Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
KUMPIYANSANG inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ang Bataan-Cavite Interlink Bridge na mapaluwag ang trapiko sa Kalakhang Maynila.
Si Pangulong Marcos ay dumalo sa Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) Milestone Ceremony na isinagawa sa bayan ng Mariveles sa Bataan.
Sinabi nito na ang travel time sa pagitan ng mga lalawigan ng Bataan at Cavite ay magiging 45 minuto na lamang mula sa limang oras.
“With the BCIB, it is projected that that five hours trip will now become as close – as quick as 30 minutes, reducing by as much as 86%, and we are reducing it to maybe 45 minutes of travel,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.
“That will be an incredible feat when it happens and would significantly help in decongesting Metro Manila as motorists will be able to travel without passing through the metropolis,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Aniya pa, makatutulong din ang interlink bridge na mabawasan ang presyo ng “goods at services” dahil ang transport at logistics costs ay bababa rin, “thereby generating immense savings all around.”
“And facing the challenges, it was prescient that we continued with this project until we got to this point, and I am sure until it is finished,” ani Pangulong Marcos.
“It is prescient because at the time we did not think of supply chain problems that now that we have. And this kind of improved connectivity is the perfect solution to that,” dagdag na wika nito.
Ang prediksyon naman ng Pangulo ay mga bagong oportunidad sa Bataan at Cavite at sa mga nakapalibot na lalawigan dahil sa “easier access” na magiging available sa publiko. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
SOBRANG seloso pala ang boyfriend ni Jasmine Curtis Smith na si Jeff Ortega.
Sa pitong taon daw na may relasyon sila, nauunawaan na raw ni Jasmine ang pagiging seloso ni Jeff. Kaya tuwing meron sila ‘di napag-uunawaan, nagiging honest agad si Jasmine sa pagsabi kay Jeff kung ano ang diperensya nito.
“Mas na-practice ko na immediate. Kasi kapag nag-linger, ang daming nagfo-fall na bagong thoughts and comments sa utak ko. I don’t want that to add up.
“People in your life will come and go, no matter the circumstances — good or bad and kailangan ready ka sa mga ganun bagay for you to stand up even when things are shaking and changing,” sabi pa ni Jasmine.
***
THREE months after na masagasaan ng snowplow ang Marvel actor na si Jeremy Renner, ngayon ay nakatatayo na ito at gumagamit na ng treadmill.
“Now is the time for my body to rest and recover from my will,” caption ng 52-year old bida ng series na Hawkeye sa pinost nitong video.
Nalagay sa critical na condition ang two-time Oscar nominee noong pumailalim siya sa isang umaandar snowplow sa kanyang bahay sa Reno, Nevada noong January. Higit na 30 bones ang na-fracture sa iba’t ibang parte ng katawan niya.
Hindi pala nalagay ng aktor sa emergency brake ang minamaneho niyang snowplow noong bumaba siya para tulungan ang kanyang nephew sa kotse nito.
(RUEL J. MENDOZA)
TAPOS na ang pagtatanong at paghuhulaan, kung sino ang magho-host ng international singing competition, ang “The Voice Generations” na first time na mapapanood sa Asia at sa GMA Network.
Si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang napiling mag-host ng singing competition at ipinakilala na nga siya last Sunday, sa “All-Out Sundays.”
Si Dingdong na mismo ang nagsabi kung sinu-sino ang pwedeng sumali sa competition, the latest spin-off of ‘The Voice’ franchise, where viewers get to see the country’s greatest performers from different generations, showcase their talents.
“Dito po pwedeng magsama-sama ang iba’t ibang generations na may relasyon, iyong mga tunay na relasyon, mag-ama, magkapatid, mag-ina, pwedeng magbuo ng duo, group of 3 or more, from 7 years old pataas,” sabi ni Dingdong.
“Pwedeng teacher and student, magka-opisina, basta mula sa iba’t ibang generation. On-going na ngayon ang audition, pwedeng personal na magpunta sa GMA Network or by online sa official pages ng ‘The Voice Generations.’”
Pero may isa pang aabangan, kung sino ang magiging coaches ng mga contestants, na manggagaling din sa iba’t ibang generations.
***
IPINASILIP na ng GMA at ABS-CBN last March 31, ang first teaser ng biggest collaboration TV project nila, ang upcoming drama series na “Unbreak My Heart,” na most of the parts ay kinunan sa Switzerland at Italy.
Napanood ito sa respective social media accounts ng GMA, ABS-CBN, Dreamscape Entertainment at VIU.
Ito ang kauna-unahan at biggest collaboration television project ng GMA at ABS-CBN, na ginagampanan nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap and Jodi Sta. Maria, kasama rin sina Laurice Guillen, Eula Valdez, Nikki Valdez, Bianca de Vera, Gardo Versoza, Victor Neri, Jeremiah Lisbo, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Mark Rivera.
Totoo kayang nagulat ang mga nanood sa ilang matitinding eksena sa ipinalabas na teaser? Ang kaabang-abang na drama series ay mapapanood this 2023 sa GMA at VIU na may taglines na “Experience love like you’ve never experienced before” at “Let destiny find its way to show you a love that is beyond ordinary!”
(NORA V. CALDERON)