• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 18th, 2023

Ilang lugar sa Metro Manila at Cavite, 1-linggong mawawalan ng tubig

Posted on: April 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY ISANG linggong mawawalan ng suplay ng tubig ang mga kustomer ng water concessionaire na Maynilad Water Services Inc. sa ilang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Cavite.

 

 

Sa isang abiso, sinabi ng Maynilad na kabilang sa mga lugar na makakaranas ng water service interruption ay ang ilang lugar sa Las Piñas City, Muntinlupa City, Parañaque City, at Pasay City, sa Metro Manila at Bacoor City, at Imus City sa Cavite.

 

 

Ang naturang water service interruption ay nagsimula nitong Linggo at magtatagal hanggang Abril 23.

 

 

Gayunman, inaasahang magiging normal na ang serbisyo ng tubig sa ilan sa mga naturang lugar pagsapit ng Abril 22.

 

 

Sinabi ng Maynilad na ang water service interruption ay bunsod ng isinasagawang pinaigting na paglilinis ng mga filters sa Putatan Water Treatment Plants.

 

 

“The turbidity level of the raw water in Laguna Lake has been gradually decreasing since the Amihan season ended, but the process is taking longer than anticipated. Due to this, we have to extend our maintenance activities at the plants,” anang Maynilad.

 

 

“Normal operations will be restored once the cleaning of the filters is completed,” dagdag pa nito.

 

 

Pinayuhan naman ng Maynilad ang mga kustomer nito na maaapektuhan ng water service interruption na mag-imbak ng sapat na suplay na tubig.

 

 

Sakali naman umanong bumalik na ang suplay ng tubig, dapat munang hayaang tumulo ang maitim na tubig hanggang sa tuluyan na itong luminaw.

 

 

Maaari namang ipunin ang maitim na tubig at gamitin sa ibang bagay, gaya ng pandilig ng halaman, panlinis o di kaya ay pag-flush ng inidoro.

DND, pinalagan ang pahayag ng China na ginagatungan ng Pinas ang tensyon sa Taiwan

Posted on: April 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN ng Department of National Defense (DND)  ang naging pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian na ginagatungan ng Pilipinas ang geopolitical tensions sa pamamagitan ng pag-alok sa Estados Unidos ng  military bases nito malapit sa Taiwan.

 

 

“The Department of National Defense takes exception to the statement of Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian that the Philippines is meddling in the internal affairs of China concerning Taiwan,” ayon kay DND spokesperson, Arsenio Andolong sa isang kalatas.

 

 

Sa hiwalay na kalatas, nilinaw naman ni National Security Council spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya na “the Philippines has no intention of interfering in the Taiwan issue and will not allow itself to be used by other countries to interfere in the said issue.”

 

 

“[W]e take grave exception to any effort by guests in our country to use this to fearmonger and intimidate us,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat, kinokonsidera ng China ang Taiwan bilang bahagi ng teritoryo nito, na naglalayon bawiin sa pamamagitan ng puwersa kung kinakailangan.

 

 

Pinayuhan ng China ang Pilipinas na tutulan ang kalayaan ng Taiwan sa halip na mag-alok sa US ng access sa mga pasilidad nitong militar malapit sa Taiwan strait.

 

 

Ito ay ang sinabi ni Huang sa kung pinangangalagaan ng Pilipinas ang 150,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan.

 

 

Mayroon kasing mahigit 150-K na mga Pinoy ang nagttrabaho sa Taiwan na maaari umanong masangkot sa nagaganap na tension ng dalawang nagbabangayang lugar.

 

 

Inihalimbawa ng ambassador ang issue sa Mindanao na hindi dapat hayaan ang sinumang third party na makialam sa pagresolba sa mga issue ng mga rebelde sa Mindanao, gayundin din aniya ang sitwasyon ngayon sa Taiwan.

 

 

Sinabi naman ni Andolong na ang pangunahing alalahanin sa Taiwan ay ang kaligtasan at kapakanan ng mga Filipinong naninirahan at nagtatrabaho sa nasabing isla.

 

 

“The Philippines observes the One China Policy and maintains the ASEAN principle of non-interference in approaching regional issues. We reiterate that our primordial concern in Taiwan is the safety and wellbeing of the Filipinos living and working on the island,” ani Andolong.

 

 

“Amid the tensions in the Cross Straits, however, the department deems it prudent to prepare for any contingencies to ensure the safety of Filipinos overseas, especially those based in Taiwan,” dagdag na wika ni Andolong.

 

 

Hindi naman nagustuhan ng DND  ang ginawang paghahambing ni Huang sa sitwasyon sa Taiwan sa  insurgency problem sa Mindanao.

 

 

“We wish to emphasize that the issues are different from each other,” ayon kay Andolong.

 

 

“The whole context and rich experience of our peace process in Mindanao, which allowed the participation of the international community (Malaysia, the EU, Turkey, Japan, Brunei, Australia, Sweden, Norway, the UK, Germany, UN organizations, JICA, and other international organizations), is aligned with the Philippines’ position of resolving disputes peacefully,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

Magkakaroon pa ng formal announcement: ALDEN, nagsimula nang mag-shooting ng untitled movie nila ni JULIA

Posted on: April 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA nang mag-shooting ng movie sina Asia’s MultiMedia Star Alden Richards at si Kapamilya actress Julia Montes, last Sunday, April 16.  

 

 

Wala pang title ang movie na co-production venture ng GMA Pictures at Cornerstone Entertainment at under the direction of Ms.  Irene Villamor.

 

 

Maraming nagulat sa balitang ito dahil walang announcement na may gagawing movie si Alden, pagkatapos ng drama series nila ni Bea Alonzo, sa GMA Network na “Start-Up PH.”

 

 

Basta naging busy lamang si Alden sa pagsu-shoot ng mga TV commercials at iba pang bagong endorsements, plus ilang travel abroad before the Holy Week at sa Japan siya nagpalipas ng Holy Week.

 

 

Magkakaroon daw ng formal announcement ang pagti-team-up nina Alden at Julia, at doon siguro malalaman kung sinu-sino pa ang bubuo sa cast ng movie, although, nakasama na raw sa first shooting day si Jackielou Blanco.

 

Balita ring may shoot ng ilang scenes ng movie abroad.

 

***

 

 

NA-SHOCK si Karen Davila nang ma-interview niya si Pambansang Ginoo, David Licauco, para sa kanyang vlog, na isa sa napag-usapan nila ay ang sleep disorder ng Kapuso actor na sleep apnea.

 

 

Ayon kay David, kailangan niyang kamutin ang braso niya para lamang siya magising, kaya nagkasugat-sugat na raw ang mga ito.  Naikuwento rin ni David na 2011 pa nagsimula ang sleep apnea niya, nang nasa Taiwan daw siya, na naglaro sila ng basketball doon, ay natamaan ang nose niya ng bola ng basketball at simula noon ay nakaranas na siya na para siyang binabangungot, na nakaka-experience siya ng 30 seconds na hindi humihinga, four times in an hour.

 

 

Naipa-check-up lamang niya ang nararamdaman niya in 2021, pero walang pagbabago sa kanyang nararamdaman.  Kaya sabi ni Karen, huwag daw pabayaan ni Daivd ang sarili niya.

 

 

Kailangan daw niyang maoperahan sa nose and throat, sa ngayon daw at struggle sa kanya ang paggising sa umaga.  May mga times daw naman na maayos ang gising niya.

 

 

Medyo raw nakakatulong sa kanya iyong marami siyang pinagkakaabalahan, kung hindi sa taping ay sa kanyang mga restaurant, I ang “Kuya Korea” kung saan madalas siya pinupuntahan ng mga fans.

 

 

Meanwhile, congratulations kina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, David Licauco at Dennis Trillo ng “Maria Clara at Ibarra” na ngayon ay napapanood na ang Kapuso historical fantasy portal sa Netflix Philippines, dahil simula nang ipalabas ito last April 14, ay lagng nasa number 1 ito sa Top 10 TV shows sa live streaming.

 

 

                           ***

 

 

GINANAP ang bachelorette party ni Maja Salvador, para sa nalalapit niyang wedding kay Rambo Nunez, na bigay sa kanya ng mga friends niyang sina Kathryn Bernardo, Miles Ocampo, Kakai Bautista, Pooh, Thou Reyes, Maine Mendoza at marami pang iba.

 

 

Masaya ang party until nag-speech si Maja, na medyo may takot daw siya sa bagong buhay na papasukin niya: “new chapter sa buhay ko ito, I’m scared, nakakatakot dahil wala nang director na magka-cut.  Ito na ang totoo kong buhay.”

 

 

Sa July, 2023 ang sinasabing date ng wedding nina Maja at Rambo.

(NORA V. CALDERON)