• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 26th, 2023

DOTr: Pagsuot ng face mask mandatory pa rin sa rail lines

Posted on: April 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAYUHAN ang publiko ng Department of Transportation (DOTr) na mandatory pa rin ang paggamit at pag-suot ng face mask sa lahat ng Istasyon at facilities ng rail lines sa Metro Manila.

 

 

 

Ito ang paalala ng DOTr sa mga pasahero ng Light Rail Lines 1&2 at Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Philippine National Railways (PNR) dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 sa buong bansa hindi lamang sa kalakhang Maynila. Hindi naman mandatory ang paggamit at pagsuot ng face mask sa PNR sapagkat ang istasyon ay nasa open na mga lugar.

 

 

 

“Passengers are required to wear face masks inside trains of the Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Lines 1&2 (LRT1 &2) at Philippine National Railways (PNR). Medical professionals in the railways sector stressed that the risk of COVID-19 transmission remains present in our trains as they are enclosed spaces,” wika ni DOTr assistant secretary Jorgette Aquino.

 

 

 

Kung kaya’t inutusan ang mga security personnel ng mga rail lines na kailangan siguraduhin na ang polisiya sa pagsusuot ng face mask ay mahigpit na pinatutupad.

 

 

 

Muling ipinag-utos ang safety protocol kahit na ang polisia ng national government ay pinapayagan na ang optional na paggamit ng face mask sa loob at labas ng mga lugar at establesiemento.

 

 

 

Dahil ang COVID-19 ay isang ongoing na threat sa publiko, ang mga awtoridad ay patuloy pa rin na nagpapatupad ng pagsusuot ng face masks sa mga lugar tulad ng health facilities at public transportation.

 

 

 

Ang pagsusuot ng face masks ay parte ng DOTr’s “seven commandments” laban sa paglaganap ng COVID-19 kasama ang pag-iwas sa pagsasalita, pag-uusap at paggamit ng cellphone; bawal din ang kumain at uminom habang nasa loob ng train; dapat ay may ventilation at regular disinfection sa mga loob ng trains sa lahat ng oras; ang mga pasaherong may sintomas ng COVID-19 tulad ng mataas na body temperature ay hindi puwedeng pumasok sa mga estasyon at sumakay; at ang pagtupad sa physical distancing kung kinakailangan.

 

 

 

Pinaalalahanan din ang mga pasahero na gamiting ng tama ang face masks habang nasa loob at nakasakay sa trains na dapat ay nakatakip ang areas ng nose, mouth at chin.

 

 

 

Dagdag pa ni Aquino na ang mga riding public ay dapat manatiling vigilant sa pamamagitan ng paggamit ng face mask kahit na ang karamihan ng mga Filipinos ay may bakuna na ng COVID-19.

 

 

 

“Even if you are fully vaccinated against COVID-19, you can become infected and potentially spread the virus to others,” saad ni Aquino.

 

 

 

Tinatawagan rin ni Aquino ang mga pasahero na magpaturok na ng second booster ng COVID-19 dahil ang Department of Health (DOH) sa ngayon ay nagbibigay na ng bakuna sa lahat ng matatanda kasama na rin ang 18 years old at above.

 

 

 

Ayon kay DOH undersecretary at officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang mga cases ng COVID-19 ay tumataas mula 274 cases kada araw at sa kasalukuyan ay may naitalang 371 cases na kada araw.

 

 

 

“Cases are climbing but not as big as the numbers we had in the past years. Cases are expected to increase and decrease depending on the activities in the country,” sabi ni Vergeire.

 

 

 

Sa kabilang dako naman ay muling pinaalalahanan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang publiko na magsuot ng face masks sa mga crowded na lugar matapos ilagay ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Alert Level 1.

 

 

 

“Let us continue to be careful. Wear face masks, especially in enclosed areas. It is better to take precautions than regret later,” sabi ni Lacuna. LASACMAR

Gobyerno ng Pilipinas, naghahanda na para ialis ang mga Pinoy sa Sudan

Posted on: April 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

GINAGAWA na ng pamahalaan ang kailangang paghahanda para ialis  ang mga Filipino sa Sudan  kasunod ng idineklarang 72-hour ceasefire roon.

 

 

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang idineklarang 72-hour ceasefire ay makapagbibigay  ng oportunidad o pagkakataon para maibalik sa Pilipinas ang mga Filipinong naipit sa war-torn country.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos makipagpulong sa  Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense (DND) hinggil sa kasalukuyang mga usapin kabilang na ang situwasyon sa  Sudan partikular na ang gagawing pagpagpapauwi ng ligtas ng pamahalaan sa mga Filipino roon.

 

 

“Right now, we are hoping that the 72-hour ceasefire that has been declared will hold and we will — we are preparing ourselves,” ayon sa Pangulo.

 

 

“So we’re trying — we’re watching this situation very, very closely and to see if there’s a window of opportunity na mailabas natin ang mga Philippine nationals natin,” dagdag na wika ng Chief Executive.

 

 

Tinuran ng Pangulo na patungo na si  Migrant Workers Secretary Susan Ople sa rehiyon “in anticipation of the ceasefire effectivity, hoping to take advantage of the lull in the fighting to move people out of Sudan.”

 

 

“Mailabas natin ang mga tao natin. So that’s what we’re working on now. Ang mahirap is that even the land routes are not completely safe. As yet, ‘yung mga airport binomba pa, hindi talaga magamit. So we are still trying to find alternative ways,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Idinagdag pa nito na  tinitingnan ng gobyerno ng Pilipinas ang Saudi Arabia at Djibouti sa East Africa sa kabila ng original plan na dalhin ang  mga Filipino sa Cairo, Egypt,  sa kabila ng mas matagal na ruta kumpara sa ibang lokasyon.

 

 

Inanunsyo ng Estados Unidos, araw ng Lunes na ang naglalabanang paksyon sa Sudan ay sumang-ayon sa 72-hour ceasefire simula ng hatinggabi ng Abril 24.

 

 

Sinabi naman ni US Secretary of State Anthony Blinken na ang kasunduan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces (SAF), at Rapid Support Forces (RSF) ay nabuo kasunod ng matinding negosasyon.

 

 

Ang Estados Unidos ayon kay  Blinken ay makikipag-ugnayan sa regional at international partners, at Sudanese civilian stakeholders para tumulong sa paglikha ng komite na mangangasiwa sa  negosasyon, konklusyon at implementasyon ng  isang  permanent cessation of hostilities at humanitarian arrangements sa Sudan.  (Daris Jose)

Puntirya ni VP Sara: 100% ng mga kabataang Pinoy, nag-aaral

Posted on: April 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN  si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga magulang at local government units (LGUs) na tiyakin na 100% ng mga kabataang filipino ay nag-aaral.

 

 

“Dapat po meron tayong target na paniguraduhin na 100% sa ating mga kabataan ay nag-aaral,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa pagdiriwang ng 23rd Pagbana-ag Festival at 64th Hinoba-an Anniversary sa Hinoba-an, Negros Occidental.

 

 

Sinabi ni Duterte na mahalaga para sa mga kabataan na magabayan sa tamang landas at huwag hayaan ang mga ito na maligaw ng landas tungo sa ilegal na droga at marahas na ekstremismo.

 

 

Ibinahagi rin ni Duterte  ang  DepEd’s PagbaBAGo campaign, pino-promote ang edukasyon bilang paraan para tuldukan ang kahirapan.

 

 

Ang programa ay unang ipinatupad sa Davao City  noong Alkalde pa lamang si Duterte.

 

 

“Dala namin sa PagbaBAGo campaign ang importance ng responsible parenthood o pagpaplano ng pamilya dahil karamihan sa mga naghihirap na pamilya maraming anak dahil wala silang access sa kaalaman sa tamang pagpaplano ng pamilya,” ani Duterte. (Daris Jose)