among others.”  (Daris Jose)

Pinalalagay na para ito sa hosts ng ‘It’s Showtime’: Pagpapatutsada ni JANUS sa kanyang IG post, maraming naangasan

Posted on: April 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY mga naantipatikuhan at naglabas ng galit sa post ni Janus Del Prado sa kanyang Instagram account.

 

Napakasarkastiko raw kasi ang ginawang pagtanong ng aktor sa mga tumitira at bumabanat sa mga naglilipatang artista noon sa ibang network.

 

“‘Yung mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat? #hypocrites,” ani pa ng IG post ni Janus.

 

Sobrang angas daw ni Janus sa ginawa niyang pagpapatutsada sa mga kasamahan niya sa industriya.

 

Although, wala namang binanggit na pangalan ang actor na marami ang nagpapalagay na para ito sa ilang hosts ng “It’s Showtime.”

 

Ito’y matapos ngang umere ang nasabing Kapamilya noontime sa GMA-7 simula noong Sabado, April 6.

 

“Meaning lang po lods, baka hindi kaya ng mga current GMA artist na buhayin ang noon time ng GMA kaya need help sa ABS CBN artists. Kaya kinuha na lang buong Showtime total wala naman sila channel to formally air their shows. Pero as far as I know wala pong lumipat. ABS-CBN artists padin sila. Need lang din ni GMA help nila so win win padin,” pagtatanggol pa ng isang netizen.

 

“APAKABOBO MO TALAGA KAYA HINDI UMABANTE CAREER MO EH.” Sey pa ng isa na naka all caps pa!

 

“OA naman ni @janusdelprado as if naman Big Star Talaga!! hahahaha.”

 

“Hindi naman sila hypocrites kasi wala namang lumipat? Since under ABSCBN management pa din naman sila? Naki ere lang sila sa GMA yun lanf”

 

“Idol kita lods. Pero dapat di na pinapalaki to. Kung lumipat lumipat wala naman na magagawa tsaka baka yun din ang tamang move para sa career nila.”

 

“Hndi naman po sila lumipat.. bkt ba kasi ayw ng gma gumawa ng sarili nilang noontime show? Eh marami silang artist na sa network nila? Hehe mas gusto nila kunin ang showtime?! Gma tlga may sarili namang mga artista gusto mga tga abscbn,” sunod sunod pang komento sa naturang post ni Janus.

 

Samantala, matapos makatikim ng pangnenega at pang-ookray mula sa netizens ay ini-edit ni Janus ang naturang post.

 

“At the end of the day lumipat pa din sila ng Station. Kinailangan pa rin nila yung tulong ng Station ng mga artista na binabash nila dati (lalo na yung mga lumipat) para magkaroon ng mas malaking platform. Lesson. Wag magsalita ng tapos. Bilog ang mundo.”

 

***

 

NAGING paborito namin ang kantang “Selos” ni Shaira.

 

When in fact sa lahat ng mga reels namin sa Facebook ay ang nasabing awitin ang madalas naming gamitin background audio.

 

Kaya isa kami sa nalungkot nang husto nang nagkaroon ng isyu si Shaira sa isang Australian singer na si Lenka dahil sa naturang waiting “Selos” ng una, huh!

 

Kaya pansamantalang naka-ban ang kanta at bawal gamitin.

 

Pero sa kalagitnaan ng isyu ay pinili na lang raw ng kampo ni Shaira ang manahimik dahil ayaw na nilang lumaki pa ang isyu.

 

But still sa pamamagitang kanyang Facebook account ay nilinaw ni Shaira na walang kaso raw na isinampa sa kanya sa kabila ng pagkakapareha ng melody ng “Selos” at ng awiting “Trouble Is A Friend”.

 

“Wala pong sinampang kaso laban sa amin. Sa katunayan naging mapayapa ang pag-uusap namin ng kampo ni Lenka at nauwi po ito sa pagkakasunduan hindi lang sa pamamaraan ng pagpapalabas ng kanta sa online streaming platforms,” Paliwanag pa ni Shaira.

 

Siyempre masaya rin namang ibinalita ni Shaira na muli nang magbabalik ang “Selos” sa streaming platforms.

 

“Malapit na po naming ibalik sa mga online streaming platforms ang kantang ‘Selos’ kasabay na rin po ng ibang kanta ng aming produksyon.

 

“Sana po ay maging masaya na lang po tayo dahil hindi lang naman po ito para sa akin, para rin po ito sa mga kapwa kong Bangsamoro artists at kapwa ko Pilipino,” pakiusap pa rin ni Shaira sa lahat.

 

Kaya sa ngayon ay mapapakinggan muli ang viral song na “Selos” ng Moro singer na si Shaira sa online streaming platforms.

 

Kaya wala na raw problema at kinumpirma na mismo ni Shaira. Nakapag-usap na sila ng kampo ng Australian singer na si Lenka matapos pumutok ang isyu na may pagkakaparehas ang kanyang kanta.

 

Sa pamamagitan nga ng apat na minuto ng paliwanag ni Shaira sa kanyang Facebook page kung saan tinalakay niya ang naging copyright issue ng kanyang viral song na “Selos”.

 

“At di ko alam bakit ba nagkakaganito,” ayon pa sa lyrics ng awitin.

 

Dagdag pa rin ni Shaira na malaki ang pasasalamat niya dahil sa pagmamahal ng mga tao sa kanyang awiting “Selos”.

(JIMI C. ESCALA)